You are on page 1of 11

Aralin 3: Ang bansa/Nasyon bilang Hinirang Bayan

Introduksyon
Hihimayin sa araling ito ang mga kaugalian ng mga Pilipino, malalaman at
matutukoy kung anong mga kaugaliang ang mas madalas na makikitang ginagawa
ng mga Pilipino. Matutukoy rin sa mga kaugaliang ito ang matatawag na positibo at
negatibong kaugalian na nagdudulot ng iba’t ibang masamang epekto sa isang
Pilipino.
Layunin:
Layunin ng araling ito upang masuri ang mga katangian ng isang
bansa/nasyon at maipapahayag kung paano nakakaambag ang mga akda ni Rizal
sa pagkamakabansa/nasyonalismo at makapagbigay ng interpretasyon sa pananaw
at opinion tungkol sa bayani at kabayanihan sa konteksto ng kasaysayan at lipunang
Pilipino.

AKTIVITI

Gawain 1
Kilalanin ang Sarili

Panuto: Maglagay ng iyong sarilling larawan sa kahon. Tiyakin na ang larawan na


iyong ilalagay ay buo, malinaw at totoo. Pagkatapos, ilarawan ang iyong sarili batay
sa iyong panloob na katangian. Maging tapat sa paglalarawan.

Deskripsyon sa Sarili
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________

ANALISIS

Gawain 2
Pagpapaliwanag

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga karakteristik mo na labis mong nagugustuhan sa iyong sarili?


Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________

2. Ano-ano ang iyong mga katangian na gusto mong baguhin? Bakit?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________

3. Bilang isang Pilipino, anong kulturang Pinoy ang tinataglay mo na nais mong
ipagmalaki sa iba? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________________________

