You are on page 1of 3

Umali, Sofia Marie E

BSHM IV

Ang Tao sa Piso

1. Ano ang ipinapahiwatig na mensahe ng dokumentaryong aking napanood?

Ang mensaheng nais ipahiwatig ng aking napanood na dokumentaryo ay Sino ba si Rizal? Si

Jose Rizal ay tinaguriang Pambansang Bayani dahil siya ay hindi ordinaryong bayani, wala

siyang katulad. Dahil pinaglaban niya ang karapatan ng bawat pilipino ng hindi gumagamit ng

anumang dahas kung hindi ang kanyang galing sa pagsulat at talino. Dahil sa pagmamahal niya

sa sariling wika at bansa, Binuksan nya ang isip ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kaniyang

nga nobela at doon nasabi lahat ng masasamang gawain ng mga Kastila. Hindi hinayaan ni Rizal

manatiling alipin ang mga Pilipino, sa buong 35 na taon nya inalay niya ang sarili upang

maglingkod sa bayan bilang estudyante na naiibahagi ang talino, lider, propagandista at pag

gamot ng libre para sa mahihirap. Si Rizal mismo ang nagtayo para satin laban sa mga Espanyol.

2. Paano ko kinilala noon si Rizal? Paano ko siya kinikilala ngayon matapos kong

mapanood ang dokumentaryo? May nagbago ba?

Mababaw lamang ang aking kaalaman patungkol kay Jose Rizal bilang Pambansang Bayani,

Doctor, Manunulat at pinagtanggol ang Pilipino. Aminado ako sa sarili ko na hindi ko nakita

masyado ang kahalagahan ni Rizal dahil siguro sa paniniwala ko na ang pagiging bayani ay
ginagamitan ng dahas para sa kalayaan. Kung ano ang espesyal kay Rizal para magka rebulto na

hindi tulad ng sa ibang mga bayani.

At ngayon ay nalinawan na ako patungkol kay Rizal. Kanyang sinimulan, adhikain at sakripisyo

para saatin. Iminulat ako sa pagmamahal ni Rizal sa ating bansa, na kung ngayon ay sinasabuhay

nating lahat ang pangaral ni Rizal, Hindi ganito ang Pilipinas ngayon. Walang buwaya sa

gobyerno, walang mataas walang mababa, at kung bakit ganito ang lipunan natin ngayon

3. Bakit kailangan pang pag-aralan ang buhay at mga nagawa ni Rizal ng isang mag-aaral

na kagaya ko? Ano ang saysay nito sa aking kinukuhang kurso at sa aking pagiging isang

Pilipino sa kabuoan?

Walang koneto ang pag aaral kay Rizal sa anumang kurso. Sapagkat ito ay obligasyon natin

bilang Pilipino upang matutunan natin kung ano ipinaglaban ni Rizal na sa ngayong henerasyon

ay tayo naman ang lalaban. Dahil si Rizal ay nagsabi na "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan".

Dahil sa henerasyon natin ngayon sobrang halaga parin na matutunan ang Nationalismo at

Patriotism. Kung saan tayo nag mula ay wag natin tong kakaligtaan at ang pagmamahal natin sa

bayan ang tulay sa pag-unlad. Dahil ngayon muli nanaman tayo nagpapasakop sa kultura ng iba

gaya ng mga Korean at Amerikano, nagbulagbulagan na tayo pagdating sa usapang Pilipinas. Na

mas gugustuhin natin ang ibang bansa dahil sa yaman nito. Kung tayo ay pinagyabong at

tinangkilik ang Pilipinas, siguro ngayon ay mas angat tayo kaysa sa iba.

4. May talab pa kaya ang mga aral ni Rizal sa aking kasalukuyang henerasyon?
Para sakin oo, dahil sa pagtanda natin ay mas lalo tayo namumulat sa kung ano estado ng bansa

natin ngayon. Kung lahat tayo ay babalikan ang mga aral ni Rizal, maaring tayo ay magtulong

tulongan para sa ating bansa. Siguro ngayon ay mas mapapadali dahil marami na tayo lalaban

para sa ating bayan dahil kay Rizal sama sama tayo namulat sa kanyang mga aral. Bilang mag-

aaral, malaking tulong para sa sarili ko si Rizal, dahil si Rizal nilagpasan nya lahat ng kahinaan

nya. Ang kanyang kalakasan at talento ay kanyang hinulma upang mapakinabangan ng bayan.

Kaya isa siyang napakagandang ehemplo at inspirasyon sa lahat lalong lalo na sa mga

estudyante.

You might also like