Professional Documents
Culture Documents
2015-07462
Taong 1896 nang sumiklab ang rebolusyon ng mga Pilipino labang sa mga Kastila ,
walumpu’t apat na taong gulang si Melchora ng nangyari ito. Ginamit niya ang kanya ng
munting tindahan upang bigyan ng medical na tulong ang mga sugatang sundalo na
lumalaban sa giyera. Pinagdadarasal niya rin ang mga kalagayan ng mga Katipunero.
Bukod pa rito, pinagdausan ng mga lihim na pagpupulong ang tahanan nina Melchora.
Hindi man siya opisyal na parte ng Katipunan, itinuring na mga anak ni Melchora sina
Bonifacio at ang iba pa niyang mga pinuno kaya nama’y may malalim siyang kaalaman sa
mga sensitibong plano at operasyon ng rebolusyon. Hindi narin nakapagtataka kung bakit
siya ay tinaguriang Ina ng Katipunan.
Nang nalaman ng mga Espanyol ang kanyang pagtulong sa mga Katipunero, siya
ay dinakip at itinapon patungong Marianas Islands sa Guam. Siya ay nakabalik rin sa
UMBINA, Janella B.
2015-07462
Pilipinas makalipas ang ilang taon, panahon na ng mga Amerikano sa Pilipinas. Si
Melchora Aquino ay namatay sa kanyang pagtanda noong ika-2 ng Marso taong 1919.
Kasalukuyang nakalibing ang kanyang mga labi sa Himlayang Filipino Memorial Park.
UMBINA, Janella B.
2015-07462
Repleksyon sa pelikulang Ang Buhay ng Isang Bayani (1997)
Maagang nalayo si Jose Rizal sa kanyang pamilya upang siya ay makapagaral, dito
pa lamang malalaman mo nang maagang natutong tumayo sa sarili mga paa niya si Rizal.
Hindi na siya gaanong dumedepende sa ibang tao para sa kanyang mga pangngailang sa
buhay. Maaga rin namulat ang mata ni Rizal sa kalupitan ng mga Kastila noong dinakip at
maling inakusahan ang kanyang ina. Nawalan na siya agad ng tiwala sa inakala nilang
mga kaibigan nilang Kastila.
Para sa aking si Rizal yung tipo ng tao na hindi nakukuntento sa kung anong meron
siya. Lagi siyang naghahangad ng higit pa; kaya nama’y noong naramdaman niyang wala
na siya matutununan sa Pilipinas, siya ay naglakbay patungong ibang bansa upang matuto
pa muli. Masasabi mo talagang pinahahalagahan niya talaga ang kanyang edukasyon at
sa tingin ko rin para kay Rizal naniniwala siya na ang edukasyon ang pinakamalakas na
sandata na magagamit mo upang mabago ang mundo.
Halos buong buhay ni Rizal siya ay mag-isa lamang kahit mayroon siyang mga
nakakasama sa kanyang paglalakbay hindi mo parin maiiwasang isiping nag-iisa lang
talaga si Rizal sapagkat siya ay nalalayo sa mga mahal niya sa buhay.
Ang pelikulang ito ni Tikoy Aguiluz ay tungkol sa buhay ni Jose Rizal sa Dapitan
noong siya ay nanirahan sa Dapitan. Nang nalaman ng mga Kastila ang kaugnayan ni
Rizal sa Katipunan, pinaghinalaan siya bilang isa sa mga tagapagtatag nito at pinatawan
ng sedisyon, paghihimagsik, at pagsasabwatan sa harap ng korte military. Nasa
Mediterranean siya nang siya ay naaresto at ibinalik sa Maynila parasa paglilitis. Sa huli,
siya ay hinatulan ng kamatayan at ipinatapon sa Dapitan taong 1893.
Kahit na naging matiwasay ang buhay ni Rizal sa Dapitan, mayroon paring mga
prayle na patuloy na sinisiraan si Rizal sa mga tao naninirahan doon. Kinakatukatan kasi
ng mga prayle na magkaroon na nang sariling isip ang mga tao sa Dapitan at magsimula
nang kontrahin ang mga leskyon ng simbahan. Pero siyempre, alam naman natin na si
Rizal ay hindi natatakot sa mga prayle kaya nama’y hindi siya tumigil sa pagturo sa mga
bata at paggamot sa mga tao.
UMBINA, Janella B.
