You are on page 1of 8

(1st page)

ANG KANYANG PAG-AARAL SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA

Nang sumapit sa gulang na labing-isang taon ay inihanda na siya upang mag-aral sa Maynila.
Tatlo ang paaralang sekundaryo sa Maynila noong panahong iyon: Seminaryo ng San Jose,
Kolehiyo ng San Juan de Letran ng mga Dominiko at ang Ateneo Municipal de Manila ng mga
Heswita. Sinamahan ni Paciano si Jose sa Maynila at kumuha siya ng pagsusulit sa San Juan
de Letran. Nakapasa siya ngunit nagbago ng isip si Don Francisco nang umuwi si Jose sa
Calamba. Nais ng kanyang ama na sa Ateneo Municipal de Manila mag-aral ang anak. Ayaw
siyang tanggapin noong una sapagkat nahuli siya sa pagpapatala at may kaliitan at kapayatan
daw siya. Salamat sa tulong ni G. Manuel Xeres Burgos na pamangkin ni Padre Jose Burgos at
natanggap din sa Ateneo Municipal de Manila si Jose noong Hunyo 10, 1872.

Noong panahong iyon, kinikilala ang Ateneo bilang isang paaralang may makabagong paraan
sa pagtuturo. Hinati ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Ang pangkat ng mga mag-aaral
na nakatira sa loob ng paaralan ay tinatawag na Emperyo ng Romano samantalang ang
pangkat na sa labas ng paaralan naninirahan ay tinatawag na Emperyo ng Kartigano.
Ginagawang emperador ang pinakamarunong sa emperyo, naging emperador na si Jose
makalipas lamang ang isang buwan ngunit bago siya naging emperador ay nalagay muna siya
sa pinakahuling hanay ng emperyo sapagkat noon ay may kahinaan pa siya sa Kastila. Sa
hangarin) niyang matutong mabuti ng Kastila ay nagsasadya siya sa Dalubhasaan ng Sta.
Isabel sa tuwing rises upang mag-aral ng Kastila.

Sa simula ng kanyang pag-aaral ay itinira siya ng kanyang mga magulang sa isang matandang
dalagang nagngangalang Titay. May pagkakautang na tatlong daang dolyar sa kanyang mga
magulang ang naturang babae. May sakit sa pag-iisip ang ina ni Titay ngunit hindi naman
nananakit. May mga nangangasera rin doong mga mestisong Kastila. Noong sumunod na taon
ay inilipat siya sa pangaserahan ng biyudang si Doña Pepay sa kalye Magallanes, Intramuros.

Si Padre Jose Bech ang unang propesor niya sa Ateneo. Siya'y payat. matangkad, hukot nang
kaunti, matigas ang mukha, malalalim ang maliliit na mata at maninipis ang mga labing umaarko
nang pababa ang dulo. Ang naturang pari ay sumpungin, kung minsa'y agad na lamang
nagagalit.

Minsan ay nagbitiw sa kanya ng di-kanais-nais na pangungusap ang isa niyang propesor na


labis na sumugat sa kanyang damdamin. Dahil sa pangyayaring ito'y parang nawalan siya ng
sigla sa pag-aaral noong ikalawang semestre. Nagtamo siya ng mga markang sobrasaliente sa
lahat ng asignatura ngunit hindi naman siya tumanggap ng anumang gantimpala. Bumalik siya
sa Calamba upang magbakasyon. Dinalaw niya ang kanyang inang noo'y nakabilanggo sa
Santa Cruz. Ito'y lingid sa kaalaman ng kanyang ama.
(2nd page)
Bago magtungo sa Maynila si Jose upang mag-aral sa Ateneo a nagkaroon ng suliraning
pampamilya ang kanyang Tiyo Alberto. Idinawit ng asawa ng kanyang Tiyo Alberto ang
kanyang ina sa sumbong na pinagtangkaan siyang lasunin ng magkapatid. Kasabwat umano
nito ang kapatid na si Doña Teodora. Hindi naging matapat ang asawa habang si Don Alberto
ay nasa Europa, Hihiwalayan sana ni Don Alberto ang asawa ngunit pinayuhan ni Doña
Teodora ang kapatid na patawarin na ang asawa alang- alang sa kanilang mga anak at upang
maiwasan ang eskandalo. Masama pa ang iginanti ng taksil na babae sa halip na
magpasalamat kay Doña Teodora ay

