You are on page 1of 2

KASAYSAYAN NG WIKA:

Panahon ng Hapon sa Pilipinas noong taong 1942-1945

Ang panahong ito ay tinaguriang “Gintong Panahon ng Panitikang


Pilipino” dahil higit na malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib
ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino. Dito rin natigil ang panitikan sa ingles at
ng lahat ng pahayagan dahil sa pagbabawal ng hapon sa paggamit ng wikang ingles.
Dulot nito ay ang pagsunog sa mga aklat na nasusulat sa ingles upang masiguradong
hindi mabahiran ng kanlurang ideya ang panitikang nililikha.

Itinatag ang “Co-Prosperity Sphere for Greater Asia”


- Itinatag noong Enero 1942
Mga layunin nito ay ang mga sumusunod:
- Pagbuklurin ang iba’t-ibang bansa sa Asya
- Tanggalin ang impluwensya ng mga Anglo-Amerikano sa kabuhayang
pampulitikal at panlipunan ng mga Pilipino.
- Isinusulong nito ang “Asya para sa Asyano” at ang “ Pilipinas para sa
Pilipino”
Itinatag ang “Puppet Government”
- Ang malasariling pamahalaan ng Pilipinas na naglayong mabigyan ng
boses anng mga Pilipino sa pamamahal ng bansa, ngunit naging
sunod-sunuran lang din sila sa ilalim ng kapangyarihan ng mga hapon.
- Ito ay pinamunuan ni Pangulong Jose P. Laurel
Ordinansa Militar Blg. 13;
- Ipinasa noong ika-24 ng Hulyo, 1942.
- Ito ay nagsasaad na Niponggo at Tagalog ang siyang opisyal na mga
wika.
- Gobyerno Militar- ang nagturo ng niponggo sa mga guro ng mga
pambayang paaralan upang ito ang gamiting medium sa pagtuturo.
Executive Order No. 10;
- Inilathala ni Pangulong Jose P. Laurel noong 1943
- Isinaad ang pagsasanay ng mga guro sa wikang tagalog at pagtuturo
nito sa lahat ng pampubliko at pribadong mga paaralang elementarya.
- Ipinakilala bilang asignatura ang pag-aaral ng wikang tagalog sa
kurikulum ng mga paaralan.
Executive Order No. 44;
- Inilathala ni Pangulong Jose P. Laurel noong 1943
- Isinatupad ang restorasyon ng Unibersidad ng Pilipinas na naatasang
palaganapin ang Wikang Pambansa at itaguyod ang diwang
nasyonalismo.

Surian ng Wikang Pambansa


- Muling binuhay noong ika-14 ng Oktubre, 1942
- Naglayong ipalaganap ang Wikang Pilipino sa buong bansa pati na rin sa mga hapon
at ibang dayuhan.

Pangulong Jose P. Laurel- pinamunuan ang “puppet government”


Benigno Aquino, Sr.- pulitikal na partidong direktor sa puppet government
Masao Tanaka- naglathala sa mga impormatibo upang sagutin ang mga katanungan
ng publiko ukol sa usaping Wikang Pambansa.
Jose Panganiban- nagturo ng tagalog sa mga hapon at di tagalog.

Mga Uri ng Tula na sumikat sa Panahon ng Hapon


Haiku- Binubuo ng tatlong taludtod at may bilang ng pantig na 5-7-5
Tanaga- Ito ay may apat na taludtod at binubuo ng pitong pantig sa bawat taludtod.
-Naipakilala din ang iba’t-ibang teoriya tulad ng Feminismo.
Karaniwang Anyo- Ito ay kumbersyunal
Malayang Taludturan- Walang kahit anong hinihingig sukat o tugma.

Sanggunian:
https://www.scribd.com/presentation/324369367/Ang-Wikang-Filipino-Sa-Panahon-Ng-
Hapon
https://prezi.com/p/z9l1h3kqmpbz/kasaysayan-ng-wikang-pilipino-sa-panahon-ng-
hapones/

You might also like