You are on page 1of 12

MGA HAKBANG SA

PANANALIKSIK
KABANATA II

MGA MUNGKAHING HAKBANG MULA KAY BLANKENSHIP


1. TUKUYIN ANG PROBLEMA

• Ito ay inilalahad sa paraang patanong, at tinatangka itong


sagutin sa pananliksik.
• Napakahalaga ng hakbang na ito sa proseso ng pananaliksik
dahil nagsisilbi itong pokus ng pag-aaral.
2. REBYUHIN ANG LITERATURA

• Kailangang rebyuhin ng mananaliksik ang mga


literature at pag-aaral na kaugnay ng
pangkalahatang problema.
3. LINAWIN ANG PROBLEMA

• Isinasagawa ang hakbang na ito matapos ang


pagrerebyu ng literature sapagkat ang kaalamang
natamo niya sa hakbang na iyon ang magsisilbing
gabay sa paglilinaw ng kanyang natukoy na
problema.
4. MALINAW NA BIGYANG-KAHULUGAN
ANG MGA TERMINO AT KONSEPTO

• Ang mga aytem na ito ay kailangang tiyak na


mabigyang-kahulugan kung paano gagamitin sa
pag-aaral.
5. ILARAWAN ANG POPULASYON

• Nakapokus sa isang tiyak na pangkat ng mga tao,


pasilidad, programa, istatus, gawain o teknolohiya.
• Halimbawa: Kung nais ng mananaliksik na suriin ang isang
tiyak na pangkat ng tao sa isang komunidad, maaaring ipokus
ang mga pag-aaral sa isang tiyak na age group, kasarian, lugar,
o pangkat etniko.
6. IDEBELOP ANG PLANO NG
INSTRUMENTASYON
• Nagsisilbi itong mapa sa kabuuan ng pag-aaral.
• Tinutukoy sa planong ito kung sino-sino ang sangkot sa
pag-aaral, maging paano at kalian kokolektahin ang mga
datos.
• Ang planong ito ay kinapapalooban din ng maraming
desisyon at konsiderasyon kaugnay kung paano
susuriin ang mga datos na makokolekta.
7. KOLEKTAHIN ANG MGA DATOS

• Kritikal na hakbang sa pananaliksik dahil dito makukuha ang mga


impormasyong kailangan upang masagot ang mga katanungang
inilahad sa Mga Suliranin ng Pag-aaral.

• Ang mga datos ay maaaring kolektahin sa pamamagitan ng sarbey


na gumagamit ng kwestyoner, ay sa pamamagitan ng interbyu o
kaya ay sa pamamagitan ng obserbasyon
8. SURIIN ANG MGA DATOS

• Ang mga resulta ng pagsusuri ay kanya ring


rerebyuhin at lalagumin batay sa mga katanungang
inilahad sa Mga Suliranin ng Pag-aaral.
IBA PANG HAKBANG
9. ISULAT ANG PAPEL PAMPANANALIKSIK

• Kailangang maging maingat ng mananaliksik lalong-lalo na hinggil


sa mga grammatical at typographical errors.

• Kailangan ang kaisahan(unity), pagkakaugnay-ugnay(coherence),


at diin(emphasis) sa pagsulat ng talataan.
…9. ISULAT ANG PAPEL PAMPANANALIKSIK

• Matapos isulat ang Hakbang 1,3,4,5 at 6, maarin nang isulat ang Kabatana I ng
papel.
• Maaari namang isulat ang Kabanata II ng papel matapos isagawa ang Hakbang 2
• Matapos naman gawin ang Hakbang 5 at 6, Makabubuting isulat na agad ang
Kabanata III.
• Matapos isagawa ang Hakbang 7 at 8, inaasahang magiging madali na ang
pagsulat ng Kabanata IV at V.
10. IULAT ANG RESULTA NG
PAG-AARAL
• Kulminasyon ng proseso ng pananaliksik kung masinop
na nagawa ng mananaliksik ang mga naunang hakbang.
• Isinasagawa sa paraang pasalita. (panel evaluation)

You might also like