You are on page 1of 35

Bulacan State University

Kolehiyo ng Arkitektura at Pinong Sining

ISANG IMPERIKAL NA PAG-AARAL NG

EPEKTO NG PANSIT-PANSITAN SA TIGYAWAT :

BASEHAN SA PAGLIKHA NG

ALTERNATIBONG PANTAPAT SA

KOREAN ALOE GEL

Apoderado, Caleb

Cabigting, Gezelle Mae

Jimenez, Alliah

Mendoza, Alcris DG.

Mula sa klase NG BSAR 1A

Mula sa patnubay ni:

Prop. Jennifer Delfin


Pasasalamat

Ang mga nabanggit ay lubos na pinasasalamatan dahil sa kanilang kontribusyon sa

pagbuo ng pananaliksik:

Una sa lahat sa Poong Maykapal sa pagbibigay ng lakas at talino sa mga mananaliksik

upang maisakatuparan ang pananaliksik.

Sa mga magulang ng mga mananaliksik na nagbigay pagmamahal at suporta para sa

kanilang isinasagawa ang proyekto.

Sa tagapayo ng pananaliksik na ito na si Bb. Jennifer Delfin sa paggabay niya at

pagbibigay ng mga ideya o impormasyon sa paggawa ng pananaliksik.

Ang mga naging respondente ng pananaliksik na ito sa kanilang bukal sa pusong

pagsasagot sa sarbey at paggamit ng pansit-pansitan sa kanilang mukha upang makakalap ng

datos na kinakailangan.

Sa pangkat ng BSAR 1-A sa kanilang suportang moral sa mga mananaliksik habang

isinasagawa ang aktibidad na ito.

Mga Mananaliksik
Talaan ng mga Nilalaman

Dahon ng Pamagat......................................................................................................................1

Pasasalamat

Abstrakto....................................................................................................................................2

Kabanata 1- Ang suliranin at Kaligiran nito

Panimula.........................................................................................................................4

Balangkas na Konseptuwal............................................................................................5

Paglalahad ng Suliranin..................................................................................................5

Haypotesis......................................................................................................................6

Kahalagahan ng Pag-aaral..............................................................................................6

Sakop at Limitasyon......................................................................................................7

Kahulugan ng mg Katawagan........................................................................................7

Kabanata 2- Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral..................................................................................

Kabanata 3- Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik..................................................................................................

Respondente at Populasyon.............................................................................................
Teknik sa Pagpili ng mga

Respondente............................................................................

Instrumento sa Pananaliksik.............................................................................................

Hakbang sa Paglikom ng mga Datos................................................................................

Kabanata 4- Paglalahad, Pagsusuri at Pagbibigay-Interpretasyon ng mga datos

Talahanayan......................................................................................................................

Interpretasyon...................................................................................................................

Kabanata 5-Buod, Konklusyon, at Rekomendasyon

Paglalagom.......................................................................................................................

Konklusyon......................................................................................................................

Rekomendasyon...............................................................................................................

Talasanggunian

Apendiks

Pansariling tala ng mga mananali+ksik


ABSTRAKTO

Tagyawat ang numero unong pinoproblema hindi lamang ng kabataan ngunit pati na din

ang mga may edad na, simula pa man noon. Ngayon nga ay nauso na ang paggawa ng

sari-sariling“skin care routine” kung saan kabilaan ang pagbabahagi nito sa iba’t-ibang social

networking sites tulad ng facebook at youtube. Isa sa pinakauso ay ang Korean Aloe Vera

Gel na mabisang pang-alaga ng balat partikular sa mukha. Ito ay nagtataglay ng antioxidants,

bitamina A at C, at mahusay din na anti inflammatory. Sa pananaliksik na ito na

pinamagatang Isang Imperikal na Pananaliksik ng Epekto ng Pansit-pansitan sa Tagyawat:

Alternatibong Pantapat sa Korean Aloe Gel, pinaliliwanag ang pagiging epektibo ng

halamang pansit-pansitan bilang anti-oxidant, anti-inflammatory, at bilang mabisang

pang-gamot sa tagyawat na tulad ng ginagawa ng korean aloe gel na pinabiblis ang blood

flow sa balat habang pinapatay nito ang masasamang bacteria. Bukod pa dito, ang pansit

pansitan ay may anti-cancer properties na siyang nakapagdadagdag sa benepisyong

makukuha ng walang ginagastos.

Ang BSAR 1A ay mayroong 44 na mag-aaral at ang mga mananaliksik ay kumuha ng 10

sample na magsisilbing respondente ng pag-aaral na ito. Bukod pa dito ang iba pang mga

respondente na isinama na wala sa BSAR 1A dahil ang pamimili ng sample ng pananaliksik

na ito ay purposive.

Aktwal na pagpapapahid sa mukha ng mga respondents ang isinagawa sa loob ng pitong

araw at nagpamigay din ng mga kwestyonaryo upang matugunan ang kinakailangang

impormasyon sa pagbuo ng pananaliksik na ito. Naging resulta ang pagsangayon ng mga

respondente sa bisa ng pansit-pansitan bilang isang alternatibong gamot sa tagyawat at pang

skin care routine na nagtamo ng 3.75 na marka sa kabuuang 5.00 na marka. Patunay lang sa
pagiging epektibo nito hindi lang sa paggamot ng tagyawat kundi nadin para sa pangangalaga

ng balat.
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa pagpasok ng isang dalaga at binata sa yugto ng ​puberty iba’t ibang pisikal na

pagbabago ang nagaganap sa kanyang katawan, isa na nga rito ay pagkakaroon ng

tigyawat (​Acne vulgaris)​ ​. Sensitibo ang usaping ito pagdating sa mga kabataan sa dahilan

na ang pagkakaroon ng tigyawat sa mukha ay maaring maging tampulan ng panunukso na

magresulta sa pagkababa ng kumpiyansa at tiwala sa sarili ng isang indibidwal.

