You are on page 1of 3

(Reviewer sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik)

Teksto – anumang uri ng sulating mababasa ninuman. Mahalaga ang mga teksto sa isang
mananaliksik dahil ang mga ito ang nagiging batayan niya ng mga datos na kaniyang isusulat.

1. TEKSTONG IMPORMATIBO – nagagamit bilang pangunahing sanggunian ng isang


mananaliksik. Naglalahad ito ng mga bagong puntos o kaalaman tungkol sa isang paksa.
➔ Ang tekstong impormatibo ay tekstong di-piksyon o hindi kathang-isip lamang.
Ang nilalaman nito ay mula sa mga aktuwal na datos, katotohanan, o
pangyayari.
Mga Bahagi ng Tekstong Impormatibo:
1. Panimula – hindi maaaring mawala sa isang tekstong impormatibo ang panimula o
background. Ito ang magsisilbing hudyat ng pagpapakilala sa paksang mayroon ang isang
tekstong impormatibo.
2. Pamungad na pagtalakay sa paksa – dito nakasaad ang buwelo ng pagtalakay sa paksa.
3. Graphical representation – mas mainam na maintindihan ang isang pagtalakay ng kahit na
anong paksa kung lalagyan ng graphical representation ang pagtalakay.
4. Aktuwal na pagtalakay sa paksa – dito nabubuo ang komprehensibong pagtalakay sa
paksa.
5. Mahahalagang datos – hindi masasabing kompleto ang isang pagtalakay ng isang
tekstong impormatibo kung walang sapat na datos na magpapatunay kung ano ang
kahalagahan ng tinatalakay na paksa.
6. Paglalagom – paraan upang lubos na maintindihan ang pagtalakay sa paksa.

2. TEKSTONG DESKRIPTIBO – may mga tekstong kapag binasa, may imahen o larawang
nabubuo sa isipan ng bumabasa.
➔ May natatanging halaga ang tekstong deskriptibo bilang isang sanggunian sa
pagsusulat ng isang pananaliksik, ito ay nakatutulong sa pagpapagalaw ng isip sa
pagbuo ng isang imahen.
Dalawang Uri ng Tekstong Deskriptibo
1. Karaniwang Paglalarawan – gumagamit ng mga payak na anyo ng pananalita sa paglalarawan.
Halimbawa: a. Nakakalbo na ang ilang kabundukan sa Luzon.
b. Malakas ang hagupit ng hanging dala ng bagyo.
2. Masining na Paglalarawan – maaaring hindi payak ang pamamaraan ng pagbuo ng mga
malikhaing paglalarawan subalit gumagamit pa rin ito ng mga salitang panuring na ang kaibahan
lamang ay nasa mataas at mas mabulaklak na pamaraan.
Halimbawa: a. Magkasalo tayo sa isang hapag.
b. Balat sibuyas ang babaeng iyan.

