You are on page 1of 11

Kabanata IV

KOMUNIKASYONGLOKAL AT GLOBAL
SA MULTIKULTURAL NA KONTEKSTO

INAASAHANG BUNGA
Sa kabanatang ito, inaasahang iyong:

Matutukoy ang mga angkop na termino,ekspresyonat imaheng


kultural nang may- pagsasaalang-alang sa kasarian, lahi, uri at iba
pa; at
Maipamamalas ang kamalayan at pagsasaalang-alang na kulturalat
interkulturalsa komunikasyonng mga ideya.

[Ang sumusunod na pagtalakay ay malayang salin ng Kabanata Ill ng aklat


na Purposive Communication in Local and Global Contexts(2018) ng prinsipal na
may-akda ng aklat na ito, kasama Sina Wilma J. Balon at Ramir Jimbert G.
Biligan; at dinagdagan ng pagtalakay sa konteksto ng lipunang Pilipino.]

BAGO ANG LAHAT...

Pansinin ang mga kasunod na larawan:

Charcoal
DOnut

YDUNKIN'
\ODONUTS
ENCOY VOUR

https://www.bet.com
The Chef
does everything'
but cook
that's what
wives are for!

https://little.agency
httpU/s3media.freemalaysiateday.com

lag-talakayansa klase hinggil sa ruga larawan.


IN

TALAKAYIN NATIN:

global na kapaligiran, ang abilidad na mabisang pagkikipagtalastasan ay


Sa
macinc isang hamon. Kahit pa anc mca partisipant ay ng
maaaring
mga hindi pagkakaunawaan dahil sa
isang wika, maaari pa rinc magkaroon
mga pagkakaibang etniko at kultufal.
halimbawa ng negosyonc
Nitong hilling dekada, hindi na mabilang ang mga
komunikasyong. Ang pag-unawa sa
hindi nagtagumpay dahil sa hindi mabisang
ay kailangan upanc
impak ng clobalisasyonsa kros-kultural na komunikasyon
adbentahe sa global na
anc mca orcanisasyon ay makalikha ng kompetetibonc
pamilihan.Ang mga bagong hamong ekonomiko ay lalong nagbibigay-diin sa
pangangailangan ng paglinang ng mga organisasyon ng kapasidad ng internal na
komunikasyonupang kontrolin at imonitor ang mga eksternal na banta (https://
www.intechopen.com).
Habang ang mga lipunan ay lalong global na pinag-uugnay, ang abilidad na
makipagkomyunikeytsa labas ng mga kultural na hangganan ay lalong nacinc
mahalaga.Halimbawa,kailangang maunawaan ng mga negosyante kung paano
makipag-ugnayansa mga empleyado at kostumer mula sa iba't ibang kultura
upang matupad ang misyon ng organisasyon at makabuo ng halaga sa mga
tagatangkilik.Ang paggamit ng teknolohiya ay nagkaroon din ng mahalagang
impak sa kung paanong ang mga indibidwal, grupo, organisasyon at institusyon
ay nakikipagkomyunikeyt
ng mga ideya sa global na pamilihan. Ngunit, sa
pagsulongng teknolohiya,kailangan din nilang maging sensitibo sa mga kultural
na paninirinari(nuances,katulad ng
nabanggit na sa nakalipas na kabanata)
na maaaringumiiral bilang sagabal
sa kanilang mga intensyon (https://www•
intechopen.com).
Ayon nga kay Genevieve Hilton (sa https://www.intechopen.com),ang
kultural na kahusayan ay hindi nangangahulugang pagsaulo ng bawat kultural
na paninirinari ng bawat mamimili. Ito'y tumutukoy sa pag-alam kung kailan
makikinig, kung kailan hihingi ng tulong, at panghuli, kung kailan magsasalita.

A. ANC MUNDO NG DIBERSIDAD

Inilirawan ni Parapak (1995) ang ating mundo bilang world of diversity.


Ilang daan taong nang pinaghihiwalay ang mga tao sa mundo ng kabundukan at
karagatan. Bihira silang magpangita. Ang kanilang buhay ay praktikal na hindi
magkakaugnay. Binuhay at pinaunlad nila ang kani-kanilang kakaibang kultura.
Pinaunlad ng mga tao sa isang partikular na lokalidad ang kanilang partikular
na paraan ng pamumuhay, ang kanilang sariling wika, kanilang relihiyon, at
nakilala sila bilang isang tribo, pangkat-etniko o partikular na grupo ng mga
taong nagtatag ng sarili nilang nasyon.