Napag-alaman sa isang panaliliksik mula sa ​British Journal of Dermatology​, na may 63

porsyento na posibilidad ng depresyon ang mga pasyenteng na-diagnose ng problema sa

tigyawat mula 1986 hanggang 2012 kumpara sa mga pasyenteng hindi nakakaranas

nito.Ayon na rin sa pag-aaral na ito ang kondisyon ng ating balat ay nakakaapekto rin sa

kasulugang pang-isipan ng isang tao partikular na nga sa kanilang ​self-esteem . Kung

kaya’t nirerekomenda sa pag-aaral na ito para sa mga manggagamot na may kinalaman sa

pag-aalaga ng balat ay magkaroon ng kamalayan hinggil sa mga sintomas ng depresyon na

maaring maranasan ng kanilang mga pasyente (Vallerand, w. t., nabanggit sa Mackenzie,

2018). Ayon pa kay Weschler w. t., nabanggit sa Mackenzie 2018, sa pagkakaroon ng

maraming tigyawat ay maaring maging sanhi ng hindi pakikisalamuha ng isang tao sa mga

tao o mga gawain na kinakailangan ng interaksyon sa iba.

Ang naging basehan ng mga mananaliksik sa pag-lunsad ng pag-aaral na ito ay ang

pagbaba ng tiwala ng kumpiyansa at tiwala sa sarili ng isang kabataan na maaring

magresulta sa anxiety at depression ng dahil sa problema sa tigyawat. Sa pananaliksik na

ito makukumpirma ang epekto pansit-pansitan o ulasimang bato (​Peperomia pellucida​)

bilang lunas sa tigyawat (​Acne vulgaris​) ​o ​acne problems.​


Balangkas na Konseptuwal

Figure 1: Paradaym Konseptuwal ng pag-aaral

Paglalahad ng suliranin

Sa pananaliksik na ito inaasahan na ang mga sumusunod ay mabigyang kasagutan

hinggil sa paksang may kinalaman sa mabisang solusyon sa tigyawat sa pamamagitan ng

alternatibong pamalit na pansit-pansitan sa mga may kemikal na pamahid.

1. Malaman kung epektibo nga ba at mabisa ang pansit-pansitan (​Peperomia

pellucida)​ ​bilang solusyon sa tigyawat.

2. Malaman ang kemikal na nasa pansit-pansitan (​Peperomia pellucida)​ ​na nakakatulong

sa pagtanggal ng ​acne.​

3. Malaman ang katangian ng kemikal na ito bilang lunas sa problema sa balat o tigyawat​.
4. Malaman kung epektibo nga ba ito kung gagawing alternatibo sa Korean Aloe Vera Gel

HAYPOTESIS

Inaasahan ng mga mananaliksik na magiging epektibo at mabisa ang pansit-pansitan o

pansit-pansitan o ulasimang bato (​Peperomia pellucida​) bilang lunas sa tigyawat (​Acne

vulgaris​) na maaring maging pamalit sa Korean Aloe Vera Gel . At walang iritasyon na

maaring mangyari sa balat sa kadahilanang ang materyal na ginamit ay organic o natural.

KAHALAGAHAN NG PAGAARAL

Sa katapusan ng pag-aaral o pananaliksik, ang magiging resulta ng ginawang

pag-aaral ay maaring maging benepisyo sa mga sumusunod:

Para sa mga Kabataan:

Alternatibong solusyon sa tigyawat o acne na kun saan nakapagpapababa ng

kumpiyansa sa sarili ng mga kabataan at maaring makuha mula sa bakuran ng mga

kabahayan

Para sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman :

Makatuklas pa ng mga likas na yaman na maaring makatulong sa bawat indibidwal

bilang alternatibong pamalit sa mga produktong hinaluan ng mga kemikal.

Para sa Kagawaran ng Kalusugan:

Mabigyang pansin ang mga alternatibong solusyon sa mga tigyawat (​Acne vulgaris​) ​at

magkaroon ng kamalayan hinggil sa depresyon dala na rin ng mga problema sa ​acne.​


Para sa mga susunod na mananaliksik:

Maari nila itong maging basehan sa pagsuporta sa kanilang pananaliksik o kaya’y

mapalawig pa ang ginawang pananaliksik ng mga mananaliksik ukol sa paksang ito.

SAKLAW AT LIMITASYON

Sa pananalisik na ito ipapakita ang kapisadad ng pansit- pansitan bilang mabisang

pantagal at pangbawas ng tigyawat sa mukha. Maaibabahagi rin ang kemikal o katangian

na nasa ulasimang bato o pansit-pansitan na nakakatulong bilang epektibong :pantagal ng

tigyawat

KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN

Anti- Bacterial: ay isang katangian ng pansit-pansitan upang mapukaw ang mga

mikrobyo na maaring dumami maging sanhi ng tigyawat sa mukha.

Anti - Inflammatory: ​ay isang katangian ng pansit-pansitan na maaring bumawas sa

pamumula, pamamaga at pananakit o paghapdi ng ng tigyawat sa mukha.

Firming moisturizer: ​ay mga produktong nagpapatili sa balat sa mukha upang ito ay

hindi mag-​dry​ at nakakapagsara ng mga ​open pores​ sa mukha

Korean Aloe Vera Gel: ​ay mga pamahid sa mukha na nagmula sa bansang South Korea

na ginamitan ng halaman na Aloe Vera.

