You are on page 1of 24

ARALIN 1

www.angkahuluganngwika.com

KAHULUGAN NG WIKA
WIKA & KULTURA WIKA SA EDUKASYON,
PAGPAPAUNLAD NG ISIPAN AT DAMDAMIN SA
PAMAMAGITAN NG WIKA

ARALIN 1
ARALIN 1 Reporters INTRODUKSYON

www.angkahuluganngwika.com

ANG KAHULUGAN NG WIKA


Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay isang sistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit
ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura.

Ang wika ay isang uri ng instrumento upang lubusang maipahayag ng isang


tao ang kanyang isipan at damdamin.
ARALIN 1 Reporters Introduksyon Wika at Kultura

www.angkahuluganngwika.com

WIKA & KULTURA


Masasabi nating ang wika at kultura ay laging magkaagapay.Bawa't lahi ay nakabubuo ng
kanilang wika mula sa kanilang sariling karanasan at kultura.

Ang paggamit ng kanyang wika ay naaayon sa uri ng kulturang kanyang nakagisnan, kaya ang
wika ay nakakapagbibigay ng identidad sa isang lahi.

Ang wika ang siyang nagsi- silbing tanikala upang ang isang lahi ay mabigkis ng pagkakaisa.
Samakatwid, magiging mabilis ang pagkakaunawaan ng isang lahi sa pamamagitan ng wikang
kanilang ginagamit. Uunlad ang isang kultura sa pamamagitan ng wika at lalawak naman ang
talasalitaan ng isang wika dahilan sa kaunlaran ng kultura
ARALIN 1 Reporters Introduksyon Wika & Kultura Wika Sa Edukasyon

www.angkahuluganngwika.com

WIKA SA EDUKASYON
Hindi maikakaila na tayo ay mayroong isang wikang pam- bansa na
nililinang at patuloy pang nililinang na ngayo'y tina- tawag nating
Filipino. Umuunlad ang wika sa dahilang ito ay tinatanggap at
tinatangkilik ng mga mamamayan.
ARALIN 1 Reporters Introduksyon Wika & Kultura Wika Sa Edukasyon

angkahuluganngwika.com

MGA IMPLIKASYON SA PAGGAMIT NG FILIPINO


AYON SA KOMISYONER NG KOMISYON SA WIKANG
FILIPINO

SA EDUKASYON
ARALIN 1 Reporters Introduksyon Wika & Kultura Wika Sa Edukasyon

angkahuluganngwika.com

MGA IMPLIKASYON SA PAGGAMIT NG FILIPINO AYON SA KOMISYONER NG


KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

SA EDUKASYON:

• Higit na magiging realistiko ang edukasyon ng mga kabataan.


• Lalong magiging mabisa at pamalagian ang pagkatuto.
• Magiging tunay na demokratiko ang edukasyon.
• Lalawak ang mapaghahanguan ng edukasyong pormal & impormal
• Makabubuo ng edukasyong tunay na Pilipino sa kaalaman at kaanyuan.
• Bibilis ang paglinang at pagpapalaganap ng wikang Filipino.
ARALIN 1 Reporters Introduksyon Wika & Kultura Wika Sa Edukasyon

angkahuluganngwika.com

MGA IMPLIKASYON SA PAGGAMIT NG FILIPINO


AYON SA KOMISYONER NG KOMISYON SA WIKANG
FILIPINO
SA PANGKALAHATANG
PAGPAPAUNLAD NG BANSA
ARALIN 1 Reporters Introduksyon Wika & Kultura Wika Sa Edukasyon

angkahuluganngwika.com

MGA IMPLIKASYON SA PAGGAMIT NG FILIPINO AYON SA KOMISYONER NG


KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
SA PANGKALAHATANG PAG UNLAD NG BANSA:
• Titibay ang pambansang pagkakaisa.
• Malilinang ang pagkakakilanlang pambansa.
• Magiging matalik at praktikal ang pagtatalastasan ng pamahalaan sa isang dako at ng mga mamamayan
sa kabilang dako.
• Filipino ang magiging pangunahing wika sa panganga- siwang pambayan.
• Bubulas ang kulturang pambansa.
• Lalakas ang produksyon ng mga babasahing bunga ng utak Pilipino, nilimbag at isinaaklat ng mga bisig
Pilipino.
• Lalo pang yayabong ang katarungang panlipunan.
• Magkakaroon na ng katutubong kaluluwa ang bansa.
• Lalaya nang ganap ang mga Pilipino sa pagkaalipin sa dila, sa isipan & damdamin.
ARALIN 1 Reporters Introduksyon Wika at Kultura Wika Sa Eduka Pagpapaunlad ng isi

