You are on page 1of 3

SA MGA KABABAIHANG TAGA-MALOLOS NI JOSE RIZAL

Ang liham ni Jose Rizal na sinulat noong 1889 ay hindi lamang para sa mga kababaihang taga- Malolos,
kundi pati na rin sa iba pang Pilipina. Dahil layunin sa liham na ito na mabatid ng mga kababaihan ang
kanilang kahalagahan sa bayan at mga responsibilidad nila sa pamilya.

Una, inilarawan ni Rizal na ang kanyang pagkilala sa mga babaeng Pilipina na mahinhin, kimi, masunurin,
tahimik, lubos na natural ang bait, magaganda ang ugali, mapagkumbaba at may malinis na kalooban
ngunit karamihan sa mga ito ay sunud-sunuran lamang na nauwi sa bulag na pagsunod at pagsang-ayon
sa bulag ding paniniwala at kautusan ng mga kura o prayle na tila mga halamang pinalago sa dilim. Ito ay
naipakita sa kaniyang intoduksyon. Ang mga bulaklak na walang bango. Sapagkat karamihan sa mga
kababaihan sa Pilipinas ay pawang uto-uto sa mga mas  makakapangyarihan sa kanila.  Tila nagpapaapi
sila at hindi lumalaban para sa kanilang karapatan.

Ngunit nang nabalitaan ni Rizal ang nangyari tungkol sa isang grupo ng mga kababaihan ng Malolos na
nagpetisyon ukol sa paghingi nila ng permiso upang mabuksan ang isang panggabing paaralan na
magtuturo sa kanila ng wikang kastila at mapagtanto ni Rizal na siya ay mali. Parang nagulat si Rizal sa
katapangan ng mga kababaihang taga-Malolos sa kabila nang pagtingin niyang ang mga babaeng Pilipina
ay hindi ito magagawa. Napahanga si Rizal dito. Dahil noon mahirap talagang ipagpilitan ang sarili sa
mga taong may mas mataas na puwesto kaysa sa iyo dahil nga sa mas marami silang kayang gawin laban
sa iyo at marami ring nasisilaw sa mga salaping ibinabayad nila sa iba. Kaya para kay Rizal ay puwede
itong maging inspirasyon lalong-lalo sa mga kababaihan, dahil nagpapakita ito ng angking katatagan at
determinasyon ng mga kababaihang Pilipina. Naging kapansin-pansin ang pangyayaring ito sapagkat ang
pagpupursige ng mga kababaihan ay dapat na magsilbing ehemplo at inspirasyon hindi lamang sa mga
kababaihan kundi sa buong bayan na rin. Sa pagkakataong ito ay nakilala rin ang mga babaeng taga-
Malolos bilang simbolo ng katapangan at magandang halimbawa sa mga kababaihan.

Sa pangatlong talata ng liham, sinabi ni Rizal na ang ginawa ng mga kababaihan ay unang hakbang sa
pagsulong sa kapakanan ng bayan upang maimulat ang mga mata sa katotohanan. Sinabi rin ni Rizal na
hindi na kinakailangang iyuko ng mga Pilipina ang kanilang mga ulo sa kahihiyan o patuloy na palakihin
ang kanilang mga anak sa kasinungalingan na dapat  mabatid na hindi magkapareho ang ninanais ng
Diyos at ng mga prayle. Nabanggit nang ilang beses ang paniniwala sa Diyos dito sa liham. Sapagkat
salungat ito sa gawain ng mga prayle. Mas naniniwala si Rizal sa pananalig at pagtitiwala sa Diyos at
hindi sa kung saan-saang bato, rebulto o rosaryo na ginagamit lamang ng simbahan para pagkakakitaan.
Ayon kay Rizal, ang utos ng Diyos ay iba sa utos ng pari. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos o
kabanalan ay hindi lamang nauukol sa matagal na pagluhod, hindi sa mahabang pagdadasal, hindi sa
paghalik ng kamay ng mga Prayle hindi sa pagkakaroon ng mga rosaryo, nobena at bibliya kundi
mabuting asal, paninindigan magandang ugali o malinis na loob at may matuwid na pag iisip .

Binanggit din ni Rizal sa sanaysay na kung ang mga prayle nga ang representane ng Diyos, bakit hindi sila
tumulong sa kapwa? Bakit imbes na gamitin ang pera ng simbahan sa pagpapakain ng mahihirap,
ginagasta lamang nila ito sa pagbili ng mga mamahaling dekorasyon sa altar ng simbahan? Pati na rin
ang pag-ubos ng mga salapi sa simbahan na sa halip ay para tumulong sa mahihirap at pagpapakain sa
mga gutom. Dinagdag din ni Rizal hindi dapat humalik sa kamay ng mga Prayle dahil si Kristo nga ay hindi
nagpapahalik kailanman. Binanggit din na hindi na  kailangan ng mga kalmen, kuwentas, correa at hindi
na kailangang hingan ng pamesa at hindi dapat magbayad sa panalangin dahil si John nga ay hindi
nanghingi ng kahit anong kapalit sa kanyang pagbibinyag sa ilog ng Jordan.