Tigyawat: ​Ang tigyawat (​Acne vulgaris)​ ay isang kondisyon ng balat na nangyayari kapag

ang mga ​follicle​ ng buhok ay naka-plug na may langis at patay na mga ​selula​ ng balat
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Makikita sa kabanatang ito ang mga publikasyong may kinalaman sa pananaliksik na

ito, Kasama na ang mga pahayagan, aklat , web page, gayundin ang ibang mga kaugnay na

pag-aaral tulad ng tesis at disertasyon at iba pang sanggunian na magagamit na batayan sa

pagsusuri.

Kaugnay na Literatura

Banyaga

Ayon sa Mayo Clinic (w.t), Ang tigyawat o ​Acne vulgaris ay isang kondisyon ng balat

na nangyayari kapag ang mga ​follicle ng buhok ay naka-plug na may langis at patay na mga

selula ng balat. Kadalasan ay nagiging sanhi ito ng mga whiteheads, blackheads o tigyawat,

at kadalasang lumilitaw sa mukha, noo, dibdib, itaas na likod at balikat. Ang acne ay

pinaka-pangkaraniwan sa mga tinedyer, kahit na nakakaapekto ito sa mga tao sa lahat ng

edad. Ang mga epektibong pag-gamot ay magagamit, ngunit ang tigyawat ay maaaring

bumalik nang paulit-ulit. Ang mga tigyawat ay dahan-dahang gumagaling, at kapag

nagsisimula nang mawala ang isa ay may iba namang tutubo na kapalit nito. Depende sa

kalubhaan nito, ang tigyawat ay maaaring maging sanhi ng emosyonal na pagkabalisa at

peklat sa balat. Kapag ito ay maagang ginamot, mas mababa ang porsyentong

magka-tigyawat and isang tao.

Nabanggit naman sa Medical News Today (w.t.) . Ang isang tigyawat ay isang maliit

na pustule o papule. Nabubuo ang mga pimples kapag ang mga sebaceous glandula o mga oil
glands ay barado at may impeksyon na nagaganap, na humahantong sa pamamaga, at

pamumula na may kasamang pus. Kilala rin bilang mga spot o zits, ang mga pimples ay isang

bahagi ng acne. Ang mga ito ay malamang na nagaganap sa panahon ng pad-dadalaga at

pag-bibinata, ngunit maaari silang mangyari sa anumang edad. Sa panahon ng pag-dadalaga

at pag-bibinata, nagbabago ang produksiyon ng hormone. Maaari itong maging sanhi ng mga

sebaceous glandula, na matatagpuan sa base ng mga follicle ng buhok, upang maging labis na

aktibo. Bilang isang resulta, malaki ang porsyento na mangyari sa mga taong tinedyer at sa

panahon nang regla, para sa mga kababaihan. Ang mga pimples ay madalas na tumutubo sa

mukha, likod, dibdib, at balikat. Ito ay dahil maraming mga sebaceous glandula sa mga parte

ng balat ng katawan ng isang tao. Ang acne vulgaris, ang pangunahing sanhi ng mga pimples,

ay nakakaapekto sa higit sa 80 porsyento ng mga tinedyer. Matapos ang edad na 25 taon,

nakakaapekto ito sa 3 porsyento na pinaniniwalaang pinagmulan para sa mga kalalakihan at

12 porsiyento naman para sa mga kababaihan.

Batay naman kay Elsevier B.V. (2018), Ang pansit-pansitan o Peperomia pellucida ay

isang taunang damo na madalas tumutubo sa mga lugar na mahalumigmig na may mababang

solar radiation. Ang halaman na ito ay pangunahing ipinamamahagi sa Neotropics, Africa,

Timog Silangang Asya, at Australia. Ito ay tanyag na ginagamit sa paggamot ng iba't ibang

mga kondisyon ng kalusugan tulad ng mga abscesses, sakit sa tiyan, sakit sa balat,

conjunctivitis, tigdas, at mga problema sa bato. Ang ilang mga pag-aaral ay inilarawan din

ang antimicrobial, cytotoxic, antidiabetic at iba't ibang iba pang mga bioactivities.
Ang halaman ay may isang kasaysayan ng paggamit sa panggagamot. Ang datos ng

etnomedicinal sa Bolivia mula sa mga Indiano ng Alteños ay idokumento ang buong halaman

na dinurog, hinaluan ng tubig, pinainit, at pagkatapos ay ginamitan ng bibig upang mapahinto

ang pagdurugo. Ang parehong sangguniang dokumento ay isang decoction ng ugat para sa

paggamot ng mga fevers at mashed aerial parts na inilapat topically o ginamit bilang dressing

para sa mga sugat.Muñoz 2000.

Ang mga krudo na nag-mula methanolic extract ng P. pellucida ay may malawak na aktibidad

na antropikong mikrobyo sa pag-gamit ng disk ng pagsasabog ng disk. Ang mga praksiyon ay

mas aktibo kaysa sa mga extrude ng krudo.Muñoz 2000 Iba pang mga pag-aaral na

dokumento na katulad ng mga resulta para sa aktibidad laban sa maraming mga species,

kabilang ang Bacillus subtilis, Escherichia coli, Pseudomonas aeruginosa, at Staphylococcus

aureus.Bojo 1994, Lee 2016. Ang mga chloroform extract mula sa mga tuyong dahon ng P.

pellucida, lalo na ang apiol at pachypophyllin, ay mayroong aktibidad na antifungal laban sa

Trichophyton mentagrophytes.Ragasa 1998.