Ang mundo, bagama't iisa, ay pinanirahan ng iba-ibang populasyong may


sari-sariling pagkakakilanlang pisikal, espiritwal at kultural. Sadya, ang mundo
ay isang mundo ng dibersidad. 00, ang dibersidad ay maaaring hanguan ng
Iakas at yaman, ngunit, ang imbensyon at paglinang ng mga bagong teknolohiya
ay nagpatuloy bilang instrumento ng pagbabago sa paraan ng pamumuhay,
pakikipagtalastasan, pagtugon sa kapaligiran, at pagpapahayag ng mga ideya. Sa
maikling sabi, naimpluwensyahan ng teknolohiya ang daynamik debelopment ng
ating mga kultural na identidad (Parapak, 1995).

Noong bata pa ang sibilisasyongpantao, direktang komunikasyon, mainly


berbal, gamit ang isang partikular na wika ang isa sa mga elemento ng kultural
na identidad. Limitado noon ang mga impluwensyang panlabas, at ang mga tao'y
umaasa lamang sa pisikal na kapaligiran at simpleng teknolohiya. Totoo pa rin ito
sa ilang etnikong grupo ng mahihirap na bansa. Ang pag-unlad ng teknolohiya
sa komunikasyon at transportasyon ay nagpalawig sa salamuhaan, impluwensya
at interdependens.

Nadiskubre ni Columbus ang Amerika. Naglayag si Cook sa Australia.


Itinatag ang mga bagong komunidad dahil sa akses sa teknolohiya. Naging posible
ang inter-kultural na komunikasyon sa pamamagitan ng malalayong midya nang
maimbento ang radyo at telepono. Ang pagbobrodkast ng radyo at telebisyon
ay nagpatibay at nagpaglobalisadong ating interkultural na pakikisalamuha,
komunikasyon, inter-impluwensya, interdependens at inter-relasyon. Sa ngayon
tunay na tayong globalisado. Sa pamamagitan ng transportasyon, kalakalan
turismo at telekomunikasyon,naaakses na natin ang global na pamilihan
nakikilala kahit sino sa planeta, at nakikita ang ano mang kaganapan sa iba,t
ibang bahagi ng mundo (Parapak, 1995).

Sa ilang paraan, pinagkaisa ng teknolohiyaang mundo at sangkatauhan


ngunit hindi natanggal ng teknolohiya ang ating dibersidad.

http://knowledge.wharton.upenn.edu

Halos gayon din ang masasabi sa lokal na komunikasyon, ibig sabihin, dito
sa Pilipinas at pakikipagtalastasan sa mga kapwa Pilipino. Tulad ng mundo, ang
ating bansa ay bansa ng dibersidad, ngunit nagawa ng global na komunikasyon
ang ating bansa na waring isang maliit na syudad. Halos hindi na nakaaapekto
sa atin ngayon ang distansya. Nakakakuha, nakakapagproseso, nakakatipon,
nakakapagtransmit at nakagagamit na tayo ngayon ng impormasyon sa bilis ng
liwanag. Dahil sa modernong komunikasyon, naging modernisado at naintigreyt
din ang ating ekonomiyaat lipunan, at nailapit ang mga malalayongrural na
lugar.

Gayon din, hindi natanggal ng mga pagsisikap na matamo ang global


kompetitibness ang ating pambansang identidad at ang mga kakaibang
kulturang rehiyonal, manapa'y pinukaw pa nito ang pagmamalaki sa dibersidad
na pinagmumulan ng mayamang kultural na kabansaan.

Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago na may 7,641 na islang may 2,000
pinaninirahan ng mga Pilipino. Ang ating populasyon ay binubuo ng 175 etno-
linggwistik na grupong karamihan sa mga wika ay nagmula sa Austronesia.
na isla, at
Mas-diverse sa atin ang kapitbahay nating Indonesia na may 17,508
larangan
mahigit sa 300 etnikong grupo na may kani-kaniyang wika. Ngunit, sa
sa
ng dibersidad sa•konteksto ng globalisasyon,marami tayong matututuhan
karanasan ng Indonesia. Ayon nga kay Parapak (1995):

.. .Acceptingdiversity as a strength, we are mindful of the vital role of


communications in bonding the diverse cultures, diverse ethnic groups, diverse
languages, diverse religious beliefs into one nation.

7hrough our experience, we have also learned to accept that the world is
so diverse with its more than 180 nations...

Diversity is indeed a spiceof life, a Potential sourceof strength and


character.

7he challengeis: How do we use diversity for our benefit and for the
enrichment of our lives?

