You are on page 1of 11

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

Persepsyon ng mga mag aaral ng STEM Baitang 11 ng TMCSHS sa mga Social

Media Influencers (Vloggers) sa pagtangkilik ng mga iniindorsong lokal na

produkto

Inihahandog ang pananaliksik na ito bilang pagtugon sa asignaturang Filipino

Pagbasa at Pananaliksik ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik

Pananaliksik na iahaharap kay:

Graziel C. Corpez

Komunikasyon sa Pananaliksik

Ipinasa ni:

Jehri Mae Solomon

Jeomar Crudo

Zaillah De Leon

Kenshin Morales

Christian Jhomer Dela Cruz

Trisha Asuncion

S.Y. 2019-2020

1
TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan

Introduksyon

Ang Social Media ay isang sistema na pinaguugnay ang mga tao ng walang

interaksyon sa isa’t isa. Ito ay gumagawa ng platform na kung saan ang mga taong

bahagi dito ay nakikibahagi, nakikilahok, nakikipagugnayan sa isa’t isa. Samakatuwid,

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung

saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa

isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga

Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na

pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman

na binuo ng gumagamit.

Maraming kahalagahan ang naiambag ng social media sa ating pang araw-araw

na pamumuhay. Masasabi na isa sa may pinakamalaking impak sa ating buhay ang

social media. Sa pamamagitan ng social media,malayang nakakapagpahayag at

nakapagpapalaganap ng impormasyon ang mga tao tungkol sa iba’t ibang isyu sa ating

lipunan. Ayon kay Villalobos (2016) na ang social media ay may interaktibong plataporma

na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha,

tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa

isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga

organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.

(Facebook, Twitter, Yahoo, Tumblr, at Google); Ilan lamang ang mga nabanggit

sa napakaraming social networking site na kumakalat ngayon sa internet kung saan

2
TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

maaring magpalitan ng mga impormasyon o opinyon. Ang Internet ay isang tsanel kung

saan madaliang makakasagap ng impormasyon at madali din maibibigay nito. Isa sa

paki-pakinabang nito ay ang pakikipag komunikasyon sa mga taong malalayo sa atin

kaya naman nauso o nagawa ang napakaraming social networking site. Hindi kapani-

paniwala ang bilis ng impluwensya ng social media sa buhay ng mga pilipino o sa mag-

aaral. Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagpapahalaga natin

sa pakikipag-ugnayan. (Wordpress, 2016)

Ang may kakayahang makapagpabago ng desisyon ng isang konsumer at

kumakatawan sa mga ibat ibang produkto para ipakita na ito ay epektibo at nakakatulong

ay isang social media influencer. (Influencer Marketing Hub, 2020)

Ang pakikipagkalakalan gamit ang mga social media influencers particular na ang

mga vloggers ay isang popular na estratihiya na ginagamit ng mga mangangalakal

ngayon. Ito ay isang taktika gamit ang panghihikayat sa mga sumusuporta sa isang social

media influencer na bumili ng produkto na kaniyang iniidorso.

Ayon kay Aspen (2016) ang pangunahing benepisyo ng social media ay ang

kakayahan nito na magbigay ng pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan sa

maraming tao malapit man o malayo sa iyo, nangangahulugan ito na maaari kang

mailantad sa isang mas malayo, mas malawak na hanay ng mga opinyon. Bilang

karagdagan, magagawa mong ibahagi ang iyong opinyon sa mas maraming mga tao

kahit saan mang bahagi ng mundo. Dito ay maaari mo ring limitahan ang mga tao na

mayroong parehong opinyon at paniniwala sa iyo at limitahan ang mga taong gusto mong

makatransaksyon. Maraming tao ang makakakita ng mga impormasyon o opinyon na

inilalagay dito.

3
TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

Ang social media ay isang mainam na paraan na makatutulong sa iyo na

makahanap ng mga customer. Maaari rin itong makatulong sa iyo na kumonekta sa iba

pang mga negosyo at negosyante. Karamihan ng gumagawa nito ay ang mga Vloggers.

Ang Vlog ay isang video na may nilalaman sa isang piling paksa at maaari itong

patungkol sa iba’t ibang bagay. Ang mga vloggers ay mga tao na nag u-upload ng mga

video na gawa nila sa mga social media sites kung saan may mga bilang sila na

followrers tulad na lamang ng mga social media sites ay youtube, facebook, at business

sites.

Ang mga produkto at kanilang negosyo na nag mumula mismo sa ating bansa at

nagagawa sa ating bansa ay maituturing na lokal na Produkto. Karamihan ng social

media influencers ay kanilang iniindorso ang mga produkto na kanilang ginawa at

nagawa sa Pilipinas, na kung saan kung ito ay matatangkilik makakaapekto ito sa

ekonomiya ng ating bansa.