Lokal

Ayon naman kay Yang, A. (2013) ​ng Philippine News Tracker, ang dahon ng pansit-pansitan

ay nagtataglay ng limang bioactive compound na may gamit sa panggagamot at

pagpapahusay ng kalusugan—ito ay ang dalawang secolignans; dalawang

tetrahydrofuranlignans at isang napakataas na methoxylated dihydrophthalenone. Bukod dito,


taglay rin ng mga dahon ng ulasimang bato ang mataas na ash content, mataas na lebel ng

carbohydrate content at crude fiber—pawang mahusay rin sa katawan. Napag-alaman din,

ayon sa website ng stuart exchange, na nagtataglay rin ang mga dahon nito ng ng manganese,

iron, zinc at copper na may kasama ring mataas na sodium content. Kasama rn dito ang

phytochemical screening yielded alkaloids, cardenolides, saponins at tannins. Sabi ng mga

siyentista, mainam din itong panangga o panlaban sa sakit na cancer, ganundin sa alipunga,

pamawi sa pamamaga, pantanggal sa mga kirot at itinuturing din itong refrigerant. Sa

pilipinas, tradisyunal na ginagamit ng mga manggagamot ang nasabing halaman sa kanilang

paggamot bilang remedyo sa pamamaga at pag atake ng pananakit ng mga kasukasuan lalo na

sa hinlalaki ng paa at rayuma, kapwa bunga ng mataas na uric acid. Sinasabi ring ang

dinikdik na dahon at sanga nito ay maaaring gamitin para gamutin ang tagyawat, pigsa at

nagnanaknak na butlig sa balat.

Alinsunod sa artikulo ng Pangkalusugan (2019) , Ang Tigidig. Pimples. Tigyawat. Sabi nila,

pag nagbibinata o nagdadalaga na, normal lamang na tumubo ang mga pulang butlig o kaya

mga itim na tuldok-tuldok sa mukha. Ngunit mayroon rin namang lagpas na sa kabanatang

pagbibinata o pagdadalaga pero mayroon pa ring pimples. Marami na ring haka-haka ang

kaugnay sa pagtubo ng mga pimples. May mga nagsasabing may kinalaman daw ito sa

pagkain ng mga mamantikang pagkain o ang labis na pagkahilig sa tsokolate. Ano nga ba ang

dahilan kung bakit nagkakatagihawat?

Una, kailangang busisiin kung ano nga ba ang mayroon sa balat ng isang tao. Ang balat ng

isang tao ay mayroong mga maliliit na butas o “pores” na tinatawag. Kaakibat ng bawat butas
ay mga buhok na kalimitang manipis at maliliit ang tubo. Hair follicles ang tawag sa dulo ng

buhok na nasa loob ng balat. Malapit sa hair follicles ang pinanggagalingan ng langis o “oil”.

Sa normal na sitwasyon, hindi masama ang paggawa ng langis dahil ito ang dahilan kung

bakit hindi natutuyot ang ating balat. Nagbibigay proteksyon rin ito na tila isang manipis na

pananggalang sa mga elemento gaya ng gabok, araw, o mikrobyo. Pag sobra ang produksyon

ng langis ng ating balat, madalas itong ilarawan na “shiny” o “oily”. Ang sobrang

produksyon ng langis at ang hindi regular na pagpapalit balat o “exfoliation” ang kalimitang

sanhi ng pagbabara ng pores. Kapag pinagsama ang pawis, dumi, at sobrang langis, maaaring

tubuan ito ng mikrobyong sanhi ng pimples, ang Propionibacterium acnes o mas tinatawag na

P. acne. Acne ang pangkalahatang medical na tawag sa karaniwang tagihawat

(Pangkalusugan, 2018)

Ayon pa sa Pangkalusugan (2018) Ang pagkakaroon ng tagihwat ay mas mataas sa mga

kabataang nakararanas ng puberty. Dahil ito sa mas mataas na lebel ng hormones sa katawan

gaya ng testosterone sa kalalakihan. Gayundin ang sa mga kababaihan na sa unang

pagkakataon ay nagkakaroon ng menstruation o buwanang dalaw. Bukod pa rito, ang

tagihawat ay maaring mairita at lalong lumala kung mapabayaan. Ang pagkakaroon ng

tigyawat sa balat madali lamang mapansin at kadalasa'y hindi na nangangailangan ng

konsultasyon sa doktor. Ngunit kung ang kondisiyon ng iyong tagyawat ay nakababahala na,

maaring lumapit sa isang dermatologist o spesyalista sa balat upang humingi ng payo.

Kadalasan, ang tagihawat ay makikitang tumutubo sa bahagi ng mukha, leeg, balikat, dibdib

at likod. At kung mapapabayaan, ang pamamayagpag ng tagihawat ay maaring lumalawak at

magtagal ng isang buwan, at kung minsan ay isang taon. Sa mga malalalang kaso naman,
maaring magdulot ng malalim na sugat at mag-iwan ng peklat sa balat. Kaakibat nito,

maaaring bumababa ang kumpyansa sa sarili at magdulot din ng depression.

