You are on page 1of 8

Ang Batas Rizal (Chapter 1)

Hunyo 12, 1956 – Petsa ng pagpapatibay sa Batas Rizal sa panahon ng Ikatlong Kongreso ng
Pilipinas.

Batas Republika Blg. 1425 o mas kilala Bilang Batas Rizal.

Senador Jose P. Laurel – Ang nagpanukala ng naturang Batas na siya ding Tagapangulo ng Lupon
sa Edukasyon.

Hinahangad ng pagpapatupad ng 3-yunit na Kursong Rizal ang mga sumusunod:

1. Maikintal sa kaisipan ng mga Pilipino ang mga simulain ng kalayaan at nasyonalismo sa


pamamagitan ng pag-aaral sa kanyang buhay, mga ginawa at sinulat, higit sa lahat ay ang
kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

2. Malinang nang malinaw ang pagkaunawa sa mga simulain, adhikain, pagpapahalaga at


kaisipang taglay ni Rizal na naging sanhi ng kanyang kamatayan at maging halimbawa ang
mga ito sa mga kabataan upang maiangkop ang kanilang sarili sa nagaganap sa
kasalukuyang panahon.

3. Malinang ang kagandahang asal, disiplinang pansarili, budhing sibiko at magampanan ang
mga tungkulin ng mabuting mamamayan sa pamamagitan ng pag-aaral at pagpapahalaga sa
mga katangian at kaasalan ng bayano.

Disyembre 30, 1896 – Petsa ng kamatayan ni Rizal. Araw ng pagbaril sa kanya sa Bagumbayan.

Mga opisyal na nagsagawa sa pagpili ng Pambansang bayani (Unang Komisyon ng Estados


Unidos):

William Howard Taft Trinidad Pardo de Tavera


W. Morgan Shuster Gregorio Araneta
Bernard Moses Cayetano Arellano
Dean Warcester Jose Luzuriaga
Henry Clay Ide

Limang pangalan ang pinagpilian ng komisyon para sa pagka-pambansang bayani:

Marcelo H. del Pilar Graciano Lopez Jaena


Jose Rizal Heneral Antonio Luna
Emilio Jacinto

Dr. Otley Beyer – Isang taong dalubhasa sa Antropolohiya at damdamin.

Mga sumusunod ang maging pamantayan sa pagpili ng pambansang bayani.

1. Isang Pilipino
2. Namayapa na
3. May matayog na pagmamahal sa bayan
4. May mahinahong damdamin ngunit may matatag na pagpapasya sa paglutas sa mabibigat na
suliranin.
Tatlong dahilan kung bakit napiling Bayani si Dr. Jose Rizal:

1. Kauna-unahan siyang gumising sa kaisipan ng buong bansa na maunawaan ang aping


kalagayan ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Kastila.

2. Huwaran siya ng kapayapaan. Likas na tahimik ang mga Pilipino at ayaw nila ng mapusok.

3. Sentimental ang mga Pilipino. Ang kaapihang dinanas ni Rizal sa mga kamay ng Kastila
sapul sa pag-uusig, paglilitis, pagbaril sa Bagumbayan at paglilibing sa sementeryo ng
Paco ay angkop sa pagiging sentimental ng mga Pilipino.

Chapter 2: Ang kabataan ng Bayani

Calamba, Laguna – Lugar kung saan isinilang si Dr. Jose Rizal.

Hunyo 19, 1861 – Petsa ng kanyang kapanganakan.

Hunyo 22, 1861 – Petsa ng binyag ni Dr. Jose Rizal

Padre Rufino Collantes – Paring nagbinyag kay Dr. Jose Rizal

Senor Pedro Casanas – Ninong ni Rizal sa binyag.

Francisco Mercado Rizal (1818 – 1898) – Pangalan ng ama ni Rizal

Teodora Alonzo y Realonda (1826-1911) – Pangalan ng ina ni Rizal

Jose Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda – Buong pangalan ni Dr. Jose Rizal.

San Jose – Patron kung saan kinuha ang pangalang Jose

Protasio – Nagmural sa pangalang ito sa Kalendaryo

Rizal – Apelyidong itinaglay ng kanilang pamilya dahil s autos ni Gobernador Narciso Claveria noong
1849.
– Rizal - Ricial na nangangahulugan ng Luntiang Bukid.

Mercado – Apelyidong nanggaling kay Domingo Lam-co na ang ibig sabihin ay palengke.

Alonzo – Apelyido ng ama ng kayang Ina.