ABSTRAKSYON

Ang Nasyonalismo ni Rizal Batay sa Kanyang Pinagmulan na Kultura


Bago pa man dumating ang mga Kastila upang sakupin at impluwensiyahan
ng kanilang kultura ang ating bansa, mayroon ng sariling kultura na lumalaganap sa
Pilipinas. Ayon sa mga arkeologo, nagsimula ang pag-unlad ng kultura ng bansa
bago pa man ito napasailalim ng mga banyaga sa mga sumusunod na kadahilanan;
una, ang kultura ng mga katutubo ay nagsimulang umunlad bago pa man ang
panahon ng Kristiyanismo. Pangalawa, ang mga kulturang ito ay nasa panahon ng
sinaunang bato at panahon ng bakal na may organisadong pamumuhay. Ang huli ay
ang mga unang nanirahan sa bansa ay nagmula sa Borneo, Indo-Tsina, Timog
Tsina at sa iba’t ibang parte ng Timog Silangang Asya.
Pinaniniwalaang dumating ang mga Negritos sa Pilipinas dalawangpu’t limang
taon na ang nakalipas na unang taong nanirahan sa bansa. Ang Negritos ay
nagmula sa salitang Kastila na ang ibig sabihin ay maliliit na negro. Ang kanilang
pagkakakilanlan ay ang kanilang napakaitim na kulay ng kanilang balat, pandak,
makulot ang buhok, mapangong ilong at makapal na labi. Sila ay nakilala sa
kanilang uri ng pamumuhay, tulad ng pangingisda, pangangaso at pagkuha ng mga
halamang gubat. Pinaniniwalaan din na narating nila ang mga karatig lugar sa
pamamagitan ng tulay na kumukonekta sa Malaysia at Tsina.
Batay sa pag aaral, ang mga Malay, isa rin sa mga unang nanirahan sa
Pilipinas na lumipat sa bansa noong 300 hanggang 200 B.C. Sila ang kauna-
unahang nakarating sa Pilipinas gamit ang bangka. Hindi tulad ng mga Negritos,
katamtaman lammanng ang kanilang laki, kayumanggi ang balat at tuwid ang mga
buhok. Baon nila ang kanilang husay sa pagmimina at paggawa ng kasangkapan,
armas, kagamitan sa kusina at alahas na yari sa metal. Ang iba naman ay nagdala
ng iba’t ibang hayop para sa kanilang agrikultura tulad ng kabayo at kalabaw ang
gumamit ng teknolohiya para makagawa ng paso bilang palamuti. Sa kanila rin
nagsimula ang pag-unlad ng ating katutubong kultura.
Ang pangalawang grupo ng mga Malay ay nagdala ng sistema ng pagsulat na
kung tawagin ay “syllabaries writing” o mas kilala ngayon bilang baybayin. Dumating
sila noong humugit-kumulang labintatlong siglo, kung kailan nagsimula ang panahon
ng Kristiyanismo at noong humigit-kumulang labinlimang siglo. Dumating ang huling
grupo ng mga Malay, ang Muslim Malay na naging dahilan ng pag-usbong ng Islam
sa Mindanao at Sulu.
Dahil sa pag-iral ng sistema ng pagsulat, paggamit ng metal at kawalan ng
kanibalismo, naging daan ito sa mga dayuhang mangangalakal tulad ng Tsino,
Arabo at Malay na makalapit sa bansa noong ikasiyam na siglo. Sa paglipas ng
panahon, nakaranas ang Pilipinas ng napakaraming klase ng kultura. Ang
kombinasyon ng mga kultura galing sa iba’t ibang bansa ang naging dahilan upang
maihulma ang mga Pilipino at ang kultura nito. Bago pa man dumating ang mga
Kastila, mayroon nang sariling kultura ang mga Pilipino, mayroon ng mga tradisyon
na nabago ng iba’t ibang tradisyon at kultura galing sa iba’t ibang mananakop.
Nagpatuloy ang pagpapalitan ng sangkap at iba pang kalakal sa pagitan ng Pilipinas
at iba pang bansa bago dumating ang Kastila. Sa panahong iyon, nagkaroon na ng
palitan ng lenggwahe, uri ng pagsulat, literatura, politika at uri ng paghatol na
naaayon sa panahong iyon.
Ang mga malalayong lugar sa bansa ay pinaninirahanan ng mga Negritos.
Nagkaroon lamang ng iba’t ibang lahi dahil sa dami ng kulturang pumasok sa bansa.
Kahit napakadaming pagkakahalintulad ang iba’t ibang tribo, napakahirap pa ring
makamit ang pagkakaisa ng lahat ng naninirahan sa bansa. Dahil dito, napadali ang
pagsakop ng mga mananakop sa Pilipinas. Nahati ang bansa sa mga maliliit na
grupo na kung tawagin ay “barangays” na patuloy na lumalaban upang mabuhay. Ito
ang naging dahilan upang mabuo ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino at nagbigay
ng pamana na hindi mahawakan ng mga mananakop galing sa kanluran sa loob ng
apat na siglo. Ang mga Pilipino ay nanggaling sa iba’t ibang kultura na nagmula sa
ilang siglong pakikihalubilo sa mga banyaga sa pamamagitan ng pangangalakal at
pagkasakop. Ito ang naging dahilan kung bakit napakakomplikado ng mga Pilipino.
Ang kombinasyon ng Kanluranin at Silanganin ang naging dahilan kung bakit
nahihirapang maunawaan ng mga banyaga ang mga Pilipino.

Kaugalian ng mga Pilipino


Mahirap tukuyin at bigyang kahulugan ang mga katangiang nagbibigay
kahulugan sa pagiging Pilipino. Ang pagtukoy sa mga katangian at kaugalian ng
mga Pilipino ay mahirap tukuyin at ilarawan dahil na rin sa impluwensiya ng
kalakalan at ng kolonisasyon. Ang mga Pilipino ay isang kombinasyon ng mga
Silanganin at Kanluranin, kung kaya’t ang mga kaugalian ay mapapansing
magkasalungat na siyang naging dahilan kung bakit nahihirapan ang mga dayuhan
sa pag-intindi.

