You are on page 1of 9

KASAYSAYAN NG WIKANG

PAMBANSA SA PANAHON NG
AMERIKANO
Ang Kasunduan sa Paris, na nilagdaan
noong 10 Disyembre 1898, ay ang
nagpatapos ng Digmaang Espanyol-
Amerikano. Nasasaad sa kasunduan ang
pagpapalaya sa bansang Cuba, ang paglilipat
ng pamumuno sa Estados Unidos sa mga
bansang Portoriko at Guam, at ang pagbili
sa Pilipinas mula sa Espanya sa halagang
$20,000,000 ng Estados Unidos.
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga
kastila sa Pilipino. Edukasyon naman ang
naging pangunahing ipinamana ng mga
Amerikano.

Mga sundalo o kilala bilang “thomasites” ang


naging unang guro at ingles ang ginamit
bilang wikang panturo.
Pagkatapos magawa ang educational survey
noong 1925, nagkaroon ng alinlangan tungkol
sa bisa ng wikang Ingles kaya pinasa ng
gobyerno ang Concurrent Resolution No. 17–
inulit dito ang suportang ibinigay sa mga
paaralang pampubliko para mapadali ang
pagtatag ng isang bayang nagsasariling
namamahala, malaya, at demokratiko, at
nakasalalay sa mga mamamayang nakapag-
aral at napakikinabangan.
Sa wari, ang literasiyang nilalayong matamo
ay ang sa Ingles dahil ang Ingles lamang ang
ginagamit sa mga paaralang pampubliko.
Noong itinatag ang Commonwealth
Constitution Itinakda ang isang probisyon
para sa pagdebelop ng isang wikang
pambansa batay sa isa sa mga umiiral na mga
katutubong wika. Noong Disyembre, 1937,
prinoklama ang wikang pambansa batay sa
Tagalog at itinuro ito sa mga paaralan mula
noong 1940.
Sa panahon ng mga amerikano ang ang
wikang Ingles, Filipino at katutubo na ang
mga wikang opisyal na ginagamit, unti-unti
nang binabaon sa limot ang wikang kastila.
MGA TEMA NG AKDA SA
PANAHON NG AMERIKANO

1. Hangaring makamit ang kalayaan


2. Marubdob na Pagmamahal sa Bayan
3. Pagtutol sa Kolonyalismo at
imperialismo
MGA IMPLUWENSYA SA
PANAHON NG AMERIKANO
1. Pagpapatayo ng mga paaralan
2. Binago ang Sistema ng edukasyon
3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
4. Ipinagamit ang wikang ingles
5. Pagpapalahok sa ma Pilipino sa pamamalakad
ng pamahalaan
6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan

You might also like