You are on page 1of 26

KAHULUG, KATANGIAN

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
- Isang sistematikong pagsusuri sa iba’t ibang pag-aaral at
materyales upang makabuo ng mga bagong kaisipan at
kinklusyon (Oxford Encyclopaedic English Dictionary, 1991)

- Isang sistematikong prosese ng paglilikom at pag-aanalisa ng


mga impormasyon sa ilang kadahilanan (Colendruno-Buco,
et.al)

- - isang proseso ng paghahanap sa isang konkretong


kasagutan sa isang katanungan sa pamamagitan ng isang
organisado, obhektibo at makatotohanang paraan 9 Payton,
1979)
KAHALAGAHAN:
Sa pamamagitan ng pananaliksik ay naisasagawa ang mga
sumusunod:
1. Pagkakategorya(categorization) - napagsasama-sama ang
mga bagay na magkakauri at ang mga bagay na hindi. Sa
pamamagitan nito ay nasasagot ang mga tanong na gaya
ng: “Sino sa pangkat angdapat ibukod at bigyan ng higit na
atensyon?”
2. Pagpapaliwanag (Explaining) - naipapaliwanag ng mas
malinaw, makatotohanan, at may batayan ang isang
pangyayari
3. PREDIKSYON - ang prediksyon sa pananaliksik ay tinatawag na
hypothesis. Ito ay mga pahayag na mayroon pang kalabuan ngunit
mabibigyang linaw sa pamamagitan ng mga masistemang pag-aaral.
Kapag ang mga prediksyon ay tinanggap o tinanggihan, ang mananaliksik
ay makabubuo ngmga teorya at konklusyon na sasagot sa mga
katanungan. Sa pamamagitan nito maaaring sabihin kung ano ang
maaaring mangyari sa isang sitwasyon. Nagagamit din ang prediksyon
upang higit na maging madali ang pagtukoy sa mga bagay na posibleng
mangyari
4. Pagmamanipula (Control) Walang kakayahan ang tao na manipulahin
ang kaganapan sa kanyang paligid gaya ng pagbabago ng panahon,
pagkakaroon ng sigalot, etc., gayunman, nauunawaan ng tao ang mga
bagay na may kaugnayan sa isang pangyayari, maaari ng mamanipula
ang mga posibilidad sapagkat ang isang pangyayari ay maaari ng
paghandaan, iwasan, o di kaya’y lutasin sa pamamagitan ng pananaliksik
Halimbawa, kung tumataas ang bilang ng krimen sa isang pamayanan
maaaring alamin ng pamahaalaanang dahilan ng ganitong pangyayari
sa pamamagitan ng pananaliksik at kapag nagtagumpay na unawain
ang ugat ng suliranin malalapatan ito ng solusyon

KATANGIAN:
1. Empirikal – ang pangangalap ng datos ay nakasalalay sa praktikal na
karanasan ng mananaliksik sapagkat batay ito sa
tuwirangobserbasyon o karanasan ng mananaliksik
2. Lohikal – ang isang mananaliksik ay sumusunod sa metodong
siyentipiko, mayroong proseso sa pangangalap ng mga datos upang
mapagkatiwalaan ang magiging resulta ng pananaliksik
3. Siklikal o umiinog – ang isang pananaliksik ay sumusunod sa
metodong siyentipiko , mayroong proseso sa pangangalap ng mga
datos upang mapagkatiwalaan ang magiging resulta ng pananaliksik.
Pinag-iisipan ang mga pamamaraan at prinsipyong ginagamit sa
pananaliksik
4. Mapanuri o analitikal – kailangan ang masusing pagsusuri sa
pananaliksik simula pa lamang sa pangangalap ng mga datos
hanggang sa pagsusuri ng mga ito. Ang anumang uri ng pananaliksik
ay ginagamitan ng malalim na pag-iisip. Sa historical na
pananaliksik, nakatuon ang mga datos sa kasaysayan at pinagmulan
ng mga isyung may kaugnayan sa paksa
Ang deskriptibong pananaliksik ay nakatoon sa hinaharap na
implikasyon ng isang isyu. Sa case study, mahalaga ang pangangalap ng
mga datos mla sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
5. Nauulit – maaaring ulitin ang pananaliksik sa pareho o iba naming
disenyo. Dito napapatunayan ang validity katibayan ng mga datos
at konklusyon
6. Kritikal – kinakailangan ang kritikal na pagsusuri sa mga datos at
hindi lamang basta tinatanggap ang nakakalap na mga
impormasyon. Mahalaga ang maging maingat at tiyak sa
pananaliksik upang maging mataas ang kumpiyansa sa ginagaang
pag-aaral.
TATLONG PANGUNAHING DISIPLINA SA PANANALIKSIK
7. Humanidades (Humanities)
8. Agham Panlipunan (Social Sciences)
9. Agham Pisikal (Natural Sciences)
TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK
1. Matalino at masiyasat ng mga karunungan - mapag-isip,
mapagsiyasat, inaalam ang kaugnayan ng mga bagay sa isa’t isa
2. May mahusay na paghuhusga - Ang paggamit ng apat na M:
Man (Mapagkukunang tao ng impormasyon
Money (magagastos na salapi)
Materyal – (materyales o kagamitan)
Machinery (Makinarya)
Ang isang mananaliksik ay nagsasagawa ng kanyang apg-aaral sa
tamang panahin, lugar nang matalino, matipid at epektibo
3. Mapanuri – hindi basta naniniwala sa lahat ng nababasa, naririnig o
namamasid. Mahusay na inaalam ang katotohanan ng mga
impormasyong nakalap, pinagtitimbang-timbang ang mga datos at
sa sapat na katibayan kaya niyang panindign sng nabuong papel
4. Matapat – Alam ang wastongpagtatala ng mga datos at hindi
nangongopya upang maiwasan ang isyu ng plagyarismo. Hindi
nandaraya at inilalahad ang katotohanan ng pananaliksik

