Professional Documents
Culture Documents
Home
Essay Criteria
Mangrove Planting
Important Documents
Pang-uring palarawan
Debate Criteria
Powerpoint Criteria
Kapayapaan
KABATAAN
Tayutay
Tanging Pamana
Halimbawa ng Silabus
(Syllabus)
Pang - Uri (Kayarian at
Kaantasan)
Pagpapalwawak ng
pangungusap
Iba't Ibang
Pagpapahayag
Paglalarawan
Paglalahad
Pangangatwiran
Talumpati
Noli Me Tangere
Pangungusap at
kayarian
Pang-abay
Ponemang
Suprasegmental
Pagbabagong
Morpoponemiko
Tungkol kay mamsha
Favorite Links
Tawagan ako
Pamilya ko
Vacation Photo Album
Pangatnig
Pang - uri
Kayarian ng pang-uri
1. Payak binubuo ng salitang ugat lamang.
Ha. Bilog , pula
Wastong Gamit ng
Salita
- Karaniwang kahulugan
Hal. Balikbayan
- Matalinhagang kahulugan
Hal. Bukas-palad
Kaantasan ng Pang-Uri
1. lantay karaniwang anyo ng pang-uri.
ha. mayaman, pang-araro, palabiro, atb.
an,
pagka- at kay-. (hal. napakalamig)
3). sa pamamagitan ng salitang (hal. Masyadong
nasalanta ng bagyo)
Bago pa man napasailalim ang Pilipinas sa Imperyal Espanya meron nang natatanging mga kultura at
mga wika ang bansa. Este, wala pa pala Pilipinas noon. Pero madalas ang interaksyon ng mga tao di
lang sa kapwa Filipino kundi pati sa mga banyaga. Madalas silang nagkakalakal pero minsan
nakikipagdigma din sila. Meron ding mga epiko, alamat, kaalamang bayan, paniniwalang espiritwal.
Meron ding sistema ng pagsusulat, ang Alibata. Nakasulat ito sa mga dahon, kawayan, o bato. Ayon sa
mga historians kung medyo natagalan lang ang mga Kastila sa pagdating, maaring nakabuo ang mga
ninuno natin ng sariling nasyon at wika.
Noong nasakop na ang mga ninuno natin, malaki ang kampanya na ginawa ng mga Kastila para burahin
ang sinangunang kultura. Pinagsusunog nila ang karamihan sa mga documents sa Alibata. Notable na
instrument siempre ang relihiyon. Isa sa mga polisiya ng mga Kastila para mapanatiling watak-watak ang
mga Filipino ay ang hindi pagturo ng wikang Espanyol. Sa halip, sila ang nag-aral ng mga wika sa
kapuluan. Natakot sila na dahil sa isang common na wika, maaring magorganisa ang mga Indio laban sa
kanila.
Pero siempre meron ding natuto ng Espanyol sa pagitan ng pag-aaral. Ang sistema ng edukasyon noon
ay kontrolado ng mga prayle at eksklusibo lang sa mga mayayaman. Noong patapos na ang 19 th na
daantaon ay may mga pagbabago sa polisya ng Espanya. Nangibabaw ang liberalism at nagkaroon ng
pagkakataon ang mga mayayamang Pilipino na mag-aral sa Europa. Doon ay na expose sila sa mga
modernong ideya lalo na kina Locke at Rousseau.
Kabilang sa mga ilustrado sina Rizal, Lopez-Jaena, Del Pilar, atbp. Tinatag nila ang Kilusang Propaganda
na ang layunin ay gawing probinsya ng Espanya ang Pilipinas. Kapag nangyari na ito, magiging
mamayang Kastila ang mga Filipino at kasama na dito ang mga karapatan at representasyon sa Cortez.
Binuo nila ang La Solaridaridad, ang peryodiko na naglalaman ng mga artikulong tumatalakay sa reporma
sa Pilipinas. Espanyol ang wikang ginamit nila. Hindi nagtagumpay ang Kilusang Propaganda sa
maraming dahilan kabilang na ang kakulangan ng kasangkapan at pagaaway-away ng mga ilustrado.
Dahil walang nangyari sa mapayapang reporma, inorganisa ni Bonifacio ang Katipunan na ang layunin ay
ang ganap na kasarinlan sa pamamagitan ng armadong paraan. Malaki ang papel na ginapanan ng wika,
particular ang Tagalog, sa rebolusyon. Merong revolutionary organ ang Katipunan, ang Kalayaan. Meron
itong mga artikulo ni Emilio Jacinto at iba pa. Pinakita ng Kalayaan ang plano ng Katipunan. Kinalat ito sa
ibat ibang kalapit na probinsya at nakatulong ito sa paglaki ng pwersa ng Katipunan mula 300 naging
3000 (Agoncillo, 1977). Pinakita lang nito na nagkakaintindihan ang mga tao sa sariling wika at pwede ito
gamitin para isulong ang interes ng mga tao. Yun nga lang, isang copya lang ng Kalayaan ang
na imprenta at nakalat. Nalaman agad ng mga Kastila ito at nagpasya ang Katipunan na tigilin na ang
proyekto.
