You are on page 1of 36

FIL100

FILIPINO SA EPEKTIBONG
KOMUNIKASYON SA
LARANGANG
PAMPOPRESYONAL

1
KABANATA V
Mga Pantulong at
Estratehiya sa
Komunikasyon

2
A. Mga Estratehiya sa Komunikasyon
1. Berbal Pasulat at Pasalita ang dalawang
Kategorya nito.
a. Pasulat - tsanel na email, chat. Fax o text
b. Pasalita – gamit ang telepono, video o sa
pamamagitan ng harapang usapan
2. ‘Di Berbal
3. Biswal

3
B. Mga Salik sa Paglinang ng Estratehiya sa
Komunikasyon
1. Layunin. Ang Estratehiya sa Komunikasyon ay
kailangang naaayon sa indibidwal at organisayonal na
plano.
2. Awdyens.
-Sino ang awdyens, Gaano ang kanilang kaalaman, Ano
ang nais nilang malaman, Ano-ano ang kanilang personal
na preperensya, Ano ang kanilang mahahalagang
katangiang demograpik, Gaano sila karami, Ano ang
kanilang atityud
3. Mensahe.
Pinakaangkop na mga hulwaran (modelo) para sa iyong
mensahe: depinisyon, enumerasyon, sikwensiyal-
kronolohikal, prosidyural, paghahambing at
pagkokontrast, problema at solusyon, o sanhi at bunga. 4
B. Mga Salik sa Paglinang ng Estratehiya sa
Komunikasyon
4. Konteksto.
Ang konstekto ng presentasyon ay
nakakaimpluwensiya sa kung ano at paano
sasabihin ang isang mensahe.
5. Kagamitan at Gawain.
Ang mga biswal na pantulong ay kinabibilangan
ng:
a. Bagay at modelo b. Larawan c. Daygram
d. Listahan at talahanayan e. Tsart f.Grap
g. Bidyo h. Poster, at j. Handouts
5
B. Mga Salik sa Paglinang ng Estratehiya sa
Komunikasyon

6. Resorses at Oras.
Tiyakin ang abeylabiliti ng resorses
na kailangan at mag set ng inaasahang
saklaw na oras para sa presentasyon
7. Ebalwasyon.
Maaaring suriin ang epektibnes ng isang
presentasyon sa pamamagitan ng paghingi ng
tapat na pidbak sa awdyens. Maaaring gumawa
ng pormularyo para sa layuning ito.

6
KABANATA VI
Komunikasyong Pre-propesyonal:
Liham sa pag-aaplay ng
Trabaho, Resume, at
Interbyu

7
A. Liham sa Pag-aaplay ng Trabaho
Ang Application Letter ay tinatawag ding cover
letter dahil karaniwang nilalakipan ito ng resume
ng aplikante.

8
A.Liham sa Pag-aaplay ng Trabaho
■ Unang Talata. Banggitin ang trabaho o
posisyong inaaplayan, maging kung saan mo
nakita ang job listing.
■ Ikalawang Talata (maaaring hanggang
ikatlong Talata). Ito ang pinakamahalagang
bahagi ng liham. Kailangang maibahagi rito
ang mga nauugnay na detalye hinggil sa
iyong sarili at kung bakit ka karapat-dapat sa
trabaho o posisyong pinag-aaplayan.
■ Ikatlong Talata (o ikaapat na talata). Sa
talatang ito pasalamatan na agad ang
potensyal na employer at mag-alok ng mga
impormasyon para sa follow – up.
9
B. RESUME
Ang resume ay isang maikling dokumento ng work
history ng isang aplikante. Nililigom dito ang mga
karanasan at kwalipikasyon kaugnay sa trabaho ng
isang aplikante.
Sumusunod na bahagi:
1. Mga impormasyong kontak
2. Karanasan sa trabaho
3. Kwalipikasyong edukasyonal
4. Mga Kasanayan
5. Layunin (Opsyonal)
6. Mga Libangan at interes (opsyonal) 10
B. RESUME
Dagdag mungkahi:
1. Pinakamahalagang karangalang natamo
(opsyonal)
2. Lisensya o propesyonal na pagususlit na naipasa
3. Mga wika (opsyonal)
4. Mga kinaaanibang propesyonal na oprganisasyon

11
12
13
C. INTERBYU SA TRABAHO
Tips sa Interbyu para sa mga aplikante ayon
kay Randall S. Hansen:
1. Magsaliksik tungkol sa employer, hiring manager
at oportunidad sa trabaho
2. Rebyuhin ang mga karaniwang tanong sa
interbyu at ihanda ang iyong tugon
3. Magbihis ng naaayon
4. Dumating sa oras, nang relaxed at handa sa
interbyu
5. Sikapin ang mabubuting unang impresyon

14
C. INTERBYU SA TRABAHO
Tips sa Interbyu para sa mga aplikante ayon
kay Randall S. Hansen:
6. Maging awtentik, masigla, focused, kompident,
magilis at tuwiran
7. Tandaan ang kahalagahan ng body language
8. Magtanong ng insightful na mga tanong
9. Ibenta ang iyong sarili
10. Pasalamatan ang interbyuwer

15
KABANATA VII
Komunikasyong Propesyonal 1:
Liham Pangnegosyo at
Memorandum

16
A. LIHAN PANGNEGOSYO
Ang mga liham sa lugar-trabaho ay maituturing na
mga liham pangnegosyo o business letter.
1. Malinaw (Clear).
2. Wasto (Correct).
3. Kumpleto (Complete).
4. Magalang (Courteous).
5. Maikli (Concise).
6. Kombersasyunal (Conversational).
7. Mapagsaalang-alang (Considerate).

