You are on page 1of 22

Filipino sa Piling

Larangan
(AKADEMIK)
Nina
Dr. Pamela Constantino
Dr. Galileo Zafra
Aralin 2
Pagsusuri ng Gawang
Akademiko:
Pagsulat ng Rebyu 2
Layunin
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
maisasagawa ng mag-aaral ang sumusunod:
1. Maipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng gawang malikhain at gawang akademiko; at
2. Maikumpara ang mga proseso kapag
nagrerebyu ng isang gawang malikhain at
gawang akademiko.
Layunin
3. naiisa-isa ang mga estratehiya kapag sumusuri
ng isang gawang akademiko; at

4. natutukoy ang mga estratehiyang ginamit sa


isang halimbawang rebyu ng gawang
akademiko.
Pagsuri ng Akademikong Gawa
sa Isang Rebyu
• Tumutukoy ang gawang akademiko sa mga
produkto ng pag-aaral o pananaliksik tungkol
sa mahahalagang paksa sa iba’t ibang disiplina
o makabuluhang paksa tungkol sa lipunan.
Karaniwang ipinag-iiba ang gawang malikhain
at gawang akademiko
Pagsuri ng Akademikong Gawa
sa Isang Rebyu
Rebyu ng Gawang Malikhain

Batayang Impormasyon
Kung aklat, maaaring banggitin ang sumusunod:

1. Pamagat ng aklat
2. Pangalan ng may-akda
3. Tagapaglimbag
4. Taon ng Paglilimbag
5. Bilang ng pahina
Rebyu ng Gawang Malikhain
Kung artikulo

1. Pamagat ng artikulo
2. Pangalan ng may-akda
3. Pamagat ng kinapapaloobang aklat
4. Pangalan ng editor ng aklat
5. Tagapaglimbag
6. Taon ng Paglilimbag
7. Pahina ng artikulo
Repertoire ng Gawang
Akademiko
• Ang gawang akademiko ay karaniwang nasa
anyo ng mga artikulong inilalathala sa mga
journal ng mga unibersidad o at iba pang
institusyon. Kasama rin ang mga tesis at
disertasyon—mga pananaliksik na ginagawa
para makatugon sa pangangailangang
akademiko sa mga pamantasan.
Pangkalahatang Repertoire
• Tumutukoy sa paksa, pangunahing ideya tungkol
sa paksang ito, at mga pansuportang ideya ng
gawa.
• Madalas itinuturing na ang paksa at pangunahing
ideya ay iisa.
• Ang paksa ay pinag-uusapan o tinatalakay sa
isang gawa.
• Ang pangunahing ideya o tema naman ay ang
ideyang dinebelop o sinasabi tungkol sa paksa.
Partikular na Repertoire
Maaaring tumukoy sa mga bahagi ng isang
gawang akademiko na karaniwang binubuo ng:

1. Paglalahad ng paksa at suliranin ng pag-aaral


2. Rebyu ng kaugnay na pag-aaral
3. Layunin ng pag-aaral
4. Teoretikal na balangkas
5. Metodo ng pananaliksik
Partikular na Repertoire
6. Saklaw at delimitasyon
7. Kahalagahan ng pag-aaral
8. Presentasyon ng datos
9. Pagsusuri ng datos
10. Kongklusyon
Ang Repertoire ng Rebyuwer
Bilang Mambabasa
Estratehiya at Gabay na Tanong ng Isang
Rebyuwer ng Gawang Akademiko:

1. Pagtiyak sa Pinagmulan o Kasaysayan ng Gawang


Akademiko
2. Pagtimbang sa Kahalagan ng Paksa ng Gawang
Akademiko
a. Kailangan ba talagang talakayin ang paksa? 202
Filipino sa Piling Larangan
b. Mahalaga o napapanahon bang usisain ang paksa dahil
ito ay napabayaan, maraming magkakainteres, pumupuno
sa kakulangan sa kasalukuyang lawas ng kaalaman?
c. Sa pagtalakay ng temang ito, may naiaambag ba ang
gawang akademiko?
Estratehiya at Gabay na Tanong ng Isang
Rebyuwer ng Gawang Akademiko:

3. Pagtatasa sa Linaw ng Pagpapalitaw ng


Pangunahing Ideya ng Pag-aaral

a. Malinaw bang naipahayag ang


pangunahing ideya ng pag-aaral?
b. Nasusuportahan ba ang pangunahing
ideyang ito sa kabuuan ng pagaaral?
Estratehiya at Gabay na Tanong ng Isang
Rebyuwer ng Gawang Akademiko:

4. Pag-uugnay ng Pag-aaral sa Ibang


Naunang Pag-aaral

a. Nagpapamalas ba ang pag-aaral ng sapat


na kaalaman sa kasalukuyang literatura sa
larang na kinabibilangan ng pag-aaral?
b. Nagbabanggit ba ito ng mas naunang
pag-aaral para mas mapalalim ang pag-unawa
sa paksa?
Estratehiya at Gabay na Tanong ng Isang
Rebyuwer ng Gawang Akademiko:

5. Pagsusuri sa Disenyo ng Pag-aaral

a. Malinaw ba ang disenyo ng pag-aaral?


b. Malinaw ba ang paliwanag kung paano
nakuha ang datos, ebidensiya, impormasyon,
at ibang intelektuwal na materyal para
suportahan ang mga ideya sa pag-aaral?
Estratehiya at Gabay na Tanong ng Isang
Rebyuwer ng Gawang Akademiko:

6) Pagsusuri sa Paggamit ng Datos

a. Mapagkakatiwalaan ba ang mga ginamit


na datos?
b. Nagamit ba nang mabisa ang mga datos
para isulong ang pangunahing ideya ng pag-
aaral?
Estratehiya at Gabay na Tanong ng Isang
Rebyuwer ng Gawang Akademiko:

7. Pagsusuri sa Paggamit ng Teorya

a. May malinaw bang teorya o konseptong


ginamit ang pag-aaral?
b. Malinaw bang naiugnay ang teorya sa
pagsusuri ng mga datos?
Estratehiya at Gabay na Tanong ng Isang
Rebyuwer ng Gawang Akademiko:

8. Pagtatasa sa Mapanuring Katangian ng


Gawa

a. Naitampok ba ng pag-aaral ang mga


alternatibo o nagsasalungatang perspektiba
tungkol sa paksa?
b. Naipapakita ba ng pag-aaral ang
limitasyon ng sariling pag-aaral?
Estratehiya at Gabay na Tanong ng Isang
Rebyuwer ng Gawang Akademiko:

9. Pagtatasa sa Linaw ng Konklusyon

a. Malinaw bang naipahayag ang


konklusyon ng pag-aaral?
b. Napagtatahi-tahi ba ng konklusyon ang
iba’t ibang bahagi ng pag-aaral?
Estratehiya at Gabay na Tanong ng Isang
Rebyuwer ng Gawang Akademiko:

10. Pagtatasa sa Kalidad ng Komunikasyon

a. Malinaw ba ang pagkasulat ng pag-


aaral?
b. Angkop ba ang wika at estilo ng
pagkasulat na ginamit para sa inaasahang
mambabasa?

You might also like