Tiyak na hindi lamang may mga trabaho ang nahihikayat ng mga social media

influencers kundi na rin ang mga kabataan na nag aaral palang. Ayon sa obserbasyon at

pananaliksik ni Pascual L. (2016) karamihan sa mga gumagamit ng social media ay nasa

gulang na 14-29. Ang paggamit ng Social Media ay may malaking epekto sa pag- aaral

ng mga mag-aaral kung kaya di maikakaila na ang mga estudyante din ay tinatangkilik

ang mga iniindorsong produkto ng social media influencers particular na sa vloggers.

4
TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

Pangkalahatang Suliranin:

Ang pananaliksik na ang Persepsyon ng mga mag aaral ng STEM Baitang 11

sa TMCSHS sa mga Social Media Influencers (Vloggers) sa pagtangkilik ng mga

iniindorsong lokal na produkto ay nag lalayong masagutan ang pangunahing suliranin

na: Ano ang mga opinyon ng mag aaral ng STEM Baitang 11 sa pag iindorso ng lokal na

produkto ng mga social media influencers?

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa upang sagutin din ang mga sumusunod na tanong:

1. Paano nakatutulong ang mga social media influencers upang tangkilikin ang mga

lokal na produkto ng mga estudyante?

2. Ano ang ginagawa ng mga social media influencers upang pataasin ang bumibili

ng kanilang mga lokal na produkto?

3. Anu-ano ang mga estratehiya ng mga social media influencers upang higit na

tangkilikin ang inindorsong lokal na produkto?

Layunin ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na Persepsyon ng mga mag aaral ng STEM Baitang 11 sa TMCSHS

sa mga Social Media Influencers (Vloggers) sa pagtangkilik ng mga iniindorsong

lokal na produkto ay isasagawa upang malaman ang mga opinyon ng mag aaral ng

STEM Baitang 11 sa pag iindorso ng lokal na produkto ng mga social media influencers.

Ang pananaliksik na ito ay nag lalayon na malaman ang mga sumusunod:

1. Natutukoy kung paano nakatututong ang mga social media influencers upang

tangkilikin ang mga lokal na produkto ng mga estudyante.

5
TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

2. Nalalaman ang mga ginagawa ng mga social media influencers upang pataasin

ang bumibili ng kanilang mga local na produkto.

3. Nalalaman ang mga estratehiya ng mga social media influencers upang higit na

tangkilikin ang inindorsong lokal na produkto.

Teoritikal / Konseptwal na Balangkas

Ang modelong nakalarawan ay tumutukoy sa pananaw ng bawat mag-aaral ng

STEM Baitang 11 sa TMCSHS sa iniindorsong lokal na produkto ng mga Social Media

Influencers. Inilalarawan dito kung ano ang nagiging saloobin nila sa pag iindorso ng

social media influencers (vloggers) at kung ano ang nagiging limitasyon nito.

INPUT PROCESS OUTPUT

Mga impormasyong  Panandaliang  Mas tinatangkilik


kailangan: pakikipanayam ng mga mag-
 Paggawa ng aaral ng STEM
talatanungan Baitang 11 sa
 Pagbabasa ng TMCNHS ang
 Sa paanong paraan mga produktong
mga literaturang
nakakatulong ang may kaugnayan iniindorso ng mga
mga social media sa pananaliksik social media
influencers (vloggers) influencer
sa pag dami ng (vlogger).
tumatangkilik ng mga
produkto at ang
epektibidad ng
paghihikayat nito sa
mga magaaral

6
TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

Hypothesis/ Assumpsyon ng Pag-aaral

1. Ang mga iniindorsong lokal na produkto ay higit na tinayangkilik ng mg mav aaral sa

STEM baitang 11 ng TMCSHS dahil sa mga social media influencer.

2. Lubos na napapakilala ng mga social media influencer ang mga bagong produkto na

kanilang iniindorso sa mag-aaral ng STEM Baitang 11 sa TMCSHS.

3. May iba’t ibang estratehiya ang mga social media influencers upang tangkilikin ang

kanilang iniindorosng polka na produkto ng mga mag-aaral ng STEM Baitang 11 ng

TMCSHS.

Saklaw at Limitasyon ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa persepsyon ng mga piling mag

aaral ng TMCSHS sa mga lokal na produktong iniindorso ng social media influencer. Ang

datos ay isasagawa/makakalap sa Baitang 11 STEM students ng Trece Matires City

Senior High School taon ng 2019-2020 na mag rerepresenta ng buong populasyon. Ang

pananaliksik na ito ay hindi sakop ang ibang suliranin na hindi isasaalang-alang na

bahagi ng iniindorsong lokal na produkto ng social media influencers. Ang ibang mag

aaral na hindi na bibilang sa parte/ bahagi ng Baitang 11 STEM students ng TMCSHS ay

hindi sakop ng saklaw ng pananaliksik na ito. Ang mga mananaliksik ay kukuha ng

limang kalahok mula sa nasabing seksyon at baitang kung saan sila ay babahagian ng

mga tanong na nakatala sa talatanungan. Ito ay naglalayong alamin kung paano

nakakatulong ang pag iindorso ng social media influencers partikular na ang mga

vloggers sa pagtangkilik sa lokal na produkto sa ating bansa. Ito ay isasagawa sa pag

