You are on page 1of 3

PINAL- IDENTIDAD

Gawain blg. 1

A. Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong ukol sa kultura. Ipaliwanag nang
may makabuluhang pag-unawa. Maglahad ng katuturan na may 5-10
pangungusap sa bawat katanungan. Ang bawat bilang ay bibigyan ng sampung
(10) puntos ayon sa pagpapaliwanag. (40). Isulat ang sariling kasagutan sa
ibaba.

1. Ano ang pagkakaugnay ng wika at kultura sa ating kasalukuyang kalagayang


pambansa?

Sa paglipas ng panahon, hindi maikakaila na ang wika ang nagsilbing tulay sa dalisay
na pagkakaintindihan ng bawat isa. Sa iba’t ibang larangan at aspeto, wika ang tila
naging instrumento. Bukod tangi na ang wika ang nagbubuklod, nag-iisa, ngunit kung
ating lubos na mamarapatin, wika ang isa sa mga dahilan ng lubos na pag-unlad ng
kultura saan ka man mag-punta. Sa pamamagitan ng wika, ang kultura ay nabibigyan
ng pagkakataong maintindihan, mapahalagahan, at mas lalong mapalawig. Gayon pa
man, hindi magiging matibay ang pundasyon ng kahit anong kultura kung ang
bumubuo rito ay walang kakayahang maintindihan ang isa’t isa. Kaya’t dahil sa tila
kapangyarihan ng wika na bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na maintindihan at
maipahayag ang sari-sariling saloobin, nang may kalinawan, wika ay siyang tunay na
dahilan sa patuloy na pag-unlad ng kultura. Dahil ang isang kultura ay binubuo ng
pinag-isang kaalaman, at pinag-buklod na mamamamayan na may iisang layunin: ang
magkaroon ng pagkakakilanlan at payapang lipunan.

2. Bakit mahalagang alamin at unawain ang pagkakakilanlan ng isang kulturang Pilipino?

Bilang mamayang Pilipino, tayo ay pinagbuklod ng iisang kultura: ang kulturang


Pilipino. Ang kulturang ito ang nagsilbing pagkakakilanlan ng bawat isa sa atin sa
paglipas ng maraming panahon. Ito ang naging pundasyon sa mas Dalisay na
pagsasama at mas pinatibay na pagkakaisa. Nang sa gayon, bilang parte ng nasabing
kultura, layunin ng bawat isa sa atin ang alamin at unawain ang nakapaloob sa
kulturang ating kinabibilangan. Magmula sa bawat ispesipikong detalye na bumubuo
sa ating kultura. Sa kagawian, sa nakasanayan, sa wikang binibigkas, at pati na rin ang
mga mahahalagang pangyayari na nagbunga sa pagbuo ng kung anong meron ang
kulturang kinabibilangan natin ngayon—marapat lamang na ito ay ating alamin,
unawain, at patuloy na pagyamanin. Sapagkat ito ay parte ng ating pagkatao. Ito ang
sumisimbolo sa kung ano at sino tayo ngayon.
2. Paano nakatutulong sa bawat pamamayang Pilipino ang mulat sa pag-unawa sa
Kulturang Pilipino?

Ako, bilang isang mag-aaral, at bilang isang mamamayang Pilipino, hindi ko


maikakailang ang pagiging mulat sa pag-unawa sa sariling kultura ay natulungan ako
sa hindi mabilang na paraan. Ang aking kaalaman sa kulturang aking kinabibilangan
ay binigyan ako ng sapat na karunungan sa aking paglalakbay sa bawat araw na
dumaraan. Ang karunungang ito ang bitbit ko magmula sa pagmulat ng aking mga
mata: itinuro sa akin ng kulturang Pilipino ang tunay na diwa ng pagpapasalamat sa
panibagong araw na ibinibigay sa atin na tila isang panibagong pagkakataon upang
mabuhay at ipagpatuloy ang ating nasimulan. Bitbit ko rin ang karunungang ito
pagdating sa pakikisama ko sa bawat taong nakapaligid sa akin: sa pamilya, sa
kaibigan, at sa kapwa. Ang kulturang Pilipino ang nagbigay ng sapat na kakayahan sa
akin upang mas kilalanin ang nakaraan at harapin ang tunay na mundo. Marahil ang
karunungang ito ang nagsilbing gabay sa patuloy na paghubog ng aking pagkatao
bilang isang mamamayang Pilipino.

