Professional Documents
Culture Documents
Ayon sa nilalaman ng Genesis 11: 1-9, pagkatapos ng delubyo o malaking baha dumami
ang angkan ni Noah. Upang makahanap ng tamang lugar, naglakbay ang marami sa kanila
patungong Silangan. Narating nila ang syudad ng Babylonia. Doon sila nagtayo ng tore, anga
layunin ay maabot ang kalangitan at alamin ang kahiwagaan nito. Iisang wika lamang ang
kanilang sinasalita, daan ng kanilang pagkakaunawaan. Nang malaman ng Panginoon ang
kanilang ginawa winasak ang tore. Naglupasay sila sa lupa at ang naging kahantungan ay
nagsimula silang magsalita ng iba’t ibang mga wika daan ng kanilang pagkalito at di
pagkakaunawaan. Ang mga tao ay nagsimula nang magkawatak-watak at kumalat sa boung
daigdig. Ang lunsod at templong tore na kanilang tinayo, mula noon ay nakilala sa tawag na
Lungsod ng Babel at Tore ni Babel na ibig sabihin ay “City at Tower of Confusion”. Ang
kanilang ginawa ayon sa Panginoon ay sumbolo ng kapalaluan.
Ayon kay Padre Chirino may sarili na daw tayong panitikan bago dumating ang mga
kastila. May alpabeto na tinatawag na alibata na binubuo ng 17 letra. Ang ugat natin ay Silangan,
anak-dagat. Ang mga ninuno ay mula sa Indonesyo, Polinesyo at Malayo na Malaki ang
nagawang inpluwensya sa ating wika. Ditto sila ipinadpad ng magandang kapalaran, nanirahan
nang maligaya, nangabuhay ng sagana, may pamahalaan ai Diyos na sinasamba, may sariling
wika, tayo raw ito, ang mga Pilipino. Sa ante-panahon ng kolonyalismo, sa di inaasahan siniil
ang yaman pinaghirapan, kinamkam ang yamang puhunan ay dugo at pawis. Ang Abakada’y
siniil at ibinuwal, Pipino ay naging alipin, gobyerno, relihyon, ugali, puso ay pinalitan.
Nakamtan ang edukasyon. Ang mga Indio na tinuringan ay natutong bumasa at sumulat.
Nakalulungkot sapagkat wikang kastila ang panturo pati balangkas. Ang Pilipino’y nagkawatak-
watak, “divide et empera” subalit ang mga naaping naghimagsik sa pamamagitan ng panulat at
tabak, daan ng pagbagsak ng mga mapaniil na kastila.
Noong panahon ng Amerikano, Ingles ang wikang gamit bilang midyum ng pagtuturo sa
publiko at pribadong paaralan. Sa panahong ito nilimita ang pag-aaral sa mga paksang nauukol
sa Pilipinas katulad ng literature, ekonomya, at politika ng Amerika. Sa ganitong pamamaraan
nawalan ng kasiglahan, interes, inspirasyon ang karaniwang estudyante lalo’t sa mga bagay na
may relasyon sa sariling bansa at kalinangan. Higit na tinangkilik at pinahalagahan ang mga
bagay na Amerikano. Dito nagsimulang madebelop ang colonial mentality o diwang alipin.
Sa surbey ng Monroe Komisyon noong 1925, napatunayang may kakulangan at kahinaan
pa rin sa paggamit ng Ingles bilang panturo sa lebel primarya. Kaya noong taong 1931
namungkahi si Brutte, Bise Gobernador Heneral na siya ring kalihim ng pampublikong
edukasyon na gamitin na midyum ng pagtuturo sa primarya ang bernakular sa iba’t ibang lugar
ng Pilipinas.
Pinangatawanan ng karamihan ng mga pampublikong paaralan ang paggamit ng wikang
Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa kabila ng pagsalungat ng mga Pilipinong
pinangungunahan nina Rafael Palma at Cecilio Lopez. Nanaig pa rin ang pagkawatak-watak ng
ibat’t ibang grupo at binigyang halaga ang sari-sariling wika at literatura.
Noong 1934, pinag-usapan sa Kumbensyong Konstitusyonal ang mga isyung pangwika.
