You are on page 1of 6

Jasper B.

Caranyagan

HUMSS 11 – 2

 Kahulugan ng Tekstong Naratibo


- Ang mga tekstong naratibo ay mga kwentong sinasalaysay o nasusulat. Karaniwang mayroon
itong tagapagsalaysay tulad ng mga maiikling kwento, nobela, at iba pang panitikan. Ito ay
itinatanghal bilang isang sining ng isang kwento. Ang tekstong naratibo o pasalaysay ay
tumutukoy sa tekstong naglalahad ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga pangyayaring
naganap, nagaganap o magaganap pa lamang. Ang tekstong naratibo ay karaniwang
kronolohikal o nakabatay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, bagamat sa tekstong
literi, madalas naman ang paggamit ng flashback. Bagamat karaniwa’y katotohonan at
impormasyon ang nilalaman ng tekstong naratibo, maari rin naman sumulat ng tekstong
naratibo nagsasalaysay ng mga pangyayaring pawing kathang-isip lamang. Ang tekstong
naratibo ay ginagamit din sa mga ulat na naglalahad ng mga aktibidad ng isang kumpanya o
organisasyon, testimonya ng saksi sa isang krimen o pangyayari, tala o record ng mga
obserbasyon ng isang doctor, puna o mungkahi ng guro sa report card ng estudyante, at iba
pang katulad nito.

 Elemento ng Tekstong Naratibo


- Ang tekstong naratibo ay naglalayon na maglahad ng mga pangyayari na ayon sa isa o higit pang
kuwento. Ang mga maikling kuwento at mga nobela ay ilan sa mga uri ng tekstong naratibo. Ang
mga karaniwang elemento na naiuugnay sa tekstong ito ay:

1. Tauhan -bawat teksto ay may tauhan. Maraming uri nangtauhan sa Tekstong naratibo.

A. Pangunahing Tauhan -sa pangunahing tauhan o bida umiikotang mga pangyayari sa kwento
mula simula hanggang sa katapusan.Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan. Ang
kanyang mgakatangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gaganapin sakabuuan
ng akda.

B. Katunggaling Tauhan -ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o


kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga
tunggali ang nangyayari sa pagitan nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa kwento at higit
na napatitingkad ang mgakatangian ng pangunahing tauhan.

C. Kasamang Tauhan -ipinapahiwatig ng katawagan,ang kasamang tauhan ay karaniwang


kasama o kasanggana ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay
sumuporta, magsilbing hingahan o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.
D. Ang May-Akda- Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may akda ang lagi nang
magkasama sa kabuuan ng akda. Bagama’t namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng
tauham, sa likod ay lagging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

Iba pang Uri ng Tauhan

A. Tauhang Bilog ( Round Character)- Maraming saklaw angpersonalidad. Nagbabago ang


katangian at damdamin. -Halimbawa ay isang mabait at maunawain tauhan na magiginggalit
at iresponsableng tauhan at lumulutang na ang kanyang pagkataoo emosyon at damdamin.

B. Tauhang Lapad ( Flat Character)- Nagtataglay ng 2 katangian. Madaling maunawaan ang


katangian o predictable. Maitutulad o maituturing na stereotype ang kanyang katangian.
Mga halimbawa ay mapagmahal na ina, madrasta at tin-edyer nahindi sumusunod sa
magulang. Karaniwang hindi nagbabago ang katangian nang tauhan sakwento.

2. Tagpuan at Panahon- Tumutukoy hindi lamang sa lugar kundi sa panahon ( oras, petsa, taon)
nang pinangyarihan at damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang pangyayari.
Halimbawa ay matinding pagod nang magsasaka sa ilalim nang mainit na araw, malakas na
hangin at ulan na dala nang bagyo at marami pang iba.

3. Banghay- Maayos na daloy nang pangyayari sa tekstong naratibo. Pagkakasunod sunod nang
banghay. Pagkakaroon ng isang epektibong simula. Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng
kalutasan ng mga tauhan. Pagkakaroon ng saglit na kasiglahan. Patuloy sa pagtaas ang
pangyayari. Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas.

