You are on page 1of 17

Panggitnang

Talakayan
Globalisasyon

 Ang globalisasyon ay isang proseso ng interaksyon at


integrasyon ng mga tao, kompanya at gobyerno ng iba-
ibang bansa.
 Isang prosesong hatid ng internasyonal na kalakalan at
pamumuhunan sa tulong ng impormasyong teknolohiya.
 Inilarawan ni Heywood (2013) ang globalisayson bilang
isang madulas at mailap na konsepto.
 Ang globalisayon ay hindi na bago.
 Ang mundo ay globalisado na kahit bago pa naimbento
ang terminong globalisasyon.
 Ang mahalagang katangian ng globalisasyon ay ang
internasyonal, industriyal, at pinansyal na estrukturang
pangnegosyo.

 Ang pinakamahusay na pagtatangka ay ang ideya ni Kenchi


Ohmae ng mundong walang hangganan o borderless world.
Ipinahihiwatig nito ang dibisyon sa pagitan ng mga tao na dati’y
pinaghihiwalay ng oras at espasyo na nagging hindi na gaanong
mahalaga at magkaminsan ay wala na ngang halaga.
 Silk Road sa Gitnang Asya na nagdurugtong sa Tsina at Europa
noong Gitnang Panahon.
 Marami sa mga katangian ng kasalukuyang alon ng globalisasyon
ang katulad ng mga umiiral nab ago pa sumiklab ang Unang
Digmaang Pandaigdig noong 1914.
 Noong matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lalo nan
itong huling dekada, maraming gobyerno ang Gumamit ng
malayang pamilihang sistemang pang-ekonomiya na nagpataas ng
kanilang potensyal sa produksyon at lumikha ng napakaraming
bagong oportunidad.

Teknolohiya

Teknolohiya ang isa pang naging principal na tagasulong ng


globalisasyon. Partikular na ang mga pag-unlad sa
impormasyong teknolohiya ang lubos na bumago sa buhay
ekonomiko.

Impak ng Globalisayon sa Komunikasyon


Sa artikulong pinamagatang The Impact of Globalization on
Communication Skills Development, sinabi ni David Ingram na ang
paglinang ng kasanayang pangkomunikasyon ay mahalagang salik sa
tagumpay ng nesgosyo, ngunit ang impluwensya ng globalisasyon at
kros-kultural na interaksyon nitong mga nakalipas na dekada ay
nakaapekto nang lubos sa uri ng kasanayang pangkomunikasyong
kailangan.

Kailangang maunawaan ang dynamiks ng malalayong distansyang


kolaborasyon, ang impak ng kultura sa paraan ng pananalita at
lenggwahe ng katawan o body language, at kung paanong gamitin ang
teknolohiya upang makipagkomunikeyt sa mga tao sa kabilang bahagi
ng mundo:
1. Birtwal na Interaksyon. Ipinakikilala ng globalisasyon ang
birtwal na komunikasyon at kolaborasyon, ang pangunahing
bahagi ng akademiko at pantrabahong dynamiks. Halimbawa
ang pakikipagkomunikeyt sa pamamgitan ng email sa
malayong lider ng pangkat ay nangangailangan ng ilang etiketa
at pananarinari o nuances na madalas ay hindi kailangan sa
harapang interaksyon.

2. Kamalayang Kultural sa Pananalita . Ang pangangailangan ng


kultural na kamalayan ay isang pangunahing impak ng
globalisasyon sa mga kailangang set ng kasanayan tungo sa
epektibong komunikasyon, na nagresulta sa obolusyon ng mga
programang lumilinang sa mga kasanayang
pangkomunikasyon.
Halimbawa:
 Hapon – maaaring ipalagay na kabastusan ang
pagtanong ng mga personal na impormasyon sa isang
inisyal na pulong.
 Amerika - maaaring ipalagay na mainit na
pagtanggap/pakikitungo o kabukasan ang pagtanong ng
mga personal na impormasyon

3. Kamalayang Kultural sa Lenggwahe ng Katawan. Ang


kamalayang kultural sa iba-ibang lenggwahe ng katawan ay
maaaring kasinghalaga ng pananarinari sa pananalita.