Ang tenyente ng mga Guwardiya Sibil na naging kaibigan ng kanilang pamilya na may lihim na
galit kay Don Francisco sapagkat tinanggihan siya ng Don na bigyan ng pagkain ng kabayo ang
kumasabwat sa asawa ng kanyang Tiyo Alberto upang palabasing nagkasala si Doña Teodora.
Ang Alkaldeng si Antonio Vivencio del Rosario na naging bulag sa katarungan at sunud-
sunuran sa mga prayle ang nag-utos ng pagkabilanggo ng ina ni Jose. Sa halip na sa sariling
bayan ibilanggo si Doña Teodora, siya'y dinala sa Sta. Cruz, ang bilangguang panlalawigan ng
Laguna.

Dahil sa ganitong pangyayari, si Jose ay nawalan ng pagtitiwala sa pakikipagkaibigan at


nagkaroon ng pag-aalinlangan sa katapatan ng kapwa tao. Mga taong naging kaibigan ng
pamilya Rizal at mga itinuturing na mga kagalang-galang na panauhin ang mga taong
nasangkot sa pangyayaring ito ng kawalang-katarungan sa isang babaeng walang kasalanan.
Dumanas si Doña Teodora ng dalawa at kalahating taong pagkabilanggo.

Bumalik na muli si Jose sa Maynila pagkatapos ng bakasyon. Ikalawang taon na niya sa


Ateneo, 1873-1874 at itinanghal na naman siyang emperador sa kinabibilangan niyang pangkat.
Nagtamo siya ng markang sobrasaliente sa lahat ng asignatura at pinagkalooban din siya ng
medalyang ginto. Umuwi siyang taglay ang tagumpay sa gitna ng labis-labis na kaligayahan
noong Marso 1874.

Iniukol niya sa pagbabasa ang mga nalalabing araw ng kanyang bakasyon upang siya'y
malibang. Binasa niya ang nobelang "Ang Conde ng Montecristo. Nakintal sa kanyang isip ang
karanasan ng pangunahing tauhang si Edmund Dantes na nabilanggo nang mahabang
panahon nang hindi binigyan ng makatarungang paglilitis, Nabatid din niya sa kanyang
pagbabasa ang mga kalupitang dinaranas ng mga napiplit sa bilangguan sa Pransya katulad
din sa Pilipinas. Binasa rin niya ang kasaysayan ng daigdig "Universal History" na may
sampung taong sinulat ni Cesar Canto gayundin ang "Mga Paglalakbay sa Pilipinas" (Travel in
the Phil.) ni Feodor Jagor. Nakatulong nang malaki sa mga sumunod na taon ng kanyang pag-
aaral ang mga pagbabasa niyang ito.

Si Jose ay nasa ikatlong taon sa Ateneo nang maging panauhin sa Calamba ang Gobernador
Heneral. Ang palatuntunan ay may bilang na pagsayaw upang aliwin ang panauhin. Isa sa mga
sumayaw ay si Soledad
(3rd page)
na kapatid ni Jose. Kinagiliwan ng Gobernado Heneral si Soledad at kinalong ito pagkatapos
sumayaw. Nang itanong ng Gobernador Heneral kay Soledad kung ano ang nais nitong
gantimpala ay hiniling niya na palayain ang kanyang ina. Ipinagkaloob ng Gobernador Heneral
ang kahilingang ito. Ang pangyayaring naganap ay patunay lamang na marupok ang batayan
ng katarungan sa Pilipinas noong panahong iyon.

Bago natapos ni Jose ang ikatlong taon ng kanyang pag-aaral sa Ateneo ay pinagsabihan siya
ni Doña Teodora na huwag nang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sapagkat nanganganib
ang buhay ng mga dumudunong dito sa Pilipinas. Gayunpaman ay bumalik siya sa Maynila
kasama si Paciano.