B. KAMALAUNC KULTURAL AT KULTURAL SENSITIBITI

Ang kamalayang kultural o cultural awarenessay kaalamang maraming


magkakaibang kultura batay sa relihiyon, etnisidad, nasyonalidad at ibang salik na
may magkakaibang pag-uugali at pananaw. Ang kultural sensitibiti o kahusayang
kultural (culturalcompetence)ay pagtanggap sa pagkakaiba-iba sa kultura nang
hindi ipinagpipilitang na ang sariling kultura ay nakahihigit, o ipinagpipilitang
gawin ng iba ang iyong kinagawian. Ang mga kasanayan sa kultural sensitibiti ay
mailalarawan bilang abilidad na epektibong magtrabaho kasama ang iba-ibapg
taong may iba-ibang kultural na pag-uugali (Sherman, 2018).
Ang kultural sensitibiti ay pagiging malay na ang kultural na pagkakaiba
at pagkakatulad ng mga tao ay umiiral nang hindi tinatakdaan ang bawat isa
ng deskriptib na halaga —positibo o negatibo, mahusay o palpak, tama o mali.
Nangangahuluganlamang ito ng kamalayang ang mga tao ay magkakaiba at
ng pagkilala na ang sariling kultura ay hindi nakahihigit sa isa. Sinasabing
isang hamon ito para sa mga myembrong mga dominanteng kultura (https://
redshoemovement.com).
Ayon kay Dabbah (2017), [t]he idea behind cultural sensitivity is very
straightforward. Cultural sensitivity refersto a set ofskills that allows you to learn about
and understand people whose cultural background is not the same as yours, but what
does that rea//y mean? Essential/y, it means that, as you go about your
daily lire
operate tvith the awareness that cu/tura/ diferences between yourselfand [he
meet exist tvithout assigning them a value. Yousee our diferences as a Peopłe
Positive
and don? consider one culture better or worse, right or wręng.

Syempre, madalas na mas madali itong sabihin kaysa gawin. Sa


paglawign
iba-ibang populasyong naninirahan sa isang komunidad, hindi laging
posiblen
maunawaan ang kaligiran ng mga nakakasalamuhang may ibang kultura.
Ibig
sabihin lamang na kailangang mamuhay sa araw-araw nang may kamalayang
mga tao sa paligid ay magkakaiba nang hindi nanghuhusga. Pagtingin
ito nang
positibo sa pagkakaiba-iba, at hindi pagtingin sa isang kultura bilang mahusay
kabaligtaran, tama o mali (Dabbah, 2017). o

Naobserbahan ni Sherman (2018) na maaaring maging nakakailang ang


komunikasyon sa multi-kultural na kapaligiran. Halimbawa, maaaring pintasan
ng isang tao ang isang tao, at lahating lahat silang kabilang sa pangkat o may
katulad na kultura ay may gayong kapintasan. Maaari iyong lumikha ng gulo sa
pagitan hindi lamang ng pumintas at pinintasan.
Ang isang kumpas ng kamay ay maaaring katanggap-tanggap o walang
kahulugan sa isang kultura, ngunit maaaring ituring na nakaiinsulto sa iba. Ang
itinuturing na normal na espasyo sa pagitan ng dalawang tao ay iba-iba sa iba't ibang
lipunan. Halimbawa, ang pagwawastô sa pagkakamali ng isang bosssa harap ng
ibang tao ay maaaring katanggap-tanggap sa Amerika, ngunit hindi sa ibang bansa.
Upang matulungan ka sa pagpapamalas ng kamalayang kultural at kultural
na sensitibiti sa pananalita at sa gawa, tandaan ang sumusunodna gabayna
hinalaw sa http://www.coloradoedinitiative.org:
1. Tingnan ang pagkakaiba ng mga tao bilang positibo at sanhi ng
selebrasyon.

2. Magkaroon ng malinaw na pakahulugan sa iyong sariling etniko, kultural


at panlahing identidad.
3. Maging malay na upang matuto tungkol sa iba, kailangan ng pag-unawa
at kahandaang ibahagi ang iyong sariling kultura.
4. Maging malay sa iyong mga ikinaiilang sa pakikisalamuha sa ibang lahi,
kulay, relihiyon, oryentasyong sekswal, lenggwahe at etnisidad.
5. Maging malay sa iyong mga haka
hinggil sa mga taong may ibang kultura
sa iyo.
6. Maging malaysa iyong mga gumawa ngmgapersonal
nabubU0ngstereotypesat
na estratehiya upang mabawasan
ang sakit na nalilikha ng mga iyon.
7. Maging malay kung
paanong ang iyong kultural na perspektibo ay
nakaiimpluwesya sa iyong paghuhusga kung ano ang naaangkop, normal
at superyor na pagpapahalaga at estilo
ng komunikasyon.
8. Tanggapin na sa mga kros-kultural na sitwasyon,maaaring may mga
'di kasiguraduhan, at ang mga 'di kasiguraduhangiyon ay maaaring
makapagpaalala sa iyo.
9. Samantalahin ang bawat oportunidad na matuto tungkol sa iba-ibang
kultura at bumuo ng mga relasyon.
10. Unawain ang persepsyon ng iba tungkol sa iyo at iyong kultura na maaaring
maging positibo o negatibo.