Binigyang diin ni Rizal ang tungkulin ng kababaihan bilang dalaga at asawa sa pagbangon ng kanilang
dignidad at halaga sa lipunan bilang ang mga babae ay nagpapalaki sa  ng mga Pilipino. Kinukwestiyon
din ni Rizal kung anong uri ng mamamayan na mabubuo kung ang ina na nagpalaki ay mangmang o
walang ibang alam kundi magdasal at mag-nobena lamang. Hindi niya sinabi ito bilang pagmamaliit sa
kapasidad ng mga kababaihan kundi sa sobrang masunurin ng mga Pilipina ay naging dahilan ito kung
bakit madali silang minapula ng simbahan. Kaugnay rin nito, ang isa sa mga pinakamalaking papel nang
kababaihan sa isang bansa ay maging ina sa pamilya. Sila ang humuhubog sa kapalaran ng kanilang mga
anak. Ang ugali ng kanyang anak ay dumedepende sa kanyang pagpapalaki at pagturo sa kanila. Kapag
naging napaka-mahigpit nito, malaki ang posibilidad na magrebelde ang kanyang mga supling paglaki.
Kapag naman napasobra sa kabaitan ang mga ito, maari silang umabuso. Nasa ina kung paano niya ito
gagampanan nang maayos.

Ikinumpara din ni Rizal ang mga babaeng tagalong sa mga taga-Esparta. Dahil nakatuon ang
pagmamahal at buong atensyon sa bansa ngunit ang mga babaeng Pilipina ay nakatuon sa pamilya.
Kaugnay nito, inilalarawan ni Rizal ang katangian ng mga kababaihan sa Europa at bilang halimbawa nito
ay nagpapakita ang babaeng Sparta bilang huwaran ng pagiging mabuting ina. Maski ang sarili nilang
anak ay handa nilang isakripisyo para lamang sa ikabubuti ng bansa. Mas masaya ang mga kababaihang
taga-Esparta kung ang kanilang anak ay hindi na maka-uwi dahil namatay sa digmaan ngunit nanalo
kaysa umuuwing buhay na natalo. Kaya, ipinapayo ni Rizal sa mga Pilipina na gamitin ang halimbawang
ito upang maitaguyod ang isang anak na marangal at magtanggol sa bayan.

Narito ang pitong bagay na binigyang linaw ni Rizal upang dapat siyang paniwalaan:

Una, kapag nagpabaya ang isang tao at duwag siya, magaganap na may mga taong magtaksil. Dahil sa
kamang-mangan at may mabuting kalooban maari itong aabusuhin.

Pangalawa, kung ang isang tao ay nagpapakita ng kulang sa pagmamahal sa sarili, may ilang tao na
aalipustahin o aabusuhin ka. Dapat magpakita ng lakas ng loob o katapangan upang walang sinuman ang
mang-alipusta.

Pangatlo, ang pagiging ignorante at kamang-mangan ang siyang nagdudulot ng pagka-alipin. Kung paano
mag-isip ang isang tao ay ganito rin ito. Ang isang taong hindi marunong mag-isip para sa kanyang sarili
at pumayag na sumusunod na lamang sa iba ay parang hayop  na kinokontrol lamang ng tali na walang
kalayaan.

Pang-apat, ang taong nagmamahal sa kalayaan, ay dapat munang tumulong sa kanyang kapwa. Sapagkat
pababayaan ka nila kung pababayaan mo sila. Tulad na lamang ng mga walis tingting na kapag nawala
ang tali ay naging magkahiwalay  Madaling baliin ang isang tingting pero mahirap baliin ang isang bigkis
na walis. Kaya dapat magtulong-tulongan.

Ikalima, kung hindi babaguhin ng mga Pilipina ang kanyang pagkatao, dapat tumigil na ito sa pagpapalaki
ng anak. Sapat na ang manganak ito pero hindi na dapat ito magsilbing ilaw ng tahanan at humubog ng
mga anak sapagkat ipinagkakanulo nila nang hindi nalalaman ang kanilang mga asawa, anak at ang
bayan.
Ikaanim, lahat ng tao ay ipinanganak ng pantay-pantay. Hindi lumikha ang Diyos ng nilalang na magiging
alipin o hindi tayo binigyan ng katalinuhan upang magpaloko lamang. Hindi masama ang humanga sa
kapwa at dapat ay higit na paunlarin ang kamalayan at katalinuhan. Nagiging masama lamang ito kung
nagpapanggap bilang Diyos at ginagamit ang kapangyarihanng iyon sa pang-aalipin ng ibang tao upang
sumunod ito sa mga gusto nila na hindi naman tama at makatarungan.

Ikapito, dapat pag-isipang mabuti kung anong uri ng relihiyon ang tinuturo nila. Maingat na surrin kung
ang nais ba ng Diyos ay ang mga ipinapagawa nila pati na rin ang kanilang mga itinuturo? Sinabi rin ni
Rizal na hindi basta-basta magtiwala sa mga sermon na lumalabas sa bibig ng mga Prayle na nagdiyos-
diyosan. Dahil mapapansin na tinalakay niya na mali ang pagsunod sa tuntunin ng simbahan.

Bahagi rin ng liham ang pagpapaalala ni Rizal sa lahat na matutong tingnan at alamin ng mabuti ang
lahat ng mga bagay kung ito ba ay tama o mali. Bukod sa totoong relihiyon, nabanggit din niya na
mahalaga ding matutunan ng mga bata ang pagkakaroon ng mabuting karangalan, pagiging matapat,
respeto at pagmamahal sa mga kababayan, at paggalang sa Diyos.

Isinulat ni Rizal ang liham upang ipakita ang kanyang paghanga sa katangi-tanging ginawa ng mga
kababaihan ng Malolos. Isinulat niya din ito dahil sa mungkahi ni Marcelo H. del Pilar upang pasiglahin
ang mga nanlalamig o natutulog na damdamin ng mga Pilipina para sa ikakagaling at ikakatamo ng
kaginhawanaan at kalayaan ng mga Pilipino.

You might also like