You are on page 1of 62

Republic of the Philippines

DON HONORIO VENTURA TECHNOLOGICAL STATE UNIVERSITY


Bacolor, Pampanga
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


(KOMFIL)
MGA ARALIN:

Kabanata I: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS


MATAAS NG ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA

Panimula
Bakit inaalis/inalis ang FILIPINO sa NEW GENERAL EDUCATION
CURRICULUM(NGEC) ng bansa?
Mahaba at masalimuot ang pakikibaka para sa wika at bayan. Nitong mga
nakalipas na panahon, ang pakikibakang ito ay lalo pang umigting at umiigting (Bernales,
et al., 2019)
A. Ang Pakikipaglaban para sa Wikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon: Ang
Papel ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino ( Tanggol Wika) at
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)
PSLLF at Tanggol Wika- magkabalikat sa paggigiit na manatili ang Filipino bilang sabjek
at bilang wikang panturo sa antas tersyarya.
Taong 2013 – sa taong ito sinimulang ipaglaban ng mga iskolar, guro, mag-aaral at mga
nagmamahal sa wikang Filipino sa pangunguna ng Tanggol Wika ang pananatili ng
Filipino bilang asignatura sa antas kolehiyo.

1. Mga Kaganapan sa Pakikipaglaban ng Wikang Filipino


- CHED MEMO ORDER (CMO) Blg. 20, Serye 2013 – sa bisa nito wala na ang Filipino
bilang sabjek sa Kolehiyo
- Kom. Patricia Licuanan – ang lumagda sa CMO, na noo’y Punong Komisyoner ng
CHED

MGA ASIGNATURANG MANANATILING ITUTURO SA KOLEHIYO (2018-2019,


simula ng pagtuturo ng mga ito)
Pag-unawa sa Sarili /Understanding the Pagpapahalaga sa Sining / Art
Self Appreciation
Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Siyensiya, Teknolohiya at Lipunan /
Pilipinas / Readings in Philippine History Science, Technology and Society

1
Ang Kasalukuyang Daigdig / The Malayuning Komunikasyon / Purposive
Contemporary World Communication
Matematika sa Bagong Daigdig / Etika / Ethics
Mathematics in the Modern World

Mga Unibersidad at Institusyong Pangwika na Naglabas ng Resolusyon


PSLLF National Teacher’s College
Pamantasang De La Salle-Maynila Mindanao State University – Iligan
institute of Technology
Unibersidad ng Pilipinas - Manila KATAGA
Unibersidad ng Santo Tomas Technological University of the Philippines
FEU League of Filipino Students
SAN BEDA COLLEGE Alliance of Concerned Teachers
ANAKBAYAN National Commission for Culture and the
Arts

2. Mga Paninindigan ng PSLLF ng Pananatili ng Filipino sa Antas Kolehiyo


SAPAGKAT , sa kasalukuyang kalakaran sa antastersyarya ay may anim (6) FILIPINO
sa batayang edukasyon;
SAPAGKAT, sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang
intelektuwalisasyon ng FILIPINO sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat,
pagsasalin, pasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya;
SAPAGKAT, sa antas na ito ng karunungan, higit na dapat mapaghusay ang gamit at
pagtuturo ng / sa FILIPINO dahil na rin sa mga kumukuha ng mga kurso sa pagtuturo at
mga kaugnay na kurso;
SAPAGKAT, dahil sa pagpapaunlad ng K-12 Basic Education Curriculum, mawawala na
sa antas tersyarya ang FILIPINO at sa halip ay ibababa bilang bahagi ng mga baitang
11 at 12;
SAPAGKAT, ang panukalang PURPOSIVE COMMUNICATION na bahagi sa batayang
Edukasyon sa tersyarya ay hindi malinaw kung ituturo sa Ingles o Filipino;
SAPAGKAT, ang panukalang tatlumpu’t anim (36) na yunit ng batayang edukasyon mula
sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHEd) ay minimum lamang kung kaya’t
maaari pang dagdagan hanggang anim (6) pang yunit.

2
3. Mga Mahahalagang Argumento kung Bakit Dapat Manatili ang FILIPINO Bilang
Asignatura sa Kolehiyo (PSLLF)
UNA, nilinaw ng PSLLF na ang patakarang bilinggwal na ipinatupad sa pamamagitan ng
Department Order No. 25 Series of 1974 ng Department of Education,Culture andSports
(DECS) ay ngayo’y operatibo at may bisa mula baitang 4 hanggang antas tersyarya.
Alinsunod sa kautusan, kinakailangang gamiting wikang panturo ang
Filipino sa mga sumsusunod:
a. social studies/social sciences
b. music
c. arts
d. physical education
e. home economics
f. practical arts
g. character education

IKALAWA, nanindigan ang PSLLF na ang pagpapapalawak sa paggamit ng FILIPINO


bilang wikang panturosa kolehiyo ay alinsunod din sa Artikulo IV, Seksyon 3 ng 1987
Konstitusyon.
IKATLO, nilinaw ng PSLLF mas dapat ituro ang FILIPINO sa kolehiyo sapagkat sa
panahon ng patuloy globalisasyon at ng Association of Southeast Asian Nations
(ASEAN) Integration, nararapat lamang na patibayin ng mga Pilipino ang sariling wika at
panitikan, upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng global at rehiyonal na
integrasyong sosyo-kultural.

