You are on page 1of 1

PANGALAN: Ian B.

Balcueva ISKOR:

KURSO: BSED PETSA:

SABJEK: sosyedad at literatura GAWAIN:

Sa pagdaan ng mga araw o paglipas man ng mga naunang tao at pag usbong ng mgs makabagong
henerasyon patuloy na yumayabong ang bawat kultura at paniniwala sa iba't ibang lugar lalo na dito sa
Pilipinas. Tayong mga Pilipino ay maituturing na nakabase ang mga gawa ayon sa kultura at paniniwala na
naiwan ng mga mananakop noong mga panahon ng digmaaan. Ngunit ano nga ba ang mga naitulong ng
mga ito? At nagagamit ba natin ito ng ayon sa dapat gawin? Marami saating mga Pilipino na magpasa
hanggang ngayon ay naniniwala at naka angkla parin sa mga kwento o alamat na naibahagi ng iba't ibang
lahi na simakop saatin na tila ba ito'y mga bahagi na ng pang araw araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
Kaya nga't sa aming lugar sa Partido ay may umusbong na isang alamat na maituturing na di
makakalimutang kwento ng mga matatanda doon. At bilang bahagi ng gawain sa Sosyedad at literatura
nagkaroon kami ng pagkakataon upang ibahagi ang aming natatanging alamat sa aming kani-kaniyang
lugar dito sa Bicol.

Sa aming pagtungo sa lugar ng Sta. Rosa Bonot, Calabanga ay aking naibahagi ang alamat tungkol sa
aming lugar- ang lugar ng Parubcan. Isang napakagandang oportunidad upang makapanayam ang mga
batang sa tingin ko'y gutom sa kaalaman at nais matuto pa ng iba't ibang kaalaman. Nakita ko ang bawat
mga mata ng mga bata na gusto talaga nilang matuto at makakuha ng maraming kaalaman na magagamit
nila sa pang araw araw na pamumuhay. Ang pagpunta namin doon ay hindi lamang isang pagdalaw at
pagbigay ng magagamit nilang materyal na bagay ngunit ang pagbigay din sa kanila ng bagong kaalaman
at mga gawain na hindi nilamakakalimutan. May naitanong ako sa dawalang magkapatid kung bakit sila
pumunta sa pagtitipong iyon at ang kanilang parehas na sagot ay gusto nilang matuto ng iba pang
kaalaman. At ako'y nagulat kasi sa kanilang murang edad ay naisip nila na gusto nilang matuto saaming
mga pumunta doon. At nais nilang hubugin pa ang kanilang kaalaman at kasusayan sa mga bagay bagay
sa mundo. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng araw na iyon ay ang may natutuhan ang mga bata na
pumunta doon na kanilang magagamit saan man mapunta.

Saan man tayo mapunta mahalagang tulungan natin ang mga batang nangngailangan lalo na sa
kaalamang meron tayo hindi natin mananakaw o mabibili ang kanya-kanyang kaalaman at kahusayan sa
lahat ng larangan ngunit kaya natin itong ibahagi kung ano man ang meron tayo. Hindi mahalaga kung
ano ang meron ang iba ang importante ay ang kayang mong gawin at ibahagi sa kanila. Mahalagang
matutunan natin na magbigay na naaayon sa kung anong meron ka mapa materyal o kaalaman man yan,
maliit o malaki man yan basta ang mahalaga nagbahagi ka ng bukal sa iyong loob at puso.

You might also like