You are on page 1of 1

Taong 1892 Nang pinatapon si Rizal sa Dapitan at nagtagal ito sa loob ng Apat na taon.

Sa loob ng apat
na taon na iyon masasabi natin napaka laki ng ambag ni Rizal sa Dapitan at sa kalapit na bayan nito.
Masasabi natin Nang wala pa si Rizal sa Dapitan ay unti ito plalang ang progreso nito sa bayan. Dahil sa
mga natutunan ni Rizal sa kanyang pag-aaral dito sa Pinas at Europa nagamit nya ito upang matulungan
ang Bayan ng Dapitan.

Pagsasaka

Napaka laking tulong ang iniwan ni Rizal sa mga taga Dapitan patungkol sa pagsasaka. Tinuruan ni Rizal
ang mga bata kung paano mag tanim, tinuro niya rin ang paggamit ng pataba sa lupa at ang makabagong
makinarya ,dahil dito mas umunlad ang pagsasaka sa Bayan ng Dapitan sa pagdating ng panahon

Infrastraktura

Pailaw sa Plaza Habang naninirahan pa si Rizal nagtayo sya ng mga poste ng ilaw sa plaza at nagamit ito
ng mga tao.

Daluyan ng tubig pra sa pagsasaka nagamit ito ng mga magsasaka sa bayan ng Dapitan upang mas
mapadali ang pagdidilig ng mga tanim

Siyensya

Dahil likas na matalino si Rizal ,tumuklas sila kasama ang mga estudyante nya ng mga hayop at mga shell
na ipapadala sa Europa at bilang kapalit bibigyan si Rizal ng gamit sa pangagamot. Dahil dito maraming
natuklasan si Rizal na nag iwan ng kaalaman sa mga taga Dapitan

Sining at literatura

Si Rizal ay napakatalentadong tao ,sa makalipas na taon marami rin nagawa si Rizal sa larangan sining at
literatura. Una rito ang Mi Retiro isang tula na nagpapakita kung gaano kaganda ang Dapitan. Himno ng
Talisay isang kanta na sinulat mismo ni Rizal pra sa kanyang mga estudyante. iskultura na ginawa ni rizal
ang Oyang Dapitana at Mother's Revenge.

Para sa mga tao sa Dapitan talagang tinangala nila ang kanilang Guro at Doktor na si Rizal ,nakapag iwan
siya ng Pag-asa at kaalaman sa lahat nang naging estudyante niya at ng ngiti sa lahat ng kaibigan nyan.

Makalipas ang ilang daang taon makikita mo parin ang transpormasyon na hinatid ni Rizal sa Dapitan.
May mga Museo at Parke na itinayo para sa pagpugay Kay Rizal sa bayan ng Dapitan na nakakapag bigay
ng pagkakakitaan sa mga tao na naninirahan doon.Talaga namang buhay parin ang presensya ni Rizal sa
bayan ng Dapitan kahit isang daang taon na ang nakalipas.

You might also like