You are on page 1of 3

v Sa pananaliksik, ang presentasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-oorganisa ng mga datos sa lohikal,

sikwensyal, at makahulugang kategorya at klasipikasyon ayon sa isinasagawang pag-aaral at


interpretasyon.

Datos
Ang dato o datos, anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay. Ito ang pangungusap
na tinanggap ang kanyang kayarian (isang "bigay"). Kabilang ang mga pagsusukato pagmamasid ng
isang pabagu-bago (variable) sa mga malalaking uri ng mga mahalagang pangungusap. Maaaring
binubuo ng mga bilang, salita, o larawan ang mga ganoong pangungusap.

v Calderon at Gonzales: nagtukoy ng tatlong paraan ng presentasyon ng mga datos na nakalap sa


pananaliksik:

Ø Tekstwal

Ø Tabular

Ø Grapikal

Tekstwal na Presentasyon

v Gumagamit ng patalatang pahayag upang ilarawan ang mga datos

v Layunin: upang maipokus ang antensyon sa ilang mahahalagang datos at upang magsilbing suplement
ng presentasyong tabular at grapikal

v Ayon kay Bernales et al: kailangan nitong taglayin ang mga ss na katangian –

Ø Kaisahan: pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata

Ø Kohirens: pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng talataan

Ø Empasis: pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa datos na nangangailangan niyon.

v Bukod sa tatlo, dapat din nitong taglayin ang mga sumusunod na katangian:

Ø Malinaw: ang mga pangungusap ay hindi Malabo o hindi maaaring magbunga ng iba’t ibang
interpretasyon

Ø Tuwiran: iwasang maging paliguy-ligoy ang mga pahayag.

§ Tandaang ang tekstwal na presentasyon sa pananaliksik ay isang teknikal na sulatin at hindi isang
akdang literari o malikhain.

Ø Maikli: sa teknikal na pagsulat, ang brevity ay isang pangangailangan

Ø Wasto ang grammar: kailangang maging maingat sa konstruksyon ng mga pangungusap, sa


pagbabaybay at sa paggamit ng mga bantas.

Ø Lohikal: kailangang lohikal ang pagkakasunod-sunod.

§ Maaaring ayusin ang mga datos:


· Mula sa pinakamalaki/pinakamataas hanggang sa pinakamaliit/pinakamababa o ang kabaligtaran
nito

· Mula sa pinakasignipikant hanggang sa pinakainsignipikant o kabaligtaran nito.

· Mula sa pinakakompleks hanggang sa pinakasimple o kabaligtaran nito.

· Mula sa pinakabago hanggang sa pinakaluma o kabaligtaran nito

· Mula sa una hanggang sa huli o kabaligtaran nito

· Mula sa pinakamalayo hanggang sa pinakamalapit o kabaligtaran nito

§ Depende sa uri at kalikasan ng mga datos na inilalahad sa teksto.

Tabular na Presentasyon

v Ginagamit ay isang istatistikal na talahanayan

v Ang mga magkakaugnay na datos ay inaayos nang sistematiko

v Ang bawat numerikal na datos ay itinatala sa ilalim ng isang kolum at katapat ng isang hanay upang
ipakita ang ugnayan ng mga iyon sa isang tiyak, kompak, at nauunawang anyo.

Grapikal na Presentasyon

v Grap: isang biswal na presentasyong kumakatawan sa kwantiteytib na baryasyon o pagbabago ng mga


baryabol, o kwantiteytib na komparison ng pagbabago ng isang baryabol sa isa pang baryabol o mga
baryabol sa anyong palarawan o diagramatik (calderon at gonzales)

v Mga pinakagamiting grap:

Ø Layn grap

§ Ginagamit upang ipakita ang pagbabago ng baryabol

§ Epektib kung nais na ilantad ang trend o pagtaas, pagdami o pagsulong ng isang tiyak na baryabol

Ø Bilog na grap (circle o pie graph)

§ Upang ipakita ang distribusyon, pagkakahati-hati o dibisyon, proporsyon, alokasyon, bahagi o


praksyon ng isang kabuuan.

§ Ang kabuuang hinati-hati ay maaaring katawanin ng isang simpleng bilog o di kaya’y ng


multidimensyonal na bilog na kahawig ng isang pie.

Ø Bar grap

§ Epektib na gamitin upang ipakita ang sukat, halaga o dami ng isa o higit pang baryabol sa
pamamagitan ng haba ng bar.
Ø Piktograp

§ Presentasyon ay sa pamamagitan ng larawang kumakatawan sa isang baryabol.

Huling Tagubilin

v Kailangang sikaping maging malinaw at akyureyt ang presentasyon ng mga datos na nakalap.

v Kailangang gamitin ang kumbinasyon ng tekstwal at tabular o grapikal na presentasyon

v Kailangang maging consistent ang mga datos na inilalahad sa teksto at sa talahanayan o grap.

You might also like