Kaugnay na Pag-aaral

Banyaga

Ayon sa mabisang pananaliksik nina A.F. Mutee et al. (2010). Ang Peperomia

pellucida ay malawakang ginagamit sa tradisyunal na gamot tulad ng sa paggamot ng

pamamaga, gota, sakit sa buto at pagpapagaling ng sugat. Ang kasalukuyang pag-aaral ay

isinagawa upang suriin ang mga epekto ng kontra-pamumula at antioxidant ng ​petroleum

ether​, ​chloroform​ at mga ​methanol​ extracts ng P. ​pellucida​. Ang ​carrageenan-induced rat

hind paw edema​ na paraan ay ginanap upang suriin ang kontra pamumula epekto sa ​vivo​ at

ang pagpapasiya ng libreng ​radical scavenging​ na pamamaraan ng aktibidad ay isinagawa

upang masuri ang ​antioxidant ​na epekto sa ​vitro.​ Para sa kontra pamumulang aktibidad, 1000

mg kg-1 ng katas ng petroleum ether ay makabuluhang nabawasan ang ​carrageenan-induced

rat hind paw edema​ (p <0.05) kumpara sa control (p <0.01). Gayunpaman, walang

makabuluhang aktibidad na kontra-pamumula para sa mga ​chloroform​ at mga ​methanol

extract.​ Ang epekto ng antioxidant ay nasuri sa pamamagitan ng pagtukoy ng libreng radikal

na scavenging na aktibidad ng tatlong extract. Ang kabuuang nilalaman ng ​phenol ​ay tinukoy

para sa katas ng ​methanol (​ 6.93%) na nagpakita ng pinakamatibay na libreng radical

scavenging na aktibidad (0.083 mg mL-1 ± 0.008). Ang petrolyo eter at chloroform ay

nagpakita ng mababang libreng radikal na scavenging na aktibidad kumpara sa extract ng

methanol. Ang mga resulta na nakuha mula sa pag-aaral na ito ay nagmumungkahi na ang
halaman na ito ay isang mahusay na likas na mapagkukunan para sa anti-namumula at

antioxidant therapy.

Batay sa masuring pag-aaral nina S.Kosasih et al. (2019). Ang ​acne vulgaris​ ay isang

pangkaraniwang nagpapaalab na kondisyon sa ​pilosebaceous unit ​na nangyayari sa mga

kabataan at mga batang may sapat na gulang na nailalarawan sa mga ​blackheads, papules,

pustules, nodules.​ Kabilang sa lahat ng mga bakterya na ito, ang ​Propionibacterium acnes​ ay

may pinakamahalagang papel sa ​pathogenesis​ ng acne. Ang ilang mga dahon na tinatawag na

tumpangan air (​Peperomia pellucida)​ ay isang uri ng halaman na malawakang ginagamit para

sa paggamot. Ang dahon na ito ay may iba't ibang mga epekto sa parmasyutiko kasama ang

antimicrobial, anticancer, antipyretic, anti-namumula, antioxidant, analgesic, at

anti-oedematogenous na mga aktibidad. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang

pagiging epektibo ng Peperomia pellucida sa pagharang sa paglaki ng Propionibacterium

acne bacteria.Pagsusuri ng ginamit na antibacterial used agar diffusion na ginamit na ethanol

extract ng ​Peperomia pellucida​ (0.3 gr / ml, 0.5 gr / ml, 0.7 gr / ml at 1 gr / ml) bilang mga

halimbawa, ​gentamycin​ bilang positibo, at DMSO bilang negatibong kontrol . Ang mas

mataas na konsentrasyon ay nagpapakita ng mas mataas na aktibidad ng antibacterial laban sa

propionibacterium acne habang ang average ng inhibition zone para sa 0.3 gr / ml, 0.5 gr / ml,

0.7 gr / ml at 1 gr / ml ng etanol extract mula sa Peperomia pellucida ay 9.53mm, 10.53mm ,

0.7mm, 13.36 mm, at 15.70 mm, ayon sa pagkakabanggit sa mga resulta, maaaring mag

kongklud na ang ​Peperomia pellucida​ extract ay anti-bakterya upang mapigilan ang paglaki

ng ​Propionibacterium acnes bacteria.


Ang acne ay isang talamak na sakit sa balat na sanhi ng pamamaga na pinangunahan

ng Propionibacterium acnes (P. acnes) sa yunit ng pilosebaceous. Sinuri ng pag-aaral na ito

kung ang mga halaman ng Aloe ferox (AF) na mga sangkap ay maaaring may anti-P. acnes at

anti-namumula mga katangian na maaaring maglingkod para sa paggamot sa acne. Ang mga

extract ng Aloe ferox (500 g) ay inihanda sa pamamagitan ng pagkuha ng 4 L volume ng

distilled water (AFW), 50% ethanol (AF50), o 95% ethanol (AF95). Ang AF95 ay

karagdagang nahati sa 2 L dami ng ethyl acetate (AF95E), butanol (AF95B) o tubig

(AF95W). Ang antibiotic potency laban sa P. acnes ay natutukoy ng paraan ng pagsasabog ng

disc ng papel kasama ang pagsukat ng minimal na konsentrasyon ng inhibitory at kaunting

mga bacterialidal concentrations. Ang anti-inflammatory na epekto ng Aloe ferox ay

tinutukoy sa pamamagitan ng pagsukat ng mga antas ng TNF-α, IL-1β, IL-6, at IL-8 sa mga

cell ng THP-1 na co-kultura ng P. acnes. Ang paglaganap ng P. acnes ay hinarang ng 25 mg /

mL AFW, AF50 at AF95; gayunpaman, ang AF95 ay may pinakamataas na anti-P. aktibidad

ng acnes. Ang AF95 at ang lahat ng mga praksiyon nito (AF95E, AF95 B at AF95W) ay

kapansin-pansin na nabawasan ang P. acnes-sapilitan na nakataas na antas ng mga cytokine

na nagpapasiklab (TNF-α, IL-1β, IL-6, at IL-8). Mula sa mga praksiyon na ito, ang AF95E ay

mayroong pinakamalaking cytokine dampening. Sa konklusyon, ang mga extract ng Aloe

ferox ay nagkaroon ng anti-P. acnes at anti-inflammatory na naging epekto ay


nagmumungkahi na ang Aloe ferox ay maaaring karagdagang pag-aralan bilang isang

potensyal na paggamot para sa acne. Woo YeolJeong ,Kyuseok Kim.(2017).

