You are on page 1of 21

Filipino Bilang Wika ng

Komunikasyon sa Kolehiyo at mas


Mataas na Antas
YUNIT I
(IKALAWANG BAHAGI)
1. makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na
presentasyon ng impormasyon na nagpapakita ng mga gamit
ng Filipino bilang wika ng komunikasyon; at
2. mabigyang halaga ang Filipino bilang wika ng
komunikasyon sa pamamagitan ng pag gamit nito sa iba’t
ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyong.

LAYUNIN
Filipino Bilang Wika ng
Komunikasyon sa Kolehiyo at
mas Mataas na Antas
Minsang binalita GMA News ang diumano’y pagpurol ng
kakayahan ng mga kabataan sa wikang Filipino bunsod ng
mga umiiral na makabagong paaran ng komunikasyon.
Dala ng mga gadyet at mga pang madlang midya na ang
pangunahing midyum ay Ingles, maraming mga kabataan
ang hindi na batid ang gamit sa ilang mga salitang sariling
atin. Nakalulungkot mang isipin na ganito ang nangyayari
sa mga kabataan ay kailngang maikital sa kanilang isipan
ang patuloy na paggamit sa sariling wika sa gitna ng
modernong panahon.
Maaalaala na ang pagpapayabong ng Filipino ay hindi lamang
dala ng mga umpukan bagkos ito ay nagmula sa mas malalim na
pundasyon tulad ng nasasaad sa ikalawang talata ng Artikulo
XIV, Seksiyon 6 ng kasalukuyang saligang-batas na “Subject to
the provisions of law and as the Congress may deem
appropriate, the Government shall take steps to initiate and
sustain the use of Filipino as a medium of official
communication and as language of instruction in the
educational system.” Malinaw sa probisyong ito ang
responsibilidad ng gobyerno na itaguyod ang pagbuo ng mga
hakbnagin upang patuloy na magamit ang wika sa mas malalim
pamamaraan 8 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino sa
pamayanan man o paaralan.
Ang mga inisiyatibang nagpapalawak ng saklaw ng
gamit sa Filipino bilang wikang panturo at wika ng
komunikasyon ay inaasahang magmumula sa
pamahalaan ayon sa Saligang Batas. Kaya naman
ang mga nagdaang pagtatangka na alisin ang Filipino
at Panitikan ay tunay na nagsindi sa mga damdaming
makabansa ng mga Pilipino.
Hindi lamang dito limitado ang mga opisyal na
dokumento na sumusuporta sa paggamit ng Filipino
sa mas interaktibo at malalim na paraan. Ang dating
Pangulong Corazon C. Aquino ay nagbigay diin din sa
probisyong ito sa pamamagitan ng Executive Order
No. 335 na “Nag-aatas sa Lahat ng mga
Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti ng
Pamahalaan na Magsagawa ng mga Hakbang na
Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa
Opisyal na mga Transaksiyon, Komunikasyon, at
Korespondensiya.”
Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang
wikang gingamit sa paglinang at pagpapalaganap ng
isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan ng
bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong at
mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng
nakararami. Mula dito ay mababatid na ang ugat ng
sinasabing wika na likas sa ating mga Pilipino ay
Filipino. Kaya ito ay nararapat lamang gamitin sa ano
mang aspekto ng komunikasyon at pagkatuto.
Agosto 10, 2014 noong inilathala ni G. David Michael M. San
Juan ang kanyang artikulong 12 Reasons to Save the National
Language. Tamang tama ang pagkakagawa ng artikulong ito
dahil sa Buwan ng Wika kung kailan binibigayang pugay at
tuon ang wikang pambansa at isa ay sa panahong ito kainitan
ang pagpakikipaglaban sa pagbabalik ng asignaturang Filipino
at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo. Sa artikulong ito ay inisa
isa niya ang labindalawang dahilan kung bakit ang Filipino ay
kailangan gamiting wikang panturo at dapat mapabilang sa
kurikulum sa kolehiyo..
Ang unang dahilan na kaniyang binigay ay ang nasasaad sa
Artikulo XIV Seksyon 6 ng kontistusyon ng bansa. Aniya ay
nakaririmarin ang mga ahensya ng gobyerno na gumgamit ng
Ingles bilang opisyal na wika ng komunikasyon at gayundin ay
ang mga institusyong tila sumasalungat sa pagsusulong ng
Filipinisasyon. Sunod niyang binigyang diin ay ideya ng
epektibong gamit ng Filipino bilang wikang panturo kung ito ay
ituturo rin bilang isang sabjek o disiplina. Isa rin ay ang
globalisasyon at ASEAN integration, kung saan inaasahan ang
pagpapatibay ng sariling wika, panitikan, at kultura upang may
maibahagi tayo sa pandaigdigan at pangrehiyong na palitan sa
panlipunan at pangkalingang unawaan.
Ito ay isa ring paraan ng paglinang ng napag-aralan at
napagtalakayan sa hayskul tulad ng kung paano nililinang
ang ibang disiplina sa hayskul at kolehiyo. Bukod pa rito,
ang Filipino at Panitikan ay parehas sa College Readiness
Standard sa CHED’s Resolution No. 298-2011. Ang resulta
ng National Achievement Test sa Filipino ng sa hayskul ay
mababa pa rin sa itinalagang lebel ng masteri ng
