You are on page 1of 4

LECTURE/BABASAHIN PARA SA ARALIN 1

Filipinolohiya: Kahulugan at Kalikasan ng Kamalayang Bayan

A. Ang Pilipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita: Pilipino at lohiya (logos), na ang ibig
sabihin ay pag-aaral. Samakatuwid, ito ay isang masistematikong pag-aaral: una, Pilipinong kasipian
at, ikalawa, Pilipinong kultura at Pilipinong lipunan. Ang layunin niyo ay palabasin ang pagka-Pilipino
ng bawat larangan na mayroon ang kultura ng Pilipinas.

Ang kaisipan, kultura, at lipunan ay nagmula sa mga orihinal na matatandang Pilipino kaya ang
kanilang mga saloobin, kaisipan at kaugalian ay tunay na mga katutubong Pilipino – dito nagmula ang
mga basihan ng homonisasyon o pagkatao. Ang Pilipino ang kumikilos upang kusang lumitaw sa
kanilang pagkatao ang pagiging makabansa. Ang wika, kaugalian, paniniwala at pananampalataya
ang umiiral sa mga lihitimong mga Pilipino.

Ang mga dayuhan tulad ng Kastila at Amerikano ay may malaking kontribusyon sa


akademikong pampagkatuto ng mga Pilipino. Ito ang isa sa mga tinitignang dahilan kung bakit may
magandang pundasyon ng edukasyon sa ating bansa. Hindi maikakaila ang malaking ambag na
naidulot ng mga dayuhan sa ating lipunan, kung kaya naging isip-kolonyal ang ating mga kababayang
Pilipino. Tayong mga taga silangan ay nabahiran ng mga pangkanluraning pag-uugali, pananalita,
makabagong istilo ng pananamit, pagkahilig sa mga bagong kaalamang pang- teknolohiya. Subalit,
kailangan din ng Pilipinolohiya ang akademikong disiplina upang mapalaya ang Pilipinong kaisipan,
kultura, at lipunan at hindi ang kabaliktaran nito.

1. Ang Pilipinolohiya ay makapagbibigay ng mga tunay na katutubong kamulatan at


kamalayan nang kaugaliang Pilipino.

Pilipinolohiya – Pilipono
Lohiya mula sa Latin na Logos – sistematikong pag-aaral

Sa madaling salita ang Pilipinolohiya ay sistematikong pagpapahayag nang:

1. Pilipinong kultura pinag-aaralan ang mga ito upang lumutang ang


2. Pilipinong kaisipan mga tunay na kaugalian, puso at kalooban ng
3. Pilipinong lipunan mga Pilipino

Ang mga Pilipino ang gumgawa at lumilikha ng mga karunungan upang mapalutang sa ating
bansa at sa karatig bansa maging sa buong mundo kung ano mang kultura at tunay na
pagkakakilanlang nating mga Piliino. Makikita ang ating kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang Sining.

Masasalamin ang mga kultura nating mga Pilipino dahil na rin sa taglay na talino at mga
kasanayang kinagisnan nating mga Pilipino. Ang mga karunungang nakuha natin sa edukasyon, at sa
mga dayuhan na nakapag-ambag din ng mga bagong kaisipan para sa makabagong kultura.
Sumunod na ating tatalakayin ay larangang pangkaisipan ng mga Pilipino. Ito ay nahahati sa
dalawa:
1. Pangloob na kaugalian
Halimbawa : mabait, hindi nagsasabi ng oo, dadaanin sa paligoy, pusong mamon
2. Panlabas na kaanyuan
Halimbawa: pango ang ilong, kayumanggi, pandak, matipuno ang katawan, may
kalaparan ang noo.
3. At lalim ng kaisipan
Halimbawa: kung ang kamalayan ay kinakausap ng kanyang budhi, ang ating mga
ninuno ay naniniwala sa mga anito, bulong at nang malaunan ay sa paniniwala na
may purgatoryo lalu na nang masakop tayo ng mga Kastila.

Subalit dumating din ang pagkakataon na lumawak na ang kaisipan ng mga Pilipino at marami
nang mga bagong paniniwala sa pagsamba. Subalit kung may mga taliwas na paniniwala ay mayroon
ding nakapagdudulot din ng gulo sa bawat isa. Dahil marami na ring impluwensiya ng iba’t ibang
pananampalataya, at may iba-ibang ideya na sila.

