You are on page 1of 6

I.

Si Renato Constantino ay isang Pilipinong istoryador na kilala bilang bahagi ng


kaliwang tradisyon ng historiography ng Pilipinas. Bukod sa pagiging isang
istoryador, si Constantino ay nakikibahagi din sa dayuhang serbisyo, nagtatrabaho
para sa Philippine Mission sa United Nations at sa Kagawaran ng Kagawaran ng
Panlabas.
II. Ang edukasyon ay naglalayong matamo natin ang kalayaang pangkabuhayan at
pampulitika at nagsisilbing tagagising ng ating diwang tila natutulog na, kalakip
nito ang mga gintong kaalaman sa ating kultura, kasaysayan at pagkapilipino.
Hinuhubog rin ng edukasyon ang ating kognitibo at intelektuwal na pag iisip
sapagkat ito ay mahalagang sangkap upang tayo’y maging matalinong
mamamayan. Nararapat lamang na lumikha ng mga Pilipinong may sapat na pag
unawa sa suliraning kinakaharap ng ating bansa at magamit ang kaalaman upang
makasumpong ng lunas sa mga ito. Mga Pilipinong may tunay na malasakit at
kakayahang ipaglaban at magsakripisyo para sa inang bayang, Pilipinas.
Makabayang Pagkilos sa Edukasyon

Sa panahong tumitindi ang panawagan ng makabayang kahilingin ng iba’t ibang


sector ng lipunan. Bagamat dekada na ang nakakalipas mula ng maisulat ang
akdang ito ng isang pinakamahusay na historyador ng ating kasaysayan,
nananatili itong napapanahon sapagkat hindi maikakailang umiiral pa rin ito
hanggang ngayon. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at
ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Maraming iskolar at ekonomista ang
nagmungkahing gawing mabilis na kahilingan ng bansa, ang paglaya ng ating
ekonomya kaya’t nagkaroon ng pagpapahalaga sa ating kultura. Sa kabila ng lahat
ng mga pagkilos at gawain tila hindi pa rin nabibigyang pansin ang edukasyon.
Marami ang nagtangkang alamin ang estratihiyang sa pagtuturo subalit hindi ang
pinaka-ugat nito; ang makabayang edukasyon. Nararapat lamang na bigyang
pansin ang isang buong programang pang-edukasyon na maihahambing sa mga
programa para sa pagpapalaya ng pulitika at ekonomiya ng bansa sapagkat ang
edukasyon ay hindi lamang sandata sa pagpapanatili ng ating mayamang kultura
bagkus ay katibayan ng ating tunay na kalayaan sa ekonomiya at pulitika. Kasabay
ng pagunlad ng sistemang pang edukasyon ay ang pagunlad ng lipunan. Nagiging
abala ang mga lider edukador sa kung ano ang mahusay na sistema, paraan at
metodolohiya ng pagtuturo subalit hindi nito natugunan ang pundamental na
problema ng edukasyon ni maidikit lamang ang suliraning ito sa krisis ng
ekonomiya.

Ang Pagbihag sa Kaisipan


Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, hindi nasindak ang Pilipino sa kanilang malupit na
pamamalakad bagkus lalo pang sumiklab ang kanilang damdaming
nasyonalismo. Natutunan ng mga dayuhang ito na hindi sa marahas at sapilitang
pagsasakop sa bansa ang susi sa matagumpay na pagangkin nito dahil ang
pagbihag sa kaisipan ng mga Pilipino ang pagpatay sa diwang Pilipino. Kaya ang
edukasyon ang nagsilbing sandata sa mga digmaan para sa pagsakop ng mga
bansa. Unti unting inalis ang likas na mithiin ng mga Pilipino upang mabura ang
lahat ng palatandaan ng pagtutol. Ginamit ang edukasyon upang maakit ang mga
mamamayan sa mga bagong panginoon, kasabay nito ang pagpatay sa diwang
makabayan kung kaya’t lahat ng bahid ng pagtutol ay tuluyang nabura dahil sa
lasong sa atin ay itinanim. Bagama’t natuto tayong magbasa, magsulat, magbilan
nakalikha tayo ng mga bagong Pilipino-Amerikano. Hindi nabigo ang mga dayuhan
tuluyan na ngang naging daan ang edukasyon sa paglupig sa damdaming
nasyonalismo ng mga Pilipino. Itunuro ang wikang Ingles ng mga gurong
Amerikano bilang pangunahing wika at walang wika na gagamitin maliban dito.

