You are on page 1of 3

Rasyonale

Ang mga kuwentong bayan ay mga salaysay o kuwento na nagmula sa mga

komunidad o bayan-bayan sa Pilipinas. Ito ay naglalaman ng mga pangyayari at karanasan

ng mga tao, na karaniwang nagsasalaysay ng mga kahindik-hindik na paangyayari at

kahalagahan. Ito ay karaniwang oral na tradisyon na pinapasa sa pamamagitan ng salita at

kuwento sa loob ng maraming panahon.Kagaya ng mga epiko, mito, at alamat na isa sa

mga halimbawa ng mga kuwentong bayan, na nagpapapakita na ito ay mahalagang parte

ng kasaysayan.

Ayon kay propesor Anril P. Tiatco at propesor Jem R. Javier, ang mga kuwentong

bayan ay mga naratibong pasalita na nagpapasalin-salin sa maraming henerasyon.

Naririrnig ang mga ito sa mga pangkumunidad na seremonya at ritwal at sa mga pang araw-

araw na huntahan at kuwentuhan ng mga mamayan. Dagdag pa nila na “Madalas ang mga

k’wentong bayan ang nagpapaliwanag ng iba’t ibang aspekto ng tradisyon, mga kalakaran at

pati na rin kasaysayan. Ang mga k’wentong bayan ay itinuturing ding masining na

pamamaraan ng pakikipagtalastasan sa mga kasapi ng pamayanan maging sa tagalabas,”.

Ang layunin ng pag aaral na ito ay upang suriin ang kahalagahan ng mga

kuwentong bayan sa ating lipunan at kung may mga kaalaman ba ang henerasyon na ito

tungkol sa mga kuwentong bayan. Sa pamamagitan ng pag aaral na ito, layon nito na suriin

ang estado ng kuwentang bayan sa henerasyon na ito.

Para naman kay Tsanselor Michael L. Tan ng UP Diliman, “ang k’wentong bayan

(folklore studies) ay may mahalagang papel sa pagbubuo ng pambansang identidad lalo sa

kinakaharap ngayon ng ibayong pag-unlad ng teknolohiya na nakakapagpawala ng mga

orihinal na konteksto ng mga tradisyunal na sining at konteksto halimbawa sa mga

k’wentong bayan.” Dagdag pa nito na “Mahalaga ang k’wentong bayan lalo sa truth-telling

lalo na sa panahon ng tinatawag na post-truth na may malaking epekto sa ating pagbuo ng

ating bansa, at ng ating mga sarili,”.


Sang ayon sa sinabi ni Tan, inihayag ni Prop, Felipe P. De Leon Jr. na mahalaga

ang kuwentong bayan sa pag hubog ng sangkamalayan ng kabataang Filipino. Tinalakay

nito sa isang pagpupulong ( Sampaksaan sa K’wentong Bayan) na maraming naiituturo at

naitutulong sa paglinang ng katauhan ng mga Filipino. Halaga ng kuwentong bayan. Ayon

rito “ Marming gamit ang mga kuwentong bayan para sa mga bata: (1) malinang ang

husayna pagpapasaya, (2) mamulat sa ibang kultura, (3) makapagdulot ng mabuting asal,

(4) mapahalagahan ang ibang tradisyon, (5) tumuklas ng ibang pananaw at makaaroksa

mga arketipong tunay na bukal sa kabihasnan at kadakilaan” ani ni De Leon.

Isinaad din ni Dundes na ang mga kwentong bayan ay representasyon ng imahe ng

ating isipan, kaya palaging sumusunod na ang pag-aaral sa mga pasalitang tradisyon natin

ay makatutulong upang maunawaan ang ating sarili bilang isang tao kung ito ay

maipapaliwanag. Ang mga pasalitang tradisyon ay salamin ng kultura na nagbibigay ng

natatanging bagay para sa maiging pagunawa sa ating sarili at pag-unawa sa iba pa. Sa

kasamaang palad, ang mabilisang pag-usbong ng teknolohiya, siyensya at globalisasyon

ang isa sa mga naging hadlang sa pagpapayabung ng mga kwentong bayan na pinagmulan

identidad, balyus at moral ng isang lipunan. Sa kasalukuyang pag-aaral ng UNESCO,

isinaad nito na: “Like other forms of intangible cultural heritage, oral traditions are threatened

by rapid urbanization, large-scale migration, industrialization and environmental change.

Internet, television, radio and etc. have damaging effect on oral traditions and expressions”.

Sa kasalukuyan, pinakamaunlad na anyo ng panitikang Filipino ang mga akdang

pambata. May simplistikong paniniwalang maunlad ito dahil maraming bata sa bansa. Bawat

taon, maraming sanggol ang isinisilang na magiging potensiyal na mambabasa ng aklat.

Gayunpaman, nananatiling problema sa lipunan ang kultura ng pagbabasa at ang makalikha

ng henerasyon ng mga mambabasa ng akdang Filipino (Evasco 2011, 106–107).

Sa pamamagitan ng sistemaatikong pagkolekta ng datos, kabilang ang mga sarbey,

interbyu, at pagsusurin sa mga online na platform, matutukoy at maipapatala natin ang mga

kahalagahan at estado ng kuwentong bayan sa kasalukuyan. Bukod dito, susuriin din natin
ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa makabagong panahon at ang ugnayan

nito sa tradisyong k’wentong bayan. Layon din nati na alamin ang papel ng teknolohiya

upang maipaabot o maipakalat sa nakararami ang kaalamang bayan.

Ang mga natuklasang impormasyon sa pag aaral na ito ay makakatulong upang

maunawaan at mapahalagahan ang kahalagahan ng kuwentong bayan at ang ebolusyon

ng mga kuwento sa kasalukuyan. Bukod pa rito, ang pag aaral na ito ay mag aambag upang

mas mapahalagahan at ibalik tayo sa kahalagahan ng ‘folklore’ at kuwentuhan at makinig

sa pagsasalaysay ng ating mga sarili na siyang nakapagbubuo ng mga kuwentong bayan.

(Stephanie S. Cabigao).

Paglalahad ng suliranin:
Ang pangkalahatang suliranin ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod na mga

katanunganay ang mga nais masagutan ng mga mananaliksik:

1. Ano ang mga posibleng suliranin sa kakulangan sa pagpapahalaga at pangangalaga

ng mga kuwentong bayan?

2. Ano ano ang mga epekto ng modernisasyon at globalisasyon sa kwentong bayan?

3. Bakit kailangan na pahalagahan ang kuwentong bayan Lalo na sa pagusbong ng

makabagong teknolohiy?

4. Ano ang mga epektibong pamamaraan ng pagpapalaganap ng mga kwentong bayan

sa kasalukuyan?

5. Paano natin mahikayat ang mas maraming tao, lalo na ang mga kabataan, na

makilahok at magpahalaga sa mga kwentong ito?

You might also like