Professional Documents
Culture Documents
Panahon ng Espanyol
Indio ang bansag ng mga Espanyol sa mga
Pilipino noong panahong sinakop nila ang
bansa. Katumbas ito ng salitang "mangmang" o
"walang alam." Sa pagsusuri sa mga pangyayari
sa wika noong panahong iyon, makikita na ang
kamangmangang sinasabi ng mga dayuhan ay
hindi tumutukoy sa "kawalan ng kaalaman" ng
mga Pilipino, kundi "nilikha" lamang ito ng
mga mananakop.
Mga Teorya sa Pinagmulan ng
Lahing Pilipino
1. Teorya ng Pandarayuhan – kilala sa tawag na
“Wave Migration Theory” na pinasiskat ni Dr.
Henry Otley Beyer, isang Amerikanong
Antropologo noong 1916.
2. Teorya ng Pandarayuhan Mula sa Rehiyong
Austronesyano – pinaniniwalaan ng teoryang ito na
ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing
Austronesian na hinango sa salitang Latin na
“auster” na nangangahulugang “south wind” at
“nesos” na ang ibig sabihin ay “isla”
Kalagayang Pangwika Bago
Dumating sa Pilipinas ang mga
Espanyol
May iba’t ibang lokal na wika sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nagkakahawig ang mga lokal na wika dahil nagmula ito sa
iisang pamilya, ang Malayo Polynesian.
May sariling sistema ng pagbasa at pagsulat ang mga
Pilipino. Dahil dito, mataas ang antas ng literacy (kaalamang
bumasa at sumulat) sa buong kapuluan.
Baybayin ang tawag sa namayaning alpabeto sa panahong
iyon.
Mga Programa ng mga Espanyol
sa Wika
Ipinakilala ang alpabetong Romano
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Pagtuturo ng wikang Espanyol at pag-aaral ng lokal
na wika
Ipinag-utos ng hari ng Espanya na pag-aralan ng mga
Espanyol ang mga lokal na wika at ituro sa mga
Pilipino ang wikang Espanyol.
Mga Ginawa ng mga Espanyol sa
Wika
Hindi isinakatuparan ng mga opisyal na Espanyol ang mga
programa sa wika na ipinag-utos ng hari ng Espanya. Ilan sa
mga pangunahing dahilan nito ang sumusunod:
Mababa ang tingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino at
naniniwala sila na hindi nararapat ang uring ito sa
sagradong wika nila.
Nais nilang manatiling walang alam ang mga Pilipino
ukol sa patakaran ng gobyerno, at mga pangyayari sa
bansa at sa mundo.
Ayaw nilang magkaintindihan ang iba’t ibang grupo ng
mga Pilipino kaya ninais nilang panatilihin ang iba’t
ibang lokal na wika.
Implikasyon ng mga Pangyayari
sa Wika
Nahirapan ang mga Pilipinong iparating sa Espanya
ang kanilang kalagayan.
Nahirapan ang mga Pilipino na makipag-ugnayan sa
kapwa Pilipino na mula sa ibang lugar ng bansa.
Nabuo ang paniniwalang mababang uri ang
anumang lokal na wika at sinumang gumagamit
nito.
Pag-usbong ng Liberalismo
Sa huling bahagi ng ika-16 na siglo, tuluyang
lumakas ang ideya ng liberalismo sa Europa.
Dahil sa mga ilustradong Pilipino na nag-aral sa
Europa, nakarating sa bansa ang usapin ng paglaya.
Kasabay ng paghiling ng mga Pilipino ng pantay na
karapatan sa iba’t ibang pamamaraan, hiniling
nilang ituro sa mga Pilipino ang wikang Espanyol.
Nakita ang katotohanang matagal nang iniutos ng
hari ng Espanya ang pagtuturo ng wikang Espanyol
sa mga Pilipino, ngunit hindi ito sinunod ng mga
namumuno sa bansa.
Nakalipas ang humigit-kumulang 250 taon bago
tuluyang itinuro at ginamit ang wikang Espanyol.
Wika sa Panahon ng
Rebolusyon
Sitwasyong Pangwika Bago ang
Rebolusyon
Gaya ng mga Pilipino ay marami ring kinaharap na
sitwasyon ang wika noong panahon ng Espanyol sa
Pilipinas. Narito ang mga halimbawang sitwasyon:
Maraming lokal na wika ang ginamit sa Pilipinas
noong panahon ng Espanyol.
Isa sa mga naging sagabal sa pag-organisa ng mga
Pilipino ang pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit.
Ipinagkait sa mga ordinaryong Pilipino na
matutuhan ang wikang Espanyol, samantalang ito
naman ang wika ng mga ilustradong Pilipino.
Wika sa Pilipinas Noong
Panahon ng Rebolusyon
Sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, madalas
makaligtaan ang panahon sa pagitan ng pananakop ng
Espanyol at Amerikano. Maraming mahahalagang
usapin at pangyayari ang natabunan kasama ng
pagkalimot sa bahaging ito ng kasaysayan. Isa na rito
ang usaping pangwika.
Tagalog bilang opisyal na wika:
Isa ang Tagalog sa mga wika ng Pilipinas nooong
panahon ng rebolusyon.
Ito ang wika ng Maynila, ang sentrong pang-
ekonomiya at pampolitika ng bansa.
Ito ang wika ni Andres Bonifacio, ang kinikilalang ama
at naging supremo ng Katipunan.
Ang Katagalugan
Tinawag ni Bonifacio na Katagalugan ang lugar na nasakop ng
kaniyang pamumuno. Samantalang tinawag na Tagalog ang mga
taong nakatira rito.