Professional Documents
Culture Documents
ON
SA
FILIPINO
IPINASA KAY:
GNG. ANA MAE CATACUTAN
TALAAN NG MGA NILALAMAN
GAWAIN/TANONG PAMAGAT
TALUMPATI:
ARTIKULO:
ARTIKULO: THE LANGUAGE OF
*Bumuo ng isang artikulo na naglalahad GLOBALIZATION BY PETER MARCUSE
ng iyong sariling kaisipan at pag-unawa
base sa napili mung babasahin. Maaring
salungat o kampi ang iyong kaisipan at
upang maging mas mapatibay pa ang
iyong isasagawang pagsulat ng artikulo.
Pangalan: Paulynn Mahinay Kurso: BSED-2 English Petsa: May 02, 2020
“ANG PILIPINAS”
Sa ilang dekada na nag daan hindi maikakaila na ang Pilipinas ay nabubuo nang iba’t
ibang hiram na kultura, pagsasalita at tradisyon na nanggaling sa mga dayuhang
sumakop dito na nagging parte na ngayun ng ating nakasanayan at pagkikilanlan. Ang
ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng
kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.
Isa sa mga bagay na nakuha nating mga Pilipino sa mga dayuhang mananakop ay ang
mga pagdiriwang sa mga Santong Patron sa mga bayan, barangay, o mga distrito na
sya ring ginagawa sa mga bansang sakop ng mga Kastila. May malaki ring kontribusyon
din ang mga malalakal sa mga kulturang nakagawian nating mga Pilipino bago pa man
duamating ang mga mananakop. Ito ay ang India, Malaysia, Tsina at mga Hapon. Isang
halimbawa ditto ang hinduismo at budismo at ang mga pagkaing pansit at siopao. Kahit
sa panahon ngayun hindi rin maikakaila ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga
dayuhang kagawian. Ang makulay na kultura ng Pilipinas ay makikita rin sa iba’t ibang
pag diriwang dinadaos sa iba’t ibang buwan sa buong taon na sya ring tinatawag na
mga pansibikong pagdiriwang. Mayroon ring Mga Pambansang pagdiriwang na syang
ipinagdidiwang sa boung kapuluan na syang napakahalaga sa kasyasayan at lipunan.
Hindi rin mawawala ang ugali ng mga Pilipino na nakikilala rin sa ibang bansa. Naalala
ko noong bagong lipat kme sa lugar ng aking ina ay nag bayanihan sila upang mailipat
ang isang kubo na syang aming magiging bagong pansamantalang bahay habang
pinapagawa pa ang konkretong bahay sa katabing lote. Nakakalungkot lang isipin na
hindi na ako nakakakita ng ganoong pangyayari ditto sa aming lugar maaring yun na
ang aking una at huling pagkakita nang ganoong bayanihan dito. Ang ang mga Pilipino
ay kilala rin sa pagbubuklod ng mga pamilya kahit na may mga asawa at anak na ay
tumitira pa rin sila sa iisang bubung kasama ang kanilang mga kamag-anak. Meron din
na sa malapit na lote tumitira upang hindi mapalayo sa kanilang pamilya. Kaya sa ibang
mga kapuluan ay merong kinakalalang angkan dahil na rin sa dami ng kanilang pamilya
na halos magkakilala na ang lahat sa lugar.
Dahil sa mga mananakop ay nagging mas sibilidado ang mga Pilipino at natutu rin ng
mga kultura na hanggang ngayun ay tinatangkilik at ipinagdidiwang parin sa iba’t ibang
kapuluan. Ganoon paman hindi parin nman nawawala ang ugaling Pilipino na syang
dahilan na namumukod tangi ito sa ibang bansa. Maraming man ang nagging dahilan at
nangyari na nag bigay kontribusyon sa ating kultura hindi parin nawawala ang
pagkakakilanan ng isang Pilipino sa ibang dayuhan o bansa.