Maraming mga delegado ang sumang-ayon mula sa iba’t iabgn bansa na isang Wikang Katutubo
ang dapat maging Wikang Pambansa. Matatag din itong sinalungat ng mga nagtaguyod ng
Wikang Ingles.
Natanaw ang banaag ng tagumpay nang iminungkahi ni Lope K. Santos na dapat ibatay
ang Wikang Pambansa na isa sa umiiral na wika ng Pilipinas at sinusugan ito ni Manuel L.
Quezon - Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas. Batay ito sa probisyon ng 1935 Konstitusyon ng
Pilipinas, Artikulo XIV: “Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.
Alinsunod na rin sa naturang probisyon ng 1935 Konstitusyon, pinagtibay ng Komonwelt ng
Pilipinas ang Batas Komonwelt Blg. 185 na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang
gawain ng Surian ay ang pag-aaral ng mga wikang pangunahing ginagamit sa Pilipinas. Ang
layunin ay makapili ng isang panlahat na Wikang Pambansa na nakabatay sa pinakamaunlad na
katutubong wika ayon sa balangkas, mekanismo at panitikan na sinasalita ng nakakaraming
Pilipino.
Noong panahon ng Hapon, Niponggo at Pilipino ang wikang ipinagamit sa pagtuturo.
Nanlulupaypay ang mga manunulat, nawalan ng interes sa pagsusulat sa iba’t ibang uri ng
panitikan at ang malaking kadahilanan idinadaan sa sensura ang lahat ng uri ng sulatin.
Naipalaganap, naisulong ang Pambansang Wika. Ipinagbabawal ang paggamit ng Ingles sa
anumang aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino gayun din ang paggamit ng mga aklat at
peryodikal na nauukol sa Amerika. Niponggo at Wikang Tagalog ang ginawang midyum ng
pagtuturo. Ang mga dating sumusulat sa Ingles ay pinatigil, ibinaling ito sa Tagalog maliban sa
Tribune at Philippines Review. Nakasalalay sa Ordinansa Blg. 13, ginawang opisyal na wika ng
bansa ang Tagalog at Niponggo.
Panahon ng Amerikano
Isang bagong pangkat ng mananakop ang nagdala ng mga pagbabago sa panitikan ng
Pilipinas. Ipinakilala ang mga bagong anyo ng literature gaya ng malayang taludturan (sa mga
tula), maikling kwento at mapamunang sanaysay (critical essay). Ang impluwensya ng mga
Amerikanong mananakop ay nanatili kaalinsabay ng pagtatalaga sa Ingles bilang wikang
ginagamit sa lahat ng paaralan sa bansa gayundin ng paglinang sa masining na kamalayan ng
mga manunulat batay sa modernong panitikang dala ng mga mananakop.
Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Amerikano noong 1898-1946, Ang mga sundalo ang
unang nagturo ng Ingles na sinundan ng pangkat ng mga gurong Amerikanong tinawag na
THOMASITES. 1901: batas blg. 74 vng komisyon ni Jacob Schutman ay nagtatag ng mga
paaralang pambayan at nagpahayag ng Ingles ang gagawing wikang panturo ng tinatawag na 3R
(Reading, Writing, Arithmetic) at noong 1931 ay pinagamit ni Bise Gobernador-heneral George
Butte a kalihim ng pambayang pagtuturo ang Bernakular, o wika o Dayalektong ginagamit
araw-araw ng mga tao sa kanilang lugar, sa pagtuturo sa unang apat na taon sa pag-aaral.
Saligang Bata ng Biak na Bato – Ang wikang opisyal ng Katipunan ay tagalog na naging
midyum sa mga paghatid-sulat at dokumento ng kilusan.
Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIII, Seksyon – Ang Pambansang Asemblea ay dapat
gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang komong wika na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggat hindi ipinag-utos ng batas, mananatili
ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika.
Batas Komonwelt Blg. 184 – Naglalayong bumuo ng samahang pangwikang Surian ng Wikang
Pambansa o SWP.
