You are on page 1of 44

REBYU SA MGA BATAYANG

KAALAMAN SA PANANALIKSIK

Bb. Diane Abigail G. Manalo


Inilahad ni Bansuelo, (n.d.) sa kanyang
artikulo ang iba’t ibang kahulugan ng
pananliksik ayon sa pakahulugan ng
mga eksperto.
Clarke (2005)

ang pananaliksik ay isang maingat,


masistematiko at obhetibong
imbestigasyon na isinasagawa upang
makakuha ng mga balidong
katotohanan, makabuo ng konklusyon at
makalikha ng mga simulaing kaugnay ng
inilahad na suliranin batay sa iba’t ibang
larangan o disiplina.
Nuncio(2013)

ang pananaliksik ay isang lohikal na


proseso ng paghahanap na obhetibong
sagot sa mga katanungan ng
mananaliksik na nakabatay sa suliranin at
metodo ng pag-aaral tungo sa
produksiyon ng maraming kaalaman at
kasanayan upang makatugon sa
pangangailangan ng tao at ng lipunan
Aquino (1994)

ang pananaliksik ay sistematikong


paghahanap sa mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na
paksa o suliranin.
Ang pagkalap ng
impormasyon sa
pananaliksik ay kailangang
sistematiko, matalino at
etikal.
Layunin ng Pananaliksik

 Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay preserbasyon


at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao
(Bernales, et al.,2018).

1. Upang makadiskubre ng bagong kaalamn hinggil sa mga


batid nang penomena

2. Upang makakita ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap


na nalulutas ng mga umiiral na merodo at impormasyon.
 3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop
ng bagong instrumento o produkto.

 4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substance o


elements.

 5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang


substances at elements.

 6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya, sa


kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang
larangan
7. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.

 8. Mapalawa o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.

 9. Upang mapaunlad ang sariling kaalaman.

 10. Upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga


mag-aaral sa isang partikular na bagay.
Katangian ng Pananaliksik

Sistematik Kontrolado

Empirikal
Sistematik
May sinusunod na proseso o
magkakasunod-sunod na mga
hakbang tungo sa pagtuklas ng
katotohanan, solusyon ng
suliranin, o ano pa mang
nilalayon ng pananaliksik.
Kontrolado
Lahat ng baryabol na sinusuri ay
kailangang maging konstant. Hindi dapat
baguhin, anomang pagbabagong
nagaganap sa asignatura o pinag-
aaralan ay maiuugnay sa eksperimental
na baryabol na kailangang-kailangan sa
mga eksperimental na pananaliksik.
Empirikal
Kailangang maging katanggap-
tanggap ang mga pamamaraan
ginagamit sa pananaliksik,
maging ang mga datos na
nakalap.
Mga Kasanayan sa
Pananaliksik
Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik
Isang makabuluhang gawain ang
pananaliksik lalo na kung naisaalang-
alang sa pagsasagawa nito ang
mga pangangailangan ng lipunan.
Sa kasalukuyan, kahit malayo na ang
narating ng Pilipinas, patuloy pa rin
na umaasa ang mga Pilipino sa
banyagang kaalaman.
Kahit ngayon sa panahon ng pandemya, maraming
mga sikat na unibersidad ang nagsasaliksik para para
sa kasalukuyang suliranin na kinakaharap ng mundo,
ngunit patuloy hanggang sa kasalukuyan na umaasa
ang mga awtoridad sa mga ginagawang pag-aaral
sa ibang bansa sa halip na bigyang pansin ang mga
pag-aaral na ginawa ng mga iskolar dito sa Pilipinas.
Nanatili pa ring hamon para sa mga Pilipinong iskolar
at mananaliksik na paunlarin ang maka-Pilipinong
pananaliksik na may kaibahan sa tradisyunal na
pananaliksik ng mga bansa sa kanluran.
Inisa-isa ni Sicat-De Laza (2016) sa aklat nina
San Juan, et al. (2019) ang mga katangian ng
maka-Pilipinong pananaliksik.
 1. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang
Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa
mga paksang malapit sa puso at isipan ng mga mamamayan.