Pangalan: Paulynn Mahinay Kurso: BSED-2 English Petsa: May 02, 2020
“EBULOSYON”
Ang wika ay isang simbolo ng bansa na kung saan ito ay may iba’t ibang katangian at
paraan na syang natatangi sa mga iba’t ibang bansa. Kalipunan ito ng mga simbolo,
tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ang
wika ang siyang tulay sa pag unlad at pagkakaisa ng mga bansa at ng isang mabisang
pakikipag-ugnayan.
Bago pa man dumating ang mga Kastila gumagamit na ang ating mga ninuno ng
Baybayin o Alibata. Ito ay sya ring hinahalintulad sa inskripsyon ng Malay, Java at
Sanscrit. Ang wikang Tagalog ay maraming hiram na salita isa na dito ang mga hiram
na nanggaling sa dayuhang mananakop na Kastila. Pinapaniwalaan din na nag mula
ang wikang Tagalog sa wikang Sanskrit isang halibawa nito ay ang salitang KARMA na
sya paring ginagamit natin hanggang sa kasalukuyan. Mahalagang parte ng kasaysayan
ng Pilipinas ang naging ebulosyon ng ating pambansang wika mula ng itatag ang unang
konstitusyon noong 1898. Ang wikang tagalog ay syang pinagbasihan ng ating
pambansang wika. Ang wikang ito ay itinuturo sa pambubliko at pribadong paaralan. Sa
paglipas ng panahon ay sya ring pag unlad ng iba’t ibang dialekto na ginagamit sa
pilipinas na kadalasang nagiging popular dahil na rin sa iba’t ibang uri ng social media
platform at patalastas sa mga telebisyon. Sa kasulukuyang panahon malaki na rin ang
pagbabago sa ating katutubong salita na syang napapalitang ng modernong
pagpapahayag lalo na ang mga mdernong kabataan sa ngayun na may iba’t ibang
paraan nang pagpapahayag. Meron nang gay lingo na na syang ginagamit ng mga
bakla. Conyo na kung saan ang mga Pilipino ay gumagamit ng taglish o ang paggamit
ng wikang tagalog at wikang Ingles. Dahil dito marami nang salitang Filipino ang di na
ginagamit o bihira ng gamitin. Halimbawa ay salakat; pag nag de-kwatro ka ng iyong
binti. Tagsyang sa hilaw na sinaing, sanghir sa putok ng kilikili at iba pa.
Pangalan: Paulynn Mahinay Kurso: BSED-2 English Petsa: May 02, 2020
“MODERNONG MUNDO”
Ang wikang Filipino ay binase sa wikang tagalog bago ito ang paraan ng
pakikipag-usap ng ating ninuno ay ang baybayin na sya ring na kita sa Kawi
Xcript na inahalintulad din sa Malay, Java, at Sanscrit. Hindi maikakaila na mas
tinatangkilik at binibugyang pansi ang pagkatuto ng mga kabataan sa wikang
Ingles dahil na rin sa ito ang lingua franca na ginagamit sa pormal napakikipag-
usap. Marami ang nag sasabi na ang wikang Filipino ay isang wikang kalye at
hindi na kailangan pang pag-aralan sa kadahilanang hindi nman ito magagamit
sa pagkuha ng trabaho o sa pakikipagkalakalan. Ngunit dahil sa
internasyonalismo ay naging wikang Global ang Filipino. Paano nga ba naging
global ang wikang Filipino dahil sa Internasyonalismo? Ito ay dahil sa
kasunduaan na kung tawagin ay MOA o MOU na kung saan nag kakaroon ng
bigkis ang kanilang kasunduan upang maging intersyanol ang isang wika. Dahil
ditto nag kakaroon ang mga Pilipino ng upurnidad na magturo sa ibang bansa ng
wikang Filipino habang ang mga dayhan nman ay pumupunta sa Pilipinas upang
magkaroon ng pormal na pag-aaral sa wikang Filipino. Marami ang nag bubukas
na opurtunidad hindi lamang sa wikang Filipino pati na rin sa mga kababayan
natin.