Malapit na Ugnayan ng Pamilya


Ang pamilya ay ang pinakamaliit na yunit ng komunidad na kung saan
nagsisimula ang pakikitungo na maaring maganap sa pagitan ng mga kasapi nito na
maaaring may mga lolo at lola, mga magulang at mga kapatid. Kilala ang mga
Pilipino sa pagiging malapit sa pamilya at gaya ng kasabihan sa wikang Ingles
“Blood is Thicker than Water” na nangangahulugang palaging mauuna ang mga
pamilya kahit anong mangyari. Tinuturing ang ama bilang haligi ng tahanan at ang
ina naman ang ilaw ng tahanan.
Isa rin sa mga kapansin-pansing manipestasyon ng malapit na ugnayang ng
pamilyang Pilipino ay ang pagkakaroon ng mga ibang kamag-anak maliban sa
kanilang pamilya kagaya ng mga pinsan, mga tito at tita at iba pa. Napapanahon din
ang mga pag-uwi ng mga OFW tuwing Disyembre at dahil sa katangiang ito ng mga
Pilipino nabigyang buhay ang konsepto ng “pasalubong” na kung saan ang isang
Pilipino ay umaalis upang pumunta sa ibang lugar, dapat siyang magdala ng mga
bagay o pagkain na nanggaling sa kanyang pinuntuhan kapag siya ay babalik.

Mabuting Pagtanggap at Pakikitungo


Ang mabuting pagtanggap at pakikitungo ay talagang bahagi na ng mga
kultura ng mga Pilipino at ito’y makikita at mararamdaman sa kabahayan ng mga
Pilipino kapag mayroong bumibisita o kahit mga estranghero lamang ang
mapapadaan. Kapansin-pansin din na kahit ang pinakamahirap na mga Pilipino ay
naghahanap ng paraan upang maasikaso at maging komportable ang pakiramdam
ng mga bisita at may mga pagkakataon pa na ang mga may-ari ng bahay ay
natutulog sa sahig upang mas maayos ang matulugan ng kaniyang mga bisita. Isa
sa mga patunay nito ay ang paghahanda ng mga Pilipino ng mga masasarap na
pagkaing kanilang makakaya.
Paggalang sa Nakatatanda
Isa sa mga unang itinuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak ay ang
paggalang sa mga matatanda. Para sa mga nakatatandang Pilipino, nakakasama ng
loob kapag hindi gumagamit ng po at opo ang nakababatang kausap. Makikita rin
ang patunay na malakas ang impluwensiya ng mga magulang sa kanilang mga anak
sa pakikipag-usap sa kanila tungkol sa mga mahahalagang bagay at hindi pagsagot
ng pabalang sa kanila. Hindi lamang sa pagsasalita nakikita ang paggalang ng mga
Pilipino sa mga nakatatanda, ito rin ay makikita sa kanilang mga gawa at gawi gaya
ng pagmamano o paghalik sa kamay at pisngi ng mga nakatatanda na karaniwang
ginagawa ng mga bata matapos magdasal, pagkagaling sa simbahan, bago umalis
at pagdating ng bahay, kapag may dumadating na bisitang kamag-anak o matanda
at kapag nakita at nakasalubong nila ang kanilang ninong at ninang sa daan.

Bahala Na
Ang katagang ito ay sinasabing nagmula sa “Bathala Na” o pagpapaubaya ng
mga bagay-bagay kay Bathala. Ang katagang ito ay nagpapakita sa pagdepende ng
mga Pilipino sa konsepto at sa kapangyarihan ng tadhana. Ang konseptong ito ay
pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino, sa kabila ng mga paliwanag at patunay ng
agham. Walang lohikal na perspektibo ang makakabago sa paniniwalang ito ng mga
Pilipino.
Ang paniniwalang ito ay nagbibigay ng abilidad sa mga Pilipino na mabilisang
tanggapin ang mga kamalasan at paghihirap. Maraming naniniwala na ang
paniniwalang ito ng mga Pilipino ay negatibo ngunit mayroon din namang
nagsasabing ang pagtanggap at pagyakap sa ganitong kaugalian ay hindi
nangangahulugang susuko ka na kung hindi pinapadali lang nitong tanggapin ang
katotohanan at kahihinatnan kapag hindi nagawang solusyonan ang isang
sitwasyon.