Ipinasok siyang interno nang siya'y nasa ikaapat na taon na ng pag- aaral sa Ateneo sapagkat
lubhang magulo sa pangaserahan ni Doña Pepay. Naging tahimik ang kanyang buhay at
naiukol niya ang panahon sa pag- aaral sapagkat wala nang mga ingay na gumagambala sa
kanya. Naging paborito niyang propesor si Padre Francisco Sanchez, na siyang naghasik sa
kaisipan niya ng pag-ibig sa panitikan. Ayon sa kanya, isang huwarang propesor si Padre
Sanchez sapagkat siya'y marunong kumilala ng katuwiran at may pagmamalasakit sa
kapakanan ng mga tinuturuan. Naging inspirasyon ni Jose sa pag-aaral ang
nakapagpapasiglang pagsubaybay sa kanya ni Padre Sanchez. Sa kanyang pagtatapos sa
ikaapat na taon sa Ateneo ay nagtamo siya ng pinakamataas na marka sa lahat ng asignatura
at tumangap pa siya ng limang medalya ng karangalan. Hindi dapat makaligtaang banggitin na
hinangaan ng mga paring Heswita ang kakayahan ni Jose sa paglilok ng imahen ng Birheng
Maria sa kahoy na batikuling. Hinilingan nila si Jose na ipaglilok sila ng Sagrado Corazon de
Jesus na ipinagkaloob kay Padre Lleonart. Naging guro niya sa paglilok si Romualdo de Jesus.
Si Don Agustin Saez naman ang propesor niya sa "solfeggio", pagguhit at pagpipinta. Si
Propesor Sanchez ang nagpasigla sa pagsulat niya ng tula. Dahil sa naturang propesor,
maraming tulang nasulat si Jose na nagkintal ng mahalagang kaisipan ng panahon. Ang iba
niyang propesor ay sina Padre Jacinto Ferbes at Padre Jose Villaclara.

Naging lubos na matagumpay ang kanyang mga huling taon sa Ateneo (1876-1877). Nagtamo
siya ng pinakamataas na marka sa lahat ng asinagtura. Napasakanya rin ang pinakamataas na
karangalan sa pagtatapos niya ng Bachiller en Artes sa gulang na labing-anim na taon, sa
kabila ng pangyayaring binawasan niya ang panahong ginugugol sa pag- aaral sapagkat naging
abala siya sa mga kinabibilangan niyang samahan katulad ng Congregacion Mariana,
Akademya ng Panitikang Kastila at Akademya ng Katutubong Agham (Ciencia Natural). Hindi
niya itinigil ang pagsusulat ng tula, ang pagguhit sa ilalim ng bantog na pintor na si Agustin
Saez at ang paglilok sa ilalim ng gurong si Romualdo de Jesus. Ginawa niya sa panahon ng
kanyang pag-aaral ang nililok niyang mga imahen ng Mahal na Birhen at Sagrado Corazon de
Jesus. Inilagay sa ibabaw ng pinto ng dormitoryo ng Ateneo ang Sagrado Corazon na
nakalimutang dalhin ni Padre Lleonart. Ang imahen ay namalagi roon ng maraming taon tanda
ng pagpapahalaga sa pinakadakilang estudyante ng Ateneo.
(4th page) (PESCASIO)
Ang mga sumusunod ay mga tulang sinulat niya nang siya'y nag-aaral sa Ateneo:

a. Maligayang Bati (Felicitacion)-Ito'y sinulat niya para sa bayaw niyang si Antonio Lopez sa
kahilingan ng kanyang kapatid na si Narcisa.

b. Ang Pagsakay: Imno sa Hukbo ng mga Pandigmang-dagat ni Magallanes (El Embarque:


