You are on page 1of 22

PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON

PRIMARYANG BATIS

Ang pangunahing pinagmumulan ay may direktang kaugnayan dito. Ito rin ay

naglalaman ng nang imporamasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag- usapan

sa kasaysayan. Nagpoprodyus sa panahon kung kailan nagaganap ang pangyayari o

saglit lamang pagkatapos nito.

Halimbawa: Dyaryo, mga letrato, mga liham, mapa, likhang sining (ginagawa sa

panahon ng pagkaganap ng pangyayari).

SEKONDARYANG BATIS

Nagpoprodyus sa matagal na panahon pagkatapos ng pangyayari. Karaniwang

gumagamit ng pangunahing batis bilang sanggunian. Ang ganitong uri ng

mapagkukunan ay isinulat para sa isang malawak na madla at isasama ang mga

kahulugan ng disiplina tiyak na mga tuntunin, kasaysayan na may kaugnayan sa


paksa, makabuluhang mga teorya at prinsipyo, at mga buod ng mga pangunahing pagaaral o
mga kaganapan na may kaugnayan sa paksa.

Halimbawa: Dyaryo, mga libro, dyornal, pananaliksik at iba pa.

PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG

IMPORMASYON

Ang komunikasyon sa pagbasa at pananaliksik ay nakakatulong upang ito’y

mas lalo pang maintindihan. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan

mula sa mga salita (Anderson, 1998). Ayon naman kay Huffman (1998) ang pagbasa

ay parang pagtatanong na nakalimbag mula sa teksto at pagbabasa na may pangunawa na


nagiging dahilan upang ang mga tanong ay masagot. Samantala ang

pananaliksik naman ay isang proseso sa pagkuha ng mga impormasyon upang sa

ganoon ay mas lalong maintindihan ang bawat bagay.

MGA LAYUNIN SA PAGBASA:

1) Nagbabasa upang maaliw.

2) Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito.


3) Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.

4) Mapaglakbay ang diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating.

5) Mapag-aralan ang mga kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad at

pagkakaiba sa kulturang kinagisnan.

Mayroon ring mga hakbang sa pagbasa na dapat tandaan ayon kay William S.

Gray na siyang kilala bilang isang ama ng pagbasa. Ito ay ang Pagkilala, Pag-unawa,

Reaksyon at Assimilasyon at Integrasyon.

Pagbasa

Ang pagbasa ay mayroong apat (4) na teorya. Ito ay ang:

1) Bottom-up

Ang teoryang bottom-up ay isang tradisyunal na pagbasa. Ito ay bunga ng

teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran at sa paglinang ng

komprehension sa pagbasa.

2) Top-down
Ang teoryang ito ay nabuo bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil

napatunayang maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto

kundi sa mambabasa tungo sa teksto.

3) Interaktib

Bunga ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga

proponent nito, ang top-down ay maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa

at hindi sa mga baguhan pa lamang.

4) Iskema.

Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng

mambabasa. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa

dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang

teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima

sa paksa.
Pagpapaunlad ng Pagbasa

Ito’y isang uri ng pagbasa na kung saan ang materyales ay preperado at

naglalayong umunlad ang kakayahan ng mambabasa. Ang talasalitaan at ang mga

kaayusan ng pangungusap ay kontrolado at sumusunod sa takdang criterion para sa

pagkasunod-sunod.

 Iskiming

Ang mambabasa ay kailangang hanapin o tukuyin kung ang aklat o ang

materyales ay isinulat ng isang dalubhasa na sa tiyak at dapat makita kung ito ba ay

naglalaman ng impormasyon.

 Overviewing

Ang mambabasa ay dapat tukuyin kung ano ang layunin at saklaw.

 Survey

Ang mambabasa ay kailangan na kunin ang kabuuhan ng ideya ng materyales.


 Iskaning

Ito ay isang pamamaraan na kung saan ang mambabasa ay kailangan hanapin

ang mga impormasyon na kanyang gusting malaman.

 Previewing

Ito ay nagbibigay ng kabuuan na paglalarawan.

 Kaswal

Ito ay isang uri ng pagbasa na kung saan ang mambabasa ay maingat na

tinitingnan ang bawat salita na ibinibigay.

 Pagtatala

Ang mambabasa ay tinatala ang mga salitang sa tingin niya hindi niya

maintindihan o napakahirap na salita.

 Re-reading o Muling Pagbasa

Ito ay isang paraan na kung saan ang mambabasa ay inuulit ang pagbasa
upang sa ganoo’y ito ay mas lalong maintindihan.

