You are on page 1of 2

Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito.

Ang wika ay isang


paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Ang wika ng isang
bansa ay mahalaga katulad ng wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay simbolo ng kulturang
Pilipino ng kung sino, ano, at kung anong mayroon tayo.

Sa pamamagitan ng paggamit ng ating wika, makabuo tayo ng mabuting relasyon sa kapwa,


mapapaunlad ng mga tao ang kanilang mga sarili at ang bayan sa pamamagitan ng pag kakaisa
ng bawat isa patungo sa hinaharap. Isa sa mga aspeto na sumasagisag sa ating pagiging Pilipino
ay ang wikang ito. Huwag nating kalimutan ang ating pambansang wika saan man tayo
magpunta, lalo na ang wikang Filipino. Kailangan nating alagaan ito, igalang ito, at isaalang-
alang ito bilang isang kayamanan upang mas magiging maunlad pa ang paggamit nito lalong-lalo
na sa mga susunod na kabataan.

Masasabi ko na maraming kabataan ngayon na nakakalimutang gamitin nang maayos ang


wikang Filipino. Nakalimutan ko din bilang isang kabataan kung ano ang wastong paggamit ng
ating wika. Ang patuloy na pagpapaikli ng mga salita ay isang halimbawa nito, sapagkat tayong
mga kabataan ay sumasabay sa nauuso, dahil ang ating mga salita lamang ang naiintindihan
natin. Nais kong paalalahanan sa inyong mga netizen bilang isang kabataan na gamitin natin ito
nang tama o alinsunod sa wastong gramatika. Huwag natin lagyan ng kung ano mang arte kapag
ito ay sinasabi o sinusulat.

Ayon sa katagang sinabi ng ating pambansang bayani, “ang sinumang hindi marunong
MAGMAHAL sa sariling wika ay higit pa sa haypo o malansang isda”.

Dahil ang karamihan sa ating mga tao ay kinakain na ng mga sistema ng iba't ibang mga bansa o
di kaya ay kung ano anong nauusong mga termino. Ang nangyayari ay
napapabayaan ang ating sariling wika at higit na pinahahalagahan ang wikang banyaga. Hindi ko
sinasabi na hindi tayo matuto ng ibang wika, ngunit dapat din na magkaroon tayo ng
pagmamahal sa ating wikang Filipino. Ayos lamang na lumawak ang ating
kaalaman ukol sa ibat ibang salita bastat may pagmamahal parin tayo sa
mismong atin.
Kaya ang isa sa ating mga pagkakataong linangin at ipagmalaki ito ay ang "Buwan ng Wika" Ito
rin ay isang pagkakataon upang maiparating sa ating mga kababayan na ang ating pambansang
wika ay ang batayan ng ating pagkatao bilang isang tao at bilang isang pamayanan, hindi lamang
para sa komunikasyon.

Bilang pagtatapos, nais ko lamang iparating sa ating mga Pilipino na protektahan,


ipagtanggol ito, mahalin, at higit sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang ating wikang
Filipino. Maraming salamat!

You might also like