Panghuli, kaugnay ng mga bagay na tinalakay, panahon na upang tigilan


nating mga Pilipino ang mga bansag na diskriminatori sa ibang lahi tulad ng
singkito chekwapara sa mga Tsino, sakangpara sa mga Hapon, bumbayat 5-6
para sa mga Indiano, at negropara sa mga itim na Amerikano, Aprikano at iba
pang lahi.

Dapat na ring kalimutan ang mga nakaiinsultong stereotypetulad ng Mababaho


ang mga Indiano, Mayputok ang mgaArabo, Kuripot ang mga Ilocano, Terorista ang
mga Muslim, Aswang ang mga taga-CaPiz, May buntot ang mga Mangyan, Hindi
sibilisadoang mgapangkat-etniko, at iba pang katulad.

Ayaw na ayaw rin natin ang stereotypena Filipinos are domestichelpersat


Filipinos are brown monkeys,hindi ba?

Sadya, panahon nang itigil ang mga nabanggit na lenggwaheng nagpapamalas


ng kultural insensitibiti at nakahihiyang kakitiran ng pag-iisip.

C. SENSITIBITI KASARIAN

Ang sensitibiti sa kasarian o gender sensitivity ay tumutukoy sa pag-unawa


at pagsasaalang-alangsa mga panlipunan at kultural na salik na sangkot
sa eksklusyon at diskriminasyong batay sa kasarian sa iba't ibang aspeto ng
pampubliko at pribadong buhay. Sa maraming pagkakaton, nakatuon ito sa
disadbentahe ng posisyon at gampanin ng mga babae (http://eige.europa.eu).
Ang lenggwaheng sensitibo sa kasarian ay pag-iisip ng pagkakapantay-
pantay ng kasarian sa pasalita at pasulat na wika. Ang pagkapantay-pantay
kasarian ay natatatno kapag ang lalaki at babae ay itinuturing na may
pantay na
halaga, dignidad, integridad at respeto (http://eige.europa.eu).

Ang pag-iwas sa diskriminasyong pangkasarian ay nagsisimula sa wika


dahil
sa sistemik na paggamit ng mga terminolohiyang may pagkiling sa
kasarian.
Nakaiimpluwensyaito sa atityud at ekspektasyon at sa isip ng mambabasa
o
tagapakinig at humuhubog ng mga stereotypeng mga babae at lalaki (maging
ng
bakla at tomboy). Sa wikang Ingles, iminumungkahi ang paggamit ng
mga
salitang gender-neutral kaysa gender-biased tulad ng sumusunod:

1. ancestors, forebears (sa halip na


forefathers)
2. artificial, manufactured(sa halip na
man-made)
3. average/ordinaryperson (sa halip na
commonman
4. chair, chairperson, coordinator (sa
halip na chairman) http://www.freepressjournal.in
5. courteous, cultured (sa halip na ladylike)
6. first-year student (sa halip nafreshman)
7. fight attendant (sa halip na steward, stewardess)
8. human resources(sa halip na manpower)
9. legislator, representative (sa halip na congressman)
10. mail carrier, letter carrier, postal worker (sa halip na mailman, Postman)
11. people, human beings (sa halip na mankind)
12. Person, individual (sa halip na man)
13. police offcer (sa halip napoliceman)
14. •solidarity (sa halip na brotherhood)
15. to operate, to cover, to staff (sa halip na to man)

