You are on page 1of 2

SANTIAGO, GWYNETH JULIA B.

BSN 2-D

GAWAIN

Pangalan: Santiago, Gwyneth Julia B. Iskor: ___________


Taon at Pangkat: BSN-2D Petsa: 08/02/21

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag.

1. Ang kultura bilang salamin ng lipunan at identidad.


- Ang kultura ng isang tao ay naaayon sa kung saan siya lumaki
at kung sino ang mga nakasanayan niyang kasama. Isang halimbawa
nito ay ang ginagamit na wika ng tao, ito ay nakadepende sa kanilang
bayan. Ang kultura ay isang kayamanan na mayroon ang isang
pangkat na bukod tangi sa iba pang pangkat. Ang kultura ng isang
pangkat o isang indibidwal ay sumasalamin sa mayaman nilang
kaugalian, tradisyon, kagamitan, at mga kasabihang hanggang ngayon
ay naririnig natin.

2. Bilang isang kabataan, sa paanong paraan mo mapauunlad


ang Wikang Filipino bilang bahagi ng iyong pagkatao?
- Ang wika ang nagsisilbing espesyal na disenyo ng
pakikipagkapwa-tao. Bilang isang kabataan, ang epektibong paraan
para mapaunload ang Wikang Filipino bilang bahagi ng aking
pagkatao ay ang pagsisikap na pag-aralan ito, paggamit ng wikang
Filipino sa araw-araw, at ibahagi sa iba ang kayamanang taglay ng
ating wika. Naipapakita rin ang kahalagahan ng wikang Filipino
kapag ito ang ginagamit bilang unang wika at ito ay nakapag-bubukas
ng puso at napapadali ang komunikasyon para sa mga kapwa mo
Pilipino.

3. Magbigay ng limang dahilan kung bakit ang Wikang Filipino


ay kinakailangan pa ring linangin at pag-aralan.
 Bilang isang Pilipino, mahalagang pag-aralan pa rin natin
ang ating sariling wika upang maging epektibo ang
pakikipag-komunikasyon natin sa ating kapwa Pilipino.
 Mahalaga itong pag-aralan sapagkat ang Wikang Filipino
ang ginagamit ng ating bansa na pagkakakilanlan.
 Dahil sa Wikang Filipino, ang ating bansa ay may
pagkakaisa at pagkakaintindihan.
 Ang pag-aaral din ng Wikang Filipino ay nakakatulong
upang maiwasan ang miskomunikasyon ng bawat tao.
SANTIAGO, GWYNETH JULIA B. BSN 2-D

 Ang pag-aaral ng Wikang Filipino ay isang paraan para


ikaw bilang Pilipino, ay maging maunlad ang pagkatao
dahil ito ay magiging bahagi ng iyong identidad.

You might also like