3. Sa paanong paraan nagkakaapekto sa mga gawi o kilos ng mamayanang Pilipino ang


pagsunod sa Kulturang Pilipino?

Kagaya ng aking isinambit na halimbawa sa ikatlong katanungan, ang karunungang


itinuro sa akin ng pag-unawa sa kulturang Pilipino ay bitbit ko magmula sa pagmulat
ng aking mga mata at pagdating sa pakikisama ko sa bawat taong nakapaligid sa akin:
sa pamilya, sa kaibigan, at sa kapwa. Sapagkat sa araw araw, dala at bitbit ko ang bawat
katangian, paniniwala, at karunungang natutunan ko sa kinabibilangan kong kultura:
ang kulturang Pilipino. Naniniwala akong ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman
patungkol sa sarili nating kultura ay makaaapekto sa paraan kung paano tayo
makipag-kapwa tao at kung paano tayo maki-ayon sa mga taong ating
makasasalamuha. Kung tunay na ating sinusunod ang nakagawian ng ating kultura,
alam nating kung paano umakto ng tama at sa maayos na paraan sa harap ng kahit na
sino. Alam natin kung ano ang tama sa hindi, at alam kung ano ang dapat sa hindi dapat.
Kung ang bawat mamamayang Pilipino ay lubos na isinasabuhay ang bawat katangian
na turo at nagmula sa ating kultura, ako ay nakasisiguradong magkakaroon tayo ng
payapa at nagkakaisang lipunan.
B. Basahin ang nakapaloob sa video at sagutin ang sumusunod:

1. Ano- ano ang mga kulturang naging pamana ng nakaraan at patuloy na tinatamasa at
binibigyang buhay sa kasalukuyan? 5puntos

Sa bidyong aking napanood na ibinigkas ang likha ng isa sa magiting na manunulat,


batid ko ang labis na pagmamahal sa bayan. Ibinahagi ang bawat kulturang kung
ituring ay pamana ng nakaraan, regalo ng kasalukuyan, at buhay ng kinabukasan.
Mula sa paniniwala, kagawian, kagamitan, at sa lingid ng bawat nakasanayan na
marahil ay ipinamana pa sa atin noong tayo ay pinagharian at sinakop ng iba’t ibang
bansa na may sariling kulturang naging parte at isa sa mga bumuo ng kulturang
ngayon ay matatawag nating sariling atin, ang kulturang mayroon tayo ngayon ay
ipinagyabong ng oras at patuloy na pagyayamanin pagdating ng panahon. Ibinahagi
rito ang ilan sa hindi mabilang na parte ng kulturang Pilipino kagaya na lamang ng
kaugalian kung saan tayo nakilala, ang kagawian kagaya ng mga pista at prusisyon, at
ang mga kagamitan na patuloy na nagyayabong magmula noon hanggang sa
pagdating ng marami pang taon na magsisilbing simbolo ng kulturang sa atin ay
pagkakakilanlan.

2. Paano makatutulong ang mga kultura mula sa nakaraan at ginagamit sa kasalukuyan


para sa Kinabukasan? 5puntos

Ang ating kultura ay mahalaga para sa hinaharap at sa kinabukasan dahil ito ay


ipinasa sa atin at patuloy na ibibigay sa mga susunod na henerasyon. Kung walang
pag-aaral at pagpapahalaga sa ating kultura, wala tayong kinabukasan. Ang ating
kultura ay nakakaimpluwensya sa maraming aspeto ng ating buhay, kabilang ang
ating mga aksyon at mga nilikha. Gayon pa man. ang mga pamana na iniwan ng mga
sinaunang sibilisasyon ay mahalaga at natatangi, at mahalaga para sa atin bilang
kanilang mga tagapagmana na pahalagahan, pangalagaan, at tangkilikin ang mga ito.
Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagpapalawak ng ating pang-unawa sa
kanilang pamana, pagbabahagi ng ating kaalaman sa mga nakababatang henerasyon,
at paggamit ng modernong teknolohiya upang lumikha ng entertainment at mga
mapagkukunang pang-edukasyon tungkol sa kanilang mga kontribusyon. Ang
pagtatayo ng mga museo at iba pang istruktura ay makakatulong din sa mga tao na
mas maunawaan at pahalagahan ang mga sinaunang sibilisasyon.

You might also like