7
TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

gamit ng surbev o katanungan (checklist) sa mga estudyante at reperensya galing sa

mga mananaliksik.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Malaki ang epakto ng social media sa mga estudyante ngayon at sa ibang

mamamayan, gayon na din sa mga nakikinabang nito. Maaring mapabuti o mapasama

ang dulot nito nakadepende sa taong gumagamit. Ang pananaliksik na ito ay inaasahang

magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mag sisilbing patnubay

at makakatulong para makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang

kanilang pananaw so social media at social media influencers. Makakatulong din ito

upang maimulat ang isipan ng mga estudyante sa tamang pag gamit ng social media

bilang instrumento sa ating sarili at iba pang tao.

Sa mga guro. Kaugnay ng pag-aaral na ito ay nakabase sa mga persepsyon ng

mga mag-aaral sa mga social media influencers, maaaring maging karagdagang

impormasyon ang mga kasagutan na makukuha dito ng mga guro upang mabigyan ng

ibang paraan ang pagtuturo sa klase sa paraan na magugustuhan din ng mga

estudyante.

Sa Komunidad o Mamamayan. Ang mga estratehiya ng social media influencers

ay maaaring makatulong sa kapitalismo ng mga mamamayan at sa kani-kanilang

negosyo na ipinapalago. Maaari nilang tularan ang mga paraan na ibinibigay ng mga

napapanood sa social media upang sa sarili naman nilang kapakinabangan.

8
TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

Sa mga mananaliksik sa hinaharap. Ang pananaliksik na ito ay maaaring silbing

gabay upang kung sakali ang kanilang paksa ay kauri nitong pag-aaral ay may

mapagkukuwanan sila ng mga kaugnay na literature at karagdagang kaalaman.

Sa mga Social Media Influencers. Kaugnay sa resulta ng pananaliksik na ito

kanilang malalaman kung mas naipakikilala ang mga lokal na produkto at mas madaling

pamamaraan ng pamimili, pagbebenta o negosyo sa loob ng internet. Naglalahad ng

impormasyon ang mga social media influencers na tiyak mabisang paraan kung saan

mas marami ang tatangkilik ng mga produkto.

Sa Pamilya. Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito sa bawat miyembro ng

pamilya ay mas mauunawaan ang dulot at epekto ng pag iindorso ng mga social media

influencers partikular na ang mga vloggers sa mga tao. Ang tulong nito ay mas lalong

mauunawaan o mapagsabihan ng bawat isa sa pamilya sa mga desisyon na pagbibiili.

9
TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

Depinisyon at Terminolohiya

Social Media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo

siya nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon din sa komunikasyon sa mga taong nasa

malayong lugar.

Social Networking Sites ay modernong paraan ngayon ng pakikipagkaibigan ng

iba’t ibang tao sa mundo dahil sa ito ay mas high tech, mas madali, at higit sa lahat, mas

mabilis. Ito ang tulay sa atin para makamusta ang mga taong malalayo sa atin,

magkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan.

Facebook isang makabagong ideyang na nag – aalok sa ating pagkakataong

makipag – ugnayan sa isang malawak na sansinukob na tao, mga taong marahil ay bago

para sa atin.

Instagram Isa sa mga hottest Mobile Apps ngayong taon at araw – araw ay

parami ng parami ang mg active users. Isa rin itong tulay sa modernong

pakikipagkaibigan. Dito, makikita ang kinahiligan o interes sa mga larawang pinopost.

Youtube ay isang social networking sites na maaring magupload ng mga video

na naglalaman ng mga opinyon at komento ng isang influencer.

Student/Mag-aaral ay isang tao na nanonood at sumusuporta sa mga influencers

at tinatawag na viewers.

Vlogging ay ang paraan ng pagkwekwento ng author sa sairli niya

sapamamagitan ng pag gamit ng multimedia, kadalasan bidyo.

Pag-iindorso ay ang pag hihikayat ng mga social media influencers (vloggers) sa

kanilang ibibentang mga produkto or pagpapakilala ng kanilang negosyo at kagamitan.

10
TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

Lokal na Produkto ay ang mga produkto na ang mga Filipino ang mga gumawa.

Mga produktong nakasbase sa gamitang Filipino at hindi sa ibang bansa o lahi

matatagpuan at nagsimula mabenta itong produkto sa bansang Pilipinas.

Influencers ay isang tao o higit pa na may kakayahang maimpluwensyahan ang

mga potensyal na mamimili ng isang produkto o serbisyo sa pamamagitan ng pagsulong

o pagrekomenda ng mga produkto sa social media.

11

You might also like