You are on page 1of 3

Gawain 1:

1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino?


- Malaki ang naging epekto ng pagsakop ng mga amerikano sa ating bansa.
Nakakalungkot isipin na ang edukasyon na sana ay nagtuturo sa atin kung ano talaga
tayo bilang isang Pilipino ay nabahiran at naging simula ng ating pagkakulong sa
ideya ng mga Amerikano magmula nang tayo ay kanilang sinakop. Tayo ay sinakop
ng mga Amerikano sa pamamagitan ng paghubog sa ating mga kaisipan at nilinlang
sa kanilang mga sariling pamamaraan. Nagkaroon din tayo, ang mga Pilipino, ng
isang pagkakamali at iyon ang pagtanggap dito ng buong buo. Nagkraoon tayo ng
tinatawag na “Colonial Mentality” o Isip Kolonyal na isang pag-uugali kung saan
ating tinatangkilik ang kultura ng ibang bansa. Nabahiran na ng mga ideyang may
pagka-amerikano ang ating kultura at ekonomiko. Dahil sa mga pamanang edukasyon
at kaalaman ng mga amerikano ay unti-unti na nating nakakalimutan kung ano at
paano nga ba gamitin ang ating sariling wika. Kung paano nga ba pahalagahan ang
wikang Filipino. Maraming Pilipino ang mas marunong pang magsalita ng wilkang
Ingles kaysa sa wikang dapat niyang sinasambit. Tayo ay tila ba naging mga anino ng
mga dayuhang puti dahil sa ating pagsunod at pagtangkilik sa kanilang mga kultura at
paraan ng pagsasalita. Nabanggit sa artikulo na marahil kaya tayo ay hindi umuunlad
dahil itinanim sa ating mga isipan ng edukasyong ipinamana sa atin na tayo ay isang
agrikulturang bansa at tila ba’y hanggang doon na lamang ang ating mararating. Dahil
dito at sa patuloy na pagtangkilik sa kanila ito ay naglilimita sa atin para tuluyan
nating maabot ang kaunlaran kung kaya’t hanggang ngayon ay baon pa rin tayo sa
kahirapan.

2. Magbigay ng tatlong (3) epekto ng nabanggit na sistemang pang-edukasyon mula sa


kasalukuyang panahon at ipaliwanag.
- “English Only Policy”
Sa kasalukuyang panahon maraming mga eskwelahan ang nagpapatupad ng tinatawag
na “English Only Policy” kung saan ang maaari lamang lumabas sa bibig mo ay mga
ingles na salita at ipinagbabawal ang pagsasalita ng tagalog. Karamihan sa mga
nagpapatupad ng ganitong patakran ay ilang mga prestihiyosong mga eskwelehan o
unibersidad. Maiintindihan sana kung sa iisang asiganutra lamang ito pinapatupad
gaya ng Ingles dahil dito umiikot ang pinagaaralan sa nasabing asignatura. Ngunit
ang pangkalahatan at palagiang pagpapatupad nito ay tila ba nagaalis sa ating
Karapatan bilang isang Pilipino. Ito ay pumipigil sa atin na mas payabungin pa ang
ating kaalaman at kakahayahan sa pagsasalita ng ating sariling wika at tila ba mas
pinapahalagahan pa ang wikang dayuhan. Ito rin ay nagiging dahilan ng pagiging
“conyo” ng ilan sa atin dahil nga sa nasanay sila simula ng bata pa sila na magsalita
ng ingles ay para bang sila ay hirap magsalita ng tagalog at dahil sa mga patakarang
ganito ay lalo pa silang sinasanay sa pagsasalita ng wikang ingles imbes na sila ay
turuan at mas paunlarin pa ang kanilang mga kakayahan sa pagsambit ng ating
sariling wika.
- Ang tangkang pagtanggal ng Filipino at Panitikan bilang Mandatory Subjects sa
Kolehiyo
Noong nakaraang taon, naging isang malaking issue ang pagtatangkang pagtanggal
ng Commission on Higher Education o CHED sa Filipino at Panitikan bilang mga
core subjects sa kolehiyo. Ngunit maraming mga grupo ang pumigil dito dahil nga sa
maaaring mga maging negatibong epekto nito sa mga mag-aaral sa sa mga susunod
pang henerasyon. Isa na rito ang pinakahuling resulta ng National Achievement Test
o NAT kung saan bagsak ang karamihan ng estudyante san sabing asignatura at kung
sakaling tatangalin pa ito ano nalang ang kanilang matututunan at maisasagot. Isipin
nalang na ngayong mayroon nga nitong mga asignatura na ito ay bumabagsak pa ang
mga estudyante paano nalang kung ito at tatanggaling pa bilang isang mandatory
subject, mas lalong wala nang naging kaalaman ang mga mag-aaral tungkol dito at
hindi na mapapaunlad ang kanilang kaalaman tungkol sa ating bansa, sa ating kutura
at ang wikang Filipino.
- Hindi pagtangkilik sa sariling atin
Isa sa mga naging epekto ng nabanggit na sistemang pang-edukasyon na hanggang
ngayon ay tinataglay nating mga Pilipino ay ang ating “Colonial Mentality” o Isip
Kolonyal na nangangahulugang pagtangkilik natin ss kultura at produkto ng ibang
bansa kaysa sa sariling atin. Hinubog at ipinakita sa atin ng pagsakop ng mga
Amerikano dito sa Pilipinas na sila ay mashigit sa atin kung kaya’t tayo ay kanilang
naging mga puppet o anino na patuloy na tumatangkilik sa kanilang mga nagawa
dahil nakatatak na sa ating isipan na basta sila ang gumawa ito ay maganda at
mahusay. Kung kaya’t ang nagiging resulta niyo ay ang pagkalugi ng ilang mga
negosyanteng Pilipino dahilsa hindi nating pagsuporta ng mga sariling atin o mga
gawang Pilipino at ang mas pag idolo sa mga gawnag dayuhan na nagiging dahilan ng
patuloy na pagbagsak ng ating ekonomiya.

3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyong edukasyon ng
mga Filipino?
- Ang mga maling ideya at pagtangkilik sa mga banyaga ay dapat na nating wakasan at
kumilos na hangga’t maaga pa at hangga’t may mga artikulo pa tulad ng artikulong
ito na may kakayahang magmulat sa ating mga isipan sa kung ano nga ba talaga ang
naging dulot sa atin ng pananakop ng mga dayuhan. Ang mga kabataan ang maaring
magpatuloy at gumawa ng solusyong ukol sa lisyong edukasyon ng mga Filipino
ngunit dapat ay ngayon palang baguhin na natin ang edukasyong pinamana sa atin ng
mga mananakop at bumuo ng sistema na nagmula mismo sa atin. Dapat na natin
alisin ang isang uri ng edukasyon na mayroong maling ideya ukol sa kung ano nga ba
ang talagang kailangan ng lipunan. Nararapat lamang na alamin nating kung ano ba
talaga ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino at mas payabungin at paunlarin pa
ang kulturang mayroon tayo at pag-aralan pa ang ating mga wika upang mas umunlad
ang ating edukasyon at bansa at hindi na tayo maging anino pa ng kung sino man.

You might also like