angkahuluganngwika.com

PAGPAPAUNLAD NG ISIPAN & DAMDAMIN


SA PAMAMAGITAN NG WIKA
Tinalakay na sa unang bahagi ang kaugnayan ng wika at kultura. Ang kultura
ay pinayayaman pa ng wika. Nakapaloob sa ating mga pahayag ang laman ng
ating isapan at damdamin na siyang mag papakilala ng ating sariling gawi o
pamamaraan sa buhay. Nakapaloob sa ating mga tula, awit, kwento at iba pang
pahayag ang laman ng ating kaisapan at damdamin.
ARALIN 1 Reporters Introduksyon Wika at Kultura Wika Sa Eduka Pagpapaunlad ng isi

angkahuluganngwika.com

PAGPAPAUNLAD NG ISIPAN & DAMDAMIN


SA PAMAMAGITAN NG WIKA
1. klima
2. kapaligaran o kinatitirahan
3. gawaing pang araw-araw
4. relihiyon
5. lipunan
6. pamahalaan
7. edukasyon
ARALIN 2

www.angkahuluganngwika.com

ANG WIKANG FILIPINO


SA MGA PILING DISIPLINA
ARALIN 2
Aralin 2

wikangfilipinosapilingdisiplina.com

Mayroon na namang mga bagong imbentong electronic house hold


appliances.
Ang mga ito’y di pa lansakang isinasapamilihan. Ngunit sa mga laboratoryo
‘y mayroon nang vacuum cleaners.
Maski ang mga subukang talyer ng malalaking kompanya ay may mga
washing machine at serving trolley na nakakapagpaparo’t parito sa kusina at
komedor. Pinakabagong likha sa pangkat na ito ang electronic cooking
machine.
Aralin 2

wikangfilipinosapilingdisiplina.com

"Electronic Brains" nina Rolf Lohberg at Theo Lutz. Ang impormasyong nakuha
ko sa ingles ay sinikap kong maihatid sa pamamagitan ng ngangayunin o
kontemporaryong Filipino.
Ang layunin ko sa pagsisimulang ito’y upang maiabot agad ang susi sa tila-di-
manuksang-pinto ng mahiwagang daigdig ng agham.
Aralin 2

wikangfilipinosapilingdisiplina.com

Maaaring may nag-aalinlangan, at nagtatanong kung ano ang ginagawa ko sa ating


wika. Sa wari ko, ang dapat maging tanong ay kung ano ang ginagawa ng ating
wika

Ano ang talagang nais kong sabihin? Ito: nasabi ko, sa kasong ito, ang gusto kong
sabihin sa bisa ng sapat na wika sa pamamagitan ng aking sapat na kakayahan

Sa aking pagsusuri'y hindi ito ang tunay na dahilan. Mana- pa'y pag-aalinlangan,
kawalan ng pagpapasya, o karuwagan. Kung di man pagkawalang-bahala o ganap
na pagtanggi at pagsalungat.
Aralin 2

wikangfilipinosapilingdisiplina.com

PAANO GAGAMITIN SA PAGTUTURO ANG


FILIPINO KUNG WALANG MGA AKLAT SA
FILIPINO NA NABABAGAY SA PARTIKULAR
NA PAKSANG-ARALIN?
Aralin 2

wikangfilipinosapilingdisiplina.com

Ang nasasangkot sa gawaing ito'y manipulasyon ng wika - ng wikang Filipino at


ng wika o mga wikang banyaga, gaya ng Ingles at Kastila, at iba pang wikang may
papel sa proseso ng akulturasyon.

