You are on page 1of 3

ANGEL JANE PANOLIN BABR-1-2

1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip


ng mga Filipino?

 Malaki ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-


iisip nating mga Filipino, gaya ng pagsasalita ng Ingles.
Kung ikaw ay hindi marunong magsalita ng wikang Ingles
ay maituturing ka ng isang mangmang, yan ang isa sa
pinakamalaking naging epekto ng edukasyong kolonyal na
gawa ng mga Amerikano.
Simula nung tayo’y kanilang sinakop unti-unting nawala ang
ating pagiging makabayan. Inaalis ng eduksyong ito ang
diwang ng nasyonalismo sa puso nating mga Filipino. Tayo
ay sinakop ng mga Amerikano sa pamamagitan ng
paghubog sa ating mga kaisipan at nilinlang sa kanilang mga
sariling pamamaraan. Ginamit nila ang mga paaralan upang
hubugin ang mga kabataan para sa pang pulitika at
ekonomiyang interes. Ibinigay natin ang ating kaluluwa lalo
na ang ating mga bayani kapalit ang kaunting kaalaman sa
Ingles .
Malaki talaga ang naging epekto ng edukasyong kolonyal
sa’ting mga Pilipino na magpa sa hanggang ngayon ay dala-
dala pa din na’tin isa na rin dito ang pagkakaroon ng
“Colonial Mentality “ na kung saan mas tinatangkilik natin
ang produkto o gawa ng mga banyaga kaysa tangkilikin ang
sariling atin kung kaya’t ito ang isa sa mga dahilan kung
bakit magpasa hanggang ngayon ay hindi umuunlad ang
Pilipinas.
2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sistemang
pang-edukasyon mula sa kasalukuyang panahon at
ipaliwanag.

 Isa sa mga halimbawang epekto ng nabanggit na sistemang


pang-edukasyon ay ang pag-angat ng wikang Ingles kaysa
sa Filipino. Kung matatandaan panatin binalak tanggalin ng
Commission on Higher Education o CHED ang Filipino at
Panitikan bilang Mandatory Subject sa Kolehiyo taong
2019. At dahil dito parang ipinapahiwatig nila na parang
walang saysay ang wikang Filipino para magdesisyon sila
ng ganon kadali. Nagiging sukatan rin ng katalinuhan ang
pagiging marunong magsalita ng Ingles sa panahon natin
ngayon. Kung ikaw ay hindi marunong gumamit nito isa ka
na sa mga itinuturi nilang mangmang. Ganyan ka lala ang
naging epekto ng edukasyong kolonyal sa ating mga
Filipino na magpa sa hanggang ngayon ay dala-dala pa rin
natin.

3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong


solusyon sa lisyang edukasyon ng mga Filipino?

 Ang aking maimumungkahing solusyon ay mas palawakin


pa ang sarili nating wika simulan natin sa mga kabataan
ngayong henerasyon. Ituro sa kanila ang kahalagahan ng
wikang Filipino dahil kung napapansin niyo sa panahon
natin ngayon na mas itinuturo ng mga magulang ang
wikang Ingles sa mga bata. At nagkakaroon pa ng English
Only Policy sa kanilang mga tahanan may mga paaralan
din na gumagawa nito na sana ay alisin na. Dahil kung
magpapatuloy pa ito ay baka kalaunan, tuluyan ng mawala
ang wikang ipinaglaban pa ng ating mga bayani. Wala
naman ibang magpapatuloy ng ating kasaysayan kundi ang
mga kabataan ika nga ni Dr. Jose Rizal “ Ang kabataan ang
pag-asa ng bayan”.
Wakasan na rin natin ang “Colonial Mentality” itigil na
natin ang pagtangkilik sa gawa ng mga banyaga unahin
natin ang sariling atin. Magagawa natin ito sa tulong ng
ating gobyerno na sana ay gumawa sila ng batas patungkol
dito sana palawakin natin ang sarili nating mga produkto
lalo na sa agrikultura. Upang mas lumawak at tumaas pa
ang ating ekonomiya kasabay nito ang pagtapos sa
kahirapan ng ating mga magsasaka kung ito ay
maisakatuparan.

You might also like