4. Pagkakaiba sa Oras. Ang pagsilang ng global na kolaborasyon


ay nagpakilala ng bagong dynamic sa kasanayang
pangkomunikasyon. Ang pangangailangang
makipagkomunikeyt at magbahagi ng impormasyon sa mga
taong nasa lugar na may ibang sona ng oras.

Impak ng Globalisayon sa Global na Komunikasyon


Ayon kay Daney (2017), pinarami ng proseso ng globalisayson ang
abeylabol na impormasyon para sa mga tao sa buong mundo. Inisa-isa
Ang Mundo ng Dibersidad
ni Daney (2017) ang tatlong mahahalagang impak ng globalisayon sa
global na komunikasyon
 Inilirawan at tinukoy
ni Parapak niya ating
(1995) ang ang pangunahing problema:
mundo bilang world of
diversity. Ilang daan taong nang pinaghihiwalay ang mga tao sa
mundo ng kabundukan at karagatan.
 Ang kanilang buhay ay praktikal na hindi magkakaugnay.
Binuhay at pinaunlad nila ang kani-kanilang kakaibang kultura.
1. Abeylabiliti ng impormasyon. Pangunahing epekto ng proseso
 Pinaunlad ng mga tao sa isang partikular na lokalidad ang
ng globalisayson. Ayon sa World Health organization (WHO),
kanilang partikular na paraan ng pamumuhay, ang kanilang
bumaba na ang gastos sa impormasyong teknolohiya dahil sa
sariling wika, kanilang relihiyon, at nakilala sila bilang isang
pagdami ng mga negosyong nagdedeliebr ng Internet, satelayt
tribo, pangkat-etniko o partikular na grupo ng mga taong
na telebisyon at mga serbisyong mobile.
nagtatag ng sarili nilang nasyon.
2. Pagsasagawa ng Bisner. Naimpluwensyahan ng globalisasyon
 Ang mundo, bagama't iisa, ay pinanirahan ng iba-ibang
ang global na komunikasyon sa pamamagitan ng pag-
populasyong may sari-sariling pagkakakilanlang pisikal,
iimplement ng mga bagong Teknik para sa business conduct ng
espiritwal at kultural.
mga manggagawa sa mga internasyonal na korporasyon.
 Ang dibersidad ay maaaring hanguan ng lakas at yaman,
3. Kamalayang Panlipunan. Ang abeylabiliti ng impormasyon na
ngunit, ang imbensyon at paglinang ng mga bagong
siyang direktang epekto ng pagunlad ng mga Sistema ng global
teknolohiya ay nagpatuloy bilang instrumento ng pagbabago sa
na komunikasyon ay humantong sa mataas na kamalayang
paraan ng pamumuhay, pakikipagtalastasan, pagtugon sa
panlipunan ng mga tao sa mundo. Ang edukasyon ay isang
kapaligiran, at pagpapahayag ng mga ideya.
sector ng kamalayang panlipunan.
 Naimpluwensyahan ng teknolohiya ang daynamik debelopment
4. Ang Problema. Sa kabila ng mabilis, malawakan at patuloy na
ng ating mga kultural na identidad
pagunlad, hindi parin nararating ng global na komunikasyon
 Nadiskubre ni Columbus ang Amerika.
ang mayorya ngLokal
Komunikasyong mga taoatsaGlobal
lahat ng kontinente.
sa Multikultural na
 Naglayag si Cook sa Australia.
Konteksto
 Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago na may 7,641 na
islang may 2,000 pinaninirahan ng mga Pilipino. Ang ating
Ayon populasyon
nga kay Genevieve Hilton,
ay binubuo ang etno-
ng 175 kultural na kahusayan
linggwistik ay hindi
na grupong
nangangahulugang
karamihan sa mgapagsaulo ngnagmula
wika ay bawat sakultural na paninirinari ng
Austronesia.
bawat mamimili. Ito'y
 Mas-diverse tumutukoy
sa atin sa pag-alam
ang kapitbahay kung
nating kailan makikinig,
Indonesia na may
kung kailan hihingi ng tulong, at panghuli, kung kailan magsasalita.
17,508 na isla, at mahigit sa 300 etnikong grupo na may kani-
kaniyang wika. Ngunit, sa larangan ng dibersidad sa konteksto
ng globalisasyon, marami tayong matututuhan sa karanasan ng
Indonesia.
Kamalayang Kultural at Kultural Sensitibiti
 Ang kamalayang kultural o cultural awareness ay kaalamang
maraming magkakaibang kultura batay sa relihiyon, etnisidad,
nasyonalidad at ibang salik na may magkakaibang pag-uugali
at pananaw.
 Ang kultural sensitibiti o kahusayang kultural (cultural
competence) ay pagtanggap sa pagkakaiba-iba sa kultura nang
hindi ipinagpipilitang na ang sariling kultura ay nakahihigit, o
ipinagpipilitang gawin ng iba ang iyong kinagawian.
 Ang kultural sensitibiti ay pagiging malay na ang kultural na
pagkakaiba at pagkakatulad ng mga tao ay umiiral nang hindi
tinatakdaan ang bawat isa ng deskriptib na halaga - positibo o
negatibo, mahusay o palpak, tama o mali.
 Naobserbahan ni Sherman (2018) na maaaring maging
nakakailang ang komunikasyon sa multi-kultural na
kapaligiran.