Naging matagumpay ang rebolusyon pero saka naman dumating ang mga Amerikano. Ang mga bagong
layang mga Filipino ay may bago namang kaaway. Binenta pala ng mga Kastila ang Pilipinas sa US sa
pagitan ng Treaty of Paris. Bakbakan ulit. Natalo ang mga Filipino dahil mas armado at may angkop na
pagsasanay ang pwersa ng Kano. Para tuluyang na sakop ang mga Filipino, gumamit ang mga Kano ng
psychological tactic na pagbigay ng bagay na ipinagkait sa mga Filipino, edukasyon. Nagtatag ng secular
public system of education ang mga Kano. Pero ang ginamit sa mga paaralan na ito ay Ingles bilang
medium of instruction. Tumaas nga ang literacy ng mga Filipino, pero tuluyan din silang na pacify.
Ang mga Kano ay nagpatupad ng mga hakbang para sugpuin ang mkabayang dyornalismo at panitikan.
Ayon sa Sedition Law ng 1902, sino man ang magsabi o magsulat ng mga bagay laban sa US at Insular
Government ay pwedeng ikulong sa mahabang panahon at pagbabayarin ng malaking multa. Marami ang
nakulong na mga manunulat sa dyaryo, mandudula, atbp. Dito na nagsimula ang proseso ng
miseducation. Dahil nga Ingles ang medium og instruction, kailangan ng mga Ingles din na mga
kasangkapan. Ang mga Filipino ay natuto tungkol kina Lincoln at Washington kesa kina Rizal at Bonifacio.
Dahan-dahan naging mataas ang pagtingin nila sa kulturang Amerikano.
They had to be disoriented form their nationalist goals because they had to become good colonials. The
ideal colonial was the carbon copy of his conqueror, the conformist follower of the new dispensation. He
had to forget his past and unlearn the nationalist virtues in order to live peacefully, if not comfortably,
under the colonial order. The new Filipino generation learned of the lives of American heroes, sang
American songs, and dreamt of snow and Santa Claus. (Constantino, 1966) Yung mga promising na
estudyante, pinadala pa sa US para mag-aral o para tuluyang ma-immerse sa kulturang Amerikano.
Tinatag noong 1935 ang Commonwealth of the Philippines na si Manuel L. Quezon ang pangulo at
Sergio Osmena bilang bise. Ang Pilipinas ay magkakaruon ng transition period ng sampung taon bago
ganap na maging malayang bansa. Ayon sa mga delegado ng 1935 Constitutional Convention kailangan
ng wikang pambansa na sariling atin. Dagdag pa ni Quezon, magiging instrument ito para mapagkaisa
ang mga Filipino. November 13 1936 nang tinatag ang Institute of National Language. Ang pinakalayunin
nito ay manaliksik at tukuyin ang pinakaangkop na wika sa bansa na pwedeng gawing basehan ng
wikang pambansa.
Ang napili ay Tagalog. Marami ang nagsasabi na Tagalog ang napili dahil Tagalog si Quezon. Isa sa mga
prominenteng kritiko ay si Osmena, isang Bisaya. Bakit Tagalog e magkasing dami naman ang
nagsasalita ng Bisaya at Tagalog (at ibang major dialects tulad ng Hiligaynon at Ilocano). Ang sagot ay
nasa tanong na mismo. Kahit anong dialect pa ang mapili, kokontrahin pa rin ito. Isa pa angTagalog ay
isang basehan lamang. Iba ang Tagalog sa Filipino. Ang Filipino ay naghihiram ng mga salita mula sa
ibang dialect para lalo itong mapayaman.
Magandang halimbawa ang mga salitang bana(husband), kawatan(thief), palawig (extend). Ito ay mga
salitang Hiligaynon pero dahil na rin sa convenience, ginamit na ito sa Filipino. Isa pa, ang mga dialect sa
bansa ay galing lang sa isang pangkat ng mga wika. Ibig sabihinm magkakahawig lang ang mga ito at
medaling pag-aralan. Meron ding mga salita na pareho ang kahulugan sa ibat ibangdialect. Halimbawa
ang mata. Kahit saan ka sa Pilipinas, ang mata ay mata.
Balik sa kasaysayan. Hindi natapos ang ten-year transition period ng Commonwealth dahil sa World War
Two. Ang mga Hapon ay may sariling agenda. Nagtatag sila ng sistema ng edukasyon para burahin ang
impluwensya ng mga Amerikano sa mga Filipino. Ginamit ang Filipino bilang medium of instruction, pero
at the same time, ang Niponggo. Ang layunin ng mga Hapon ay diumano ipakita na lahat ng mga Asyano
ay magkakapatid at mga salot ang mga Kano. Promising di ba? Pero tulad ng US, may imperial interests
din ang mga Hapon. May hawig sa taktika ng mga Kano. Pero hindi ito naging matagumpay kasi siempre
digmaan, halos wala na nga makain ang mga tao, mag-aaral pa sila. Yung malala pa, pagkatapos ng
digmaan, ang tingin ng mga Filipino sa mga Kano ay mga tagapagligtas. Lalo pang tumibay ang
attachment ng mga Filipino sa mga Kano at sa kanilang kultura.