Realonda – Apelyido ng ninang ng kanyag Ina.

Si Jose ay Pampito sa labing-isang magkakapatid.

1. Saturnina 7. Jose
2. Paciano 8. Concepcion
3. Narcisa 9. Josefa
4. Olympia 10. Trinidad
5. Lucia 11. Soledad
6. Maria
Ang kanilang kabuhayan ay nanggagaling sa mga lupaing inuupahan ng kanyang ama sa mga
paring Dominiko.

Tiyo Gregorio – Ang taong nagturo sa kanya ng kasipagan, pagtitiwala sa sarili sa halip na umasa
sa iba, ng liksi sa mga gawain at ng pagmamasid at paglalarawan sa kapaligiran.

Tiyo Jose – Nagsanay sa kanyang gumuhit at umukit.

Tiyo Manuel – Naghikayat sa kanya na mag-aral ng iba’t ibang larong pampalakas ng katawan
katulad ng paglangoy, eskrima at buno upang siya’y lumusog.

Bahay-kubo – Ipinagawa ni Don Franciso sa ilalim ng punong-kahoy upang magkaroon ng


maaliwalas at malinis na laruan si Rizal.

7 taon – Edad ni Rizal noong siya ay sumulat ng dula para sa Pista ng Calamba.

Alkalde ng Paete – Taong nasiyahan sa dula ni Rizal at hiniling na itanghal ito sa kanyang bayan.

Dalawang piso – Gantimpala ni Rizal dahil sa pagsusulat ng dula noong Pista.

Ang Aking Mga Kabata – Tulang isinulat ni Jose Rizal noong siya ay walong taong gulang pa
lamang.

Ang Aking Unang Salamisim – Tulang ayon sa dalawang kapatid na babae ni Rizal ay sinulat ng
Bayani noong siya’y siyam na taong gulang pa lamang.

Padre Leoncio Lopez – Pari na taga Calamba, Laguna na malaki ang naitulong sa paghubog sa
katauhan ni Jose Rizal.

Leon Francisco – Kinasundong tagapagturo ng magkakapatid.

Maestro Justiniano Cruz – Ang naging guro ni Rizal sa Binyang.

Pedro – Kaklase ni Rizal, anak ni Maestro Cruz.

Juancho, biyenan ni Cruz – Guro ni Rizal sa pagguhit noong siya ay nasa Binyang.

December 17, 1871 – Petsa ng paglisan ni Rizal sa Binyang.

Barkong Talim – Bapor na sinakyan ni Rizal pabalik ng Calamba.

Arturo Campos – Isang Pranses na kaibigan ng Ama ni Rizal na tumingin sa kanya habang nasa
paglalakbay pabalik ng Calamba.

Lucas Padua – Guro ni Jose Rizal sa Aritmetika.

Sir John Bowring – Gobernador sa Hongkong na dumalaw sa Binyang na pinag-ukulan ng papuri


ng Tiyo ni Rizal na si Tiyo Alberto.
Chapter 3 – Ang Kanyang Pag-aaral sa Ateneo Municipal de Manila

G. Manuel Xeres Burgos – Pamangkin ni Padre Jose Burgos na tumulong kay Rizal na makapasok
sa Ateneo Municipal de Manila.

Hunyo 10, 1872 – Petsa noong natanggap si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila.

Dalawang Pangkat ng Mag-aaral sa Ateneo

Emperyo ng Romano – Pangkat ng mga mag-aaral na naninirahan sa loob ng paaralan ng Ateneo

Emperyo ng Kartigano – Pangkat ng mga mag-aaral na naninirahan sa labas ng paaralan.

Titay – May pagkakautang na 300 dolyar sa magulang ni Rizal at may ari ng tahanan kung saan
unang namalagi si Rizal noong siya ay nag-aaral sa Ateneo.

Dona Pepay – May ari ng pangaserahan sa kalye ng Magallanes, Intramuros kung saan tumira si
Rizal noong sumunod na taon ng kanyang pag-aaral sa Ateneo.

Padre Jose Bech – Naging unang propesor ni Rizal sa Ateneo.

Santa Cruz – Lugar kung saan nakabilanggo ang Ina ni Rizal na si Dona Teodora.

Asawa ni Tiyo Alberto – Ang nag-dawit sa Ina ni Rizal sa sumbong na pinagtangkaan siyang
lasunin nito.

Tenyente ng mga Guwardiya Sibil – Kumasabwat sa Asawa ni Tiyo Alberto upang palabasing
nagkasala si Dona Teodora.