May mga paniniwala sila na ang mga Pilipino ay tulad ng kawayan na marunong yumuko at
magpakumbaba.

Ang mga dahon ng oregano at ibang mga halaman ay pinaniniwalaang nakakagaling.

Ang mga Pilipino ay nakangiti kahit may problema na sa kalamidad, baha, pagsabog ng
bulkan, lindol at kadalasan pa nga ay sunog din. Subalit nakakangiti pa rin sila sa kabila nang unos ng
buhay.

Kung may pagkakataon naman na may inaapi sa ating kababayan ay agad na nagbibigay
ng tulong ang mga Pilipino. Hindi sila papayag na maapi ang sinuman sa ating lahi kung kaya’t ito ay
ipinaglalaban.

Ang salinglahi at angkan ng mga Pilipino ay hindi mo rin basta mauunawaan. Kasama na ba
talaga sa kultura ng mga Pilipino ang magkakasama kung ilan sa pamilya sa iisang bahay, subalit
nagkakaunawaan pa din. Sa modernong panahon ngayon ay marami na ring pagbabago sublit sadya
nga yatang ganito ang kultura ng mga Pilipino. Hindi maitatanggi na karamihan din sa ngayon ay
bumubukod na subalit napakarami pa ring pamilya ang magkakasama.

Ihalo mo man ang mga Pilipino sa ibang lahi ay napakadali nilang mag-adopt ng sitema sa
kultura ng iba.Kaya iba ka talaga Pinoy. Maging ang mga Hapon na gustong gustong katrabaho ang
Pinoy sa barko dahil sa napakasipag at magagaling sila. Nakukuha nilang pag-aralan ang ugali ng
mga Pinoy. Ang mga nurses natin na blita din sa iba’t ibang bansa.

Maging ang mental napag-iisip ng mga Pilipino sa ngayon ay may bahid kolonyal na din. Hindi
mo ito maiaalis dahil sa dami ng mga ibang lahi na sumakop sa ating bansa. Tunay na lahat sila ay
may ambag sa ating kaugalian. Hindi ito maikakaila dahil kitang-kita natin ito sa kasalukuyan. Ang
ating edukasyon na utang daw nating sa kanluranin, kaya pati ang ating pag-iisip ay ganoon na din.
Ito ang ating isa sa tatalakayin sa Filipinolohiya. Upang alamin ang tunay na damdamin, pag- iisip,
kultura ng mga Pilipino. Ito ang tatalakayin natin sa simula ng Filipinolohiya.
Bago tayo pumunta sa ibang paksa ng Filipinolohiya: Kahulugan at Kalikasan ng Kamalayang
Bayan ay talakayin muna natin nang pahapyaw ang Kasysayan ng Wikang Pambansa, upang makita
natin ang isa pang malinaw na kultura nang mamamayang Pilipino, kung paano nagsimula an gating
wikang Pambansa.

KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO

Hindi lahat ng mamamayang Pilipino ay tunay na nakakaalam ng kasaysayan ng wikang


pambansa. Kaya tunghayan sa usapan sa ibaba ang salaysay ng wikang pambansa.
Rex: Alam mo, ang Pilipinas pala ay gumagamit ng magkakaibang mga wikain na naging
sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga mamamayan.

Norie: Talaga!

Rex: Oo. May walong pangunahing wika ang umiiral sa ating bansa : Tagalog, Sebuano,
Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Waray, Kapampangan at Pangasinense. At ang bawat isa sa walong
wikang ito ay kinapapalooban pa ng ibat ibang wikain. Ito marahil ang dahilan kung bakit tayo naging
alipin ng Espanya dahil wala tayong isang wikang bubuklod noon.

Norie: Kaya pala ganoon na lang ang pagnanais ni Manuel Quezon na magkaroon ng
isang wikang pambansa. Naalala ko tuloy ang kuwento ng titser naming na nahihirapan daw ng todo
si Quezon lalo na sa kanyang pagtatalumpati. Hindi niya kasi malaman kung ano ang gagamitin
niyang lengguwahe. Kaya nagpalabas siya ng iba’t ibang kautusan na nauukol sa pagpapahalaga ng
wika? Katulad ng “Paglinang ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga wikang katutubo
ng Pilipinas ( Saligang Batas 1935, Seksiyon 3, Artikulo X1V) .”