Mahalaga ring malaman ang mga nabanggit at mga katulad niyon lalo
)a't karaniwanna sa ating wika ang paggamit ng mga salitang Ingles sa mga
Dangungusapna Filipino, lalo na sa pagsasalita.
na ang
Upang maipamalas ang sensitibiti sa kasarian, kailangang buwagin
sa reyalidad, ang mga ito ay hindi totoo
mga stercotyPetillad ng sumusunod dahil
ay
sa lahat ng tao at sa lahat ng pagkakataon,at ang mga ganitong paniniwala
repleksyonlamang ng kakitiran ng pag-iisip:
1. Ang mga babae ay mahihina. Ang mga babae ay pambahay at pangkama.
Ang mga babae ay tsismosa. Ang mga babae ay emosyonal.
2. Ang mga lalaki ay malalakas.Ang mga lalaki ay nagtatrabaho. Ang mga
lalaki ay pinaglilingkuran. Ang mga lalaki ay hindi masalita. Ang mga
lalaki ay lohikal.
3. Ang mga balda ay kumikilos at nag-iisip tulad ng babae. Ang mga balda
ay magagaslaw. Ang mga balda ay nakakatawa o nakakailang.
4. Ang mga tomboy ay kumikilos at nag-iisp tulad ng lalaki. Ang mga
tomboy ay macho.Ang mga tomboy ay nakakailang.

Kailangan ding maging espisipikosa kasarian kung tiyak ang kasarian ng


taong tinutukoy tulad halimbawa ng senador/senadora,propesor/propesora,doktor/
doktora,tindero/tindera at kusinero/kusinera;bagama't hindi ito aplikable sa ilang
tao tulad ng politiko, guro, piloto, bumbero, magPuPuto, magtataho, dentista at
masahista.

Tandaan, ang sensitibiti sa kasarian ay nagpapamalas na ang ang isang tao ay


may respeto sa lahat ng tao. Ang mabisang komunikasyon ay nangangailangan
ng pagtrato nang may respeto sa lahat ng tao at nang may pagsasaalang-alang sa
kani-kanilang pangangailangan at indibidwalidad.

D. KAWASTUHANG POLITIKAL

Ang terminong kawastuhangpo/itikà/opo/itica/correctnessay ginagamit upang


ilarawan ang lenggwahe, polisiya, o pamamaraan upang maiwasang makasakit
o ilagay sa disadbentahe ang miyembro ng partikular na grupo sa lipunan. Noon
pang 1980, ang terminong ito ay ginagamit na upang tukuyin ang pag-iwas sa
lenggwahe o pag-uugaling maaaring makita bilang excluding,marginalizing o
insultingng mga grupo ng taong madalas na disadvantagedo discriminatedbatay
sa kasarian o lahi (https://en.wikipedia.org).
Sa Merriam-Webster, binigyang kahulugan angpolitical correctnessas agreein
•with the idea that people should be careful to no/ use language or behave in a Waythat
could otfrnd aparticu/argroup ofpeople (Molloy, 2015).

Ang ibang diksyonaryo ay may katulad na depinisyon, ngunit ang pinupunto


ng lahat ay not being a jerk to others. Ang kawastuhang politikal ay kasingsimple
ng pagtrato sa iba nang may respeto, ng may kabaitan, ng pagiging mabuting
tao. 00, ibig sabihin lamang nito ng hindi paggamit ng mga racialslur at hindi
paghuhusga at paghahaka batay sa mga stereotype.

I'M SO SICK OF

OKAY,

xo rmsO SICKOF
NOTBEING TO
INSULT BELITTLE
WOMEN AND

so

http://www.freepressjournal.in

politically correct ay ang


Sa Ingles, ilang mga salitang pinapalagay na
sumusunod:

1. academic dishonesty (sa halip na cheating)

2. aesthetically challenged (sa halip na ugly)

3. black (sa halip na negro)

4. comb-free(sa halip na bald)

5. differently abled (sa halip na disabled)

6. drug dependent (sa halip na drug addict)

7. dysfunctionalfamily (sa halip na broken home)


8. economically marginalized (sa halip na poor)

9. elderly, senior (sa halip na old)

10. ethically disoriented (sa halip na dishonest)

Il. hearing impaired (sa halip na deaf)

12. informal settlers (sa halip na squatters)

13. intellectual disability, intellectual developmental disorder (sa halip na mental


retardation)

14. intellectually impaired (sa halip na stupid)

15. little people (sa halip na midget, dwarf)

16. morally challenged (sa halip na a crook)

17. nondiscretionaryfragrance (sa halip na body odor)

18. outdoor urban dwellers (sa halipna homeless)

19. people of mass (sa halip nafat)

20. rape survivor (sa halip na rape victim)

21. sexually dysfunctional (sa halip na Perverted)

22. socially misaligned (sa halip na psychopath)

23. technologicallychallenged (sa halip na computer illiterate)

24. vertically challenged (sa halip na short)

25. visually challenged (sa halip na blind)

Mahalaga ring malaman ang mga nabanggit at mga katulad niyon lalo pa't
karaniwan na nga sa ating wika ang paggamit ng mga salitang Ingles sa mga
pangungusap na Filipino, lalo na sa pagsasalita.

You might also like