Upang matulungan ka sa pagpapamalas ng kamalayang kultural at


kultural na sensitibiti sa pananalita at sa gawa, tandaan ang
sumusunod na gabay na hinalaw sa;

 Tingnan ang pagkakaiba ng mga tao bilang posit ibo at sanhi ng


selebrasyon.
 Magkaroon ng malinaw na pakahulugan sa iyong sariling
etniko, kultural at panlahing identidad.
 Maging malay na upang matuto tungkol sa iba, kailangan ng
pag-unawa at kahandaang ibahagi ang iyong sariling kultura.
 Maging malay sa iyong mga ikinaiilang sa pakikisalamuha sa
ibang lahi, kulay, relihiyon, oryentasyong sekswal, lenggwahe
at etnisidad.
 Maging malay sa iyong mga haka hinggil sa mga taong may
ibang kultura sa iyo.
 Maging malay kung paanong ang iyong kultural na perspektibo
ay nakaiimpluwesya sa iyong paghuhusga kung ano ang
naaangkop, normal at superyor na pagpapahalaga at estilo ng
komunikasyon. 
 Tanggapin na sa mga kros-kultural na sitwasyon, maaaring may
mga 'di kasiguraduhan, at ang mga 'di kasiguraduhang iyon ay
maaaring makapagpaalala sa iyo.
 Samantalahin ang bawat oportunidad na matuto tungkol sa iba-
ibang kultura at bumuo ng mga relasyon. 10. Unawain ang
persepsyon ng iba tungkol sa iyo at iyong kultura na maaaring
maging positibo o negatibo.

Sensitibiti sa Kasarian
 Ang sensitibiti sa kasarian o gender sensitivity ay tumutukoy sa
pag-unawa at pagsasaalang-alang sa mga panlipunan at kultural
na salik na sangkot sa eksklusyon at diskriminasyong batay sa
kasarian sa iba't ibang aspeto ng pampubliko at pribadong
buhay.
 Ang lenggwaheng sensitibo sa kasarian ay pag-iisip ng
pagkakapantay- pantay ng kasarian sa pasalita at pasulat na
wika.
 Ang pagkapantay-pantay ng kasarian ay natatamo kapag ang
lalaki at babae ay itinuturing na may pantay na halaga,
dignidad, integridad at respeto.
 Ang pag-iwas sa diskriminasyong pangkasarian ay nagsisimula
sa wika dahil sa sistemik na paggamit ng mga terminolohiyang
may pagkiling sa kasarian. Nakaiimpluwensya ito sa atityud at
ekspektasyon at sa isip ng mambabasa o tagapakinig at
humuhubog ng mga stereotype ng mga babae at lalaki (maging
ng bakla at tomboy). Sa wikang Ingles, iminumungkahi ang
paggamit ng mga salitang gender-neutral kaysa gender-biased
tulad ng sumusunod:
1. ancestors, forebears (sa halip na forefathers) 
2. artificial, manufactured (sa halip na man-made)
3. average/ordinary person (sa halip na common man)
4. chair, chairperson, coordinator (sa halip na chairman)
5. courteous, cultured (sa halip na ladylike)
6. first-year student (sa halip na freshman) 
7. flight attendant (sa halip na steward, stewardess)
8. human resources (sa halip na manpower)
9. legislator, representative (sa halip na congressman)
10. mail carrier, letter carrier, postal worker (sa halip na mailman,
postman)
11. people, human beings (sa halip na mankind) 
12. person, individual (sa halip na man)
13. police officer (sa halip na policeman)
14. solidarity (sa halip na brotherhood)
15. to operate, to cover, to staff (sa halip na to man)