2015-07462
Mas napatunayang sa pelikulang ito at mas napaniwala na ako na si Jose Rizal ay
hindi lang isang rebolusyonaryo at propagandista, kundi siya rin ay isang taong
mapagkawanggawa; dahil narin dito ay napamahal siya sa mga Dapitenos. Kaya naman
ay maraming nalungkot noong siya ay umalis ng Dapitan.
Isang linya sa pelikula ang tumatak sa aking isip: “Nais kong gawin ang lahat ng
makakaya ko para sa bayang ito”
Kung iyong susuriin, ang bayan na kanyang tinutukoy ay marahil hindi lamang
Dapitan kundi ay buong bansa na mismo. Hindi siya sumuko sa paglingkod at paglaban
sa ating banda kahit na sinubukan ng mga Espanyol na sirain ang kanyang buhay sa
pamamagitan ng pagbabanta. Nawa ay ito ay maging isang aral para sa lahat ng tao; na
kahit na hinihila ka na pababa ng mga taong nasa paligid mo, huwag na huwag kang
tumigil na lumaban.
UMBINA, Janella B.
2015-07462
Repleksyon ng sa pelikulang Jose Rizal (1998)
Napakaganda ng pelikulang ito para sa akin dahil hindi lamang nito pinakita ang
mga tiyak na kaganapan na naghantong kay Rizal bilang isang simbolo para sa rebolusyon
labang sa mga Espanyol; sa halip, isinalaysay din ang mga pangyayari na kung saan siya
ay naging isang anak, kapatid, kaibigan, kasintahan, doctor, pintor, at manunulat. Ito para
sa akin ay isang magandang bagay sapagkat ipinakita talaga ang totoong kakanyahan
kung sino talaga si Rizal. Kaya nama’y bilib ako sa naging pagganap ni Cesar Montano
dahil nabigyang hustisya niya ang kanyang papel sa pelikula bilang Jose Rizal.
Ang likha ni Diaz-Abaya ay hindi isang ordinaryong pelikula. Kwinento nito ang mga
pangyayari noong si Rizal ay dinakip at ibinilanggo taong 1896. Nakilala niya rito si Jose
Taviel de Andrade na kanyang pinagsalaysayan ng kanyang tanang buhay mula
pagkabata. Sa paraan ng mga flashbacks, epektibong nadala tayo ni Diaz -Abaya sa mga
tunay na mga nangyayari sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Bilang isang man unuood, talagang
maniniwala ka sa mga nangyayari sapagkat malinaw itong nailalarawan; dahil narin siguro
sa galing ng mga actor at aktres, pati narin ang setting.
Nagsimula ang pelikula noong si Rizal ay nasa sa Belgium taong 1891. Siya ay
nagsusulat ng isang liham na kung saan inilathala niya ang kanyang pananaw ukol sa
nangyayari sa Pilipinas sa ilalalim ng pamamahala ng mga Kastila. Inihalintulad niya sa
kanser ang kondisyon ng ating bansa, isang kondisyon na dapat ay mailantad sa mga
Pilipino. Nakasaad sa liham na ito lahat nang paglalapastangan at pagpapaimbabaw na
ginagawa ng mga Kastila. Sa tulong ng kanyang nobela na Noli Me Tangere, isisiwalat ni
Rizal sa buong mundo ang katotohan ukol sa mga pang-aalipustang nangyayari sa ating
UMBINA, Janella B.
2015-07462
bansa. Ipinakita rin sa pelikulang ito kung paano sinasalamin ni Rizal ang karakter ni
Crisostomo Ibarra – ang pangunahing karakter sa Noli.
Tulad nga isang linya sa pelikula: “Ano naman nga ba ang kamatayan kung ang
isang tao ay namatay naman para sa kung ano ang minamahal, para sa katutubong lupain
at mga minamahal?" Sa linyang ito ko talaga nalaman na may halaga ang kamatayan ni
Rizal sapagkat siya ay namatay para sa pinakamamahal niyang lubos – ang kanyang
Inang Bayan.
Sana ang pelikulang ito ay patuloy na ipakita sa mga kabataan sapagkat ito ay
nagbibigay inspirasyon na patuloy nating dapat ipaglaban ang ating bayan. Na hindi natin
dapat hayaan na ang mga kapwa nating Pilipino ay inaabuso at tinatanggalan ng
karapatan.
UMBINA, Janella B.
