You are on page 1of 36

PANIMULA

1.Kodiko ng Kurso: Filipino 1


2.Pamagat ng Kurso: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL)
3.Kredito ng Kurso: 3 Yunit
4.Bilang ng Oras: 3 oras/linggo, 54 oras
sa isang semester
KINAKAILANGAN SA KURSO AT PAGMAMARKA:

 Pakikilahok(Ulat, pangkatang gawain)


 Pagsusulit
 Terminong pagsusulit
 Portfolio ng mga gawain/sulatin
 Mga Proyekto
 Pakikiisa sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika
PARAAN NG PAGMAMARKA:
MAIKLI AT MAHABANG 30%
PAGSUSULIT
PANAHUNANG PAGSUSULIT 20%
PROYEKTO/GAWAING 20%
BAHAY/AKTIBITI
PAG-UULAT/PAGSAGOT SA 30%
KLASE
100%
GE FIL 1
KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA
FILIPINO (KomFil)
KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON
 Isang paraan sa paggamit ng wikang
Filipino sa pagsasalita sa kapwa niya tao
at pagsusulat gamit ang wikang Filipino.
Kabanata, Bilang at Paksa Linggo
I. Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang 1-3
Pambansa sa Mas Mataas na Edukasyon at
Lagpas pa
II. Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga 4-7
Pilipino
III. Mga Tiyak na Sitwasyong 8-11
Pangkomunikasyon
IV. Pagpoproseso ng Impormasyon para sa 12-14
Komunikasyon
V. Mga Napapanahong Isyung Lokal at Global 15-18
KABANATA 1:
ANG PAGTATAGUYOD NG
WIKANG PAMBANSA SA
MAS MATAAS NA ANTAS
NG EDUKASYON AT
LAGPAS PA
A. ANG PAKIKIPAGLABAN PARA SA WIKANG
FILIPINO SA KASALUKUYANG PANAHON: ANG
PAPEL NG ALYANSA NG MGA
TAGAPAGTANGGOL NG WIKANG FILIPINO
(TANGGOL WIKA) AT PAMBANSANG
SAMAHAN SA LINGGWISTIKA AT
LITERATURANG FILIPINO (PSLLF)
Nagsimulang ipaglaban ng mga
iskolar, guro, mag-aaral at mga
nagmamahal sa wikang Filipino sa
2013 pangunguna ng Alyansa ng mga
Tagapagtanggol ng Wikang
Filipino(Tanggol Wika) ang pananatili
ng Filipino bilang asignatura sa antas
kolehiyo.
KOMISYON SA LALONG MATAAS NA
EDUKASYON
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION(CHED)
 Naglabas ng bagong general education curriculum.
 Sa nasabing kurikulum, wala na ang Filipino bilang
bahagi ng GE subjects sa antas kolehiyo sa bisa ng
CHED Memorandum Order(CMO) Bilang 20, Serye
2013 na nilagdaan nang noon ay Punong
Komisyoner na si Kom. Patricia Licuanan.
CHED Memorandum
Order(CMO) Bilang 20, Serye
2013 – nilagdaan ni Kom.
Patricia Licuanan
 Ayon sa nasabing Komisyon, ang
pagbabagong ito ay bilang bahagi
ng pagpapaunlad ng edukasyong
Pilipino sa antas kolehiyo bunsod
ng implementasyon ng Batas K-12.
Mga asignaturang nananatiling itinuturo sa antas
kolehiyo batay sa nasabing kautusan. Sinimulang
ituro ang mga ito sa taong panuruan 2018-2019.
Pag-unawa sa Sarili/ Pagpapahalaga sa Sining/
Understanding the Self Art Appreciation

Mga Babasahin Hinggil sa


Siyensya, Teknolohiya at Lipunan/
Kasaysayan ng Pilipinas/
Science, Technology and Society
Readings in Philippine History
Ang Kasalukuyang Daigdig/ Malayuning Komunikasyon/
The Contemporary world Purposive Communication

Matematika sa Bagong Daigdig/


Mathematics in the Modern World
Etika/Ethics
IBA’T IBANG RESOLUSYON AT POSISYONG PAPEL
ANG INILABAS NG MGA ORGANISASYONG
PANGWIKA, PANGKULTURA, MAKABAYANG
PARTY LIST GROUP AT UNIBERSIDAD
 PSLLF(PAMBANSANG SAMAHAN SA LINGGWISTIKA AT
LITERATURANG FILIPINO) – naglabas ng kauna-unahang
dokumentong hindi nangiming ilantad ang maling desisyon ng
CHED.
 Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle-Maynila
 Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas(PUP)
 Unibersidad ng Pilipinas-Diliman(UP)
 Unibersidad ng Santo Tomas(UST)
 Far Eastern University
 San Beda College
 National Teachers College(NTC)
 Mindanao State University-Iligan Institute of Technology
 Technological University of the Philippines
 League of Filipino Students(LFS)
 Alliance of Concerned Teachers(ACT)
 KATAGA
 Anakbayan
 National Commission for Culture and the Arts(NCCA)
 Sa resolusyong inilabas ng PSLLF na
pinamagatang Pagtiyak sa Katayuang
Akademiko ng Filipino Bilang Asignatura sa
Antas Tersyarya na inakda ni Dr.Lakandupil
Garcia na nilagdaan noong Mayo 31, 2013 sa
St. Scholastica’s College-Maynila ay mariing
pinanindigan ng PSLLF ang dapat na
pananatili ng Filipino sa nasabing antas.
 Sa posisyong papel na ipinadala ng PSLLF sa
CHED, partikular na sa Tanggapan ni
Kom.Licuanan noong Hulyo 14, 2014,
nagbigay ang nasabing organisasyong
pangwika ng mahahalagang argumento kung
bakit dapat manatili ang Filipino bilang
asignatura sa kolehiyo.
UNA – nilinaw ng PSLLF na ang patakarang bilinggwal sa
edukasyon na ipinatupad sa pamamagitan ng Department
Order No.25, Series of 1974 ng Department of Education,
Culture, and Sports (DECS) ay ngayo’y operatibo at may bisa
mula Baitang 4 hanggang antas tersyarya.