Hindi man lubos na nabibigyan ng pansin ang wikang Filipino sa ating bansa
dahil na rin sa mga dayuhang wika na higit na nakakabigay interes sa mga
kabataan ngayun hindi parin maikakaila ang kahalagahan ng pag-aaral nito lalo
na at kahit ang iban bansa ay pinag-aaralan din ito.
Pangalan: Paulynn Mahinay Kurso: BSED-2 English Petsa: May 02, 2020
“PILIPINAS”
Hindi pa man sapat ang aking kaalaman ukol sa pamahalaan upang lubos na
maintindihan ang paraan ng kanilang pamumuno nakikita ko nman na ang pamumuno
ditto ay hindi perpekto. Maraming krimen ang syang patuloy na nangyayari sa iba’t
ibang lugar at kahit anung gawin ng pangulo na siyang may pinakamataas na tungkulin
sa bansa ay parang wala parin eto nagagawa. Ngunit wala nga ba? O sadyang pikit
mata ang mga mamayan sa mga bagay na pilit inaayos ng pangulo? Ng mga
namumuno? O baka dahil lubhang nakakasilaw ang kapangyarihan, ang pera na pilit
sumisira sa mga planong iisang pag unlad na nagiging makasariling hangain na
lamamang. Marami akong nababalitaang katiwalian o di patas na pag bibigay parusa
lalo na sa mga mahihirap malimit ko na naririnig o napapanood na mas napapanigan
ang mga mayayaman ang mga nakakataas kahit mali ay nagiging tama bastaw meron
kang perang maisisilaw sa hustisya. Ako ay lubus na nagpapasalamat sa lahat ng mga
ginagawa ng mga nakakataas hindi nga din naman madaling mag patakbo ng isang
bayan lalo na kung hindi lahat ay ang kakaisa. Marami ang may sari-sariling opinion at
pag tanaw sa mga bagay na nang yayari ngunit bilang isang mamamayan mas
mabuting lawakan ang pag-iisip at intindihin ang mga bagay na nagiging sanhi ng mga
problema at hindi lamang isisi ito sa pamahalaan at sa mga namumuno.
Walang perpektong gobyerno o pamahalaan, ngunit bilang isang mamayan kung wala
ka din namang alam o di kaya’y ambag upang mapabuti ang bansa di kaya mas
mabuting sumunod na lamang sa batas at sa mga namumuno? Kahit sa simpling pag
sunod sa mga bagay na ipanapatupad ng mga nakaktaas ay malaking tulong na.
walang madaling trabaho maging isang indibidwal na marunong umunawa kesa
ngumawa.
Pangalan: Paulynn Mahinay Kurso: BSED-2 English Petsa: May 02, 2020
Ang mga kababaihan ay madalas man masabihan ng mga dapat at di nila dapat gawin
ay kusang lumalabas pa din ang di maisasawalang bahalang dedikasyon at sakripisyong
kanilang ginagawa. Di man lubos mabigyan halaga noon may napapatunayan namang
halaga ngayun. At sa nag daan pang taon ay patuloy na kumakawala sa esterotipong
pagkakakilala ng lipunan sa kanila at gumagawa ng kanilang sarilang pagkakakilala
malayu sa kung anu ang gusto ng lipunan na gawin nila.
Pangalan: Paulynn Mahinay Kurso: BSED-2 English Petsa: May 02, 2020
LITERAL NA PAGSALIN
1. VIDEO- BIDYO
2. TEACHER- TITSER
3. COMPUTER-KOMPYUTER
4. CANDY-KENDI
5. EVOLUTION-EBOLUSYON
BINAGONG LITERAL
IDYOMATKONG SALIN
1. Claire was so angry, she threw the cup. – Sa sobrang galit, tinapon ni Claire ang
baso.
2. Still wet behind the ears – May gatas pa sa labi
3. Thorny path- matinik na landas
4. Hand-to-mouth existence- isang kahig, isang tuka
5. Lend a hand- tumulong ka
LUBHANG MALAYA