2015-07462
Repleksyon sa pelikulang Bayaning 3 rd World (2000)
Upang mas maging malikhain ang pagsalaysay ni Mike de Leon sa pelikula, siya
ay gumamit ng mga post-modernong halo ng pangungutyang patalastas, makasaysayang
mga bidyo, mga recreated na kaganapan sa buhay ni Rizal, at ang karaniwan na paggawa
ng pelikula. Sa tulong nito naging isang malikhaing pelikulang ang Bayaning 3 rd World na
sigurado ako na kung sino man ang makakapanuod nito ay siguradong matatawa at
maliliwanagan tungkol kay Rizal.
Sa lahat ata ng mga pinanuod nating pelikula sa klase, ito na ata ang
pinakapaborito ko; sapagkat walang sandali na ako ay nayamot at nakuha ng bawat
eksena ang aking pansin. Mairerekomenda ko ang pelikulang ito sa ibang mga estudyante
sapagkat ipinakita nito si Rizal sa ibang anggulo. Pwedeng mabago o mapalakas ng
pelikulang ito ang iyong pananawa sa tinagurian nating pambansang bayani.
UMBINA, Janella B.
2015-07462
Si Rizal at ang mga Lola sa Lila Pilipina
Bilang aming panghuling output sa klase, kami ay bumisita sa Lila Pilipina noong
ika-4 ng Disyembre 2019. Ito ay isang organisasyon para sa mga Pilipinong naging comfort
women, biktima ng pang-aabuso, at mga survivors ng panggagahasa o sekswal na
pagkaalipin ng mga Hapon noong panahon ng World War II. Ang mga comfort women na
aming binisita sa Lila Pilipina ay mga kababaihan na sapilitang kinuha sa kanilang mga
bahay at mga pamilya upang magsilbing mga sekswal na bagay sa mga sundalong Hapon.
Sila ay nakikipagtalik nang labag sa kanilang loob upang ibsan ang pagod ng mga sundalo
na nakikipag-giyera.
Sa aming pagdalaw, kwinento ng mga natitirang mga lola sa Lila Pilipina na sina
Lola Narcissa, Lola Estela, at Lola Felicidad ang kanilang karanasan noong panahon ng
Hapon. Sa katotohanan, naawa ako sa mga lola sa tuwing sila ay nagkukuwento sapagkat
alam ko masakit para sa kanila na balikan ang mga masasaklap na nangyari noong mga
araw. Hindi ko masikmura na mayroong mga tao sa mundo na kayang gawin ang mga
bagay na ginawa nila sa mga comfort women. Walang sinuman ang nararapat na matrato
nang masama.
Sobrang nakakaiyak kasi kung iisipin mo, walang kalaban laban sa mga sundalo
ang mga kababaihan na ginawa nilang mga comfort women. Binaboy nila ang pagkatao
ng mga ito, tinanggalan ng karapatan, at dinungisan ang kanilang pagkababae. Nawala
na ang parte ng kanilang kaluluwa nang sila’y gahasain, at hindi mo na ito kailanman na
maibabalik. Nabago na ang kanilang buhay dahil dito; sabi niyo nga po sir, mayroong mga
kababaihan na hinihiwalayan ng kanilang mga asawa, itinatakwil at ikinakahiya ng
kanilang pamilya. Hindi nila ito hiniling na mangyari sa kanila, kaya sa halip na sila ay
ipagtabuyan, dapat ang mga naging comfort women ay mas pinoprotektahan pa natin.
Masyado nang maraming narasanang karahasan sa kanilang buhay ang mga lola na
aming binisita, kaya panahon na upang sila ay ating ipaglaban.
UMBINA, Janella B.
2015-07462
Sobrang laking tulong ng pagbisita sa Lila Pilipina para sa akin sapagkat binuksan
nito ang aking mga mata ukol sa kung ano nga ba ang mga naging karanasan ng mga
comfort women noong panahon ng Hapon; hindi kasi gaanong nababanggit ang mga
comfort women sa ating mga pangkasaysayang libro.
Tama nga yung sinabi ng ng isa naming kasamang estudyante; ngayong naibahagi na sa
amin ang kwento ng mga napagdaanan ng mga comfort women noong panahon ng mga
Hapon, nasa sa amin na responsibiladad na magkalat o magbahagi ng kanilang mga
adhikain sa mga kapwa naming estudyante at pamilya. Lalo na’t ngayon ay paunti na nang
paunti ang mga natitira comfort women sa bansa, tayo na dapat ang lalaban para sa kanila.
Sana ay patuloy nating ipaglaban ang hustiya na karadapat na mabigay sa mga lola ng
Lila Pilipina.