You are on page 1of 25

Pananaliksik sa Wika

at Kulturang pilipino
MGA URI NG TANONG

1. Ang Praktikal na tanong ay mga tanong


na may kagyat na solusyon o aplikasyon
ayon sa sitwasyon at suliranin.

Halimbawa: Paano patitibayin ang bubung


ng bahay? Paano magpalit ng gulong ng
sasakyan na umimpis o nabutas na?
2. Ang Espekulatibo o pilosopikal na tanong
ay mga tanong na humihingi ng palagay
tungkol sa isang bagay o sitwasyon.

Halimbawa: May ikalawang buhay ba


matapos mamatay ng tao?
3. Ang panandalian o tentatibo o mga tanong
na batay sa prediksiyon at probabilidad ay
mga tanong na sinasagot batay sa panahon o
pagkakataon kung kailan ito naganap o
itinatanong.

Halimbawa: Uulan ba bukas?


Ano ang halaga ng piso kontra dolyar sa
susunod na linggo?
4. Ang imbestigatibong tanong ay mga
tanong na umuusisa o sumisiyasat tungkol sa
isang pangyayari o sitwasyon.

Halimbawa: Sino ang nagnakaw ng manok sa


bakuran?
Paano nalason ang matandang lalaki?
5. Ang disiplinal na tanong ay mga tanong na umiikot
sa mga paksang tinatalakay sa isang disiplina ng pag-
aaral.

Halimbawa:
Sikolohiya ng wika: Ano ang naibubulalas ng taong
bugnutin?
Ekonomiks: Ano ang totoong halaga ng perang padala
ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa?
Pamamahala: Paano mapapataas ang kita ng kompanya
sa panahong may krisis sa bansa?
Biology: Mabubuhay ba ang halaman sa planetang
mars? Paano?
PROSESO SA PAGSULAT AT
PANANALIKSIK

Pagpili ng Paksa

Kailangang may interes dito ang manunulat.


Bukal sa kaniyang loob ang pagpili at hindi
ito pinilit ng kaklase o guro.
Pagpapahayag ng Layunin
Kinakailangang makasulat ng panimulang
layunin ang manunulat bago simulan ang
akda. Ito rin ay pagsasaad ng pangunahing
ideya o tesis ng ginagawang sulatin.
Paghahanda ng Pansamantalang
bibliograpiya
Maghanda ng indeks Kard o isang kwaderno na
maaring paglistahan ng mga nakalap na sanggunian
sa silid-aklatan. Ayusin ang mga tala at isulat ang
ngalan ng may-akda, paksa at pamagat ng materyal
(libro, dyornal, magasin, Internet, at iba pa.)
Paggawa ng pansamantalang balangkas
Ito ay nagsisilbing gabay sa daloy ng
susulating papel. May tatlong uri ng
balangkas: Balangkas na papaksa, Balangkas
na pangungusap, at Balangkas na patalata.
Pangangalap ng Datos

Ang datos ang pinakamahalagang yunit ng


pananaliksik o anumang akda. Maaring
makuha ang datos mula sa mismong taong
kalahok sa pananaliksik. Pakikipanayam,
focus group discussion, at sarbey.
Ang mga pangunahing sanggunian ay tumutukoy
sa orihinal na dokumento na naglalaman ng
pangunahin o orihinal na impormasyon tungkol sa
paksa. Hal. Talaarawan, Pakikipanayam, Liham,
orihinal na gawang sining, orihinal na larawan, at
mga isinulat na panitikan.

