You are on page 1of 8

Pananaliksik

-bagong impormasyon
-pangangalap ng datos
-pagpapalawak ng kaalaman

Kahulugan ng Pananaliksik

Good (1963)
-Isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay
sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.
Aquino (1974)
-Ang Pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahalagang impormasyon hinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin
Manuel at Medel (1976)
-Isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang particular na
suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan.
Parel (1966)
-Isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga
katanungan ng isang mananaliksik.

Iba sa Apat:
Atienza
-Matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang
bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.
San Miguel (1986)
-Isang sining tulad din ng pagsulat ng isang komposisyon sa musika.
Galang
-Isang makaagham na pagsiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na
kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
Arrogante (1992)
-Pandalubhasang sulatin na nangangailangan ng sapat na panahong paghahanda, matiyaga at
masinsinang pag-aaral, maingat, maayos at malayuning pagsulat para mangyari at mapangyari itong
maganda, mabisa at higit sa lahat, kapakipakinabang na pagpupunyagi.

Katangian ng mabuting Pananaliksik


Sistematiko- may sinusunod itong proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo sa
pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
Kontrolado- lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant.
Nangangailangan ng Tapang- kailangan ang tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaaring
makaranas siya ng mga hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik.
Mapanuri- ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang
mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap.
Orihinal na Akda- maliban sa historical na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mga
mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik.

Hakbang Patungo sa Matagumpay na Pananaliksik


1. Pagpili ng paksa
2. Hanguan ng Paksa
3. Konsiderasyon sa Pagpili ng paksa
-kasapatan ng datos
-limitasyon ng panahon
-kakayahang pinansyal
-kabuluhan ng paksa
-interes ng mananaliksik
Hakbang sa Pagbuo ng Pamagat ng Pananaliksik

Paglilimita ng Paksa
• Panahon • Grupo • Anyo / Uri
• Edad • Perspektibo
• Lugar • Partikular na Halimbawa
• Kasarian • Kumbinasyon

1. Panahon
→ Pangkalahatang Paksa: Karapatang Pantao
→ Tiyak na Paksa: Karapatan ng mga Kababaihan
→ Nilimitahang Paksa: Karapatan ng mga Kababaihan sa Panahon ng Hapon

2. Edad
→ Pangkalahatang Paksa: Imbentor at Teknolohiya
→ Tiyak na Paksa: Mga Batang Imbentor na Pilipino at ang Hinaharap ng Teknolohiya sa Pilipinas
→ Nilimitahang Paksa: Mga Batang Imbentor na Pilipino (Edad 13-17) at ang Hinaharap ng
Teknolohiya sa Pilipinas.

3. Kasarian
→ Pangkalahatang Paksa: Non-Government Organization (NGO)
→ Tiyak na Paksa: Ang mga NGO Bilang Tagapuno ng Kakulangan sa Serbisyo ng Pamahalaan
→ Nilimitahang Paksa: Ang Papel ng mga Kababaihan sa NGO Bilang Tagapuno ng Kakulangan sa
Serbisyo ng Pamahalaan

4. Lugar
→ Pangkalahatang Paksa: Tradisyon
→ Tiyak na Paksa: Mga Naiibang Tradisyong Pangkapistahan sa Katagalugan
→ Nilimitahang Paksa: Mga Naiibang Tradisyong Pangkapistahan sa Malolos, Bulacan

5. Grupo / Propesyon
→ Pangkalahatang Paksa: Bakla
→ Tiyak na Paksa: Pag-aaral ng Wika ng mga Bakla
→ Nilimitahang Paksa: Pag-aaral ng Wika ng mga Baklang Parlorista

6. Perspektibo
→ Pangkalahatang Paksa: Globalisasyon
→ Tiyak na Paksa: Epekto ng Globalisasyon sa Lipunang Pilipino
→ Nilimitahang Paksa: Epekto ng Globalisasyon sa Ispiritwal na Pamumuhay ng mga Pilipino

