You are on page 1of 6

Filipino: Wika ng Saliksik.

Sa napakarami ng mga
pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran
kailangan nating mas alagaan at pagyabungin pa
ang ating sariling wika para narin sa ating
kapakanan at ng magamit pa ng mga susunod na
mga henerasyon.

Filipino: Wika ng Saliksik.”


Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum
sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang
karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema,
layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t
ibang larang ng karunungan, lalo na sa agham at
matematika.
FILIPINO: WIKA NG SALIKSIK 🇵🇭
Ito ang opisyal na tema para sa pagdiriwang
ng Buwan ng Wikang Pambansa sa taong ito.
Pinatutunayan nitong epektibo na maging
kasalukuyan ang paggamit ng Filipino bilang
midyum sa iba't ibang gawaing
pampananaliksik. Lalo na't kung ang mga
saliksik na ito ay mula sa Pilipino, maka-
Pilipino, at para sa mga Pilipino.

Pinakamahalagang nauunawaan ng ating mga


mamamayan ang iba't ibang pag-aaral sa
ating bansa na makatutulong pang lalo sa
pagpapaunlad ng ating lipunan. Tunay na ang
paglapit ng karunungan sa mga ordinaryong
Pilipino ay buhay at nangingibabaw kung ito'y
malapit din sa isipan ng ating mga kababayan.
Sandata na rin ito para sa lumalaganap na
internasyonalisasyon. Handa na tayong
makipagsabayan sa mga bansang tulad ng
Amerika, Tsina, Hapon, at iba pang bansang
may maalab na pagpapahalaga sa sariling
wika at kultura.
Mabuhay ang wikang Filipino! 🇵🇭
Ang Wika ng Karunungan
Akda nina Ram Michael Genovia, Richard Borres Jr., Kennith Ballega, Chloe Leigh Placer, Jhoanna Arnaido,
Noel Aguila, at Pelongo galing sa sanaysayngwika.blogspot.com
Una sa lahat ano nga ba ang wika? At ano ang karunungan? Bakit na-iuugnay
ang wika sa karunungan? Sa pagkakaalam natin, ang wika ay isang lingwahe
lamang na ginagamit natin sa pang-araw-araw ngunit ang hindi natin alam dito
ay sumisimbolo rin sa ating pagkakaisa at ito ay wika ng karunungan kalaman
kung gaano ba ka importante ang wika sa bawat mamamayan ng pilipinas
marami man tayong ginagamit na dayalekto nag-iisa parin ang ating wika ang
wikang Filipino.

Hindi natin alam kung saan nanggaling ang ating mga salita dahil kusa o likas
itong pamamaraan upang mag-pahayag, matuto o makaalam ng mga bagay-
bagay. Ang wika rin ay nag-silbing ugnay upang magkaintindihan tayong lahat.
Ito ay tumatalakay sa ating kaalaman na pinaunlad ng ating wika at upang
makatulong sa pag-intindi sa kahit anong sulat, tawag, o mismo sa ating kapwa
pilipino.

Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito


ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa
asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Kung wala ang wika,
paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang
pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat
isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas,
drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain
ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan.

Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo,


wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa
pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala,
pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pang-simbahan o
pang-kabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang-displina.
At kung wala ang Wikang Filipino , hindi tayo magiging isa o hindi tayo
matatawag na mga Pilipino . Dahil ang Wikang Filipino ay sadyang nandyan sa
atin yan dahil ito ang ating ginagamit sa pakikipag-komunikasyon sa kapwa
Pilipino at kapwa tao.

Pagpapahalaga sa Wika
Galing sa mgbrdeos.blogspot.com
Wikang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas. Wika ang pinaka-
pangunahing ginagamit ng tao sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay. Sa
halos 7,107 na mga pulo ng Pilipinas, iba’t iba man ang kultura, etniko, o lokal na
wika, pinag-iisa tayo ng bigkis ng lahi sa pamamagitan ng ating pambansang
wika. Kung walang iisang wika, ang wikang Filipino, mararating kaya natin ang
kaunlaran ng bansang Pilipinas?

Sa palagay mo, may pagkakaisa ba kung hindi nagkakaintindihan ang mga tao
dahil sa kalat-kalat at iba’t-ibang wikang kinamulatan nating mga Pinoy? Napaka
“obvious” ang sagot. Hindi. Marahil sa ganitong mga katanungan, napagtanto
mo na ang kahalagan ng iisang wika, ang wikang pambansa ng Pilipinas, ang
wikang Filipino. Kaya marapat lamang na bigyan ng napakataas na
pagpapahalaga ang ating pambansang wika. Ngunit paano? Marahil nalilito ang
iba sa inyo kung anu-ano ang mga kailangang gawin upang bigyang halaga ang
pambansang wika. Nais kong ilahad sa inyo ang kung paano mapapakita ang
pagpapahalaga sa ating pambansang wika.

1. Palawakin o paunlarin ang unawa tungkol sa wikang Filipino. Ito’y magagawa


sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Kailangan may sarili kang diksiyonaryong Filipino. Sa panahon natin ngayon,


pwede ka ring magsaliksik at magpaunlad ng paggamit ng wikang Filipino sa
pamamagitan ng internet.
Magbasa ng mga libro, mga babasahin, lalo na ng mga “research papers” na
gumagamit ng wikang Filipino.
Mapanuring pakikipagtalakayan sa mga bihasa sa wikang Filipino

2. Mataas na pagpupugay at paggalang sa mga lumikha ng Batas Pambansa Blg.


7104 at Proklamasyon Blg. 1041, sa mga mananaliksik o sa mga taong
tumutulong sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng kasanayan sa paggamit ng
wikang Filipino.

3. Makilahok sa mga aktibidad at proyekto ng pamahalaan na may kinalaman sa


pagpapahalaga ng wikang pambansa.

4. Sa araw-araw na panangalangin mo sa Diyos, kay Bathala, kay Allah, kay


Buddha, o sa sinumang sinasamba mo, maaari mong gamitin ang wikang Filipino.
Ito ay napakabisang paraan upang lalong malinang ang iyong paggamit ng
wikang Filipino.

5. Paglikha nga mga nakakatuwang tula, mga kinapupulutan ng aral na mga


sanaysay, kwento, o anumang artikulo gamit ang wikang pambansa.

6. Paghubog ng isang sining; “drawing, iskultura, sand animation o anumang uri


ng sining” na may kinalaman sa papapahalaga ng ating wikang pambansa.

Ito’y ilan lang sa mga napakarami pang paraan. Alam kong marami pang mga
paraan ng pagpapahalaga ng ating wikang pambansa (ang wikang Filipino). At
alam ko rin na kayong nagbabasa nito ay mayroong tinatagong mga natatanging
ideya kung paano pahalagahan ang ating wikang pambansa.

Ano ang masasabi mo sa mga sanaysay tungkol sa wika na nakapaloob sa


pahinang ito? Mag-iwan lang ng komento sa ibaba.

SEE ALSO: Mga Talumpati Tungkol sa Wika


C

You might also like