Alkalde Antonio Vivencio del Rosario – Ang Alkalde na naging bulag sa katarungan at sunud-
sunuran sa mga prayle na nag-utos ng pagkabilanggo ng Ina ni Jose Rizal.

Ang Conde ng Montecristo – Nobelang binasa ni Rizal sa nalalabing araw ng kanyang bakasyon.

Edmund Dantes – Pangunahing tauhan sa nasabing nobela nang nabilanggo ng mahabang


panahon ng hindi binigyan ng makatarungang paglilitis.

Universal History – Aklat na may sampung taong sinulat ni Cesar Canto

Mga Paglalakbay sa Pilipinas (Travel in the Phil) – Aklat na sinulat ni Feodor Jagor.

Soledad – Kapatid ni Jose na sumayaw sa harap ng Gobernadol Heneral at humiling na palayin sa


pagkakabilanggo si Dona Teodora bilang gantimpala sa kanyang kagiliwan.

Padre Franciso Sanchez – Paboritong Propesor ni Rizal sa Ateneo na siyang naghasik sa kaisipan
ni Rizal ng pag-ibig sa panitikan.

Romualdo de Jesus – Guro ni Rizal sa paglilok (Ateneo)

Don Agustin Saez – Propesor ni Rizal sa “Solfeggio”, pagguhit at pagpipinta.

Padre Jacinto Ferbes at Padre Jose Villaclara – Iba pang naging Propesor ni Rizal.
Batikuling – Uri ng kahoy na ginamit ni Rizal upang iukit ang Birheng Maria.

Sagrado Corazon de Jesus – Hiling ng ilan na ililok ni Rizal upang ipagkaloob kay Padre Lleonart.

Bachiller en Artes – Natamong karangalan ni Rizal sa gulang na labing anim na taon.

Congregacion Mariana Mga kinabibilangang samahan ni Rizal noong siya ay


Akademya ng Panitikang Kastila nasa Ateneo Municipal de Manila.
Akademya ng Katutubong Agham
(Ciencia Natural)

Mga tulang isinulat ni Jose Rizal noong siya ay nag-aaral sa Ateneo

1. Maligayang Bati (Felicitacion) – Isinulat niya para sa bayaw niyang si Antonio Lopez.

2. Ang Pagsakay: Imno sa Hukbo ng mga Pandigmang-dagat ni Magallanes

3. Ang Paghahamok: Si Urbiztondo, ang Kilabot ng Jolo

4. Ang Unang Nakaligid sa Daigdig at Kastilang El Cano

5. Ang Kasawian ni San Eustaquio – Dulang kanyang isinulat noong siya ay 14 taon gulang.
May 2,414 berso. Ang orihinal ay nakasulat sa wikang Italyano at nasalin sa Kastila sa prosa.

6. Isang Alaala sa Aking Bayan – Iniharap ito ni Rizal sa mga pagpupulong ng Akademya ng
Panitikan ng Ateneo de Municipal.

7. Matalik na Pagtutulungan ng Relihiyon at ng Edukasyon – Sinulat niya ang tulang ito


noong Abril 1, 1876.

8. Sa Pamamagitan ng Edukasyon ay Tumatanggap ng Liwanag ang Inang Bayan –


Kasangkapan sa Kaunlaran ng Bayan.

9. Matagumpay na Pagpasok ng mga Haring Katoliko sa Granada – Pangwakas na


tanggulan ng mga Moro matapos mabihag si Bodavilla.

10. Ang Kabayanihan ni Columbus – Nagpupuri sa Kabayanihan ni Columbus dahil sa


pagkakatuklas niya sa Amerika noong 1492.

11. Si Colon at Juan II

12. Malaking Kaaliwan sa Gitna ng Malaking Kasawian – Tula tungkol sa paglalayag ni


Columbus.

13. Ang Pakikipagusap ng Pamahalaan sa mga Mag-aaral – Kahuli hulihang tulang sinulat ni
Rizal sa Ateneo na nagtataglay ng malungkot na pamamaalam sa kanyang mga kamag-aral.
Chapter 4: Ang Kanyang Pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas

Abril 1877 – Petsa ng kanyang pag-papatala sa Unibersidad ng Santo Tomas

Pilosopiya – Kanyang pinag-aral sa unang taon sa UST sa kagustuhan ng kanyang Ama.

Taong-Aralang 1878-1879 – Panahon ng kanyang paglipat sa kursong Medisina bilang pagtalima sa


payo ng Rektor ng Ateneo at upang magamot niya ang nanlabong paningin ng kanyang Ina.