7. Anyo at Uri
→ Pangkalahatang Paksa: Panitikan
→ Tiyak na Paksa: Persepsiyon sa Kababaihan sa Larangan ng Panitikang Kapampangan
→ Nilimitahang Paksa: Persepsiyon sa Kababaihan sa Larangan ng Panulaang Kapampangan

8. Partikular na Halimbawa / Kaso


→ Pangkalahatang Paksa: Turismo
→ Tiyak na Paksa: Epektong Pangkapaligiran ng Turismo sa Pilipinas
→ Nilimitahang Paksa: Epektong Pangkapaligiran sa mga Beach Resorts sa Pilipinas : Kaso ng
Boracay

9. Kumbinasyon
→ Preperensya ng mga Estudyanteng Nasa Unang Taon sa Unibersidad ng Assumption sa mga
Dulang Panteatro sa Kampus
Parameter sa Pagbuo ng Pamagat-Pananaliksik
•Layunin ng Pananaliksik
•Ang tonong naratibo ng papel na kadalasang ipinaliliwanag sa uri ng pananaliksik
•Ang metodong gamit

Uri ng Pamagat:

1. Pansamantalang Pamagat
• Binubuo bago pa man simulan ang paggawa ng pananaliksik
• Nakatutulong upang mabigyang pokus ang aral
• Naiiwasang maligaw sa kabuuan ng pagsasagawa ng pananaliksik

2. Pinal na Pamagat
• Pagtukoy sa tiyak na paksa at sakop ng pag-aaral
• Iwasan ang pagdadaglat ng mga salita
• Gumamit ng salitang may positibong impresyon at nakaka-pukaw interes sa mambabasa
• Gumamit ng napapanahon at angkop na salita mula sa aral
• Tukuyin ang mga pangunahing baryabol, dependent at independent
• Maaaring ipabatid kung sa paanong paraan bubuuin ang pananaliksik
• Magmungkahi ng mga ugnayan ng mga baryabol na magbibigay-suporta sa major hypothesis
•Limitado sa 10-15 mahahalagang salita lamang
• Hanggat maaari, iwasan ang mga salitang “Pagaaral sa” “Pagsusuri sa”
• Kadalasan, ang pamagat ay nasa anyong pasalaysay ngunit maaari rin ito sa anyong patanong
• Gumamit ng tamang gramatika
• Lahat ng pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-abay ay nasusulat na malaking letra
ang unang titik.

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


1. Kwantitatibo
• Tumutukoy sa kalkulasyon ng bilang ; kasangkot ang penominang panlipunan gamit ang
matematiks, estatistika at pag compute.
2. Kwalitatibo
• Nagbibigay ng inisyal na pagkakaunawa sa mga sirkumstansiya buhat sa datos na kinalap

Klasipikasyon ng Pananaliksik
1. Historikal
• Ito ay gumagamit ng mga pamamaraan sa pagkalap ng datos upang makabuo ng kongklusyon sa
nakaraan. Pinakamainam na gamitin dito ang mga sekondaryang sanggunian.
2. Aksyon
• Ang mga mananaliksik ay kabilang sa pangkat ng respondente na ginagawan ng pag-aaral
• Balidasyon ng datos upang makabuo ng isang mungkahi
3. Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan
• Layunin nito na mailarawan ang anumang paksa
4. Etnograpikong Pag-aaral
• Nag-iimbestiga ng kaugalian at pamumuhay ng isang komunidad
5. Komparatibong Pananaliksik
• Layunin nito na ihambing ang anumang konsepto, kultura, bagay o pangyayari na kasangkot sa
dalawang paksa ng pag-aaral
6. Pag-aaral ng Kaso
• Nakatuon sa partikular na tao o grupo na kung saan layon nito na gawing espisipiko ang paksa sa
pag-aaral buhat sa isang malawak na dimension.
7. Deskriptibo
• Inilalarawan ang kasalukuyang pamantayan at kalagayan
• pagtugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, saan at paano
Konseptong Papel
• Kabuuang ideyang nabuo mula sa framework ng paksang tatalakayin.
Framework
• pinaka- istruktura at pinakabuod ng isang ideya na tumatalakay sa ibig patunayan, linawin o
tukuyin.
• katumbas ng isang mungkahi o rekomendasyon sa gagawing panaliksik.