 2. Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong


pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-
pakinabang sa sambayanang Pilipino.

 3. Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.


Sa pamimili ng paksa, mahalagang isaalang-
alang ang sumusunod na mga batayan (San
Juan, et al., 2019).
 1. Pumili ng paksang may sapat na sangguniang pagbabatayan.
Nararapat na ang paksang napili ay may sapat na literaturang
pagbabatayan ng sa ganun maging malawak ang mapagkukunan
ng impormasyon batay sa paksa. Kapag bago ang paksa,
karaniwan na limitado ang mga batayan at hindi magiging mabisa
ang pagtalakay dito. Makatutulong din na ang paksang napili ay
hango sa mga paksang inilimbag na sa mga journal o iba pang
babasahin upang magkaroon ng sapat na basehan sa gagawing
pagtalakay sa paksang napili.
2. Pumili ng paksang limitado lamang at hindi
malawak ang saklaw. Para maging mabisa at
makatotohanan ang gagawing pagtalakay, gawing
ispisipiko lamang ang paksa. Kapag limitado ang
paksa, nagkakaroon ng tiyak na pokus ang
gagawing pananaliksik. Ang isang malawak na paksa
ay pwedeng limitahan ng sa gayon ay hindi masyado
malawak ang gagawing pag-aaral.
Halimbawa:
 Paksa: Asignaturang Filipino

Paglimita sa paksa Nilimitahang Paksa: Persepsyon ng mga Guro at


Mag-aaral sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino
Maaaring gamitin bilang batayan ang mga sumusunod sa
paglilimita ng paksa.
Paksa: Pangkat -Lugar -Panahon
Nilimitahang paksa: Persepsyon ng Mga Guro at Mag-aaral sa
Pambansang Pamantasan ng Batangas sa Planong Pagtanggal sa
Filipino Bilang Disiplina sa Kolehiyo T. P. 2019-2020
Mga batayan ng paglilimita ng paksa
(Bernales 2018)
 (a) panahon
 (b) edad
 (c) kasarian
 (d) perspektibo
 (e) lugar
 (f) propesyon o grupong kinabibilangan
 (g) anyo o uri
 (h) partikular na halimbawa o kaso
 (i) kombinasyon ng ng mga nabanggit na batayan
 3. Mahalaga na ang napiling paksa ay makapag-aambag ng
bagong kaalaman. Hindi na mahalaga kung bago o luma ang
paksa. Tungkulin ng mananaliksik na bigyan ng makabagong
dimensyon ang paksa upang ang ang ginawang pagsusuri,
konklusyon at rekomendasyon at batay sa bagong nakalap na
datos. Sa ganitong paraan, hindi magiging duplikasyon ang
isinagawang pananaliksik
4. Gagamit ng sistematikong at siyentipikong paraan
upang mabigyan ng kasagutan ang mga inilahad na
suliranin sa pananaliksik. Tiyakin na ang mga suliraning
inilahad sa pananaliksik ay hindi lamang masasagot ng
mga impormasyong makukuha sa internet o sa mga
aklat. Ito ay mga pangkalahatang impormasyon na
hindi na nangangailangan ng siyentipikong
pamamaraan. Sa pananaliksik, masasagot ang mga
inilahad na suliranin sa pamamagitan ng sistematiko at
siyentipikong pamamaraan
5. Nararapat na ang mananaliksik ay may sapat na
kaalaman sa paksa. Mahalaga na ang mapipiling paksa
ng pananaliksik ay naayon sa disiplina ng mag-aaral ng
sa gayon ay may sapat siyang kaalaman sa napili niyang
paksa. Hindi magiging madali ang gagawing pagtalakay
kung salat sa kaalaman at malayo sa interes ng
mananaliksik ang paksang pag-aaralan.
Pagpili ng Batis ng Impormasyon
 1. Tiyakin na ang sanggunian ay isang akademiko. Mas
mabigat na salalayan ang isang akademikong
sanggunian sapagkat naglalayon itong magbigay linaw
sa iba’t ibang miyembro ng akademikong komunidad
tulad ng mga mag-aaral, guro at mga iskolar hinggil sa
paksa. Obhetibo ang pagtalakay sa paksa at dumaan
sa masusing ebalwasyon kaya ito ay
mapagkakatiwalaan.
2. Tukuyin ang uri ng sanggunian. Ang
akademikong sanggunian ay pwedeng
nakalimbag o online. Halimbawa nito ay
aklat, journal, artikulo. May iba’t ibang uri
ng website na pwedeng hanguan ng
impormasyon. Kapag ang web page
Uniform Resource Locators ay nagtatapos
sa .edu ito ay nabibilang sa institusyong
pang-edukasyon o akademiko.
3. Alamin kung ang sanggunian ay
primarya o sekundarya. Maituturing na
primarya ang sanggunian kung ito ay
nagbibigay ng direktang katibayan
tungkol sa paksa ng pananaliksik at
maituturing na orihinal na ebidensiya
Pagbasa at Pagsulat ng Paraphrase,
Abstrak at Rebyu
Isang mahalagang kasanayan sa pananaliksik
ang mabisa at masusing pagbasa. May mga
kasanayan sa pagbasa na dapat taglayin ng
isang mahusay na mananaliksik tulad ng
pagsulat ng paraphrase, abstrak at rebyu.
Paraphrase