PLAGIARISM –
- TUMUTUKOY SA PAGGAMIT O PANGONGOPYA NG KAISIPAN,
IMBENSYON, SULATIN AT IB PA NA MULA SA IBANG TAO NA HINDI
BINABANGGIT ANG PANGALAN NG PNAGKUNAN ( The New Lexicon
Websters)
PAGBUO NG PAMAGAT
- TINUTUPAD NG MGA PAMAGAT ANG NGA SUMUSUNOD NA LAYUNIN:
1. Paglalagom ng paksa na tinatalakay ng pag-aaral
2. Nagsisilbingbatayan ng kaisipang inilahad sa pananaliksik
3. Nagbibigay distiksyon at identity sa mananaliksik na lumikha ng pag-
aaral
4. Gabay sa mga nagbabalak pang magsaliksik

- maging maliwanag at ispesifik


- Maaaring isama na sa pamagat ang mga varyabol na gagamitin sa pag-
aaral sapagkat naipapakita nito ang limitasyon ng pananaliksik.
Istruktura ng isang Pananaliksik
!. Ang suliranin at kaligiran nito
Paglalahad ng suliranin
Layunin ng pag-aaral
Batayang Teoretikal/konseptwal
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Kahulugan ng mga termino
II. Rebyu ng kaugnay na Literatura
III. Meotdolohiya
IV. Resulta, Pagsusuri at Interpretaston ng mga datos
V. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
I. Suliranin at Kaligiran nito
katangian ng suliranin
- Tiyak – mahalaga na ang tanong sa pananaliksik ay masasagot ng gagawing
pag-aaral, bagamat wala pang kongkretong sagot sa simula ng pag-aaral,
inaasahan na masasagot ang suliranin sa gagawing pag-aaral
- Nasusukat – inaasahang masasagot sa tulong ng mga instrument, pagsusulit
at iba pang [paraan ng pangangalap ng mga datos
- Natatamo – masasabing ang isang suliranin ay masasagot kung ang pag-aaral
ay nagtatamo ng tuwirang resulta sa pag-aaral na makakamit sa tulong ng ng
estadistika at iba pang metodolohiya
- Makatotohanan – kung ang resulta ng pananaliksik ay hindi dinadaya o
binabago
- May takdang panahon – natatapos sa maikling panahon mas mainam. Lalao
na kung ang suliranin ay tumutugon sa isang napapanahiong suliranin
PAMANTAYAN NG MABUTING SULIRANIN
- DAPAT Isaalang – alang ang mga sumusunod
1. Intresante – tanong na kinasasabikang hanapan ng kasahutan.
Mapupukaw ang interes ng mananaliksik
2. Napapanahon – suliranin ay nakabatay o naaayon sa mga
kasalukuyang pangyayari sa paligid
3. Inobatibo – maaaring ang paksa ay hndi na bago at napag-aralan
na subalit naglalahad ng mga bagong anggulo at kaisipan na may
nais patunayan
4. Nasusukat at may takdang panahon na matatapos
LAYUNIN ng Pag-aaral
- Ang layunin ay inilalahad sa paraang deklaratibo. Higit na magiging
mabisa nag layunin kung ito ay nakabatay sa mga domeyn na kognitobo
o kaalaman, saykomotor o kasanayan, at pandamdamin o
pagpapahalaga. Ang Layunin ay kinakailangan na tuwirang katapat ng
suliranin sa pag-aaral
Halimbawa: Ano ang problemang kinakaharap ng mga guro sa
Senior HS kaugnay sa a. Kurikulum, b. administrasyon at superbisyon,
c. Gamit sa pagtuturo d. Katangian ng guro
Layunin: Matukoy ang suliraning kinakaharap ng mga guro sa Senior HS
kaugnay sa kurikulum, administrasyon at superbisyon, gamit sa
pagtuturo, katangian ng guro, katangian ng mga estudyante
BATAYANG TEORETIKAL
- ginagamit sa pagsagot ng suliranin at layunin ng pag-aaral. Ipinakikita
sa bahaging ito ang teoryang ginamit sa pag-aaral, maging ang mga
konsepto, panuntunan at kaugnayan ng mga baryabol sa isang
pangyayari.
- Sariling balangkas naman ng gagawing pananaliksik ang tinutukoy ng
balangkas na konseptuwal. Ginagammit ito upang patunayan ang isang
bagay na kadalasang inilalahad ng isang dayagram. Ito rin ang
nagbibigya linaw sa isang abstraktong teorya sapagkat pinapaliwanag
nito ang mga baryabol at konseptong ipinapaliwanag na nagmula sa
isang teorya
KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL
- TUMUTUKOY SA MAGIGING BISA O KAPAKINABANGAN NG
PANANALIKSIK. May dalawang paraan ng pagpapahayag sa
kahalagahan ng pag-aaral
- induktibo – pinapahayag mula sa particular patungo sa
pangkalahatan. Nangangahulugan naang kahalagahan ng pag-aaral ay
inilalahad mulasa kapakinabangan ng isang mambabasa, mananaliksik,
pangkat, pamamayanan, patungo sa buong bansa
- deduktibo – mula sa Malaki tungo a kapakinabangan ng iisa.
Magsisimula sa kapakinabangan ng isang bansa pababa sa mambabasa
Binibigyang halaga ng pag-aaral ang paglutas sa suliranin at
pangangailangan, pagtuklas ng kaalaman, pagpapaunlad ng kalagayan at
pagpapayaman ng instrument sa pananaliksik.
SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