Mga Nilalaman ng Konseptong Papel


✓ Kabuuang Ideya
✓ Balangkas o Framework
✓ Nais patunayan sa pag-aaral
✓ Gawaing binabalak sa pananaliksik
✓ Halagang magagastos sa proyekto
✓Bilang ng pahina / pahinang nagamit

Bahagi ng Konseptong Papel:

1. Rasyunal
• bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa.
• mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
• kaligirang pangkasaysayan
• simula ng pagbanggit sa suliranin
• patibay kaugnay sa suliranin
• solusyon

2. Layunin
• pakay o gustong matamo sa pananaliksik
• ang dalawang uri ng layunin ay ang:
- pangkalahatang layunin ( patalata at general )
- tiyak na layunin (espesipiko, bullet form / number)

3. Metodolohiya
•pamamaraan na gagamitin sa pagkuha ng mga datos at pagsusuri sa napiling paksa sa pananaliksik
• paraan ng pangangalap ng datos
• sakop na lugar
• interpretasyon ng datos
•maraming paraang ginagamit sa pagkuha ng datos gaya ng sarbey, panayam, questionnaire, case
study, obserbasyon at iba pa.

4. Inaasahang Awtput
• petsa ng pagsusumite
• mga nilalaman ng pananaliksik
• inaasahang bilang ng pahina
Kahulugan ng mga Konseptong Kaugnay sa Pananaliksik

Balangkas
- Ayon kina Grant at Osaloon (2014) sa dyornal ni Adom (2018) Mahalagang bahagi ng pananaliksik
upang matiyak ang landas na tinutungo habang ginagawa ang papel at maiwasan ang paglihis sa
paksang napili
-nagsisilbing blueprint

Tatlong Uri ng Balangkas


1. Balangkas Konseptwal
2. Balangkas Teoretikal
3. Datos Empirikal

•Ang Teoretikal na Balangkas ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang na may
kaugnayan o repleksiyon sa layunin o haypotesis ng pananaliksik (Adom, 2018)
•Tumutulong sa mananaliksik sa paghahanap ng angkip na dulog, analitikal na kaparaanan at mga
hakbangin ukol sa katanungan.

Paghahanap ng Teoretikal na Balangkas


✓Pangunahing Layunin ng Paksa
✓Pangunahing Baryabol
✓Kaugnay na Literatura
✓Kabuoan at Baryabol
✓Saliksik at Teorya
✓Teoryang nasaliksik at papel pampananaliksik
✓Hamon sa perspektibo ng napiling teorya
✓Limitasyon ng Napiling Teorya

Halimbawa: Attachment Theory ni John Bowlby (1971)


Mga Batas Ukol sa Child Abuse ni Abadejos
Dahilan: Ito ang sumasagot sa baryabol nilang child abuse na pumapaksa sa pagkawalay sa ina bilang
isang dahilan ng pagkakaroon ng pag-aabuso sa mga bata.

Balangkas Konseptwal
•naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa
•naglalahad ng estruktura ng pagbibigay-kahulugan (Grant at Osaloon, 2014)
•pinagsama-samang magkakaugnay na konsepto (Imenda, 2014)

Pagkakaiba ng Balangkas Konseptwal at Balangkas Teoretikal

Balangkas Konseptwal Balangkas Teoretikal

•mungkahi ng isang mananaliksik •batay sa sinubukan at totoong mga


para sa kung paano dapat teorya na isinasama ang mga resulta
maimbestigahan ang problema sa
pag-aaral •nagbibigay ng isang pangkalahatang
•sumasailalim sa tiyak na direksyon representasyon ng mga ugnayan sa
kung saan ang pananaliksik ay pagitan ng mga bagay sa isang
kailangang isagawa. naibigay na hindi karaniwang bagay