Ang paraphrase ay tumutukoy sa


pagsasalin ng ideya ng orihinal na teksto sa
mabisa at malinaw na pananalita na hindi
nababago ang tunay na kahulugan.
Halimbawa:
 Ayon sa dating Pangulong Benigno Aquino sa kanyang talumpati sa
Pambansang Kongreso ng Wika noong ika-19 ng Agosto 2013, naniniwala
sya na may naitutulong ang pamahalaan kahit sa maliit na paraan sa
pagpapayabong at pagtangkilik sa wikang Filipino. Ayon pa sa kanya,
tungkulin niya bilang pangulo ng Pilipinas na ibalik ang tiwala ng mga
Pilipino sa mga institusyon ng pamahalaan sapagkat sila ang tinig ng
sambayanan. Ito ay mangyayari lamang kung makikita ng mga
mamamayan na ang pamahalaan ay kumikilos para sa kanila sapagkat
ang pamahalaan ay nagmula sa kanila at at para sa kanila. Binanggit din ni
Aquino na bago pa sya nahalal ay sinabi na niya na isusulat sa wikang
Filipino ang kanyang mga talumpati, hindi bilang propaganda kundi bilang
tinig ng sambayanang Pilipino sapagkat ito ang wikang komportable nilang
gamitin at higit na nauunawaan.
Abstrak

Ang abstrak ay isang uri ng lagom na


karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
akademikong papel tulad ng tesis, papel
na siyentipiko at teknikal lektyur, at mga
report
Ayon kay Gervacio, (2020), may mga
dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak.
 1. Lahat ng nakasulat sa direktang pangungusap.
abstrak ay dapat nakapaloob Iwasan ang pagiging maligoy
sa kabuuan ng papel. sa pagsulat ng abstrak.
 2. Hindi isinusulat sa abstrak  5. Maging obhetibo. Ilahad
ang detalyadong lamang ang mga
pagpapaliwanag ng mga pangunahing kaisipan.
datos para pahabain ito  6. Gawing maikli subalit
 3. Iwasan ang paggamit ng komprehensibo ang pagsulat
sariling opinyon sa pagsulat ng ng abstrak kung saan
abstrak mauunawaan ng babasa ang
 4. Gumamit ng malinaw at pangkalatang nilalaman ng
pananaliksik.
Halimbawa ng Abstrak

Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na malaman kung may espasyo ang