17
B. GAMIT, ANYO AT BAHAGI NG LIHAM PANGNEGOSYO

Anyo ng Liham pangnegosyo:


1. Liham ng Aplikasyon sa trabaho (Application
Letter)
2. Liham ng pagbibitiw sa Trabaho (Resignation
Letter)
3. Liham ng Pagbebenta (Sales letter). Tinatawag
ding sales proposal letter
4. Liham ng pagbili o Pag-order (Order Letter)
5. Liham ng Pagtatanong o Paghiling (Inquiry
Request letter)
6. Liham ng Paniningil (Collection Letter)

18
Bahagi ng Liham
(Patnubay Sa Opisyal na Korespondesniya ng
Komisyon sa Wikang Filipino)
1. Pamuhatan. Opisyal na pangalan ng tanggapan,
adres, telepono, at numero ng fax. Makikita rin
ang logo ng tanggapan (kung mayroon).
2. Petsa. Buwan, araw at taon.
3. Patunguhan. Binubuo ng pangalan, katungkulan
at tanggapan ng taong papadalhan ng liham.
4. Bating Pambungad. Pagbati sa sinusulatan.
5. Katawan ng Liham.
a. Panimula
b. Katawan
19
Bahagi ng Liham
(Patnubay Sa Opisyal na Korespondesniya ng
Komisyon sa Wikang Filipino)
6. Pamitagang pangwakas. Nagsasaad iyo ng
pamamaalam sa sinusulatan
7. Lagda. Binubuo ito ng pangalan, lagda at
posisyon ng lumiham.
Dagdag bahagi:
8. Inisyal ng Pagkakakilanlan.
9. Paglalakip
10. Tawag-Pansin
11. Paksa
12. Notasyon ng Binigyang Sipi
20
21
C. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LIHAM
PANGNEGOSYO
Mungkahi nina Lesikal, et al.
1. Gumagamit ng Estilong Kombersasyonal.
2. Nakatuon sa Punto-De-Bistang-Ikaw
3. Nagbibigay-diin sa Positibong Wika.
4. Nagpapakita ng Paggalang
5. Nagpapamalas ng Pagkakaugnay-ugnay

22
23
24
D. MEMORANDUM

Memorandum. Behikulo ng
intramural na komunikasyon –
isang mensahe mula sa isang tao sa
Kompanya X sa iba pang tao sa
Kompanya X.

25
26
27
KABANATA VIII
NARATIBONG ULAT

28
NARATIBONG ULAT
Isang Organisado at
obhektibong komunikasyon
ng mga makatotohanang
impormasyon na magagamit
para sa isang tiyak na
layunin

29
3 anyo ng ulat
1. Performance
Report
2. Progress Report
3. Incident Report
30
Taglay ng Naratibong Ulat
1. Liham
2. Ulat
a. Pamagat ng Ulat
b. Talaan ng Nilalaman
c. Katawan ng Ulat
d. Lakip

31
32
KABANATA IX
PANUKALANG
PROYEKTO

33
A. KAHULUGAN NG PANUKALANG PROYEKTO
■ Ang panukalang proyekto ay ang pagpapasa o pagpaplano ng
isang minumungkahing proyekto. Nakasaad rito ang mga
hakbang na kinakailangan upang magawa ang ninanais na
layunin.
B. MGA TAGUBILIN SA PAGSULAT NG
PANUKALANG PROYEKTO
1. Magplano nang maagap
2. Gawin ang pagpaplano ng pangkatan
3. Maging realistiko sa gagawing panukala
– SMART (specific, measurable, attainable, realistic, time-bound
4. Matuto bilang isang organisasyon
5. Maging makatotohanan at tiyak
6. Limitahan ang paggamit ng mga teknikal na jargon
7. Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling basahin
8. Alalahanin ang proyoridad ng hihingian ng suportang pinansyal
C. Paraan sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto
1. PAMAGAT - dapat na malinaw at maikli.
2. PROPONENT NG PROYEKTO - tumutukoy sa tao o
organisasyong nagmumungkahi ng proyekto.
Isinusulat dito ang adres, e-mail, cellphone o
telepono, at lagda ng tao o organisasyon
3. KATEGORYA NG PROYEKTO - dito matutukoy ang
kategorya ng isang proyekto. Ang proyekto ba ay
seminar, o kumprensiya, palihan, pananaliksik,
patimpalak, konsiyerto o outreach program
4. PETSA - kailan ipadadala ang proposal at ano ang
inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto 35
5. RASYONAL - ilalahad dito ang mga dahilan,
sitwasyon o kalagayan kaya may pangangailangan
sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang
kahalagahan nito
6. DESKRIPSYON NG PROYEKTO - isusulat dito ang
panlahat at tiyak na layunin. Nakadetalye dito ang
mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang
proyekto at ang inaasahang haba ng panahon
7. BADYET -itatala rito ang detalye ng lahat ng
inaasahang gastusin sa pagkompleto ng proyekto
8. PAKINABANG- ano ang pakinabang ng proyekto
sa mga direktang maaapektuhan nito.

36

You might also like