Agrimensor – Iba pang pinag-aralan ni Jose P. Rizal (Ateneo)

Segunda Katigbak – Dalagang taga Lipa, Batangas na unang nagpatibok sa puso ni Rizal noong 16
taong gulang pa lamang siya.

Troso, Maynila – Lugar kung saan nakatira ang Lola ni Rizal at nakilala si Segunda Katigbak noong
Disyembre 1877.

Kolehiyo ng La Concordia – Kolehiyo kung saan nakatira si Segunda Katigbak bilang isang interna.

Olympia – Nakakatandang kapatid ni Jose Rizal na kasama roon ni Segunda Katigbak at doon din nag-aaral.

Manuel Luz – Amain at Fiance ni Segunda Katigbak na naging dahilan ng kabiguan sa unang Pag-
ibig ni Jose Rizal.

Dona Concha – May ari ng bahay na tinirahan ni Jose Rizal sa Intramuros noong siya ay nasa
ikalawang taon ng pag-aaral sa UST.

Leonor Valenzuela – Ikalawang babaeng nagpatibok sa puso ni Rizal

Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela – Mga magulang ni Leonor Valenzuela.

Pagsusulat gamit ang asin at tubig – Paraan ng pagsusulat na itinuro ni Rizal kay Leonor
Valenzuela.

Buntot-pagi – Bagay na hinagupit sa likod ni Jose Rizal makaraang siya ay hindi sumaludo sa
nakasalubong na Tenyente ng Guwardiya Sibil.

Liceo Artistico – Patimpalak sa pagsusulat ng tula sa UST na sinalihan ni Jose noong 1879.

Sa Kabataang Pilipino (Ala Juventud Filipina) – Tulang isinulat ni Jose Rizal na nagkamit ng
unang gantimpala. Sagisag: “Lumusog ka, O, mahinhing bulaklak.”

Taong 1880 – Taon ng ikalawang patimpalak pampanitikan ng Liceo Artistico – Literario. Ito din ang
taon ng pagdiriwang ng ika 400 taong pagkamatay ni Cervantes, ang pinaka-dakilang manunulat na
Kastila na may akda ng “Don Quixote”

El Consejo de los Diones (Sanggunian ng mga Diyus-diyosan) – Talinghaga o prosa na inilahok


ni Jose Rizal sa ikalawang patimpalak pampanitikan ng Liceo Artistico – Literario.

Homer – Ang Griyegong sumulat ng “Lliad at Odyssey


Virgil – Ang Romanong sumulat ng “Aenid”
Cervantes – Ang Kastilang sumulat ng “Don Quixote”
Trumpeta, isang Lira, at isang Koronang Laurel – Mga nasabing gantimpala sa Talinghaga ni
Rizal.

Juno – Ang nagmungkahi at nagtanggol kay Homer (Trumpeta)


Venus – Ang nagmungkahi at nagtanggol kay Virgil (Lira)
Minerva – Ang nagmungkahi at nagtanggol kay Cervantes (Laurel)

Singsing na ginto na may nakaangat na busto ni Cervantes – Ipinagkaloob kay Rizal matapos
manalo ang kanyang talinghaga sa ikalawang patimpalak pampanitikan ng Liceo Artistico.

D.N. del Puzo – Ang nagkamit ng ikalawang parangal.

Disyembre 8, 1880 – Itinanghal sa Ateneo ang dulang sinulat ni Jose na may pamagat na “Junto Al
Pasig” (Sa Tabi ng Pasig).

Birhen Imaculada – Ang naturang dula ay parangal sa kapistahan ng birheng ito.

Leonido, Candido, Pascual – Mga tauhan sa dulang Sa Tabi Ng Pasig.

Taong 1880 – Sumulat siya ng isang soneto sa aklat ng samahan ng mga manlililok.

Hindi nasiyahan si Jose Rizal sa kanyang pag-aaral sa UST sapagkat: Sa kanyang palagay ay
may galit sa kanya ang kanyang mga Propesor na Dominiko.

Mga dahilan kung bakit ipinasya niyang sa Europa tapusin ang kanyang pag-aaral.

1. Hindi nga siya nasisiyahan sa mga paraan ng pagtuturo sa UST.

2. Ibig niyang magpakadalubhasang mabuti upang mapagaling ang mga mata ng kanyang mahal
na ina.

3. May hangarin siyang masaksihan at mapag-aralan ang kabuhayan ng mga tao sa Europa.

You might also like