Rex: Ang pinagtatakhan ko lang ay kung paano nila isinagawa ang hakbang na binanggit
mo?

Norie : Sabi ng guro ko sa Filipino, itinatag raw ang Surian ng Wikang Pambansa ( ngayon
ay Komisyon sa Wikang Filipino ) na gumagawa ng pag-aaral upang makapagpatibay ng isang wikang
panlahat na batay nga sa isa sa mga wikaing umiiral sa buong kapuluan. At ito ay pinamunuan ni Juan
de Veyra – ang kauna-unahang direktor ng Surian ng Wikang Pambansa.

Rex: Parang narinig ko na ang kanyang pangalan. Tama, siya ang ikinukuwento ng lolo
ko, na nagsabing “ Ibanag man kami kailangang makaunawa kami ng wikang tagalog upang
magkaroon ng pagkakaisa at sariling pagkakakilanlan ang mga Pilipino.” At nagtagumpay sila
sapagkat nagbunga ang kanilang ginawang pag-aaral alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg.
184 na nagpahayag sa wikang pambansang batay sa Tagalog.

Norie: Paano naman napili ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa?

Rex: Ang lupon ay gumawa ng kraytirya na siyang ginagamit sa pagpili ng wikang magiging
batayan ng wikang pambansa. Ayon sa kraytirya, ang wikang pipiliin ay yaong ginagamit ng
nakararaming Pilipino, ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikang Pilipino at wikang may
maunlad na balangkas at mekanismo at madaling matutuhan ng mga mamamayang Pilipino.
Norie: Teka muna, paano na yung mga hindi Tagalog, natuto ba silang managalog?

Rex: OO, dahil sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 na nagtakdang ituro ang Wikang
Pambansa sa lahat ng paaralang bayan at pribado at nagpahintulot rin sa pagpapalimbag ng
Diksyunaryo at Gramatika ng Wikang Pambansa. Kaugnay rin nito, pinagtibay naman sa Batas
Komonwelt Blg. 570 na ang Wikang Pambansa ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.

Norie: Kaya pala kinilala ang Pilipino bilang wikang pambansa.

Rex; Tama at iyan ay sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Kalihim


Jose Romero ng Edukasyon noong 1959 na nagsaad ng Pilipino ang gagamitin kung ang tinutukoy ay
ang Wikang Pambansang Tagalog.

Norie: Noong panahon na iyon maraming mga seminar, pagsasanay na inilunsad sa mga
tanggapan, paaralan at sa iba pang sangay ng pamahalaan, di ba? At ito ay ginawa upang mahasa
ang mga Pilipino sa wikang Pambansa. Kung hindi ako nagkakamali, si Juan Manuel ang nagtakda
ng Kautusang iyon Blg. 25 noong 1974.

Rex : At noong 1979 – 1980, ang Pilipino ay naging bahagi ng kurikulum pangkolehiyo, anim
na yunit ng Pilipino sa ano mang kurso at labindalawang yunit naman sa kursong Edukasyon.

Norie: Naging Filipino naman ang Pilipino batay sa Konstitusyon noong 1986. Sabi nga ni
Komisyoner Rodrigo, “Itong Filipino ay hindi isang bagong kinathang lenggwahe. Ito ay batay sa
Pilipino. Palalawakin lamang natin. Kaya nga ang Pilipino ay batay sa Tagalog at ang Filipino ay batay
sa Pilipino”.

Rex: Kaya Norie, umasa tayo na ang wikang Filipino ay nakatatanaw na ng maunlad at
maliwanag na kinabukasan. Hindi mo napansin, maging ang ating kasalukuyang Pangulo ay
gumagamit rin ng wikang atin. Tama siya, na tayo lang ding mga Pilipino ang magtutulungan upang
mapaunlad ang lahat na gamitin ang sariling wika sa lahat ng oras at pagkakataon?

Norie: Dapat! Wala nang iba pang magmamahal sa ating wika kundi tayo rin naman.
Rex: Sana nga!

Halaw sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa


(Baello et. al.: 4 – 5)

You might also like