Uri ng Banghay

A. Analepis ( Flashback ) -dito ipinapasok ang mga pangyayari sa naganap na nakalipas.

B. Prolepis ( Flash Forward )- dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa
lang sa hinaraharap

C. Ellipis -may mga puwang o patlang sa pagkakasunod sunod ng mga pangyayari na


nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinaggal o hindi isinama.

4. Paksa o Tema- Ito ang sentral kung saan umiikot ang mgapangyayari sa tekstong naratibo.
Dito rin makikita ang mga mahahalagang aral, pagpapahalaga atiba pang mga kapupulutan
nang aral sa tekstong naratibo.

5. Pananaw ( point-of-view) – ang anggulo ng pagpapahayag


 Iba’t ibang halimbawa ng Tekstong Naratibo

A. Maikli o mahabang Kwento/ Nobela - Binubuo ng makakaugnay- ugnay na pangyayari na


maaring maikli, mahaba, masalimuot. Umiikot ang kwento sa tauhan na daumaraan sa isang
pagsubok na mabibigyan kalutasan sa dakong hulihan ng naratib.
B. Talambuhay - Ang Talambuhay ay ang pagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa isang tao
mula sa kapanganakan hanggang sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay o maaring
hanggang sa kanyang kamatayan.

C. Kasaysayan- Ang kasaysayan ay mga kwentong hindi bunga ng imahinasyon bagkus ito ay
mga kwento ng totoong pangyayari, mga pangyayaring siyang humuhubog ng pagkakilanlan
ng isang tao, bansa o ano pa man.

D. Kwento ng paglalakbay - Pagpapahayag ng isang manlalakbay ng kanyang


pakikipagsapalaran habang siya ay naglalabkay sa iba’t ibang pook. Kapupulutan ng mga
impormasyon na maaaring gamitin ng iba sa panahong sila naman ay maglalakbay.

E. Kwento ng pakikipagsapalaran - Binubuo ng mga detalye kaugnay sa pakikipagsapalaran ng


isang tauhan sa anumang bagay na kanyang tinatahak. Nakakaranas ng samu’t saring
pangyayari na nagiging daan ng ating pagbabago at paglago bilang mga tao.

F. Balita - Ang balita ay mga pagpapahayag ng mga mahahalagang pangyayari sa araw-araw na


ibinabahagi sa mga tao upang sila ay magkaroon ng impormasyon tungkol sa mga
nagaganap sa kanilang paligid.

G. Alamat, leyenda, epiko at kwentong-bayan - Anyo ng naratib na nabuo sa matandang


panahon ng ating kasaysayan. Sumasalamin sa ating kabihasnan

Alamat - Nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagaybagay o ngalan ng pook

Leyenda - Nagsasalaysay tungkol sa mahahalagang pagyayaring naganap na nagging


daan sa mga mahahalagang pangyayari sa ating lahi

Epiko - Mahahabang tulang pasalaysay na nagpapahayag ng kagila-gilalas na


pakikipagsapalaran ng isang bayani

Kwentong-bayan (folklore) - Sumasalamin sa kultura ng iba’t ibang bayang matatagpuan


sa ating bansa Mga salaysay tungkol sa mga likhang-isip na mga tuhan na kumakatawan
sa mga uri ng mamamayan, katulad ng mga matandang hari, isang marunong na lalaki, o
isang hangal na babae Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan sa isang tiyak na pook
o rehiyon ng isang bansa o lupain.
 Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo?
- Isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinahahayag at ipatanggap
sa bumabasa ang katotohanang iyon. Ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong
umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o
pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit. Halimbawa:
mga editoryal, pagsasagawa ng debate, at iba pa. Ang tekstong argumentatib ay isang uri ng
akdang naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinahahayag at ipatanggap sa bumabasa
ang katotohanang ito. Argumentatib– pangangatwiran.Ito ay isang uri ng teksto na nagpapakita
ng mga proposisyon sa umiiral na kaugnayan sa pagitan ng mga kaisipan o iba pang mga
proposisyon. (Proposisyon- Paksa)

Dalawang uri ng tekstong argumentatib

A. Puna - Kung ito ay nag-uugnay ng mga pangyayari, bagay, at mga ideya sa pansariling pag-
iisip, paniniwala, tradisyon at pagpapahalaga.

