You are on page 1of 2

FIM006 KULTURANG POPULAR USI Vincentian Learning Module

KULTURANG POPULAR
Pangalan: IAN B. BALCUEVA Kurso at Antas: TED 2-ES
Numero at Pamagat ng Modyul: MODYUL 5- KULTURANG POPULAR

1. Ilarawan ang kulturang Pilipino.


Ayon sa aking napanood ang Kulturang Pilipino ay ang pagsasalinsalin ng mga kaugalian
at tradisyon ng isang tao o isang grupo ng komunidad. Ito ay ang mga pinaghahalo-halong
tradisyon, paniniwala, at pamumuhay ng ating mga ninuno at ng mga dahuyang sumakop
satin noon na naging parte na rin ng ating kultura. Ito rin ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng
isang lugar o komunidad.
2. Isa-isahin ang kulturang Pilipino.
Una ay ang pagmamano na ang layunin o ang kahulugan ay ang pagbibigay galang o
respeto lalo na sa mga mas nakatatanda sa atin. Pangalawa ay ang paggamit ng “po” at “opo”
bilang pagbibigay rin ng respeto sa mga nakatatanda. Pangatlo ay ang “harana” na
isinasagawa kung gabi sa labas o ibaba ng bintana ng nililigawang babae. Gamit nito ang mga
tugtugin na nakabighani sa nais ligawan ng isang lalake. Ngunit sa panahon ngayon ay malimit
o kaya nama’y nawawala na ang paraan na ito ng pangliligaw. Pang-apat ay ang
“pamamanhikan” kung ang babae at lalake ay nagkaroon ng kasunduan upang magpakasal
kaagapay ang kanilang mga magulang higit lalo ang magulang ng babae upang pormal na
hingiin ang kamay ng babae. Dito na rin isinasaayos ang preparasyon sa kasalan ng dalawang
nag-iibigan. Ako’y nasisiyahan dahil hanggang sa ngayon ay ginagawa parin ang tradisyon na
ito higit lalo sa aming barangay. Pang-lima ay ang “bayanihan” na bahagi rin ng ating kultura
katulad ng pagbubuhat ng kubo na tulong-tulong na inililipat sa nain na lugar ng may-ari ng
bahay. Ito rin ang sumisimbolo sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Pilipino higit lalo sa
mga sakuna na ating nararanasan. Pang-anim ay ang “piyesta” na ginaganap sa kaarawan ng
ng isang lugar o nayon kalakip nito ang mga kasiyahan katulad ng palaruan, sayawan, at ang
kainan. Pang-pito ay ang “simbang gabi” o Misa de gallo na isinasagawa ng mga katoliko sa
siyam na gabi o madaling araw bago ang araw ng kapanganakan ni Jesus. Pang-walo ay ang
“mahal na araw” na nagsisimula sa paglalagay ng abo sa mga noo ng mga katoliko bilang
pagpapaalala na tayo ay galling sa alabok at tayo rin ay babalik sa alabbok. Pang-siyam ay ang
“kasabihan at pamahiin” na galling pa sa ating mga ninuno n kanilang paniniwala upang
mapabuti ang ating buhay ang halimbawa nit ay ang hindi dapat pagbili ng karayo kung gabi

1
FIM006 KULTURANG POPULAR USI Vincentian Learning Module

at huwag tumuloy kapag may itim na pusa at iba pa. Ngunit dahil sa tinatawag na
modernisasyon at globalisasyon nagbabago at napapalitan na ang mga ito ng mga
makabagong tradisyon galling sa iba’t ibang kultura.
3. Paano mo ipagmamalaki at pauunlarin ang kulturang Pilipino?
Bilang karugtong sa naunang sagot, Ako bilang bahagi at kasapi ng mga Pilipino lalo na
sa pagpapanatili, pagmamalaki, at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino dapat ko munang
kilalanin at pahalagahan sa aking sarili at ipakaita sa iba kung paano ko pinahahalagahan ang
kulturang Pilipino upang gayahin nila ang aking ginagawa. Ipagmamalaki ito ito ng buong puso
at walang halong pagaalinlangan upang higit na mas mapatunayan sa iba na ako ay seryoso sa
pagpapanatili at pagpapaunlad ng ating kultura at upang Makita rin ng mga banyaga ang ating
kultura at makilala sa iba’t ibang bansa saan man sa bilog na mundo. Dapat ring bukal sa
aking puso ang ipagmalaki at pagtangkilik ng sariling atin lalong lalo na sa mga produkto na
ating gawa upang higit na makilala ang ating bansa sa lahat ng larangan.
4. Paano nababago ng panahon ang kulturang Pilipino?
Nababago ito dahil sa tinatawag na modernisasyon at globalisasyon na patuloy na
nagpapaago sa kulturang Pilipino higit lalo sa kasuotan, panliligaw, pagagamit ng po at opo,
ang bayanihan at iba pang kultura at kaugalian ng mga Pilipino na binago ng panahon. Lubos
na nakakalungkot ang mga pagbabagong dulot ng globalisasyon at modernisasyon higit na sa
pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya na halos lahat ng bagay ay gumagamit nito.
Hindi masama ang mga makabagong gawain o mga kagamitan na ito, dapat lang natin higit
lalo ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang ating kultura upang hindi mawala nang sa
ganoon ay magamit pa ng mga susunod na henerasyon. Ang layunin nalang natin ay
mapanatili o pareserba ang ating kultura dahil mayroon na tayo ng mga ito.
5. Ano-ano ang katangian ng modernong Pilipino? Paano kaya ito mababago?
Ang mga pagbabagong ito ay madalas na makikita higit lalo sa mga kabataan ngayon na
na pinagmumulan ng iba’t ibang kaugalian at mga gawain na nakukuha sa iba’t iba ring
tradisyon at kultura ng ibang bansa. Ilan dito ay ang pagliligawan sa kalye na dapat ay nasa
bahay, ang mga kasuotan, ang mga gamit na bagay na galing sa ibang lugar, at iba pa. Dapat
na gabayan at baguhin na ito sa lalong madaling panahon upang hindi tayo mabago ng mga
makabangong kultura. Dapat ring naka ugat sa atin bilang mga Pilipino ang ating kultura
upang hindi mabago at mapalitan.

You might also like