Input frame Process frame- metodolohiya Output frame-


kwalipikado / → paggawa ng questionnaire- kinalabasan
sakop sa instrument ng pag-aaral
gagawing →interbyu o sarbey- pamamaraan
pananaliksik *isulat lamang
(respondente) → analysis ang pamagat
Datos Empirikal - mga impormasyong nakalap mula sa kumbinasyon ng dalawa o higit pang metodo
ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayan, at/o eksperimentasyon, atbp. )

3 Uri ng Datos Empirikal


•Tekstuwal – paglalarawan sa datos sa paraang patalata
•Tabular – paglalarawan sa datos gamit ang estadistikal na talahanayan
•Grapikal – paglalarawan sa datos gamit ang biswal na representasyon katulad ng iba’t ibang graph

Mga Halimbawa ng Gwaph


•line graph- ginagamit kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o numero sa haba ng panahon.
•pie graph- isang bilog na nahahati sa iba’t ibang bahagi upang ipakita ang pagkakaiba-iba ng bilang
ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong pag-aaral
•bar graph- maaaring gamitin kung may dalawa o higit pang datos na magkahiwalay na
ipinaghahambing.
•pictograph- ginagamit upang magpakita ng malaking bilang ng datos at gumagamit ng larawan at
leyenda.

Output- impormasyong nahanap at naipon mula sa pangangalap ng datos


Balangkas- nagsisilbing blueprint o gabay ng pananaliksik

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kabanata 1: Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito

1. Ang Introduksyon
• ito ay isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik
•nakatala rito ang mahalagang impormasyon tungkol sa paksa
•saan at paano nagsimula ang ideya
•feasible
→ ANO ba ang tungkol sa iyong pinag-aaralang paksa?
→ BAKIT kailangan pa itong pag-aralan?

2. Layunin ng Pag-aaral
•ito ang pokus o sentro ng pag-aaral
•inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral
•tinutukoy din dito ang mga pangunahing suliranin na nasa anyong patanong
•nararapat na masagutang lahat ayon sa pagkakasunod-sunod nito

Mga Anyo/Paraan sa paglalahad ng layunin:


→ Anyong Patanong (Question Form)
→ Anyong Papaksa (Topical Form)

3. Kahalagahan ng Pag-aaral
•inilalahad dito ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik
•sino ang makikinabang
•tinatalakay ang kahalagahan at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon
at siyensa.

4. Saklaw at Limitasyon
• tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik
• dito itinakda ang parameter ng pananaliksik
• ipinapakita sa bahaging ito ang lawak
• nagtataglay ng dalawang talata:
1. unang talata- naglalaman ng saklaw ng pag-aaral
2. ikalawang talata- tumutukoy naman sa limitasyon ng pananaliksik.
→ paksa ng pag-aaral
→ katatagpuan ng datos na kakailanganin
→ tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral
→ tiyak na lugar
→ hangganan ng paksang tatalakayin
→ tiyak na panahong sakop ng pag-aaral

5. Depinisyon ng Mga Terminolohiya


• inililista rito ang mga salitang ginagamit sa pag-aaral
• katawagan, salita, o pariralang may espesyal na gamit o natatanging kahulugan
• paraan ng pagbibigay kahulugan
→ operasyonal na pagpapakahulugan- kung paano ginamit sa pananaliksik
→ konseptwal na pagpapakahulugan- istandard na kahulugan

Talang Parentetikal
APA- American Psychological Association
MLA- Modern Language Association

Isang Awtor
1. Kasama sa teksto ang pangalan ng awtor
→ Ayon kay Arrogante (1991), ang tula ay isang nadaramang kaisipan.
2. Hindi kasama ang pangalan ng awtor sa loob ng teksto
→ Ang komunikasyon ay isang proseso na kinapapalooban ng maraming proseso (E. Treece, 1977)