Katapatan
Ang konsepto ng katapatan ay makikita sa pagtulong ng mga Pilipino sa
kanilang mga kaibigan at hindi lang sa kanilang mga kaibigan kung hindi kasama na
rin ang kanilang pamilya. Para sa mga Pilipino, ang pagkakaibigan ay sagrado na
kahit kaunting pagtulong ay tatanawin at tatandaan ng mga Pilipino hanggang sa
kanilang huling hininga. Maipapakita din ang konsepto ng katapatan sa pagsasauli
ng mga mamamayang Pilipino ng mga kagamitang nakita sa daan o naiwan sa mga
kainan o kahit sa mga pampublikong sasakyan.

Pagseselos
Para sa isang Pilipino hindi kaaya-ayang tingnan ang mga kababaihang
nakikipaglandian sa maraming lalake. Para sa kanila, kung ano ang kanya ay sa
kanya lang talaga at hindi niya ipamamahagi pa. Kapansin-pansin ding kahit ang
mga malalapit na kaibigan ng isang Pilipino ay hindi maaring halikan ang kanyang
nobya o kasintahan kahit sa pisngi o kamay man lang. Ang mga Pilipino ay nagiging
mausisa kung sila ay nagsisimulang magduda na sa kanilang mga kasintahan. Ang
kanilang pagiging mausisa ay makikita sa pagtingin ng mga mensahe sa kanilang
telepono o kahit sa kanilang social media accounts. Matinding galit naman ang
nagiging kapalit nito kapag may matuklasang hindi kaaya-aya.

Pakikisama
Ang mga Pilipino ay mayroong kakayahang makihalubilo at makisama sa iba’t
ibang uri ng tao at may kakayahan din silang isantabi ang kanilang pansariling
kaligayahan upang makipagtulungan sa ibang tao. Ito ay katangian ng tapat na
pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng mga Pilipino, na siyang nagiging dahilan ng
pagkalikha ng isang komunidad na naaangkop sa lahat.

Mañana Habit
Ang katagang Mañana ay isang salitang Espanyol na nangangahulugang
bukas o mamaya. Ang ugaling ito ng mga Pilipino ay patungkol sa pagpapabukas ng
mga mahahalagang gawain na kung susuriin naman ay mayroon pang oras para
gawin ito. Nakasanayan na ng mga Pilipino na ipagpaliban ang mga gawain kapag
mahaba pa ang panahong natitira upang gawin at tapusin ito at doon lamang
sisimulang gawin kapag malapit na ang mga araw ng pagpasa na nagdudulot ng
pagbaba ng kalidad ng kanilang mga proyekto.
Ningas-Kugon
Ang kaugaliang ito ng mga Pilipino ay naikumpara sa bilis at lakas ng pag-
apoy ng kugon sa simula ng pagsunog na siya rin namang bilis nang pagkaapula.
Maihahalintulad ito sa kaugalian ng mga Pilipino na magaling lamang sa pagsimula
ng isang proyekto subalit pagdating ng kalagitnaan ay tumigil na at sumusuko.

Crab-Mentality
Ang ugaling ito ay mahahalintulad sa mga talangkang inilagay sa isang timba,
kapansin-pansin na ang mga ito ay nag-uunahang makalabas at ang bawat isa ay
naghihilaan upang makaakyat lamang at makalabas sa tamang lagusan. Kaugnay
ng kaugaliang ito ay ang pag-iisip na kung ang isang bagay ay hindi mapupunta sa
kanya ay tinitiyak din niyang hindi mapupunta sa iba.
Ang mga nabanggit na mga kaugalian ay naging paraan upang matawag na
Pilipino o sa madaling salita, tatak Pinoy. Ayon ay Phelan (1957), sa panahon ng
pananakop ng mga Espanyol, naghalo na ang dating kultura at ang bagong kultura
na siyang nakalikha ng isang panibagong kultura. Para sa mga Pilipino, nananatili
ang kanilang identitad habang tinatanggap ang iba’t ibang impluwensiya sa kultura
na dala ng mga Espanyol. Kahit anong pinsala man ang kanilang naranasan, nakaya
nilang lagpasan ang mga ito.