Ngayon dumako naman tayo sa pananaliksik. Ang pananaliksik ay isang

proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman.

Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napagalaman na.
Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng

pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga pamamaraan (sistema), at sa pagsubok

sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Ang isang

pananaliksik ay mag iba’t-ibang katangain, ito ay ang pagiging:

 Sistematiko

 Empirical

 Mapanuri

 Obhetibo, lohikal at walang pagkiling orihinal na akda

 Akyureyt na imbestigasyon

 Matiyaga at hindi minamadali.

 Nangangailan ng tapang
 Maingat napagtata at pag-uulat

Ito ay nagagamit sa pakikipag komunikasyon at ito’y isang hakbang upang ang

bawat tao ay magkaintinhan at mapalawak pa ang kaalaman. Nakakatulong rin ito

upang matukoy ang at malaman ang pamamaraan ng pagbasa at pananaliksik sa

komunikasyon.

PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY-UGNAY

NG IMPORMASYON

Ang pagbubuod ng impormasyon ay isang paraan ng papapaikli ng anomang

teksto o babasahin. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong

nakuha sa tekstong binasa. Ito ay hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging

sariling akda. Wala kang isasamang sarili mong opinyon o palagay tungkol sa paksa.

Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto. Kailangang panatilihin ang mga binanggit

nakatotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-akda (The Silent Learner,


2017).

Ito ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. Kung

maikling kuwento ang binubuod o nilalagom, kailanganang pagkakasunod-sunod ng

mga pangyayari. Hindi dapat padampot-dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi.

Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag. Kung ang teksto naman ay isang

ekspositori, maaaring ilahad ang mga dahilan at katuwirang ginamit upang maayos at

mabisa ang paglalahad (The Silent Learner, 2017).

Halimbawa: Buod ng Rama at Sita

Nakatira ang mag-asawang

Rama at Sita kasama si Lakshamanan

sa gubat noong ipinatapon sila mula

sa kaharian ng Ayodha. At kaya hindi

maiwasan ang mga higanteng tulad ni


Surpnaka, ang kapatid ni Ravana na

hari ng mga higante at demonyo, na

nagpanggap bilang babae at tinukso si

Rama. Ngunit hindi siya nagtagumpay

at nahagip pa ni Lakshamanan ang

kanyang tenga at ilong.

Nagsinungaling si Surpnaka kay

Ravana tungkol sa nangyari sa kanya

upang makapaghiganti kay Rama at ito

ay sa pamamagitan ng pagbihag kay

Sita ni Ravana upang gawing asawa.

Pinatawag niya si Maritsa, na may

galing na mabago ang sarili sa kahit

Rama ngunit sina Sita at Lakshamanan


ay naghintay lang dahil ang bilin sa

kanya ay bantayin si Sita. Nangamba

si Sita ng tumagal ng hindi pa

bumabalik si Rama kaya pinilit niya si

Lakshamanan na hanapin si Rama.

Ngunit hindi siya pumayag kaya

nagalit pinaratangan ni Sita si

Lakshamanan na sakim at gusto niya

lang mamatay ang kanyang kapatid

upang siya ang maging hari. Nasaktan

si Lakshamanan sa narinig niya kaya

hinanap niya si Rama at iniwan si Sita.

Biglang lumabas si Ravana at


nagpanggap bilang isang matandang

paring Brahmin ngunit hindi siya

nakapagpigil kay Sita at inalok siya na

limang libong alipin at gagawing

reyna ng Lanka kaya biglang natakot

at tinulak niya si Ravana. Bumalik sa

anyong higante at isinakay si Sita

karwahe na may mga kabayong

malalapad ang pakpak. Nasundan

naman sila ng isang agila ngunit

pinagtataga lang ito ni Ravana.

Bumagsak ang duguang agila sa lupa

at nakita nila ito kung saan sinabi ng


agila ang nangyari. Humingi ng tulong

si Rama sa hari ng mga unggoy at

naghanda upang salakayin ang Lanka.

Nagkaroon ng labanan kung saan

maraming kawal na unggoy ang

namatay ngunit mas maraming higante

IBA’T-IBANG PARAAN NG PAGBUBUOD

Ayon naman kay Javier (2017), may iba't-ibang paraan ng pagbubuod upang magugnay ng
impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. Ito ay ang Hawig at Lagom o

Sinopsis.

 Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang

Griyego na “parapahrasis”, na ibig sabihi'y "dagdag o ibang paraan ng

pagpapahayag."

 Ang Lagom o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng mga pangunahing punto,


kadalasan ng piksyon. Karaniwang di lalampas ito sa dalawang pahina.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BUOD

 Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.

 Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at

pinakamahalagang kaisipan ng talata.

 Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.

 Gumamit ng sariling pananalita.

 Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.

KATANGIAN NG PAGBUBUOD

 Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto na kaugnay sa paksa.

Ang pag-uugnay ng iba’t-ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang

makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino,

ang pang-ugnay naito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at

pangatnig.
1) Pang-angkop - ito ay ang katagang nag- uugnay sa panuring at

salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang

pinaggagamitan.

Halimbawa: mapagmahal na harimabuting kapatid

2) Pang-ukol - ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa

iba pang salita sa pangungusap.

Halimbawa: sa ayonsa/kay Ng hinggil sa/kay Kay/kina ukol

sa/kay Alinsunod sa/kay para sa/kay Laban sa/kay tungkol

sa/kay

3) Pangatnig sa mga kataga/salita na nag- uugnay ng dalawang salita,

parirala, o sugnay.

4) Pagbibigay sanhi/bunga

Halimbawa: Pumasa siya sa naganap na pagsusulit sa LET dahil sa


kanyang pagpupursiging mag-aral.

5) Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pagkontra o

pagtutol.

Halimbawa: ngunit, subalit, sapagkat.PAGBUO NG SARILING PAGSUSURI

BATAY SA IMPORMASYON

IBA’T-IBANG URI NG OBSERBASYON

 Natural na Obserbasyon - kalakip dito ang pagmamasid sa mga natural na paguugali ng


obserbasyon sa isang normal na sitwayon.

 Personal na Obserbasyon - may kinalaman sa damdamin at opinyon ng tagamasid

batay sa sariling danas kaugnay ng isinasagawang saliksik.

 Direktang Partisipasyon - nakikita ng taong inoobserbahan ang tagamasid.

 May Estruktura at Walang Estruktura

- May sistematikong patnubay

- Eksploratoryo
URI NG PANAYAM

 Impormal na panayam

- walang nakahandang katanungan

- tila nagkukwentuhn lamang

 Panayam na may Gabay

- gumagamit ng mga gabay ng tanong

- mas may pukos kaysa sa impormal ngunit magaan pa rin ang daloy ng

panayam.

 Bukas o matayang panayam

- malaya ang daloy ng panayam

 Panayam batay sa mga inihandang tanong at sagot na pinagpipilian

- pare- pareho ang mga tanong at hinahayaang pumili ng sagot ang

kinakapanayam mula sa mga nakalatag na sagot.


Mga Gawing

Pangkomunikasyon ng mga

Pilipino

• Tsismisan

• Umpukan

• Talakayan

• Pagbabahay-bahay

• Pulong-bayan

• Komunikasyong Di Berbal

(Kumpas atbp.)

• Mga Ekspresyong Lokal

Mga Napapanahong Isyung

Lokal at Nasyonal

• Korapsyon
• Konsepto ng “Bayani”

• Kalagayan ng serbisyong

pabahay, pangkalusugan,

transportasyon,

edukasyon atbp.

• Bagyo, baha, polusyon,

mabilis na urbanisasyon,

malawakang

pag(ka)wasak ng/sa

kalikasan, climate change

atbp.

Kultural/politikal/lingguwis

tikong/ekonomikong
dislokasyon/displacement

/marhinalisasyon ng mga

lumad at iba pang

katutubong

pangkat/pambansang

minorya, mga maralitang

tagalungsod (urban poor),

manggagawang

kontraktwal, magsasaka,

tindero/a, tsuper ng dyip

at traysikel, kabataang

manggagawa, out-ofschool youth, migrante

atbp. sa panahon/bunsod
ng globalisasyon

• Kahirapan, malnutrisyon,

(kawalan ng) seguridad sa

pagkain

Assignment:

Mga Tiyak na Sitwasyong

Pangkomunikasyon

• Forum, Lektyur, Seminar

• Worksyap

• Symposium at

Kumperensya

• Roundtable at Small

Group Discussion
• Kondukta ng

Pulong/Miting/Asembliya

• Pasalitang Pag-uulat sa

Maliit at Malaking Pangkat

• Programa sa Radyo at

Telebisyon

• Video Conferencing

• Komunikasyon sa Social media.

You might also like