Upang maipamalas ang sensitibiti sa kasarian, kailangang buwagin


na ang mga stereotype tulad ng sumusunod dahil sa reyalidad, ang
mga ito ay hindi totoo- sa lahat ng tao at sa lahat ng pagkakataon, at
ang mga ganitong paniniwala ay repleksyon lamang ng kakitiran ng
pag-iisip:
1. Ang mga babae ay mahihina. Ang mga babae ay pambahay
at pangkama. Ang mga babae tsismosa. Ang mga babae ay
emosyonal. ay
2. Ang mga lalaki ay malalakas. Ang mga lalaki ay
nagtatrabaho. Ang mga lalaki ay pinaglilingkuran. Ang
mga lalaki ay hindi masalita. Ang mga lalaki ay lohikal.
3. Ang mga bakla ay kumikilos at nag-iisip tulad ng babae.
Ang mga bakla ay magagaslaw. Ang mga bakla ay
nakakatawa o nakakailang 
4. Ang mga tomboy ay kumikilos at nag-iisp tulad ng lalaki.
Ang mga tomboy ay macho. Ang mga tomboy ay
nakakailang.
Kawastuhang Politikal
 Ang terminong kawastuhang politikal o political correctness ay
ginagamit upang ilarawan ang lenggwahe, polisiya, o
pamamaraan upang maiwasang makasakit o ilagay sa
disadbentahe ang miyembro ng partikular na grupo sa lipunan.
Noon pang 1980, ang terminong ito ay ginagamit na upang
tukuyin ang pag-iwas sa lenggwahe o pag-uugaling maaaring
makita bilang excluding, marginalizing o insulting ng mga
grupo ng taong madalas na disadvantaged o discriminated
batay sa kasarian o lahi
 Political correctness as agreeing with the idea that people
should be careful to not use language or behave in a way that
could offend a particular group of people.
 Sa Ingles, ilang mga salitang pinapalagay na political correct ay
ang sumusunod:

 Academic dishonesty (sa halip na cheating) 


 Aesthetically challenged (sa halip na ugly)
 Black (sa halip na negro)
 Comb-free (sa halip na bald)
 Differently abled (sa halip na disabled)
 Drug dependent (sa halip na drug addict) 
 Dysfunctional family (sa halip na broken home)
 Economically marginalized (sa halip na poor)
 Elderly, senior (sa halip na old)
 Ethically disoriented (sa halip na dishonest)
 Hearing impaired (sa halip na deaf) 
 Informal settlers (sa halip na squatters)
 Intellectual disability, intellectual developmental disorder
(sa halip na mental retardation)
 Intellectually impaired (sa halip na stupid)
 Little people (sa halip na midget, dwarf)
 Morally challenged (sa halip na crook)
 Nondiscretionary fragrance (sa halip na body odor)
 Outdoor urban dwellers (sa halip na homeless)
 People of mass (sa halip na fat)
 Rape survivor (sa halip na rape victim)
 Sexually dysfunctional (sa halip na perverted)
 Socially misaligned (sa halip na psychopath)
 Technologically challenged (sa halip na computer illiterate)
 Vertically challenged (sa halip na short)
 Visually challenged (sa halip na blind)
Barayti ng Wika
Bahagi ng metalinggwistikong pag-aaral ng wika ang pagkilala sa mga
barayti nito.

Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang


sosyolinggwistikong pinagbatayan ng ideya ng pagiging beterogenous
ng WIKA.  Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika
sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-
kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Samakatuwid,
may dalawang dimensyon ang baryabilidad ng wika-ang dimensyong
heograpiko at dimensyong sosyal (Constantino, 2006).

DAYALEK ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong


heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa iba pang aklat. Ito ang
wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook,
malaki man o maliit. Ayon sa pag- aaral ni Ernesto Constantino,
mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na ginagamit sa
kapuluan ng ating bansa

Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng


set ng mga distinct na bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa
estruktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin ang pananagalog
ng mga naninirahan sa iba't ibang lugar na gumagamit ng isang wika:

Maynila: Aba, ang ganda!


