You are on page 1of 19

Mga

Batayang
Kaalaman sa
Pananaliksik
“ The purpose of research is to serve

man,
and the goal of research is to the
good life.”
-Good at Scates (1972)
2
PANANALIKSIK ??????
Ang pananaliksik ay isang maingat, masistematiko at
obhetibong imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng
mga balidong katotohanan, makabuo ng konklusyon at makalikha
ng mga simulatin kaugnay ng inilahad na suliranin batay sa iba’t
ibang larangan o disiplina.
-Clarke at Clarke (2005)
Ang pananaliksik ay isang lohikal na proseso ng paghahanap
na obhetibong sagot sa mga katanungan ng mananaliksik na
nakabatay sa suliranin at metodo ng pag-aaral tungo sa
produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang
makatugon sa pangangailangan ng tao at ng lipunan.
3
-Nuncio, et al. (2013)
SISTEMATIKO ETIKAL

MATALINO

Ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap sa


mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa
o suliranin.
-Aquino (1994)
4
MGA BATAYANG KAALAMAN SA
PANANALIKSIK
 Layunin ng Pananaliksik
 Katangian ng Pananaliksik
 Mga Kasanayan sa Pananaliksik
 Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik
 Pagpili ng Batis ng Impormasyon
 Pagbasa at Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak at Rebyu
 Presentasyon at Publikasyon ng Pananaliksik
 Akademikong Publikasyon
 Presentasyon ng Pananaliksik
 Mga Gabay sa Rebisyon

5
Layunin ng
Pananaliksik
6
Ang pangunahing layunin
ng pananaliksik ay
preserbasyon at pagpapabuti
ng kalidad ng pamumuhay ng
tao
7
Layunin ng Pananaliksik
◆ 1. Upang makadiskubre ng bagong kaalamn hinggil sa mga batid
nang penomena
◆ 2. Upang makakita ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na
nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon.
◆ 3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng
bagong instrumento o produkto.
◆ 4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substance o elements.

8
Layunin ng Pananaliksik
◆ 5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang substances at
elements .
◆ 6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya, sa kalakalan,
industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
◆ 7. Ma- satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
◆ 8. Mapalawa o ma- verify ang mga umiiral na kaalaman.
◆ 9. Upang mapaunlad ang sariling kaalaman.
◆ 10. Upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
isang partikular na bagay.
9
Katangian ng
Pananaliksik
10
Katangian ng Pananaliksik
◆ 1. Sistematik. May sinusunod na proseso o magkakasunod-sunod na
mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin,
o ano pa mang nilalayon ng pananaliksik.
◆ 2. Kontrolado. Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang maging
konstant. Hindi dapat baguhin, anomang pagbabagong nagaganap sa
asignatura o pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol
na kailangang-kailangan sa mga eksperimental na pananaliksik.
◆ 3. Empirikal. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga
pamamaraan ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na
nakalap.
11
Pagpili ng Paksa ng
Pananaliksik
12
Sa pamimili ng paksa, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod
na mga batayan (San Juan, et al., 2019).

◆ 1. Pumili ng paksang may sapat na sangguniang pagbabatayan.


◆ 2. Pumili ng paksang limitado lamang at hindi malawak ang
saklaw.

13
Sa pamimili ng paksa, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod
na mga batayan (San Juan, et al., 2019).
◆ 2. Pumili ng paksang limitado lamang at hindi malawak ang
saklaw.
Paksa : Asignaturang Filipino
Paglimita sa paksa
Nilimitahang Paksa: Persepsyon ng mga Guro at Mag-aaral sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino
Maaaring gamitin bilang batayan ang mga sumusunod sa paglilimita ng paksa.
◆ Paksa: Pangkat -Lugar -Panahon
◆ Nilimitahang paksa: Persepsyon ng Mga Guro at Mag-aaral sa Pambansang Pamantasan ng
Batangas sa Planong Pagtanggal sa Filipino Bilang Disiplina sa Kolehiyo T. P. 2019-2020

14
Batay kay Bernales, et al., (2018), may mga batayan ng
paglilimita ng paksa. Tulad ng

(a)panahon;
(b) edad;
(c) kasarian;
(d) perspektibo;
(e) lugar;
(f) propesyon o grupong kinabibilangan;
(g) anyo o uri:
(h) partikular na halimbawa o kaso;
(i) kombinasyon ng mga nabanggit na batayan.
15
16
17
18
Sa pamimili ng paksa, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod
na mga batayan (San Juan, et al., 2019).

◆ 3. Mahalaga na ang napiling paksa ay makapag-aambag ng bagong


kaalaman.
◆ 4. Gagamit ng sistematikong at siyentipikong paraan upang
mabigyan ng kasagutan ang mga inilahad na suliranin sa
pananaliksik.
◆ 5. Nararapat na ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa
paksa.

19

You might also like