You are on page 1of 3

FILIPINOHIYA

- nagmula sa salitang, "Filipino" at "Lohiya (Logos)"


na ang ibig sabihin ay pag-aaral sa wikang Filipino.
- ay isang disiplinang nakalapat sa karunungang Filpino
na nagpapahalaga sa konsepto ng kamalayang makabansa.
- nagsusulong ng pilisopiyang Filipino at kahalagahan
ng wikang Filipino.
- pangunahing kasangkapang sagisag ng pagkakakilanlang
Pilipino sa kamulatan ng kalagayan ng lipunang Pilipino;
tungo sa kaunlarang pangkabuhayan, pampulitika, at pang-
kultura.

KATOTOHANAN SA LIPUNANG PILIPINO:


1.) bago pa man duamating ang mga kastila sa ating bansa
ay mayroon ng umiiral na sistema ng pamumuhay at
edukasyon ang mga katutubo. Ibig sabihin lamang ay
dumaan sa proseso ng sibilisasyon ang ating lahi
mula sa pagtuklas ng apoy hanggang sa paglikha ng
pamayanan na nagpapahalaga sa diwa ng kapaligiran
at bawat nilalang.
2.) ang sistema ng pagsulat ng mga katutubo o "BAYBAYIN".
ito ay isa lamang na patunay na ang mga Pilipino ay
hindi mangmang o indyo dahil ang sistema ng pagsulat
na ito ay naging daan upang maisalin ang "DOCTRINA
CRISTIANA" na pinaka-puso ng relihiyong romano katoliko
na naging pain ng pananakop.

Batay sa "WISYO NG KONSEPTONG FILIPINOHIYA" ni Bayani S. Abadilla


- nang nasakop ang Pilipinas ng bansang Espanya ay naging alipin ang mga indyo,
sumailalim tayo sa gobyernong praylokrasya sa pamumuno ng mga malulupit na
prayle kasabay ng walang habas na panggagahasa sa likas na yaman ng Islas
Maniolas
na siyang dating tawag sa Pilipinas.

INDYO SA MATA NG MGA PRAYLE:


- alipin
- busabos
- walang karapatan

Taong isang libo walong daan siyam na pu't walo ay nakalaya tayo sa kalupitan ng
mga
Kastila matapos manalo sa gyerang Filipino-Espanyol na nilahukan ng mga indyo
kasama
ng mga "KATIPUNAN".

Subalit, hindi roon natapos ang kalbaryo ng mga Pilipino. Inagaw ng mga Amerikano
ang
tagumpay na nakamit ng mga katipunero. Sumiklab ang panibagong gyera hanggang sa
tuluyan
tayong nasakop ng mga kano.

Espanyol = Relihiyon
Amerikano = Edukasyon

naging pamantayan ang Ingles upang matukoy kung ikaw ay edukado at marunong.
na siyang naging pangunahing dahilan kung bakit nasisira ang kaangkinan
o identidad ng mamamayang Pilipino.
Ang mga Kastila at Amerikano ay may ambag sa akademikong disiplina sa Pilipinas.
Ito ang dahilan kung bakit may roong maayos at magandang edukasyon sa bansa.
Subalit, kabalikat nito, naging isip-kolonyal ang mga Filipino kung saan ang takbo
ng pag-iisip ng bawat isa ay mala kanluranin samantalang taga silangan sila.

Pinalaganap nila ang unibersalismo kung saan ang ethnic, parochial, at provincial
ng bansa
ay unti-unti ng nawawala o napapalitan. Subalit, kailangan din ng Pilipinolohiya
ang akademikong
disiplina upang mapalaya ang Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan at hindi ang
kabaliktaran nito.

Ang teorya sa Pilipinolohiya ay nagbabalangkas ng mga datos


upang magbigay liwanag sa pag-unawa ng tatlong larangan.
Samakatuwid, pawang datos ang nagdidikta ng metodo sa pag-aaral nito.

Nag-ugat ang mga pananaw ng mga Pilipino sa mga katutubong kamulatan


at kamalayan upang mabuo ang makabansang kabihasnan at hindi laman
upang pag-aralan ang mga nangyari sa mga Pilipino at Pilipinas.

KALIKASAN, KASAYSAYAN, AT KAMALAYANG BAYAN:


Mga Sanggunian:
• Ang Filipinolohiya ay isang sistematikong pag-aaral upang palitawin ang pagka-
Pilipino sa iba’t ibang larangan.

- Pilipinong Kaisipan

- Pilipinong Kultura

- Pilipinong Lipunan

Ang kaisipan, kultura, at lipunan ay nag-ugat sa mga karanasan ng mga katutubong


Filipino –
ito ang mga basihan ng homonisasyon o pagkatao. Maaaring ang mga ito ay hawig sa
iba pang lahi,
ngunit ang Pilipino, bilang isang pang-uri ng iba’t ibang sangkap ay may sariling
hekusyon, estetika, at kaayusan.

- ang dahilan kaya nagkaroon ng maraming katutubong wika ang Pilipinas


ay dahil sa isa itong arkipelago.
- Sa 1935 Konstitusyon nabanggit ang pagkakaroon ng wikang pambansa.
- Nakasaad sa Artikulo 14 Seksyon 3 na "Ang Kongreso ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
- Nobyembre 13, 1936- Itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang SURIAN NG WIKANG
PAMBANSA.
- Jaime de Veyra, tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral at napili ang
Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa.
- Taong 1937 Inilabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap
Blg 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan sa pagpili ng wikang pambansa.
- Taong 1940 Kautusang Tagapagpaganap Blg 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag
ng Talatinugang Tagalog-Ingles at Balarila.
- Taong 1959, ang kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg 7
na Pilipino ang opisyal na tawag sa Wikang Pambansa.
- Taong 1973 Ayon sa Saligang Batas, itinakda ang panibagong tawag sa wikang
pambansa ay Filipino.

FILIPINO AT KULTURA:
Ano ang wikang Filipino?
- Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika
sa bansang Pilipinas; Ang ingles ang isa pa, ayon sa Saligang
Batas ng 1987 ang wikang ginagamit ng mga Pilipino.
- Isa itong pamantayang bersiyon ng wikang Tagalog.

Ano ang Kultura?


- ang pagsalin-salin na kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining
at pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
- ang mga ito ang nagiging pananda ng pagiging makabansa at isang lahi.
- ang relihiyon, wika, at sambahayana ay ilan lamang sa halimbawa ng bawat
larangan na meron ang mga Pilipino.

Ano ang kaugnayan ng Filipino sa Kultura?


- itinuturing na anak ng kultura ang wika.
- nagbibigay diwa at saloobin sa isang kultura.
- nag-uugnay sa mga tao.
- ang wika ay nalilinang dahil sa kultura.
- ang wika ay susi ng pagusbong ng isang lahi sa paglikha
at pagpapanatili ng kultura.
-

You might also like