TAYUTAY
Tayutay - Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang maging
mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Mga Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad (Simile) - Paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp.
• Ginagamitan ng mg salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo,
kagaya ng, atbp
• Halimbawa: a. Siya ay katulad ng kandilang untiunting nauupos.
b. Ang tao ay gaya ng halamang nararapat diligin.
2. Pagwawangis (Metaphor) - Isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga
salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo atbp.
• Halimbawa: a. Ang ina ni Joshua ay bituing tanglaw niya sa landas ng buhay.
b. Si Eugene ay isang ibong humanap ng kalayaan.
3. Pagtatao (Personification) - Nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay na
walang talino. Pandiwa ang ginagamit dito.
• Halimbawa: a. Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo.
b. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap.
4. Pagmamalabis/Eksaherasyon - Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at
kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.
• Halimbawa: a. Nabiyak ang kaniyang dibdib sa tindi ng dalamhati.
b. Nabutas ang bambam ng tainga ni Popot dahil sa ingay.
5. Pag-uyam (Irony) - Ito ay ang pananalitang nangungutya sa tao o bagay, tila kapuri-puring
pangungusap ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pag-uyam.
• Halimbawa: a. Kay kinis ng mukha mong butasbutas sa kapipisil mo sa mga tighiyawat.
b. Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog maghapon.
6. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) - Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya
bilang katapat ng kabuuan.
• Halimbawa: a. Hiningi ni Carl ang kamay ng dalaga.
b. Sampung kamay ang nagtulungtulong sa pag-aararo.
7. Pagtawag (Apostrphe) - Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang
nakikipag-usap sa isang buhay na tao.
• Halimbawa: a. O, tukso! Layuan mo ako!
b. Pag-asa,halika rito at ako'y nalilito na sa mga problema.
8. Tanong Retorikal - Isang pahayag na anyong patanong na hindi naman nangangailangan ng
sagot.
• Halimbawa: a. Hanggang kailan ba masusupil ang kasamaan na dulot ng
ipinagbabawal na gamot?
b. Hahayaan ba nating malugmok sa kahirapan ang ating bayan?
9. Paghihimig (Onomatopoeia) - Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa pamamagitan ng
tunog o himig ng mga salita.
• Halimbawa: a. Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng
matatalim na kidlat.
b. Kumalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula sa trak.
10. Pag-uulit (Alliteration) - Ang uring ito ay gumagamit ng magkatulad na titik o pantig sa
simula ng dalawa o higit pang salitang ginagamit sa pangungusap.
• Halimbawa: Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis na
pagpapasyang nakalikha ng pagkabalisa sa pusong umiibig.
3. TEKSTONG NANGHIHIKAYAT/PERSUWEYSIB – layunin nitong himukin ang mambabasa
na kumilos at gumawa ng isang bagay na naaayon sa kagustuhan ng manunulat.
➔ Tekstong naglalayong makapangumbinsi o makapanghikayat sa tagapakinig,
manonood o mambabasa.
Halimbawa: a. iskrip sa patalastas
b. propaganda sa eleksyon
c. fliers ng produkto
d. networking
Tatlong Elemento ng Panghihikayat
Ayon kay Aristotle, may tatlong elemento ng panghihikayat:
1. Ethos – paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat.
2. Pathos – paggamit ng emosyon ng mambabasa.
3. Logos – paggamit ng lohika at impormasyon.
Propaganda Devices sa Tekstong Persuweysib
1. Name Calling – ito ay ang hindi magagandang puna o taguri sa isang bagay o tao.
2. Glittering Generalities – ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda,
nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag.
3. Transfer – ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o
produkto. Pagpromote ng isang sikat na artista sa hindi sikat na brand o produkto.
4. Testimonial – ito ang propaganda device kung saan tuwirang eneendorso o prino-promote
ng isang tao ang kanyang tao o produkto.
5. Plain Folks – uri ng propaganda device kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa
pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala
ng sambayanan.

4. TEKSTONG NARATIBO – isang uri ng teksto na naglalahad o nagsasalaysay ng mga


pangyayari o kaganapan. Maituturing na tekstong naratibo ang maikling kuwento, kasaysayan,
talambuhay, at iba pang mga tekstong naglalahad ng mga kuwento.
• May pagkukuwentong deductive (general to specific) at inductive (specific to
general).

5. TEKSTONG ARGUMENTATIBO – uri ng tekstong naghahayag ng mga punto, kuro, saloobin,


at opinyon nang tahas at sa matalas na pamamaraan upang maiparating sa mambabasa ang
paninindigan ng manunulat. Isang halimbawa nito ay ang debate.

6. TEKSTONG PROSIDYURAL – taglay nito ang makapaghatid ng sunod-sunod at


metodolohikal na mga hakbang na may basehan o siyentipikong sistema o panuntunan. Layunin
nito ang gabayan ang bumabasa upang makamit ang isang awtput o matagumpay na magawa
ang isang aktibidad sa pamamagitan ng magkakasunod-sunod na impormasyon o panuto.

Note:
• Nasa powerpoint ang ibang bahagi ng tekstong naratibo at argumentatibo.
• Nasa bagong libro ang Pagsasalin.

GOOD LUCK SA PAGSUSULIT :)

Love,
Bb. Lorlyn Mae A. Alcantara

You might also like