Himno a la Flota de Magallanes)

c. Ang Paghahamok: Si Urbiztondo, ang Kilabot ng Jolo (El Combate,

Urbiztondo, Terror de Jolo)

d. Ang Unang Nakaligid sa Daigdig at Kastilang si El Cano (Y es. Español: El Cano, El Primero
en dar la Vuelta al Mundo)

e. Ang Kasawian ni San Eustaquio (La Tragedia de San Eustaquio). Ito'y dulang patula na
sinulat niya noong siya'y labing-apat na taon. Naglalahad ito ng malungkot na kasaysayan ni
San Eustaquio. Binubuo ito ng 2,414 berso. Ang orihinal nito ay sa wikang Italyano at nasalin sa
Kastila sa prosa. Sinikap itong maisulat ni Rizal sa dulang patula.

f. Isang Alaala sa Aking Bayan (Un Recuerdo A Mi Pueblo). Iniharap ito ni Rizal sa mga
pagpupulong ng Akademya ng Panitikan ng Ateneo Municipal de Manila, naglalarawan ito ng
pagmamahal at pag-aalaala sa kanyang tinubuan.

9. Matalik na Pagtutulungan ng Relihiyon at ng Edukasyon (Alienza Intima la Religion y la


Buena Educacion). Sinulat niya ang tulang ito noong Abril 1, 1876. may matatayog na kaisipan
at tumatalab sa damdamin ng sino mang babasa nito.

h. Sa Pamamagitan ng Edukasyon ay Tumatanggap ng Liwanag ang

Inang Bayan (Por la Educacion Recibo Lustre la Patria). Kasangkapan sa Kaunlaran ng Bayan.

Matagumpay na Pagpasok ng mga Haring Katoliko sa Granada na siyang pangwakas na


tanggulan ng mga Moro matapos mabihag si Bodavilla.

j. Ang Kabayanihan ni Columbus (El Heorismo de Colon). Ito'y isang tulang nagpupuri sa
kabayanihan ni Columbus dahil sa pagkakatuklas niya sa Amerika noong 1492.

k. Si Colon at si Juan II (Colon y Juan II). Nagsasalaysay ang tulang ito kung paanong iniwasan
ni Haring Juan II ang isang napakalaking pagkakataon sa kapangyarihan at karangalan nang
hindi niya ipinagkaloob kay Columbus ang halagang kinakailangan sa kanyang binabalak na
paglalayag sa Bagong Daigdig-ang Amerika. Ito ang dahilan kung bakit napilitang lumapit si
Columbus sa Hari at Reyna ng España. At sa kasaysayan ay nakatala na ang España ang nag-
angkin ng karangalang kauna-unahang pagligid ng isang sasakyang pandagat sa buong
daigdig.

1. Malaking Kaaliwan sa Gitna ng Malaking Kasawian. (Gran Consuelo en la mayon Desdicha)


Ito'y isang tula tungkol sa paglalayag nl Columbus.

m. Ang Pakikipag-usap ng Pamahalaan sa mga Mag-aaral (Un Dialogo Alusino ala Despidida
de los Colegiales). Ito ang kahuli-hulihang tulang sinulat ni Rizal sa Ateneo na nagtataglay ng
malungkot na pamamaalam sa kanyang mga kamag-aral.

(next page)
MALIGAYANG BATI
(Kay Antonio Lopez) (Felicitacion)

I.
Kung si Filomelang sa dila'y may tamis ang sa kay Apolo, sa kanyang pagsilip, sa may
kabukira't bundok na masungit, ang may dalang awit.

II.
Kaya naman kaming nangasisiyahan, sa iyo't sa iyong Santo'y pagsilip, sa himig ng awit na
makamagulang. Antoninong mahal.

III.
Sa mga kapatid at mga kaanak tanggapin mo ngayon ang awit na tapat, na sa mahinahong
pag-ibig ay buhat, na puno ng galak.

IV.
Sa maybahay mo man at sa kay Emilio matamis na bati ang matatanggap mo; at nawa'y sa
dusang iyong matatamo, ngiti'y makabago.

V.
Gaya ng pilotong lumaban sa unos, sa dilim ng gabing nakalulunos, ngayo'y minamasdang
bangka mo'y maglagos, sa pasiga'y abot.