Lokal

Base sa pag-determina sa pananaliksik ni S.G. Cabrera et al. (2015,September) sa

iba’t ibang uri ng halaman na nakakagagamot.,Ang sariwang pancit-pancitan ay may

pinakamataas na kabuuang nilalaman ng phenolics (TPC) at Ang TAC, habang ang sariwa at

naproseso na sutla ng mais ay may pinakamababang TAC at TVE na nilalaman, ayon sa

pagkakabanggit. Bukod dito, ang mga resulta ng BSLA para sa tatlong mga

nakapagpapagaling na halaman at magagamit ang komersyal na katas ng tsaa ipinakita

pagkatapos ng 24 na oras na pagkakalantad ng makabuluhang pagkakaiba sa antas ng

pagkakalason ay naobserbahan. Ang bahagdan ang dami ng namamatay ay may pagtaas sa

oras ng pagkakalantad ng tatlong mga panggamot na halaman at katas ng tsaa. Ang ang mga

resulta ng pag-aaral ay maaaring magsilbing data ng baseline para sa karagdagang pagproseso

at komersyalisasyon ng mga ito mga halamang panggamot.


Kabanata 3

Disenyo ng pananaliksik, Populasyon at sampling, pananaliksik sa lokal

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isang Kwalitatibong pananaliksik kung saan ang

pangangalap at pagbibigay kahulugan sa impormasyon mula sa pananaw patungkol sa mga

uri ng mga bagay, ideya, o mga kaganapan ay gagamitin upang makakalap ng impormasyon

tungkol sa epekto ng halamang pansit-pansitan sa tagyawat at upang ipakita ang kaugnayan

ng ​Peperomia pellucida s​ a iba pang baryabol.

Gumagamit din ang mga mananaliksik ng Deskriptibong Paraan. Ang pamamaraan na

deskriptibo ay kilala rin bilang istatistikong pananaliksik, inilalarawan nito ang datos at

katangian tungkol sa populasyon. Kadalasan ang pinakamahusay na diskarte ng pagsulat ng

deskriptibong pananaliksik ay nagsasagawa ng isang pagsisiyasat. Calderon (2009).

Isa pa sa paraan na ginamit ng mga mananaliksik ay ang Eksperimental na

pananaliskik. B​inibigyang-diin dito ang hinaharap at kung ano ang mangyayari. Isinagsagawa

upang makita ang bisa ng isang bagay o kaisipang maaaring gamitin sa ating panghinaharap

na buhay. Astelero (2014)

Populasyon at Sampling

Ang BSAR 1A ay binubuo ng 44 na mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay gumamit

ng purposive sampling kung saan ang 10 nakuhang respondents ay napili batay sa

panghuhusga ng mga mananaliksik na pinakakma at kwalipikado sa pananaliksik upang

makamit ang mga layunin ng pag-aaral.

Pananaliksik sa Lokal
Ang pananaliksik ay isinagawa sa Bulacan State University, Kolehiyo ng Arkitektura

at Pinong Sining sa Malolos, Bulacan.

Pagproseso ng mga Datos

Ang teksto sa ibaba ay nagtatanghal ng hakbang-hakbang na pamamaraan ng

pananaliksik sa pagkalap ng mga datos.

1. Pagsasaayos ng mga mananaliksik sa mga kwestyonaryo at paghahanap ng 10 respondents.

2. Matapos na makahanap ng mga respondents, nagsagawa ng 24 oras na sensitivity test sa

kamay upang makasigurado na wala sa mga respondents ang magkakaroon ng allergic

reaction sa halaman.

3. Ang mga respondents ay binigyan ng pitong araw upang gamitin ang dinikdik na

pansitpansitan na hinaluan ng mainit na tubig. Sa loob ng pitong araw, ang mga respondents

ay gagamitin ito sa umaga pagkagising at sa gabi bago matulog.

4. Ang lahat ng mga respondents ay ibabalik ang mga palatanungan sa mga mananaliksik

matapos ang pitong araw na paggamit na siya namang itatala ng mga mananaliksik.

Matapos ang pag-tabulate ng data, binigyang-kahulugan at pinag-aralan ng mga mananaliksik

ang natipon na impormasyon upang magkaroon ng mga rekomendasyon.


KABANATA 4

Presentasyon, Pagsususri, at Interpretasyon ng Datos

Sa bahaging ito ng pananaliksik, ang presentasyon, pagasusuri at interpretasyon ng

datos na nakalap gamit ang mga instrumento ay ipinapakita sa mga ispesipikong problema.

1. Ang demograpiko ng mga Respondente

1.1 Kasariaan

Talahanayan 1

Kasarian ng mga Respondente

Kasarian f %

Lalaki 5 50

Babae 5 50

Kabuuan 10 100

​Ang talahanayan 1 ay nagpapakita ng demograpikong pagsusuri ng mga respondents batay sa

kasarian. Ipinapakita na parehas na 50% ng mga respondents ay lalaki at babae.

1.2 Edad

Talahanayan 2

Edad ng mga Respondente

Edad f %
20 2 20

19 8 80

Total 10 100

Ang talahanayan 2 ay nagpapakita ng demograpikong pagsusuri ng mga

respondents batay sa edad. Ipinapakita na 20% ng mga respondents ay may edad na 20 taong

gulang at 80% ng mga respondents ay may edad na 19 taong gulang.

