You are on page 1of 16

Pagkilala sa

Kultura
ng Pangkat T’boli
I. Paksa

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa


pagkilala sa pangkat T’boli pati sa
kanilang kultura. Makikita rin dito ang
klase ng kanilang pamumuhay at
makikilala ang kanilang paniniwala at
mga sining na ipinagmamalaki ng mga
pangkat T’boli.
II. Rasyonal

Mahalaga ang paksang ito sapagkat dito natin malalaman


ang kultura ng ating kapwa Pilipino na T’boli.

a. Ano ang klase ng kanilang pamumuhay ?


b. Ano ang kinagisnang paniniwala ?
c. Ano ang kanilang mga kasuotan ?
d. Ano-ano ang kanilang mga pinagkukunan ?
e. Ano ang kanilang mga sining ?
III. Pamamaraan

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa


pamamagitan ng pagtingin sa internet
at pangangalap ng impormasyon sa
libro.
IV. Panimula

Ang T’boli ay tumutukoy sa isang


pangkat etniko na naninirahan sa
Timog Cotabato. Mayroon ding mga
T’boli na naninirahan sa Agusan Del
Norte. Iba’t iba rin ang mga kultura ng
mga T’boli.
V. Pagtalakay
Ayon sa Internet, ang mga T’boli ay ‘di sumusunod sa
mga sulat na batas, pero sila ay sumusunod sa mga
tradisyon at mga sinasabing “Folk Tales”.

Mga Kasuotan

Ang mga kasuotan ng mga T’boli ay makukulay. Ang mga damit ng mga
babae ay tinatawag na Kgal Bengkas, isang blusang mahaba at bukas
ang harapan. Fan De naman ang tawag sa kanilang pang-ibaba na isang
palda na kulay pula o itim, binibili ito mula sa mga taga-lambak o
kapatagan. Ang mga damit ng mga lalaking T’boli ay tinatawag naman
na Kgal Saro, isang dyaket na gawa sa abaka. Sawal Taho naman ang
tawag sa kanilang pang-ibaba na isang pantalon na hanggang tuhod.
Lew, isang simpleng turban o putong sa ulo.

Mga Pamumuhay

Ayon sa Internet, “ang anyo ng kanilang bahay ay nag-iiba batay sa


katayuan nila sa lipunan ang sukat ng bahay nila ay katumbas ng sukat
ng kanilang kayamanan”.
Gunu Bung ang tawag nila sa bahay na may dalawang palapag.
Mga Pinagkukuhaan

Ayon sa Internet, “ang mga T’boli ay mga kaingero na nagtatanim ng


bigas, kamoteng kahoy, at ube. Pinuputol nila ang mga malalaking puno
sa kagubatan at sinusunog ang mga maliliit na puno at mga damo,
pagkatapos ay itatanim sa lupa.
Nangangaso rin sila at nangingisda para sa karagdagang pagkain.
Naghahabi rin sila ng tela mula sa abaka.

Mga Paniniwala

Naniniwala ang mga T’boli sa maraming Diyos. Pinakamalakas sa Diyos


na ito ay si Kadaw Lasambad na Diyos ng Araw bukod sa mga Diyos,
naniniwala rin sila na ang lahat ng bagay ay may sariling espiritu na
dapat amuhin upang magkaroon ng magandang kapalaran.

Mga Sining

Maraming itinutugtog na instrumentong pang-musika ang mga T’boli,


kabilang na sa instrumento na kanilang hinihipan ay ang slali o plawla
na yari sa kawayan. Kubing at Lew o maliliit na tambuli. Kuwerdas
tulad ng sludoy at hagalog.
VI. Lagom

Bilang pagbubuod, ang mga T’boli ay hindi sumusunod sa


batas pero sila ay sumusunod sa kanilang kinagisnang
kultura. Makukulay ang mga kasuotan, nakabatay ang
laki ng kanilang tahanan sa kayamanan sa mayoon sila.
Sila ay nangangaso at nangingisda para sa karagdagang
pagkain. Naniniwala rin sila sa maraming Diyos. Marami
rin silang mga instrumentong pangmusika.
VII. Kongklusyon
Natuklasan sa pananaliksik na ito ang mga
sumusunod :
a. Ang kanilang pananamit.
b. Ang kanilang pamumuhay.
c. Mga paniniwala.
d. Mga pinagkukunan ng pangkabuhayan.
e. Mga sining na ipinagmamalaki ng mga
T’boli.
VIII. Rekomendasyon

Buod pagpapakumbabang iminumungkahi ng


mga mananaliksik ang mga sumusunod :
Ninanais namin galangin ang bawat
paniniwala ng bawat isa. Nais din naming
pahalagahan at malaman ninyo ang kultura
ng ating mga kapwa Pilipino. Nais naming
malaman niyo ang mga pangkabuhayan ng
bawat Pilipino.
IX. Talaan ng mga Sanggunian

a. https://www.l/tl.m.wikipedia.org/wiki/t/boli
b. https://www.slidesharenet>t’boli
c. https://www.sildesharenet/mobile/gomigomi/t’boli
d. https://www.prezi.com/m/omvmjrbxkiy/kulturangt’boli
e. https://www.migsworld.com/t’bolihtml
X. Apendiks

Lao, Ma. Kristina A.


Oktubre 23, 2005
Bulacan
Filipino
13 taong gulang
8 – Ezekiel
Babag, Jerome Marcus D.
Nobyembre 24, 2005
Maynila
Filipino
13 taong gulang
8 – Ezekiel

Dorotan, Jaypurs Philip T.


Agosto 12, 2006
Bulacan
Filipino
13 taong gulang
8 – Ezekiel
Javier, Anthony H.
Hunyo 9, 2006
Maynila
Filipino
13 taong gulang
8 – Ezekiel

Reyes, Angela S.
Abril 4, 2006
Bulacan
Filipino
13 taong gulang
8 – Ezekiel
Valleser, Nelle Kristen S.
Agosto 15, 2005
Caloocan
Filipino
14 taong gulang
8 – Ezekiel

You might also like