B. Sayantifik - Kung ito ay nag-uugnay sa mga konsep sa isang tiyak na sistema ng karunungan
at pag-iisip upang ang kinalabasang proposisyon ay may tiyak na kahulugan.

Ano ang layunin nito?

- Hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng kanilang pananalig o


paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. Papaniwalain, akitin at kumbisihin
ang tagapakinig o mambabasa tungo sa isang tiyak na aksiyon.

 Hakbang sa pagsulat ng Tekstong Argumentatibo


- Narito ang mga gabay o hakbangin na maaring makatulong sa pagbuo at pagsulat ng isang
tekstong argumentatibo.

1. Pagkilala ng paksa at pagsasagawa ng maayos na pangangalap ng datos ukol dito.

2. Pagkilala sa mga propisyon ukol sa paksa upang matiyak ang angkop na argumentong
gagamitin.

3. Pagtutukoy sa angkop na pamamaraan ng pangangatwiran kaugnay ng napiling propisyon.

4. Pagkalap ng impormasyon upang matibay ang argumento.

5. Pag-iwas sa maling pangangatwiran:


a. matibay na paniniwala
b. mahatak na panghikayat
 Uri ng Pangangatwiran
1. PANGANGATWIRANG PABUOD (INDUCTIVE REASONING) - Nagsisimula sa maliit na
katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat ang pangangatwirang
pabuod. Nahahati ang pangangatwirang ita sa tatlong bahagi.

a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad. Inilahad dito ang magkatulad na


katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang nabubuong
paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay msasabing pansamantala lamang at maaaring
mapasinungalingan. Maaring maging pareho ang pinaghahambing sa isa lamang katangian
subalit magkaiba naman sa ibang katangian.

b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi. Nananalunton


ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang isang pangyayari.

c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay. Napapalooban ito


ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay o magpapatutuo sa tinutukoy na
paksa o kalagayan.

Halimbawa ng Pabuod na pangangatwiran

- Pabuod (inductive reasoning) - Ang pangangatwirang ito ay nagsisimula sa maliit na


halimbawa o katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na suliranin. May tatlong
paraan ang ganitong uri ng pangangatwiran:

- Ang Pag-uugnay ng Pangyayari sa SanhI - Bawat pangyayari ay may sanhi. Ang


pangangatwiran natin ay nagsisimula sa mga sanhi tungo sa bunga o ang patumbalik
nito. Ang ating konklusyon ay isang pahayag na ang isang pangayayri'y bunga ng isa
pang pangyayari.

Halimbawa:
Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay sapagkat
hindi siya nagbalik-aral.

- Gumagamit ng Pagtutulad. Inilalahad ang magkatulad na katangian, sinusuri ang mga ito
at dito humahango ng konklusyon. Ang konklusyon sa ganitong pangangatwiran ay
masasabing pansamantala lamang.

Halimbawa:
Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang kolehiyo sa Kabanatuan,
sila ay may kooperatiba at malaki ang napapakinabang. Ang pagmamatuwid na si si Miss
dela Cruz ay mabuting guro sapagkat ang ama't ina niya ay mahusay ring mga guro.

- Gumagamit ng Katibayan at Pagpapatibay. Ang pagmamatuwid ay nanghahawakan sa


mga ebidensya, katibayan at patunay.

Halimbawa:
Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang sapaang
tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa
namatay na natagpuan sa di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng
napatay.

2. PANGANGATWIRANG PASAKLAW (DEDUCTIVE REASONING) - Humahango ng isang


pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang simulang panlahat ang pangangatwirang
pasaklaw. Ang silohismo na siyang tawag sa ganitong pangangatwiran ay bumubuo ng isang
pangungunang batayan, isang pangalawang batayan at isang konklusyon. Isang payak na
balangkas ng pangangatwiran ang silohismo.

Mga halimbawa ng pangangatwirang pasaklaw

- Pangangatwirang Pasaklaw -nagsisimula sa malaki patungo sa maliit na kaisipan o


katotohanan.

Halimbawa:
ang lahat ng hayop ay nilikha ng diyos. Ang manok ay isang uri ng hayop kung gayon ang
manok ay nilkha ng diyos.

You might also like