Dalawang Awtor &- ampersand


1. Kasama sa teksto ang pangalan ng mga awtor
→ Ayon kina Resuma at Semorian (2002), dapat bigyang diin ang wika…
2. Hindi kasama ang pangalan ng mga awtor sa loob ng teksto
→ Dapat bigyang diin ang wika… (Resuma at Semorian, 2002)

Tatlo hanggang Limang Awtor


1. Kasama sa teksto ang pangalan ng mga awtor
→ Ayon kina Arrogante, Dizon, Maglaqui at Fregil (1991),
→ Ayon kina Arogante, et al. (1991),
2. Hindi kasama ang pangalan ng mga awtor sa loob ng teksto
→ (Arrogante, Dizon, Maglaqui at Fregil, 1991)
→ (Arrogante, et al., 1991)

Anim Pataas na Bilang ng Awtor


→ Ang pagbasa ay . . . (Galang, et al., 2004, p.189)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkakaiba ng Pag-aaral at Literatura

Pag-aaral- pananaliksik Literatura- hanguang mula sa aklat at


ibang babasahin ( primary, sekondarya,
a. Pamagat ng Aral elektroniko)
b. Layunin
c. Resulta → awtor
d. kaugnayan sa sariling aral → pahina
e. rekomendasyon → pahayag, konsepto, ideya
→ awtor → taon
→ taon
Kabanata II: Metodolohiya

• Sarbey- Kwestyoner
→ sa pamamagitan ng isang talatanungan, inaalam at iniinterpret sa pananaliksik na ito ang mga
gawi, pananaw, kilos, paniniwala o preperensya sa iba’t ibang pangkat hinggil sa isang paksa o
usapin.
→ Ayon kay Good (1963), ang kwestyoneyr ay listahan ng mga palanado at pasulat na tanong
kaugnay ng isang tiyak na paksa, naglalaman ng mga espasyong pagsasagutan ng mga respondent at
inihanda para sagutan ng maraming respondente.
→ Ang kwestyuneyr ay isang set ng mga tanong na kapag nasagutan nang maayos ng kailangang
bilang ng piniling respondent ay magbibigay ng mga impormasyong kailangan upang makumpleto
ang isang pananaliksik (Carderon at Gonzales, 1993)

Uri ng Talatanungan:
1. Open-Ended na Tanong- Ang tanong ay nagbibigay-kalayaan sa mga respondente na sagutin ang
tanong sa paraang nais nila.
2. Closed-Ended na Tanong- Ang talatanungan ay nagtataglay ng mga sagot na pagpipilian ng mga
respondente.

Bahagi ng Talatanungan:

1. Pamagat ng Talatanungan
• Nasa unang pahina ng instrument
• Nagbibigay ng pangkalahatang representasyon ng layunin ng pananaliksik

2. Introduksyon ng Talatanungan
• Kalikasan ng Pananaliksik
• Uri ng datos na kokolektahin
• Paano gagamitin at iingatan
• Bentahe sa kanilang Partisipasyon
• Paghingi ng pahintulot sa mga kalahok

3. Malinaw na Panuto
• Paano sasagutin ang sarbey
• Isulat ang pangkalahatang panuto
• Maglagay ng iba pang panuto kung nagkaroon ng pagkakaiba-iba sa paraan ng pagsagot.

4. Datos Demograpiko
• May kaugnayan sa tanong pampananaliksik

5. Set ng mga Tanong


• Ipresenta sa Lohikal at propesyunal na Pamamaraan
• Ang mga sensitibong tanong ay nasa huling bahagi ng talatanungan
• Mahalagang Paalahanan ang mga respondent na may kasunod pang pahina

6. Pangwakas na Pahayag
• Magpasalamat
• Maaaring ilagay ang pangalan kung kanino makikipag-ugnayan, maging ang cellphone number.

You might also like