Maaari ring hiramin ang bahagi ng salita o pariralang banyaga, maisasalin din nang
buuan kailanman at magiging higit na tiyak at malinaw ang gayong paraan
Aralin 2

wikangfilipinosapilingdisiplina.com

Ang suliranin sa katanungan na ito’y hindi tunog kundi baybay; pagsulat, hindi pag
bigkas. Ngunit sa ating diskusyong partikular ay di ito gaanong suliranin sapagkat
limitado sa mga termonolohiyang pang agham. At ipinahihintulot ng mga umiiral
na simulain.

Ang mga titik na wala sa Tagalog at nangasa-abakada ng mga ibang wika, lalung-
lalo na sa Kastila at Ingles, na siyang kasalukuyan nating pinanghihiram at
pinaghahanguan ng maraming salita.
Aralin 2

wikangfilipinosapilingdisiplina.com

Sa Subseksiyon 2, Seksiyon 8, ng Batas Komonwelt Blg. 184, ay sinasabi sa isang


bahagi ang ganito:

"Upang mapayaman ang talasalitaan nito (ng wikang pam- bansang Filipino),
gagamitin ng Surian bilang mapagkukunang batis na unang-una ang mga
diyalektong Filipino at pagkatapos, kung kinakailangan, ang Kastila at Ingles, at
kukunin sa mga wikang ito ang mga katawagang kilala na sa mga diyalektong
Filipino, sa dahilang tinatanggap na at ginagamit sa kalahatan sa nabanggit na mga
wika.
Aralin 2

wikangfilipinosapilingdisiplina.com

Kailanma't di maiiwasan ang paglikha ng mga bagong salita, ito'y kukunin una sa
lahat sa mga wikang klasiko, gaya ng Griyego at Latin, lalo pa't ukol sa mga gamit
syentipiko, literaryo at tekniko. Ang kabubuong mga salita'y lalagumin sa
palatunungan at palatitikang Filipino..."
Aralin 2

wikangfilipinosapilingdisiplina.com

Ako'y may isa pang paniniwala. Ang mga katawagang kemikal ay maaari nating
tapatan sa ating wika ngunit kailangang pana- tilihin ang mga sagisag
internasyonal. Halimbawa:

IRON (BAKAL) - FE
WATER (TUBIG) -H₂O
TABLE SALT (ASIN) NACL
CALCIUM (KALSIYUM) - CA
Aralin 2

wikangfilipinosapilingdisiplina.com

Sa aking paniniwala, ang pamamaraang ito’y higit na praktikal, pagkat magiging


magaan ang pagpapahayag ng Filipino sa impormasyong nakuha sa Ingles o sa alin
mang wika.

Bilang pagwawakas, iminumungkahi ko ang mga sumusunod upang maisaalang-


alang:
Aralin 2

wikangfilipinosapilingdisiplina.com

• Masterin ang wikang Tagalog na batayan ng wikang Filipino. Pag-aralang


masusi ang sining ng pagsasaling-wika, tiyaking nauunawaang ganap ang
binasa sa Ingles o sa alin mang wikang isinasalin o pinanghahanguan ng ideya.
• Hiramin sa wikang banyaga ang mga katawagang pang-agham,
panteknolohiya, atbp., at lagumin ito sa panolohiya at otograpiyang Filipino.
• Kung hihiram ng mga salita o parirala at/o lilikha nito bilang tugon sa
ekstremong pangangailangan.
• Ang mga nilikha ng salita’y gamiting singkahulugan, samantala, hanggang sa
mapalaganap at makaakyat sa katayuang palasak at pamalagian at sa wakas ay
maging katawagan sa Filipino.
Aralin 2

wikangfilipinosapilingdisiplina.com

6. Sikaping maging makinis sa pagpapahayag ngunit huwag piliting maging


dalisay.

Ang mga mukahing sa papel na ito’y angkop sa lahat ng antas ng paaralan. Ang
simulain ay pangkalahatan. Inilahad ko ang pagkapunsyonal ng Filipino. Ito’y nag-
aangkin ng lahat ng posibilidad ng isang wikang mabulas at malikhain.
Aralin 2

wikangfilipinosapilingdisiplina.com

QUIZ

You might also like