VI.
At saka sa amin nama'y lambing sa tinig pagpupugay nama'y iyong maririnig. ingay ng
Mabuhay, na buhat sa dibdib, tanggapi't pag-ibig.

ISANG ALAALA SA AKING SAYAN,


(Un Recuerdo A Mi Pueblo)

Kung alalahanin ang nagdaang araw Ng kamusmusan kong masayang pumanaw Sa tabi ng
isang baybaying luntian Ng bubulong-bulong na dagat-dagatan; Kung gunitain ko ang damping
marahan Dini sa noo ko ng hanging magaslaw, Nararamdaman kong yaring katauha'y Muling
sumisigla't nagbabagong-buhay.

Kung aking malasin ang liryong busilak Na duruyan-duyan sa hanging marahas, Habang
umiidlip sa buhanging latag Ang lubhang mapusok at maalong dagat, Kung aking langhapin sa
mga bulaklak Ang mabangong samyo na ikinakalat Paalam, Paalam, ako'y magpupuyat, Aking
babantayang hindi maglilikot Ang kagalingan mo na aking pangarap busugin ka nawa sa
biyaya't lingap ng butihing Diwa ng magandang palad;

ikaw ang tangi kong panatang maalab; idadalangin ko sa lahat ng oras na ikaw ay maging lagi
nang tapat.

SA SANGGOL NA SI JESUS
(Al Niño Jesus)

Ang tulang to'y pinalalagay ni Wenceslao E. Retana na sinulat ni Rizal noong siya'y nasa
"Segunda Enseñanza" sa Ateneo noong mga taong 1874-1875.

O Diyos na sanggol, paano na kaya't Ang Sinilangan mo ay sabsabang aba? Diyata't di pa man
ay pag-alipusta

Ang dulot ng Palad sa iyong pagbaba.

Kaylungkot, O Hari ng Sangkalangitan, Nagkatawang-tao't sa lupa'y tumahan Hindi mo ba ibig


na Haring matanghal Kundi Pastol namin na kawan mong mahal.

ANG TANGLAW NG BAYAN


(Por la Educacion Recibe Lustre la Patria)

Ang hiningang mapagpala ng matinong edukasyon Ay may bisang mapang-akit, bisang laging
dumadaloy Inang baya'y binubusog sa biyayang mayamungmong. Inaangat hanggang ito'y sa
pedestal maituntong: At kung pa'nong ang bulaklak na wari ba'y maluluoy Ay pamuling
sumisigla pag ang hangi'y sumisimoy, lyang tao ay ganyan din; umuunlad, sumusulong,
Edukasyon ang sa kanya'y nagbubunsod sa pagsibol. Ang bukang-liwayway na namamanaag.

Nagugunita kong may kahalong lumbay Ang kamusmusan kong wala nang kapantay, Sa piling
ng aking inang mapagmahal, Tanging nagparilag sa aba kong buhay. Nagugunita kong puso'y
namamanglaw Ang bayang Kalambang aking sinilangan; Sa dakong baybayin ng dagat-
dagatan Na pugad ng aking madlang kaaliwan.

Ang mga hakbang ko na nag-aapuhap Sa mga gubat mo'y nag-iwan ng bakas Sa tabing-ilog
mong payapa't panatag Ako'y di miminsang sumisimsim ng galak, Sa iyong simbahang sa gara
ay salat Ang pagdarasal ko ay sumisiglang ganap Bisa ng hangin mong dalisay at wagas.

Sa mga gubat mo na kahanga-hanga Ang mababakas ko'y kamay na lumikha Sa iyong


kandungan ay walang luluha At walang titikim ni munting dalita; Ang langit mong bughaw kung
tinitingala, Lambing at pag-ibig ang sumasadiwa Sa sangkalikasa'y titik na mistulang Aking
nababasa ang hanap kong tuwa

Kamusmusang nanaw, bayang ginigiliw, Masaganang bukal ng tuwa ko't aliw, Ng nagdirikitang
himig at tugtugin Na tagataboy ng dusa't hilahil Halina magbalik at muling dalawin, Ang
katauhan ko'y muling pagtalikin, Gaya ng pagbalik ng ibon sa hardin Sa pamumukadkad ng
bukong nagbitin.