- TUMUTUKOY SA LAWAK ng magiging sakop ng isang pag-aaral.


Mahalaga ang isang pananaliksik na mailahad kung kalian at saan
itataguyod ang pag-aaral. Gayundin ang pagpapahayag ng tiyak na
bilang ng paksang nakapaloob sa pananaliksik. Marapat din na
banggitin sa pananaliksik ang limitasyon ng isang pag-aaral

- KAHULUGAN NG MGA TERMINO


Huling bahagi ng kab. 1, mahalaga ang pagbibigay ng kahulugan sa
mga termkino upang mabigyang linaw at mabilis na maunawaan ang
isinagawang pag-aaral
Maaaring gawin sa dalawang paraan:
-pagpapakahulugang konseptwal na nakabatay sa depinisyon sa
diksyunaryo
- pagpapakahulugang konseptwal na nababatay sa katangiang ayon
sa obserbasyon at kung paano nagamit sa pag-aaral at sa larangan ang
isang terminio.

II. REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA:


- sa pamamagitan nito matutukoy ang isang mananaliksik ang mga
sanggunian na angkop sa pag-aaral.
Ang rebuy ng mga kaugnay na literature ay mauuri sa dalawa, una,
ang mga konseptwal na literaturang isinulat ng mga dalubhasa
Na nagbibigay opinion, kaisipan, teorya, at karanasan na nailathala sa
nayo ng isang aklat, artikulo at pang-akademyang papel
- ikalawa, ay tinatawag na pananaliksik na tireratura. Ito ay
tumutulong upang higit na mapatibay ang resulta at kaisipan na
inilalahad sa pag-aaral (Fox, 1969)

III. METODOLOHIYA
- nagpapakita ng disenyo ng isang pag-aaral. Ito’y maaaring historical,
deskriptibo, eksperimental, at kaso ng pag-aaral (case study)

Nahahati ang kabanatang ito sa mga sumusunod:


1. Disenyo ng Pananaliksik – maaaring linangin ng mga mag-aaral. May
iba’t ibang uri at ang pinakagamitin ay ang deskriptiv o
paglalarawan na siyang pinakamadaling maunawaan. Ginagamit
upang magkaroon ng mabisang paglalarawan sa kalikasan ayon sa
tiyak na panahon at kaganapan ng kailangang pananaliksik
2. Respondente - lipon ng mga tao na tutugon sa mga katanungang
inilahad sa kanila na may kaugnayan sa pag-aaral
3. Instrument ng Pananaliksik – sa paraang ito naman inilalahad ng
mananaliksik kung anong instrument/kagamitan ang gagamitin sa
pagkuha ng datos
4. Pamamaraan ng pagkalap ng Datos - ditto nakalahad ang proseso na
ginawa ng mananaliksik upang makakuha ng mga datos na kaugnay
o may kinalaman sa paksa ng kanyang isinasagawang pananaliksik
5. Istatistikal na tritment ng mga Datos – ditto ipinapaliwanag ang
paggamit o kung paano ginagamit ang bawat simbolo sa
pagsasaayos ng datos, at kung paanong pagsusuma ang ginamit
upang makuha ang malinaw at tiyak na datos sa pananaliksik.

IV. RESULTA, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


- IPINAKIKITA sa bahaging ito ng pananaliksik ang kabuuan ng mga
datos na nakalap maging ang interpretasyon o pagpapakahulugan ukol
nito. Madalas na makikita sa kabanatang ito ang mga grap, tsart, o
talahanayan depende sa metodolohiyang ginamit. Sa bahaging ito rin
ipinakikita ang estadistika o kabuluhan ng mga datos ng isang sarbey na
ginamit sa pag-aaral
Ang mga datos na inilahad sa pamamagitan ng tabular o grapik na
presentasyon sa bawat teksto. Kinakailangan ng isang mananaliksik na
mailahad lamang ang patunay na ang gawaing ito ay isang mahabang
proseso sapagkat ito’y gagamitan ng malinaw na resulta ng
isinasagawang pag-aaral. Sa bahaging ito, ang bawat katanungan at
talakayan ay mabibigyang pansin at kaagutan sa pamamagitan ng
mapa,, tsart,grap, o talahanayan upang maayos ang bawat pangyayari
na nasa datos

V. LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON


- PINAKAMAHALAGANG BAHAGI na kung saan ang lagom ay ang
buod na pangyayaring naganap, at inilalahad naman ang mga
impormasyong nakalap sa pamamagitan ng pagtatala at batay sa
Anyong kongklusyon at rekomendasyon na nagsisilbing mungkahing
nakalap para sa karagdagang pananaliksik.
- dapat na maging maingat sa bahaging ito. Hindi dapat isama ang
kahit ano lamang. Ang kongklusyon ay halaw mula sa buod ng mga
kinalabasan ng mga pag-aaral at ito ay iniaangkop sa mga tanong na
inimbestigahan. Ang rekomendasyon naman ay ang mga mungkahi
para sa karagdagang pananaliksik.

Ayon kina Calderon at Gonzales (mga awtor):


Lagom: ditto inilalahad ang buod ng pananaliksik. Ang kabubuan ng
mga datos at ang mga natuklasang punto ng saliksik.
KONKLUSYON
- ALINSABAY SA PAGBUBUOD AY paglalahad ng mga nakitang
konlusyon sa mga tanong ng pag-aaral, ayon sa mga datos na pinag-
aralan ng mananaliksik. Sa bahaging ito ng pananaliksik, hinihimay at
inaanalisa ang mga datos para sagutin ang mga katanungan ng paksa ng
papel.

REKOMENDASYON
- matapos ang lagom at konklusyon ay ang pagbuo ng
rekomendasyon buhat sa mga kasagutan at datos na nakalap ng saliksik
ang rekomendasyon ay dapat naglalayong malutas ang mga
suliraning natuklasan sa imbestigasyon
- hindi dapat na magrekomenda ng mga solusyong hindi naman
natuklasan o natalakay sa pag-aaral
- kailangan ang bawat isang rekomendasyon ay maging praktikal,
maisasagawa, makatotohanan, makatarungan, at makakamit
- valid at lohikal
- dapat patungkol sa indibiduwal, pangkat, tanggapan o institusyon na
maaaring magpatupad nito
- Imungkahi ang pagpapanatili, pagpapatuloy at pagpapabuti ng mga
mabubuting bagay na natuklasan
- maaari ring magrekomenda sa iba pang mananaliksik ba ipagpatuloy
ang pagpapalawak ng isinagawang pag-aaral bamit ang iba pang saklaw,
panahon at populasyon
PANGHULING PAHINA
- talaan ng sanggunian- aklat at iba pang pinagkunan ng impormasyon
o datos na ginamit
- apendiks – dahong dagdag. Liham na ginamit sa pananaliksik,
sampol ng sarbey kwestiyoneyr, bio-data ng mananaliksik, larawan,
pormula ng ebalwasyon atbp.

You might also like