Batangas: Aba, ang ganda eh!
Bataan: Ka ganda ah!
Rizal: Ka ganda, hane!

SOSYOLEK naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa


dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika
dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang
wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan,
wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat.
Makikilala ang iba't ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang
rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika. Pansinin kung
paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod na pahayag ang
pinagmulan ng mga ito:

1. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!


2. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
3. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
4. Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon. 
5. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e

Bearing EXHIBIT COURT


Pleading FISCAL JUSTICE
STTLEMENT APPEAL COMPLAINANT

Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon. Ang jargon
ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng
gawain.

Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang


Accountancy at iba pang kaugnay na disiplina:
Account Balance Net income
Debit Revenue Asset
credit gross income Cash flow

Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang


kahulugan sa karaniwan o sa ibang larangan. Pansinin ang mga
sumusunod na salitang gamitin sa isports na tennis at kung paano
naiiba ang kahulugan ng mga ito sa karaniwan:

Ace fault Love


Breakpoint Deuce Rally
slice Advantage service

Pansinin naman na ang mga sumusunod na terminolohiya ay may


magkaibang kahulugan o rehistro sa larangang nasa loob ng
panaklong:

mouse (Computer, Zoology) stress (Language, Psychology)

strike (Sports, Labor Law) hardware (Business, Computer)

race (Sports, Sociology) nursery (Agriculture, Education)

operation (Medicine, Military) note (Music, Banking)

accent (Language, Interior server (Computer, Restaurant


Design) Management)

Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang barayti ng


wikang ginagamit batay sa dimensyong heograpikal at sosyal,
indibidwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa
sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibidwal na
katangian ng bawat tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng
wika.
Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang indibidwal. Bawat
isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag
itong IDYOLEK. Pansinin kung paano nagkakaiba-iba ang idyolek ng
mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang lahat ay gumagamit ng
isang wika, nabibilang sa isang larangan at naninirahan marahil lahat
sa Metro Manila:

A. Mike Enriquez
B. Noli de Castro
C. Rey langit
D. Kuya Cesar
E. Mon Tulfo

Gayahin ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Iba-iba, hindi ba?


Prominente rin ang idyolek ng mga sumusunod na personalidad kung
kaya madalas silang gayahin ng mga impersonators:

A. Kris Aquino
B. Mel Tiangco
C. Ruffa Mae Quinto
D. Gloria Macapagal-Arroyo
E. Anabelle Rama
F. Mirriam Defensor-Santiago

May iba pang barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Ang


pidgin ay tinatawag sa Ingles na nobody's native language.
Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng
dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang
magkaroon ng kumbersasyong makeshift. Madalas, ang leksikon ng
kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang estruktura naman ay
mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang
barayting ito ng wika. Pansinin ang pananagalog ng mga Intsik sa
Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit ang estruktura ng
kanilang pangungusap ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang
madalas na maririnig sa kanila: Suki, ikaw bili tinda mura.

Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan


ay naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may
komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang
unang wika. Pinakamahusay na halimbawa nito ang Chavacano na
hindi masasabing purong Kastila dahil sa impluwensya ng ating
katutubong wika sa estruktura nito.

Rehistro ng Wika
Ayon kay Nordquist (2018) sa artikulo niyang What is Register in
Linguistics, ang rehistro ay madedepayn bilang paraan ng paggamit ng
isang wika ng isang tagapagsalita sa iba't ibang sirkumstansya. Isipin
ang mga salitang iyong ginagamit, ang tono ng iyong boses, maging
ang iyong language sa iba't ibang sitwasyon. Ang baryasyong ito sa
pormalidad o tinatawag ding baryasyong estaylistiko ay kilala sa
linggwistika bilang rehistro.

Sa pagsulat, ang rehistro ay tumutukoy sa antas at estilo ng pagsulat na


naaangkop sa isang partikular na sitwasyon.