Alinsunod sa nasabing kautusan, ang wikang pambansa ang


dapat maging wikang panturo sa Social Studies/Social
Sciences, Music, Arts, Physical Education, Home Economics,
Practical Arts at Character Education.
Ikalawa- pinaninindigan ng PSLLF na ang
pagpapalawak sa paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo sa kolehiyo ay alinsunod din sa
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng 1987 Konstitusyon.
Ikatlo – nilinaw ng PSLLF na mas dapat ituro ang
Filipino sa kolehiyo sapagkat sa panahon ng patuloy na
globalisasyon at ng Association of Southeast Asian
Nations(ASEAN) Integration, nararapat lamang na
pagtibayin ng mga Pilipino ang sariling wika at panitikan,
upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng global
at rehiyonal na integrasyong sosyo-kultural.
HUNYO 21, 2014

 Nabuo ang Tanggol Wika na ang pawang mga


miyembro ay mga guro sa iba’t ibang unibersidad
gaya ng: DLSU, UP-D, ADMU, UST, at PUP na
itinuturing na pinakamalakas at
pinakamaaasahang balwarte ng Tanggol Wika.
KABILANG SA MGA NAGING PANAWAGAN NG
TANGGOL WIKA ANG SUMUSUNOD:
1.Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa
bagong General Education Curriculum (GEC) sa
kolehiyo;
2.Rebisahin ang CHEd Memorandum Order 20, series of
2013;
3.Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t
ibang asignatura;at
4.Isulong ang makabayang edukasyon.
 Nagpapirma ng petisyon ang Tanggol Wika na
nilagdaan ng humigit-kumulang 700,000 na
mag-aaral, guro, iskolar at nagmamahal sa
wikang Filipino mula sa iba’t ibang unibersidad
at sektor ng lipunan.
 Nakatulong din nang husto ang mga
dokumentaryong inilabas ng Departamento ng
Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Unibersidad
ng Pilipinas-Diliman na pinamagatang Sulong
Wikang Filipino at Sulong Wikang Filipino:
Edukasyong Pilipino, Para Kanino? Upang
ipaunawa sa publiko ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng Filipino bilang hiwalay na
asignatura sa antas kolehiyo.
 Nagsampa ang Tanggol Wika ng kaso sa Kataas-
taasang Hukuman o Korte Suprema sa bansa
noong Abril 15, 2015 sa pangunguna ni Dr.
Bienvenido Lumbera at ng mahigit 100 mga
propesor at iskolar.
 Ang nasabing petisyong nakatala bilang G.R.
No. 217451 ay itinuturing na kauna-unahang
buong petisyong nakasulat sa Filipino.
 Ayon sa nasabing petisyon, nilabag ng CHEd ang:
1. Batas Republika 7104 (Commission on the Filipino
Language Act)
2. Batas Republika Bilang 232 (Education Act of
1982)
3. Batas Republika Bilang 7356 (An Act Creating
the National Commission for Culture and the Arts.
 Abril 21, 2015 – naglabas ang korte ng
Temporary Restraining Order. Kinatigan ng
nasabing hukuman ang mga argumentong
nakatala sa nasabing petisyon.
 Ito ay itinuring na isang tagumpay ng nasabing
Alyansa at ng mga kababayang nagmamahal sa
wika at kulturang Filipino.
 2018 – tatlong taon matapos ilabas at
maipatupad ang TRO laban sa CMO Bilang 20
Serye 2013 ay tinanggal na ito ng Korte
Suprema at tuluyan nang binasura ang
asignaturang Filipino at Panitikan sa antas
kolehiyo batay sa 94 na pahinang desisyon na
isinulat ni Associate Justice Benjamin Caguiao
bukod pa ang pagsasabing konstitusyonal ang
pagsasabatas ng Batas K-12.
 Sa Artikulong Supreme Court Declares K to 12
Program Constitutional ni Mike Navallo ay ganito ang
sinabi:
 It said changes in the general education curriculum
were implemented to ensure that there were no
duplications of subjects from elementary and high
school to college.
 It added that CMO No.20 only provided for minimum
standards and that professors could always add more
subjects as part of their academic freedom.
 Inihain nina ACT Teachers Partylist Rep.Antonio
Tinio at Rep. France Castro sa Kongreso ang
Panukalang Batas Bilang 8954 o Batas na
Nagtatakda ng Hindi Bababa sa Siyam(9) na
Yunit ng Asignaturang Filipino noong Enero 30,
2019.
 Alinsunod sa 1987 Konstitusyon ng Republika
ng Pilipinas, Artikulo XIV, Seksyon 6, “Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika
ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
 Marso 5, 2019 – pinagtibay na (denied with
finality) ng Korte Suprema ang desisyon
nitong tanggalin ang mga asignaturang
Panitikan at Filipino sa antas-kolehiyo.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like