Pagkatapos ng digmaan, naging malaya na ang bansa. Paherong mabuti at masama ang pagtuto ng mga
Filipino ng banyagang wika (Agoncillo, 1977). Nakapaginterak ang mga Filipino sa buong mundo, perong
naging mababa ang tingin nila sa sariling kultura. Ang polisiya ay hindi nagbago, Ingles pa rin ang
medium of instruction, at official language sa business, governmental, at legal proceedings.
Noon, konti lang ang may access sa impormasyon sa pagitan man ng media o edukasyon.pero ngayon,
kahit sino na ang makakabili ng dyaryo o radio o TV o Internet pa nga. Nakatulong din ang mass media
para lumago ang Filipino, pero mas malaki ang epekto ng ipinasok ng mass media sa bansa, mga kanta,
pelikula, palabas, libro. Hindi na limitado sa US o Western na kultura, pati na Hapon at Koreano na media
(at kultura) ay tinatangkilik na rin.
Malinaw na sa bawat importanteng nangyayari sa bansa, parating may bagay na may kinalaman ang
wika. Hindi ito nakakagulat, sabi nga ni Jacob Burckhart, ang wika ang kaluluwa ng isang nasyon. Kung
gusto talaga natin baguhin ang sitwasyon ng bansa, hindi sapat ang pagsisi ng lahat ng problema sa mga
kurap na pulitiko. Kailangan matuto sa kasaysayan. Ang wikang pambansa ay binuo hindi para mag
away-away tayo o para maging mababa ang tingin natin sa atin sarili. Ang wikang pambansa ay para
magkaisa tayo at magkaroon tayo ng pagkatao lalo na ngayon sa panahon ng globalisasyon.
Akronim
ulo - u.lo
ilaw - i.law
asin - a.sin
alam - a.lam
2. Kayarian ng Pantig
Tinutukoy ang pantig ayon sa kayarian nito sa pamamagitan ng paggamit ng
simbolo: K para sa katinig, P para sa patinig.
Kayarian Halimbawa
P i.log
KP bu.nga
PK us.bong
KPK bul.sa
KKP pri.to
PKK eks.perto
KKPK plan.tsa
KKPKK trans.portasyon
KKPKKK shorts
3. Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paraan ng paghahati ng salita. Ito ay binabatay sa
grapema o nakassulat na simbolo.
3.1 Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang pang patinig sa
posisyong inisyal, midyal at pinal ng salita, ito ay hiwalay sa mga pantig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
aakyat a.ak.yat
aalis a.a.lis
alaala a.la.a.la
uuwi u.u.wi
totoo to.to.o
3.2 Kapag may kasunod na katinig sa loob ng isang salita, katutubo man o
hiram, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at pangalawa ay
kasuond na patinig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
aklat ak.lat
bunso bun.so
impok im.pok
isda is.da
usbong us.bong
3.3 Kapag may taatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod
sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na
sinusundan at ang huli ay sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita Mga pantig
eksperto eks.per.to
transpormer trans.por.mer
ekskomunikado eks.ko.mu.ni.ka.do
transportasyon trans.por.tas.yon
3.4 Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang
kasunod na dalawa ay alinman sa bl ,br, dr, pl, tr, ang unang katinig (m o n)
ay sa sinusundang patinig kasama at ang huling dalawa ay kasunod na
patinig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
alambre a.lam.bre
balandra ba.lan.dra
empleyado em.ple.ya.do
control kon.trol
templo tem.plo
3.5 Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang
unang dalawang katinig ay kasaam sa patinig na sinusundan at ang huling
dalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimabawa:
Salita Mga patnig
ekstra eks.tra
eksklusibo eks.klu.si.bo
ekstradisyon eks.tra.dis.yon
eksplosibo eks.plo.si.bo
Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa
kakaibang tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,
maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
Nasan, pa`no,sakin,kelan
Meron ka bang dala?
Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas
na ito; ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)
Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:
1. Paghango sa mga salitang katutubo
Halimbawa:
Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga
Halimbawa:
Epek (effect)
Futbol (naalis, natalsik)
Tong (wheels)
9. Paggamit ng Bilang
Halimbawa:
45 pumutok
1433 I love you too
50-50 naghihingalo
10. Pagdaragdag
Halimbawa:
Puti isputing
Kulang kulongbisi
11. Kumbinasyon
Pagbabaligtad at Pagdaragdag
Halimbawa:
Hiya Yahi Dyahi
Pagpapaikli at pag-Pilipino
Halimbawa:
Pino Pinoy
Mestiso Tiso, Tisoy
Pagpapaikli at Pagbabaligtad
Halimbawa:
Pantalon Talon Lonta
Sigarilyo Siyo Yosi
Panghihiram at Pagpapaikli
Halimbawa:
Security Sikyo
Brain Damage Brenda
Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa:
Get Gets/Getsing
Cry Crayola