Ayon sa ilang linggwista, mayroon lamang dalawang tipo ng rehistro:


pormal at impormal. Hindi ito mali, ngunit ipinapalagay ito ni
Nordquist (2018) na isang labis na simplipikasyon. Sa halip, maraming
nag-aaral ng wika ang nagsasabing may limang kapansing-pansing
rehistro:
1. FROZEN - Ang anyong ito ay tinatawag minsang istatik na
rehistro dahil tumutukoy ito sa historik na wika o
komunikasyong nilayong manatili nang hindi nagbabago. Ilan
sa mga halimbawa nito ay ang wikang gamit sa Bibliya,
Saligang Batas, at sa mga akda ni Shakespeare tulad ng Romeo
and Juliet. Ang akdang Florante at Laura ni Francisco Balagtas
ay masasabi nasa rehistrong ito.
2. PORMAL - Hindi gaanong rigid, ngunit nananatiling
constrained, ang rehistrong ito ay ginagamit sa mga
propesyonal, akademiko o legal na sitwasyon kung saan ang
komunikasyon ay inaasahang magiging magalang at may
pagpipigil. Ang mga balbal at kolokyal na salita ay bihirang-
bihirang gamitin sa rehistrong ito. Ilan sa mga halimbawa ng
teksto sa rehistrong ito ay ang mga ensayklopidya, mga aklat sa
paaralan at mga pamanahong papel. Ito rin ang rehistrong
ginagamit sa mga okasyong pormal.
3. KONSULTATIBO - Madalas ginagamit ng mga tao ang
rehistrong ito sa kumbersasyon kapag nakikipag-usap sa taong
may espesyalisadong kaalaman o kaya'y nag-aalok ng mga
propesyonal na payo. Ang tono nito ay madalas magalang
(halimbawa, paggamit ng mga titulong pangkortesiya), ngunit
maaaring maging kaswal kung ang relasyon ng nag-uusap ay
matagal na o magkaibigan na (halimbawa, pakikipag-usap sa
matagal ng duktor ng pamilya). Maihahanay sa rehistrong ito
ang ginagamit na wika sa pagbabalita sa radyo at telebisyon. 
4. KASWAL - Ginagamit ang rehistrong ito ng mga tao sa tuwing
kasama ang mga kaibigan, malalapit na kakilala at kasamahan
sa trabaho. Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap sa mga
sitwasyong panggrupo. Ang paggamit ng mga balbal na salita,
kolokyal na salita at bernakular na gramatika ay karaniwan sa
rehistrong ito. Minsan, napabubulgar ang salitaan sa rehistrong
ito. Halimbawa nito ang usapan sa isang bertdey parti o
kantyawan ng magkakaibigan/ magkaklase sa loob ng silid
kapag walang klase.
5. INTIMEYT - Sinasabi ng mga linggwista na ang rehistrong ito
ay reserbado sa mga espesyal na okasyon, madalas sa pagitan
ng dalawang tao lamang sa mga pribadong sandali. Ang
intimeyt na lenggwahe ay maaaring kasing-simple ng isang
biruan ng dalawang matalik na magkaibigan, o kaya'y ng
pagbubulungan ng isang magkasintahan o mag-asawa.
Inuri ang rehistro ng wika sa pormal, impormal at nyutral.

 Rehistrong Pormal - ay naaangkop sa propesyonal na


sulatin tulad ng sulat sa boss.
 Rehistrong Impormal - sa pakikipag-usap o
pakikipagsulatan sa sa mga kaibigan.
 Rehistrong Nyutral - ay 'di emosyonal at paglalahad
lamang ng facts. Ito diumano ang naangkop na rehistro sa
mga teknikal na sulatin.

Pag-eebalweyt ng mga Mensahe at Imahen


A. Ang Linguistic Landscape

Ang linguistic landscape o mga materyales na semyotik (semiotic


materials) ay maaaring nasa anyong karatula, anunsyo, babala,
paunawa, simbulo, patalastas, flyers, o graffiti. Sa web, maaari
itong posts, memes o tweets.

Tinuturing ng mga linggwista ang mga karatula na paraan ng


pagpapahayag ng mga simbolikong mensahe at kahulugan. Ang
mga ito ay lenggwahe mismo at midya ng komunikasyon.

Ang mga opisyal na karatulang mula sa mga ahensyang


pampamahalaan ay mauuri bilang mga diskursong top down, kasi'y
mula sa mataas na awtoridad at para sa madla. Samantala, ang mga
karatulang gawa at ipinaskil ng mga indibidwal o grupo, ngunit
hindi kinikilala ng opisyal na awtoridad ay tinatawag namang
diskursong bottom up, kasi'y mula sa isa o ilang partikular na
miyembro ng madla o lipunan para sa madla.
B. Ang Geosemiotics

You might also like