APLIKASYON

Panglan:______________________________ Petsa:________________
Araw at Oras ng Klase:___________________

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang iyong mga opinyon at reaksyon tungkol sa kaugalian ng mga


Pilipino?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_________________________________________
2. Paano mo maipakita sa mga dayuhan ang iyong sariling identidad na
nagpapakita ng pagiging Pilipino?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_________________________________________
3. Kung ikaw si Rizal, ano-anong mga kaugalian ng Pilipino ang nais mong
dalhin sa ibang bansa? Bakit?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_________________________________________
4. Ano-ano ang mga naging impak ng kaugaliang Pilipino sa iyong sariling
pagkatao o buhay? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_________________________________________

KLOSYOR

Ang nagiging paksa ng talakayan ay tungkol sa kung ano nga ba ang


nasyonalismo ni Rizal batay sa kanyang pinagmulan na kultura at tradisyon.
Tinalakay rin ang mga sinaunang tao na nanirahan sa bansa at kung ano ang naging
kontribusyon nila sa kultura at tradisyon ng bansang Pilipinas, kung paano
nagkaroon ng iba't ibang tribo at iba pang may kaugnayan sa pagkahubog ng
tradisyon at kultura na naging parte ng pagkatao ni Rizal.

References

Agoncillo, T.A. (1990). History of the Filipino People. 8 th ed. Philippine: Garotech
Publishing.
Araneta, G.C. (2010). Legislating Rizal. Retrieved July 10, 2020, from https://
web.archive.org/web/20101230174413/https://www.mb.comph/articles/29510
3/legislating-rizal

Bernad, M. (1874). The Propaganda Movement:1880-1895. Philippine Studies.


22 (1-2): 210-211
Delgado, J.J (1904). Samething worth Knowing about the Governors of the
Philippine Island. In Emma
Maghuyop R., Galladora T. M., Ruiz G., Babac, V., Gallinero, W., (2018). The life
and Works of Jose Rizal. Mutya Publishing House Inc.
Maghuyop R., Galladora T. M., Ruiz G., Babac, V., Gallinero, W., (2018). The life
and Works of Jose Rizal. Mutya Publishing House Inc.

National Commission for Culture and the Arts (2015). Selection and Proclamation of
National Heros and Laws Honoring Filipino Historical Figures. Retrieved July
25, 2020, form https//ncca.gov.gov,ph/about-culture-and-arts/culture-
frofile/selection-and-proclamation-of-national-heros-ang-laws-honoring-
filipino-historical-figures/

Pangalangan, R. (2010). The Intence Debate on the Rizal law. Retrieved December
5, 2017, Retrieved July 22 2020, from
https:/opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20101231-
311798/The-intens-debate-on-the-Rizal-Law

Phelan, J.L. (1959). The Hispanization of the Philippines: Spanish Aims and
resposes of the 1965-1700. Madison: The Wisconsin Press.
Schumacher, J. N. ( 1972). The Cavite Mutiny: an Essay on the Published Sources.
Philippine studies, 603-632.
Wickberg, E. (1964) The Chinese mestizo in Philippine history. Journal of Southeast
Asia history, 5(1), 62-100.
Vidal, J.M. (1904). Pilitical and Administrative Organization. In Emma H. Blair and
James A. Roberton. The Philippine Islands: 1493-1898. Volume XVII,
pp322-324. Cleveland: Arthur H. Clark Co.

You might also like