Kagawaran ng Edukasyon at dahil dito ay lalong na
ngangailangan ng Filipino sa kolehiyo upang mapunang
ang kulang pang natutuhan ng mga mag-aaral sa hayskul.
Batid din ng lahat na hindi kaya senior hayskul masakop lahat ng
content at performance standards na kasalukuyan ng itinuturo sa
kolehiyo. Filipino ang wikang pambansa at sinasalita ng nasa 99%
ng populasyon. Ito ang kaluluwa ng bansa. Ito ay nagbubuklod sa
mga mamayan tulad kung paano tayo binubuklod ng mga awit,
tula, at iba pang panitikan na nakalimbag sa Filipino. Kaya naman
ang pagalis nito ay pagalis din sa ating sarili. Kaugnay naman ng
mga bansang nagpapatupad din ng K to 12 tulad ng Estados
Unidos, Malaysia, at Indonesia, ang kanilang wikang pambansa
at panitikan ay mandatori na core courses sa kolehiyo. Dinagdag
pa niya na maraming panukalas na isinumete sa CHED upang
gamitin sa Filipino sa multi/interdidiplinari na pamamaraan.
Ipinahayag din ni G. San Juan na matagal nang namamayagpag
ang Ingles sa kurikulum ng kolehiyo mula noon 1906
samantalang ang Filipino ay nito lamang 1996, at panahon na
upang maremedyohan ang nagdaang panahon ng
makasaysayang kaapihan. Higit sa lahat ang Filipino ay isang
pandaigdigang wika na itinuturo at pinagaaralan sa mahigit
walumpong institusyon at unibersidad sa ibang bansa. Ang
pag-aalis nito sa kurikulum ng sariling bansa kung saan ito ay
nag-ugat ay tiyak na makaaapekto sa negatibong paraan sa
katayuan ng Filipino bilang pandaigdigang wika.
Nakalathala sa akda ni G. Virgilio S. Almario (2014) na
napakarami pang dapat gawin upang ganap na magtagumpay
ang wikang Filipino. Aniya hindi sapat ang pagdedeklara ng
Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto bilang tugon sa
Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulong Fidel V. Ramos noong
Hulyo 5, 1997. Dagdag pa niyang na ang wikang Filipino ay
totoong mabubuhay at yayaman sa pamamagitan ng patuloy
na paggamit araw-araw ng mga mamayan. Bagaman kung
tutuusin, hindi sapat kahit ang panyayaring siyento posiyento
na ang mga mamayang Pilipino ay nakapagsasalita at
nakuunawa sa wikang Filipino.
Kasama rin sa akdang ito Pambansang Alagad ng Sining ang
pag-aasam na sa darating na panahon, sinumang nais mag-aral
pa ay maaaring magbasa sa isang aklatang tigib sa nga aklat sa
mga aklat at sangunian na nakalimbag sa Filipino. Ang lahat ng
balikbayan at bisita ay sinasalubong sa airport ng mga karatula
sa wikang Filipino ang banyagang nais magtagal sa Pilipinas.
May tatak at paliwanag sa Filipino ang mga ibinebentang de-
lata at nakapaketeng produkto. Idinadaos ang mga
kumperensiya sa wikang Filipino, at kung kailangan, may mga
tagasalin sa Ingles at ibang wikang global. Nagtutulong-tulong
ang mga eksperto at guro sa mga wikang katutubo sa Wikang
Pambansa.
Nagsasalita sa Filipino ang mga mambabatas kahit
hindi sila nkaharap sa telebisyon para maintindihan ng
bayan. At hindi nag-iisa ang Pangulong Benigno C.
Aquino III sa pagtatalumpati sa wikang Filipino. Tunay
nga na kapag nangyari ang mga bagay na ito ay
maikukunsidera na ang paggamit sa Filipino bilang
wika ng komunikasyon ay nasa mataas na antas na o
higit pa.
 Dr. Wilfrido V. Villacorta
-isa sa mga Komisyoner ng 1986 Constitutional
Commission, nang kaniyang ipinanukala ang mga
probisyong kalauna'y naging Artikulo XIV sa Saligang
Batas ukol sa edukasyon, wika at sining na “ang ating
Wikang Pambansa, walang kaduda-duda, ay isang
makabuluhang pangkulturang muhon para sa
pambansang pagkakakilanlan. Ngunit higit sa
karaniwang muhon, ang wikang pambansa ay
nagsisilbing pahatiran ng komunikasyon.
 Dr. Wilfrido V. Villacorta
-sa pagitan ng etno-lingwistikal na grupo at uri ay
magbibigay-daan sa pagkakaisa at pagkakaroon ng
kapangyarihan ng ating mamamayan”.

 San Juan (2014)


-ang wikang pambansa lamang ang
makapagtitiyak na ang sistemang pang-edukasyon
ng bansa ay nakaangkla sa pagpapaunlad ng buhay
ng mga Pilipino.
 Ang wikang Filipino'y sumusulong na rin bilang
aktuwal na wikang opisyal ng Pilipinas. Upang
lalong pasiglahin ang paggamit ng Filipino sa
mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at
korespondensya ng gobyerno, nilagdaan ni
dating Pangulong Corazon C. Aquino ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 noong
Agosto 25, 1998.
 Lalo ring pinagtibay ng
administrasyong Aquino ang
patakarang bilingguwalismo sa
edukasyon sa pamamagitan ng
Kautusang Pangkagawaran Blg.
53, serye ng 1987.
 Batas Republika Blg. 7104
-nagtatadhana ng paglikha ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF), ang pangunahing
ahensiya ng gobyerno na nangangalaga sa
patuloy na pagpapaunlad at pagtataguyod ng
paggamit ng wikang pambansa at ng iba pang
wika sa Pilipinas, kagaya ng hinalinhan nitong
Institute of the Nationa Language.

You might also like