Tao'y handang tumalikod sa ginhawang pamumuhay Kung sa gayon yaong nasang edukasyo'y
makakamtam, Edukasyong sa siyensiya at sa sining ay nagluwal Upang putong na tanghalin ng
sa taong karunungan; Kung pano ngang sa taluktok ng mataas na Tagaytay Nagmumula yaong
batis na malinis at malinaw Edukasyon ay ganyan din, lupang kanyang panahanan Ay lalasap
ng biyaya ng payapang kabuhayan.

Edukasyon, pag naghari, kabataan ay lulusog Ang katawan at ang isip ay uunlad nang maayos
Kamalia'y nasusupil diwa niya'y mabubusog Sa marangal na damdaming sa kaluluwa'y
humuhubog Tanang bisyo'y mapapawi't sapilitang mauubos; Sa harap ng edukasyon kasama'y
malulugmok, Umaamo kahit nga mga bansang asal-hayop; Ang mabangis nagbabago at
bayaning nababantog.

At panong iyang batis, sa pag agos na marahan. Naglalagon sa makahoy na bukinit


kaparangan Ay may dulot na aruga at saganang pagmamahal Sa halama't mga damong
nilalaro't hinahagkan Binubusog sa kalinga ang magandang kalikasan Ang matinong
edukasyon, kapag ito ay nakamtam, Ang sa tao'y magluluklok sa mataas na pedestal Ng
mahigit pa sa gintong kapuriha't karangalan,

At ang kanyang mga labi'y dadaluyang walang likat Ng tubig ng kabaitang kristal wari ang
katulad, At ang kanyang pananalig ay titibay at tatatag, Ang lakas ng kasamaa'y masusupil
niyang ganap, Katulad ng mga along di gaanong nagluluwat, Pagsapit sa baybayi'y nawawala't
nababasag, At ang kanyang halimbawa ay salaming maliwanag Ng balana sa paghakbang na
pasulong at pataas.

Sa puso ng katauhang sa kasamaa'y nagugumon Edukasyon ay may tanglaw sa tunguhing


gintong layon, May panggapos sa salaring mga kamay na may lason; Mga pusong naghahanap
ng dalisay na yamungmong Ay sagana sa biyayang edukasyon ang nag-ukol, Mga pusong nag-
aalab sa mainit at maapoy Na pag-ibig sa katwirang handa silang ipagtanggol: Ang aliw ng
buhay nati'y ang mabuting edukasyon.

At kung pa'nong sa gitna man niyong along mararahas Sa gitna man niyong sigwa't
nagngangalit na habagat, Ang naroroong batong buhay na matayog at matatag Ay palalong
nakatayo at di man lang natitinag. Hanggang yaong mga alo'y maubusan na ng lakas At sa
laking pagkahapo ay maidlip yaong dagat, Sa matinong edukasyon, pag ang tao ay naghawak,
Bayan niya'y maaakay sa matatag na pag-unlad.

Sa sapiro'y mauukit ang dakilang paglilingkod, Libo-libong karangalan ang sa kanya'y


ihahandog Hasik niyang kabaita'y mabulaklak na lulusog Sa dibdib ng mga anak na sa kanya
ay susunod: Mamalas ng lahat ng mga punong nagkukupkop Na ang bayang nananalig at sa
buti'y nagtatampok, Ay may isang hangarin lang; edukasyong maka-Diyos.

At kung pa'riong nagsasabog ng ginintong mga sinag iyang araw, kung umagang ngumingiti
ang liwanag Kung pa'no ngang sa silanga'y unti-unting kumakalat
Mga kulay na agawan sa kariktang sakdal dilag: Pagtuturo ay ganyan din, unti-unting
naghahayag Sa paslit pang kaisipan ng marikit na banaag Ng hiyas ng kabaitang mag-aakay,
magtataas Sa bayan ang sinisinta sa luwalhating walang-kupas.

You might also like