Ang mga Layunin ng Edukasyong Pilipino


Lingid sa kaalaman ng mga Pilipino, ang layunin ng pagbibigay ng edukasyon ng
mga Amerikano ay para lamang sa kanilang sariling interes kaugany nito ang
pangkabuhayan, ng sa gayon ay pagkakitaan tayo sa pamamagitan ng pagbili ng
mga produktong Amerikano at pampulitika kasabay nito ang pagtayo ng mga
Amerikanong institusyong pampulitika sa Pilipinas.. Ito ay upang sanayin ang mga
Pilipinong maging mamamayan ng isang bansang sakop ng Estados Unidos.
Bagama’t hindi na bago sa Pilipinas ang libre at sapilitang pagpapaaral dahil
naisagawa na ito noong panahon ng mga Espanyol, mas malakas naman ang
naging epekto ng programa ng mga Amerikano dahil naging mas malawak ang
saklaw nito. Bukod sa matrikula, libre rin ang mga aklat, lapis at papel. Kaugnay
pa nito, nagpalabas din ang mga Amerikano ng kautusan na maaring ikulong ang
mga magulang na hindi pinapapasok ang kanilang mga anak sa paaralan. Dahil
sa patakarang ito, lumaki ang bahagdan ng mga mamamayan na natutong
bumasa at sumulat at ang wikang Ingles ay agad na naging pangunahing wika ng
edukasyon at pamamahayag. Naging daan din ang edukasyon sa pagsalin ng mga
kaalamang Kanluranin ukol sa pag-aalaga ng kalusugan at pagpapanatili ng
kalinisan upang makaiwas sa sakit. Ang kurikulum na ipinasok ng mga Amerikano
sa mga paaralang-bayan ay sipi sa kurikulum sa Estados Unidos. Ang naging
bunga nito’y higit na naunawaan ng mag-aaral na Pilipino ang mga salitang Ingles
at kulturang Ingles kaysa mga bagay na katutubong Pilipino. Maging ang mga aklat
na ginamit ay pawang galing sa Amerika. Dahil dito, ang lahat ng natutuhan ng ma
Pilipinong mag-aaral ay mga bagay na palasak sa Amerika ngunit di kilala sa
Pilipinas. Ito marahil ang pinagmulan ng “colonial mentality” ng mga Pilipino. Hindi
kailanman inamin ng mga Amerikano sa mga Pilipino ang kanilang mga motibo sa
pagtungo sa Pilipinas. Sa katunayan, sapul pa ng panahon ng mga Thomasites ay
inilalarawan na ng ating mga aklat-pangkasaysayan ang bansang Amerika bilang
isang mapagkawanggawang bansa na pumunta dito para lamang sagipin tayo sa
Espanya at bahaginan ng biyaya ng kalayaan at demokrasya.

Balakid sa Pag- iisip


Ang pag-aaral ng isa pang wika bukod sa katutubong wika ay sagabal sa pagtuturo
at sa pagkatuto ng isang indibidwal sapagkat maaari itong magdulot ng pagkalito.
Hindi naman ibig sabihin na hindi dapat pag-aralan ang dayuhang wika. Pero,
dapat itong ituro matapos mabihasa sa sariling wika. Bibilis pa ang pagkatuto ng
ibang wika. Sa panahon ngayon, mas binibigyang pansin ang wikang Ingles kaysa
sa Filipino hindi lamang bilang panturo kundi pati na rin sa mga aklat. Hindi pa rin
maaalis sa kaisipan ng mga Pilipino ang makadayuhang pag-iisip. Ito ay nagiging
hadlang sa paglago natin blang isang indibidwal sa maraming bagay. Ang wika ay
kasangkapan ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang kaisipan.
Sa pag-unlad naman ng kaisipan ay umuunlad ang wika. Kaya’t kung mali ang
proseso ng pagpasok ng impormasyon sa ating kaisipan, hindi tayo uunlad bagkus
lalo pupurol ang ating utak. Ang malungkot pa nito ay hindi tayo nagkakaroon ng
sapat na kaalaman sa taking kultura at pagkapilipino sa wikang banyaga; Ingles.
Nagiging dayuhan tayo sa sarili nating bayan.

Ang wikang banyaga bilang wikang panturo ay sagabal sa pagkatuto at sa pag-


iisip dahil dapat munang masanay ang mag-aaral sa bagong mga tunog, tono, at
mga bagong balangkas ng pangungusap. Nahihirapan siyang ipahayag ang
kanyang mga saloobin at ito’y bumabaog sa kanyang pag-iisip. Kaya, makikita
natin na marami sa ating mga kababayan ang hindi sanay mag-isip ng malalim.
Hindi natin ganap na nauunawaan ang mga aklat at peryodikong nakasulat sa
Ingles. Hirap na hirap tayong mag-usap sa wikang Ingles pero hindi rin tayo
makapag-usap nang mahusay sa sarili nating wika dahil ganap natin itong
napabayaan.

Bilang pagtatapos, ang layunin ng edukasyon ay hindi lamang upang matuto


tayong magbasa at magsulat bagkus upang mapa-unlad ang bansa at ang
nasasakupan nito, pati na rin ang kultura ang damdaming nasyonalismo.
III. Ang layunin ng may akda ay:
 Magbigay ng kaalaman sa kasaysayan ng pananakop ng mga kanluranin
 Magbigay ng kaalaman sa maling edukasyong ibinigay sa atin ng mga
Amerikano
 Buhayin ang diwang nasyonalismo kaugnay nito ang kultura at ang
bumubuo sa ating pagkapilipino
 Gisingin tayo mula sa kaisipang kolonyal
Kalakasan:
 Nailahad ang kahalagahan ng edukasyon at mga naging hadlang sa
pagpapaunlad nito.
 Nailahad ang mga karanasan ng mga Pilipino sa pananakop ng mga
kanluranin

Kahinaan:

Sa aking palagay, maayos na inilahad ng may akda ang konsepto ng


lisyang edukasyon mula sa kasaysayan na sumasalamin sa kasalukuyan.
Nagbigay din ng ilang solusyon na makakatulong sa pag-unlad ng bansa
sa pamamagitan ng edukasyon.
LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO
Renato Constantino

(Malayang salin ni Luis Maria Martinez)

Villanueva, Allyza

Bspsych 2-10s

You might also like