Filipino sa klase ng Matematika. Ginawa ang sumusunod na hakbang upang
maisakatuparan ang pag-aaral: pagmamasid sa mga klase; pagsasagawa ng
focus group discussion at pakikipanayam sa mga guro at mag-aaral; at mula rito
ay makabubuo ng mungkahing patakarang pangwika. Sa isinagawang
pagmamasid ng mananaliksik, lumabas na may mga pagkakataong gumagamit
pa rin ang mga mag-aaral at guro (malay o di-malay) ng Filipino sa asignaturang
Matematika. Maituturing ito bilang wikang pantulong sa iba’t ibang yugto ng klase
sa Matematika. Pinatunayan ng pananaliksik na may espasyo ang Filipino sa
Matematika bilang wikang pantulong; napadadali ang pagtalakay sa
Matematika sa tulong ng Filipino; at ang pagpapairal ng patakarang pangwika ay
kailangan upang maisakatuparan ang ganap na espasyo ng Filipino sa paaralan.
Iminumungkahi na ipatupad ang mungkahing patakarang pangwika na nabuo
batay sa resulta ng pananaliksik.
Rebyu

Ayon kina San Juan, et al. (2019), ang rebyu ay


isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang
layunin ay suriin ang isang akda batay sa
nilalaman, istilo at anyo ng pagkakasulat nito.
Naglalaman din ito ng pagtataya o
ebalwasyon ng akda batay sa personal na
pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng
rebyu
Presentasyon at Publikasyon ng
Pananaliksik
Hindi kompleto ang ginawang pananaliksik kung
hindi ito naibahagi at nailathala sa mga
akademikong journal. Ang pagkakabuo ng
pananaliksik ay kasinghalaga ng pagbabahagi nito
sa pamamagitan ng paglathala o presentasyon.
Naglalayon itong pataasin ang kamalayan ng
taong pinag-uukulan ng pananliksik.
Akademikong Publikasyon

 Ayon kay De Laza (n.d.), hindi kompleto ang ginawang


pananaliksik kung wala itong publikasyon. Maaaring ilathala ang
pananaliksik, buod, pinaikling bersyon o isang bahagi nito sa
pahayagan o pampahayagang pangkampus, conference
proceedings, monograph, aklat o sa refereed research journal.
Ang pinakatanggap at balidong paraan sa akademikong
publikasyon ay mapapasama sa isang refeered research journal
sa anumang larangan ng pananaliksik. Ang nabuong
pananaliksik ay dumadaan sa peer review, isang proseso kung
saan ang manuskrito o artikulo ay dumadaan sa screening o
serye ng ebalwasyon bago mailimbag ang journal.
Presentasyon ng Pananaliksik

Ayon ay De Laza, (n.d.), ang presentasyon ng


pananalisksik ay isang paraan ng pagbabahagi
ng ginawang pananaliksik sa mga lokal,
pambansa at pandaigdigang kumperensiya. Ang
pagpapalitan ng kaalaman sa pamamagitan ng
pampublikong gawain tulad ng simposyum,
forum, kumperensiya, at iba pa at mahalagang
gawain na dapat linangin sa loob at labas ng
akademya.
Mga Gabay sa Rebisyon

 Rebisyon ang pinakahuling proseso sa proseso ng pananaliksik.


Sa pamamagitan nito, natutuklasan ng mananaliksik ang
kahinaan ng ginawang pananaliksik, pagkakamali sa padron ng
gramatika at sistematisasyon ng ideya. Sa rebisyon, nahahasa rin
ng mananaliksik ang analitikal na kakayahan sa pagbasa.
Nagagamit ang kakayahan sa paraphrasing sa pagwawasto ng
ideya, napapalakas at napapalalim ang argumentong nabuo sa
pananaliksik
Naglahad ng mga gabay si De Laza, (n.d.) sa
pagrerebisa ng sulating pananaliksik.
1. Tukuyin ang pangunahing punto ng papel
pananaliksik.
2. Tukuyin kung sino ang mga magbabasa ng
pananaliksik at kung ano ang mga layunin nito.
3. Tasahin ang iyong mga ebidensiya.
4. Panatilihin lamang ang mahahalagang punto ng
pananaliksik.
5. Pakinisin ang gamit na wika sa kabuuan ng papel-
pananaliksik.
Salamat sa Pakikinig ☺

You might also like