Batas Komonwelt Blg. 333 – Nagpapatibay ng pagkakaroon ng Surian ng Wikang Pambansa o
SWP.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 – Matapos ang sampung buwang pag-aaral, ipinalabas ng
SWP ang resolusyong nagsasabing Tagalog ang lubos a nakatugon sa ginawa nilang pag-aaral,
ang Tagalog ay batayan ng wikang Pambansa.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 – Na buong ganap ni Lope K. Santos (ama ng Balarilang
Tagalog) ang talatinigang may pamagat na “Tagalog-English Dictionary” at “Ang Balarila ng
Wikang Pambansa”.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 1 – Iniutos ng kalihim ng Pampublikong Instruksiyon Jorge
Bocobo na ituro sa lahat ng paaralan ang pambansang wika na base sa Tagalog, taong panuruan
1940-1941.
Order Militar Blg. 13 – Ibinaba noong panahon ng pananakon ng Hapon, ginawang opisyal na
mga wika ng Pilipinas ang wikang Hapon at Tagalog.
Batas ng Komonwelt Blg. 570(Hulyo 4, 1946) – Ang wikang Pambansa ay tatawaging Wikang
Pambansang Pilipino ay maging nang wikang opisyal ng Pilipinas.
Proklama Blg. 12(Marso 26, 1954) – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang
pagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 at
Araw ni Balagtas tuwing Abril 12 na kanya ring kaarawan ayon sa mungkahi ng Surian ng
Wikang Pambansa.
Proklama Blg. 186( Septembre 23, 1955) – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang
susog sa Proklama bilang 12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa taun-taon simula sa ikaw-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggalang sa
kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, “Ama ng Wikang Pambansa.”
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7(1959) – Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon Jose B.
Romero, ipinatupad ang pagtawag sa wikang Pambansa na Pilipino bilang sa mahabang itinawag
na Batas Komonwelt Blg. 570.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24(Nobyembre 14, 1962) – Ang mga sertipiko at diploma g
pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964 ay ipalilimbag na o may salin sa wikang Pilipino.
Kautusang Tagapaganap Blg. 96(Oktobre 24, 1967) – Ang lahat ng edipisyo, gusali at
tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand
Marcos
Memorandum Sirkular Blg. 172(Marso 27, 1968) – Ipinag-utos na ang mga letterhead ng mga
tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-
utos din na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan
ay sa Pilipino gagawin. Nilagdaan ito ni kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas.
Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksiyon 3 – Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang Pambansa
na tatawaging Filipino. Hanggat hindi nagpapatibay ang batas ng naiiba, ang Ingles at Pilipino
ang siyang wikang opisyal.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25(Hulyo 10, 1974) – Itinakda ang mga panuntunan sa
pagpapatupad ng Patakarang Edukasyon Bilingguwal sa mga paaralan na nagsimula sa taong
panuruan 1974-1975. Ang patakarang ito ay nag-uutos ng magkahiwalay na paggamiT ng
Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa primarya ,
intermediya, at sekondarya.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 – Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga
wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7 – “Ukol sa layunin ng komunikasyon at
pagtuturo ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hanggat walang ibang itinatadhana
ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.”
Saligang Batas ng 1987, Artikulon XIV, Seksiyon 8 – Ang Konstitusyon ito ay dapat ipahayag
sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at kastila.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 9 – Dapat magtatag ang Kongreso ng isang
komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52(1987) – Isinaad ang pagbabago sa Patakarang Edukasyong
Billingguwal nang ganito..’ Ang patakarang Billingguwal ay naglalayong makapagtamo ng
kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas Pambansa sa pamamagitan ngpagtuturo ng dalawang
wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117(Enero, 1987) – Nilagdaan ng Pangulong Corazon
Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas LWP bilang pamalit sa dating SWP
at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad
ng wikang pambansa,
Batas Republika Blg. 7104(Agosto 14, 1991) – Itinatag ang Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itinadhana ng Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9.
Ito rin ay pamalit sa dating SWP at LWP.
Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – Ang pagtatalaga ng tauang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa , Agosto 1-31. Nilagdaan ito ni Pangulong Fidel Ramos.