Ang sekondayang sanggunian maaring itoy


reaksyon hinggil sa aklat, palabas, manuskripto ng
kikilalang indibidwal, buod ng isang aklat.
Ang pinal na balanggas

Ang pinal na balanggas ay maaring ang


dating pansamantalang balangkas na
narebisa na o maaring panibagong
balangkas. Maaring tanggalin o dagdagan
ang ilan sa mga nakalap na datos o
sanggunian.
Pagsulat ng burador at pagwawasto
Ang pagsulat ng burador ay proseso ng
pagtanggal at pagdaragdag ng mga datos o
pagbabago ng daloy ng pagtalakay sa papel o
akda. Sa proseso ng pagwawasto kailangang
ipabasa ng manunulat sa iba, gampanin ng
guro ang pagwawasto ng burador.
Pagsulat ng konklusyon
Ang konklusyon ay nagtataglay ng pangkabuuang
paliwanag hinggil sa nais sabihin ng mananaliksik.
Kasama rin dito ang muling pagbanggit sa tesis ng
pag-aaral at mga tanong na sinagot na sinagot sa
pag-aaral. Naka buod ang impormasyon, maaring
magbigay ng payo o rekomendasyon tungkol sa
panibagong pag-aaral o pananaliksik.
TSEKLIST SA PAGSULAT AT
PROSESO NG PANANALIKSIK

A. Pag-iisip ng Paksa

Dapat manggaling ang paksa sa mismong estudyante


motibasyon dahil may "sense of ownership"
Maaring manggaling ang paksa mula sa karanasan,
sariling ideya, pang araw-araw na gawain, batay sa
nakaraang pag-aaral o patuloy na pag-aaral,
experimental, komparatibo noon at ngayon o tatlong
paghahambing.
B. Pangunahing ideya (tesis) ng pag-aaral
Binubuo ito ng isa o dalawang pangungusap
lamang na nagsasaad ng pinakamahalagang ideya
na idedepensa ng mananaliksik sa buong
pananaliksik.

Isinasaad ang nais


iparating/kaisipan/ideya/hypothesis ng
mananaliksik
C. Layunin kung bakit pinili ang paksa
1. Ano ang nais makamit ng mananaliksik
2. Tentatibong kasagutan ito sa mga tanong
ng mananaliksik o mga pala-palagay
D. Suliranin ng pag-aaral o paglalahad
ng problema
1. Ginagawang tanong ang layuning isinaad.
Paglalahad-patanong ng layunin ng pag-aaral.
2. Ito ang mga tanong na dapt sagutin ng
mananaliksik. Iikot ang buong pagsulat at
pagsasagawa ng pananaliksik sa mga tanong
na ito.
E. Paglalahad ng magkakaugnay na pag-
aaral

1. Ipinapakita ang mga pangunahing


sanggunian na gagamitin ng mananaliksik
F. Metodolohiya
1. Inilalahad ang proseso na isasagawa upang makalap
ang mga datos. Nagpapakita ng partikular na sistema,
dulog, at lapit upang makalap ang mga impormasyon.
2. Maaring pagkuhanan ng impormasyon o datos ang
sumusunod: aklat, diyaryo, dyornal, panayam, sarbey,
internet, tesis, at iba pa.
3. disenyo ng pananaliksik kung quantitative,
qualitative, o kombinasyon nito.
G. Teorya o dalumat
1. Ito ay gumagabay sa interpretasyon ng mga
datos.
2. Inilalahad kung anong mga batayang
konsepto ang ginagamit sa pag-aaral.
3. Ipinapaliwanag ang mga abstraktong ideya
o konsepto.
H. Sakop at limitasyon
1. Ipinapaliwanag ang saklaw at hangganan
ng pag-aaral.
2. Ipinapanukalang sa ibang pag-aaral gawin
ang mga 'di saklaw na bahagi'
I. Pagtalakay sa resulta ng pananaliksik
1. Ipinapakita ang lohikal na presentasyon ng datos
at resulta batay sa tanong na sinagot.
2. Mabusisi at masusing talakayan ito ng
mapatunayan oa napabulaanang tesis o hypothesis
ng pag-aaral.
3. Isinasaalang-alang dito ang paggamit ng tsart,
hanay, mga rubrik, estatistika, modelo upang
maging malinaw ang presentasyon.
J. Konklusyon
1. Nagsasaad ng buod ng pag-aaral.
2. Pag-uulit ng mahahalagang puntos mula sa
bahagi ng kabanata ng pag-aaral; tesis,
layunin, suliranin, konseptuwal na balangkas
mga salita, o komento.
3. Pagtalakay sa naging tugon sa mga
suliraning inihain sa pag-aaral

You might also like