1.3​ ​Problema sa Balat tulad ng Tagyawat

Talahanayan 3

Mga Respondente na may Problema sa Balat tulad ng Tagyawat

Problema sa balat tulad ng tagyawat f %

Meron 7 70

Wala 3 30

Kabuuan 10 100

Ang talahanayan 3 ay nagpapakita ng demograpikong pagsusuri ng mga respondents batay

sa problema sa balat tulad ng tagyawat. Ipinapakita na 70% ng mga respondents ay may

tagyawat at 30% ng mga respondents ang wala.

1.4 Gumagamit ng Korean Aloe Gel


Talahanayan 4

Mga Respondente na Gumagamit ng Korean Aloe Gel

Gumagait ng Korean Aloe Gel f %

Oo 6 60

Hindi 4 40

Kabuuan 10 100

Ang talahanayan 4 ay nagpapakita ng demograpikong pagsusuri ng mga respondents na

gumagamit ng korean aloe gel para sa kanilang skin care routine. Ipinapakita na 60% ng mga

respondents ay gumagamit at 40% ng mga respondents ay hindi.

Ang mga obserbabol/naramdamang epekto ng pansit-pansitan sa tagyawat batay sa:

2. PANGKALAHATANG INTERPRETASYON NG DATOS SA MGA

OBSERBABOL/NARAMDAMANG EPEKTO NG PANSIT-PANSITAN SA BALAT

GAYA NG FIRMING MOISTURIZING (PAGBANAT NG BALAT), BILIS NG

PAGHILOM NG TAGYAWAT/IBA PANG BUTLIG SA MUKHA,

PAGPUTI/PAGWALA NG PAMUMULA, AT LAMIG SA PAKIRAMDAM

Lehiya:
Interpretasyon Marka

Napakahusay 4.51-5.00

Mahusay 3.76-4.50

Mainam 2.26-3.75

Kasiya-siya 1.51-2.25

Hindi kasiya-siya 1.00-1.50

Talahanayan 5

Pagsusuri ng mga Respondente sa Pangkalahatang Interpretasyon

Pamantayan ng Pagsusuri Marka Interpretasyon

Firming Moisturizing 3.8 Mahusay

Bilis ng Paghilom 3.1 Mainam

Pagputi/ Pagwala ng Pamumula 4.6 Napakahusay

Lamig sa Pakiramdam 3.5 Mainam


3. ISPESIPIK NA INTERPRETASYON NG DATOS SA MGA

OBSERBABOL/NARAMDAMANG EPEKTO NG PANSIT-PANSITAN SA BALAT

GAYA NG FIRMING MOISTURIZING (PAGBANAT NG BALAT), BILIS NG

PAGHILOM NG TAGYAWAT/IBA PANG BUTLIG SA MUKHA,

PAGPUTI/PAGWALA NG PAMUMULA, AT LAMIG SA PAKIRAMDAM

3.1 Epektong Firming Moisturizing (Pagbanat ng Mukha)

Talahanayan 6

Naobserbahang Epektong Firming Moisturizing

Epektong Firming Moisturizing f %

Walang Napansin 0 0

Madalang na Napapansin 1 10

Minsang Napapansin 1 10

Napapansin 7 70

Palaging Napapansin 1 10

Kabuuan 10 100

Ang talahanayan 6 ay nagpapakita ng impormasyon ukol sa napansing epektong firming

moisturizing ng mga respondente. 0% ang walang napansin, 10% ang madalang na

nakapansin, 10% din ang minsan itong napansin, 70% nakakapansin, at 10% ang palaging

nakakapansin sa epekto ng firming moisturizing ng pansit-pansitan sa balat.

3.2 BILIS NG PAGHILOM NG TAGYAWAT/IBA PANG BUTLIG SA MUKHA


Talahanayan 7

Naobserbahang Bilis ng Paghilom ng Tagyawat/iba pang Butlig sa Mukha

Bilis ng Paghilom f %

Walang Napansin 1 10

Madalang na Napapansin 1 10

Minsang Napapansin 0 0

Napapansin 2 20

Palaging Napapansin 6 60

Kabuuan 10 100

Ang talahanayan 7 ay nagpapakita ng impormasyon ukol sa napansing bilis ng

paghilom ng tagyawat/ iba pang butlig sa mukha ng mga respondente. 10% ang walang

napansin, 10% din ang madalang na nakapansin, 0% naman ang minsan itong napansin, 20%

naman ang nakakapansin, at 60% ang palaging nakakapansin ng bilis ng paghilom sa

paggamit ng pansit-pansitan sa balat.

3.3 Pagputi/ Pagwala ng Pamumula

Talahanayan 8

Naobserbahang Pagputi/ Pagwala ng Pamumula ng Tagyawat

Pagputi/ Pagwala ng Pamumula f %

Walang Napansin 0 0
Madalang na Napapansin 1 10

Minsang Napapansin 0 0

Napapansin 1 10

Palaging Napapansin 8 80

Kabuuan 10 100

Ang talahanayan 8 ay nagpapakita ng impormasyon ukol sa napansing pagputi/ pagwala

ng pamumula ng tagyawat sa mukha ng mga respondente. 0% ang walang napansin, 10% ang

madalang na nakapansin, 0% ang minsan itong napansin, 10% naman ang nakakapansin, at

80% ang palaging nakakapansin ng pagputi/ pagwala ng pamumula ng tagyawat sa paggamit

ng pansit-pansitan sa balat.

