You are on page 1of 1

Pangkat Isa:

Adornado, Viviene
Anasan, Ma. Andrea S.
Antonio, Hazel Rose C.
Barcelon, Beatrixia V.
Barroso, Raven Justine M.

1. .AYON KAY HAU (2000), ANU-ANO ANG MGA GAMIT NG PANITIKAN SA


LIPUNAN? ANO ANG KINAKATAWAN NG RA 1425 SA USAPIN NG MGA
NABANGGIT NA GAMIT NG PANITIKAN?

Ayon kay Hau (2000), ang panitikan ay sumasalamin sa isang lahi. Ang panitikan
ay nalilinang ang pagiging mulat sa pagbabago ng lipunan. Nabubuo ng panitikan ang
matatag at nagkakaisang sambayan at bansa. Ang panitikan ay nagpapakilala ng kultura,
pagkamakabayan at makatao ng isang lipunan. Ang paggamit ng panitikan ay nakabatay
sa kasaysayan at maisasalaysay ito nang makatotohanan.

Ang kinakatawanan ng RA 1425 ay napapaigting nito ang pagiging


pagkamakabasa ng isang mamamayan o istudyante na sa kalaunan ay nakaktulong sa
araw araw na pamumuhay o sa hinaharap. Ang ating panitikan ay isa sa dahilan upang
malinang at mapayabong ang maliwanag na pagkakaunawa sa mga suliranin, mithiin,
kaisipan at pagpapahayag ng isang damdamin. Sinabi din ni Hau na ang panitikan ay isa
sa rason upang mapabuti ang mga katangian at kaasalang pantao tulad ng kakayahang
mapaunlad and kagandahang-asal, disiplina sa sarili, budhing sibiko, at pagiging isang
mabuting mamamayan

You might also like