Kagawaran ng Edukasyon – Ordinansa Blg. 74 (2009) – Isinainstitusyon ang gamit ng Isang
Wika sa Elementarya O Multilingual Language Education (MLE). Nauna rito , may inilahad
nang bersyon ang ikalabing-apat na kongreso ng mababang Kapulungan na House bill No. 3719-
An act Establishing a Multi-Lingual Education and Literacy Program and for other Purpose sa
pamamagitan ni hon. Magtanggol T. Gunigundo.
Tungkulin ng Wika
Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o pagkakataon ang wika ay lagi na nating
ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos, kinokontrol nito ang ating
pag-iisip maging ang ating pag-uugali. Naglahad sina Michael A.K. Halliday, Roman Jakobson
at W.P. Robinson ng pangalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano
napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo.
Antas ng Wika
Pabalbal/Balbal
May katumbas itong “islang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng
wika.
Mga salitang Pangkalye o Panlansangan.
Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong
mga salita.
Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.
Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda
nila sa kanilang pakikipag-usap.
Halimbawa: Parak = Pulis, Juding = Bakla.
Kolokyal
Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormall na mga salita.
Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin naman maging
repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap.
Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang-alang dito ang salitang madaling
maintindihan.
Halimbawa: alala, lika, naron, kanya-kanya, anya, lugal.
Lalawiganin/Panlalawigan
Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mga Cebuano,
Batangeno, Bicolano, at iba pa na may tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita.
Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook.
Mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at hindi pamilyar na gamitin sa ibang lugar.
Halimbawa: Kaibigan-tagalog = Gayyem-ilokano, Halik-tagalog = Halok-Cebuano.
Pambansa/Lingua Franca
Ginagamit sa mga aklat, babasahin , at sirkulasyong pangmadla.
Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan.
Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon at kalakalan.
Halimbawa: aklat, ina, ama, dalaga, masaya,
Pampanitikan
Pinakamayamang uri
Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan
Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto.
Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang panitikan ay ang “kapatid na babae ng
kasaysayan,” ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan dahil sa kanyang
kakayahang lumikha ng piksyunal o kathang isip.
Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa
pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang pampanitikan.
Halimbawa: Mabulaklak ang dila, Di-maliparang uwak, Kaututang dila.
Barayti ng Wika
Ang pagkakaroon ng barayri ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistika
na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogeneous ng wika. Ito ang nagbubunga ng
sitwasyong at mga pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na DIVERGENCE, ang dahilan kung
bakit nagkakaroon ng iba’t ibang uri ng barayti ng wika. Sa kasalukuyang panahon ay pinag-
aaralan ang isang wika sa loon mg kapaligiran at karanasan ng mga nagsasalita nito.
Etnolek – Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga iba’t ibang
etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko.
Halimbawa: Palangga – Sinisinta, Minamahal, Kalipay – saya, tuwa, kasiya.
Ekolek – Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula sa mga
bibig ng bata at matanda.
Halimbawa: Palikuran – banyo p kubeta, Papa – ama/tatay
Pidgin – Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala ninuman”.
Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa.
Halimbawa; Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo, Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka
magaling kumanta.
Creole – Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa pagkaibang lugar hanggang
sa naging personal na wika.
Halimbawa: Mi nombre – Ang pangalan ko, Yu ting yu wan, a? – akala mo espesyal ka o ano?
Bilinggwalismo – Ang pagkakaroon ng kontak ng dalawang wika na may tiyak na layunin kung
bakit ito nangyayari, ang bilinggwalismo ay ang pagkakaroon ng magkasintulad na gamit at
kontrol ng dalawang magkaibang wika na ginagamit ng isang indibidwal. Nangyayari ang
bilinggwalismo dahil sa kakayahan ng tao na makipag-interak partikular na ang makipag-usap.
Maari ring maging dahilan nito ay ang tiyak na pangangailangan ng isang indibidwal na gamitin
ang pangalawang wika para makaangkop sa panibagong lipunang kanyang ginagalawan. Batay
sa mga naisagawang pag-aaral, ang paulit-ulit na gamit ng isang wika at minimum na eksposyur
ay nagsisilbing malaking tulong para mapaunlad ang kakayahan sa isang tao para matuto ng
isang wika.