3.4 Lamig sa Pakiramdam

Talahanayan 9

Naramdamang Lamig sa Balat

Lamig sa Pakiramdam f %

Walang Napansin 0 0

Madalang na Napapansin 1 10

Minsang Napapansin 3 30

Napapansin 6 60

Palaging Napapansin 0 0
Kabuuan 10 100

Ang talahanayan 9 ay nagpapakita ng impormasyon ukol sa naramdamang lamig sa balat

ng mga respondente. 0% ang walang napansin, 10% ang madalang na nakapansin, 30% ang

minsan itong napansin, 60% naman ang nakakapansin, at 0% ang palaging nakakapansin ng

lamig sa balat sa paggamit ng pansit-pansitan.


TALASANGGUNIAN

Mackenzie, M. ( 2018, February). All the ways acne can mess with your mental health.

Sumangguni sa:

https://www.allure.com/story/how-acne-affects-mental-health-depression

Medical News Today [Web log post]. (w.t.). What causes pimples.Sumangguni sa:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/71702.php

A.F. Mutee, S.M. Salhimi, M.F. Yam, C.P. Lim, G.Z. Abdullah, O.Z. Ameer, M.F.

Abdulkarim and M.Z. Asmawi, (2010). In vivo Anti-inflammatory and in vitro

Antioxidant Activities of Peperomia Sumangguni sa:

https://scialert.net/abstract/?doi=ijp.2010.686.690

Philippines, Pangkalusugan [Web log post]. (2018, September 18) “Tigyawat o Pimples”

Sumangguni sa:​http://pang-kalusugan.blogspot.com/2018/09/tigyawat-o-pimples.html

Wolters Kluwer Health​ (​2019). Peperomia pellucida ​Sumangguni sa:

https://www.drugs.com/npp/peperomia-pellucida.html?fbclid=IwAR0QRsSwT-Rozcd

R9hANlwLnijrTImj0gxDYnUcvOleaWmLjRRCFO8K9Ziw

S.Kosasih, C.N. Ginting, L. Chiuman, I.N.Ehrich Lister (2019). “The Effectiveness of

Peperomia Pellucida Extract Against Acne Bacteria” . Sumangguni sa:

https://asrjetsjournal.org/index.php/American_Scientific_Journal/article/view/5062?fb
clid=IwAR2Bifoxawo_YD97cEey4D3cAh191sRA6CLslEZIvIcTIKVw3uAX1htK9F

Woo YeolJeong ,Kyuseok Kim.(2017).”​ ​Anti-Propionibacterium acnes and the

anti-inflammatory effect of Aloe ferox miller components”. Sumangguni sa:

https://doi.org/10.1016/j.hermed.2017.03.009

Shirley G. Cabrera, Ivy Fides R. Perez, Lemuel Joseph L. Aguilar, M.C. Caringal, A.G.

Dado, and Donald M. Evangelista (2015,September10).” Determination of Properties

of Selected Fresh and Processed Medicinal Plants”. Sumangguni sa:

http://www.academia.edu/download/61458146/APJMR-2015-3.4.1.0620191208-9118

0-2hdt31.pdf

Yang, A. (2013, July).​ ​“​HALAMANG PANSIT-PANSITAN: ​‘UNIQUE’ NA GAMOT SA

MGA SAKIT”.​ S
​ umangguni sa:

https://rotaquiohaide.wordpress.com/2013/07/17/halamang-pansit-pansitan-unique-na

-gamot-sa-mga-sakit/
Apendiks

Pangalan: (optional)

Edad:

Kasarian:

(✔) Lagyan ng ang tumutugon sa inyong kasagutan.

1. Mayroon ka bang problema sa balat gaya ng tigyawat o mga butlig?

__ Meron ___ Wala

2. Gumagamit ka ba ng Korean Aloe Gel?

___Oo ___ Hindi

3. Gaano ka kadalas gumagamit ng mga produktong pang-alaga sa balat?

__ Isang beses sa isang linggo __ Araw-araw

__ Kada 4 na oras. __ Paki ispecify _____________

4. Tingin mo ba makakatulong ang pagpapahid ng dinikdik na pansit-pansitan sa iyong

mukha sa paggagamot ng mga tagyawat?

___Oo ___Hindi

Sagutin matapos ang 7 araw na paggamit ng pansit-pansitan

5. Ano ang iyong naobserbahan/ naramdaman sa pagpapahid ng pansit-pansitan batay sa:

Firming Moisturizing:
__ walang napapansin ___ madalang na napapansin __ minsang napapansin

__ napapansin __ palaging napapansin

Bilis ng Paghilom ng tagyawat at mga butlig:

__ walang napapansin ___ madalang na napapansin __ minsang napapansin

__ napapansin __ palaging napapansin

Pagputi/ pag-wala ng pamumula:

__ walang napapansin ___ madalang na napapansin __ minsang napapansin

__ napapansin __ palaging napapansin

Lamig sa Pakiramdam:

__ walang napapansin ___ madalang na napapansin __ minsang napapansin

__ napapansin __ palaging napapansin


PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

Mga mananaliksik Taon sa Edad Kasarian Pamagat ng


Kolehiyo Proyekto
Pangalan Gitnang Apelyido
Pangalan

Caleb Apoderado Ika-una Lalaki Isang Imperikal Na

Pag-aaral Ng
Gezelle Cabigting Ika-una Babae
Epekto Ng
Mae
Pansit-pansitan Sa
Alliah Reyes Jimenez Ika-una 17 Babae Tigyawat:

Alcris De Guia Mendoza Ika-una 20 o 21 Lalaki


wahahah
Basehan Sa

Paglikha Ng

Alternatibong

Pantapat Sa

Korean Aloe Gel

Dokumentasyon

You might also like