You are on page 1of 2

GUILLERMO, CHARLES WILLIAM H.

MEB – 11

DISKURSO
TAKDANG – ARALIN

1. Ano ang kahalagahan ng wika sa pagpapaunlad ng kultura?

Ang wika, para sa atin ay isang bital na elemento sa pagpapakalat,


pagpapalaganap at pagpapaunlad ng mga iba’t ibang idea sa mundo at sa mga
nakapaligid saatin, kung sa gayon ay mailalapat din ang parehong kahalagahan,
layunin at kaisipan sa pagpapaunlad ng kultura. Sa pamamagitan ng wika ay
mas nagkakaroon ng saysay ang iba-iba at samu’t saring mga paniniwala at
pamamaraan sa pangaraw-araw na buhay, samakatuwid ay mas nagiging
malinaw at nasa punto ang layuning makapagpayaman ng mga namumukod-
tangi at walang katulad na kultura ng mga/isang enticidad o grupo ng mga tao sa
pangkasulukuyang mundo.

2. Makatwiran bang husgahan ang kultura ng iba, Bakit?

Kailanman ay hindi naging makatarungan at makatwiran ang pagtawanan,


pagbuntunan ng hinala o husgahan ang iba’t ibang pamamaraan ng pamumuhay
o kultura ng iba. Bawat kultura at paniniwala ay inilagak upang magkaroon ng
natatanging pagkilala sa bawat pinagmulan ng tao sa bawat sulok ng buong
mundo. Maaaring mayroong mga pagkakatulad sa mga ito, ngunit mas
nangingibabaw ang pamumukod-tangi ng mga kultura sa bawat isa.

3. Bakit nakaaapekto ang heograpikal na lokasyon ng kultura at pagkatuto


nito?

Karamihan sa mga lugar na mayroong namumukod-tanging kultura ay


matatagpuan sa halos liblib na lugar o hindi kayang maabot ng signal ng
telepono, telebisyon at iba pang mga pamamaraan ng komunikasyon. Dahil rito’y
nagiging limitado lang sa lugar ang iba’t ibang mga kultura na ninanais
ipalaganap at ikalat sa iba para sa pagpapabuti ng kalidad ng paniniwala ng
nakararami saatin.

4. Ipaliwanag ang bawat elementong kultural at bigyan ng tig isang


halimbawa  (Philippine Setting)

PANINIWALA (Beliefs): Nakatuon sa mga paniniwalang kinalulugdan ng mga


tao na kung saan ay tinatanggap ito bilang totoo o kapani-paniwala base sa mga
kwento at kuro-kuro. MGA HALIMBAWA: mga kasabigan, pamahiin at iba pa

PAGPAPAHALAGA (Values): Pagpapalagay sa kung ano ang tama o mali, sa


nararapat o hindi nararapat na gawin.
NORMS: Asal, kaugalian at kilos na nakasanayan nang maging pamantayan sa
isang lipunan

SIMBOLO (Symbols): Paglalapat ng mga iba’t ibang kahulugan sa


pakikipagtalastasan

WIKA (Language): Maaring pasulat o pabigkas, ang pinakamabisang


pamamaraan ng komunikasyon

5. Paano masasabing ang teknolohiya ay isang kultura?

Masasabi nating kultura ang teknolohiya dahil sa malawak na implikasyon nito sa


pag-unlad at pagpapabuti ng iba’t ibang pamamaraang nakagisnan ng mga tao
sa mga ginagawa nila sa pang-araw-araw. Bilang isa sa mga layunin ng kultura
ay makapang-impluwensiya – ang teknolohiya ay lubos na nakapagpalaganap
ng iba’t ibang uri ng kaalamang bital sa mga tao sa pangkasulukuyang panahon.

You might also like