4. Ang Pagkakatatag ng TANGGOL WIKA


HUNYO 21, 2014 -Panahon nang itatag ang Tanggol Wika
DAHILAN;
- Ang kawalang-aksyon ng CHEd at upang patatagin ang boses ng mga nagtatanggol
sa wika na ang pawang miyembro ay mga guro mula sa iba’t ibang unibersidad gaya
ng mga sumusunod;
1. DLSU 3. UP-D 5. UST
2. ADMU 4. PUP

5. Mga Panawagan ng TANGGOL WIKA


a. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong General
Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo;
b. Rebisahin ng CHEd Memo Order 20, Series of 2013;

3
c. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura; at
d. Isulong ang makabayang edukasyon.

Abril 15, 2015 – sa pangunguna ni Dr. BIENVENIDO LUMBERA at ng mahigit


100 na mga propesor at iskolar - Isang malaking bigwas ang ginawang hakbang ng
Tanggol Wika na sinuportahan ng mga propesor, at iskolar mula sa iba’t ibang
unibersidad nang magsampa sila ng iba’t ibang kaso sa Kataas-taasang Hukuman o
Korte Suprema sa bansa.

Maliban pa sa mga kilos-protesta, nagpapirma rin ng petisyon ang Tanggol


Wikana nilagdaan ng humigit-kumulang 700,000 na mag-aaral, guro, iskolar at
nagmamahal sa wikang Filipino mula sa iba’t ibang unibersidad at sektor ng lipunan
Abril 21, 2015- naglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order.
Kinatigan ng nasabing hukuman ang mga argumentong nakatala sa nasabing petisyon.
2018 - tatlong taon matapos mailabas at maipatupad ang TRO laban sa CMO
Bilang 20, Serye 2013 ay tinanggal na ito ng Korte Suprema at tuluyan nang binura ang
asignaturang Filipino at Panitikan sa antas kolehiyo.

Sa artikulong Supreme Court Declares K to 12 Program Constitutional ni Mike


Navallo ay ganito ang nakasaad;
A key contention raised by petitioners was the exclusion of Filipino and
Panitikan subjects from the college curriculum.
The Supreme Court initially issued in April 2015 a temporary restraining
order to stop the implementation of CHED MEMO Order No. 20, the circular
which revised the general curriculum in colleges and universities.
But the top court lifted the TRO upon finding that the order is constitutional.
It said changes in the general education curriculum were implemented to
ensure that there were no duplications of subjects from elementary and high
school to college.
It added that CMO No. 20 only provided for minimum standards and that
professors could always add more subjects as part of their academic freedom.
Tanggol Wika – nanawagan sa bawat unibersidad sa Pilipinas na lumikha ng mga
asignatura sa Filipino – batay sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay-laya
pa rin sa mga unibersidad na magdagdag ng mga asignatura gaya ng Filipino habang
wala pa ang pinal na desisyon ng Korte Suprema tungkol sa motion for
reconsiderationna isinampa noong Nobyembre 2018.

4
Samantala, inihain nina ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at Rep France Castro
sa kongreso ang Panukalang Batas Bilang 8954 o Batas na Nagtatakda ng Hindi Bababa
sa Siyam (9) na yunit ng Asignaturang Filipino noong Enero 30, 2019.
Marso 5, 2019 ay pinagtibay na ( denied with finality) ng Korte Suprema ang desisyon
nitong tanggalin ang mga asignaturang Panitikan at Filipino sa antas kolehiyo. Batay sa
inilabas na desisyon ng nasabing korte ukol sa motion for reconsideration ay walang
substansyal na argumentong inihain ang Tanggol Wika at iba pang petisyuner upang
mapanatili ang mga nasabing asignatura.
Ayon sa nasabing Alyansa, mabuting palawakin pa ng nasabing korte ang pananaw nito
at isaalang-alang ang diwa ng Konstitusyon (Bernales, et al. 2019).

B. Kahalagahan ng Filipino Bilang Disiplina at Wika ng Edukasyon at


Komunikasyon sa Pilipinas
Panimula
Lubhang malayo na ang narating ng wikang pambansa, ang Filipino, mula nang
ito ay kilalanin bilang wikang Pambansa, wika ng komunikasyon at edukasyon ng
Pilipinas na nasasaad sa 1987 Konstitusyon o Saligang Batas ng bansa. Hindi rin lingid
sa lahat ang katotohanang maraming pinagdaanang suliranin ang Filipino bilang isang
wikang akademiko tulad ng patingin ng mababa sa kakayahan nito at sa
kakulangan/kawalan ng political will sa pagpapaunlad nito.
1. Mga Pag-aaral sa Kakayahan ng Filipino bilang Disiplina at Wika ng Edukasyon
UP-DILIMAN (1968-1969)
- Sinimulang gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo
- Nagsimula bilang eksperimento sa kolehiyo ng Sining at Agham (Departamento
ng Pilosopiya, Sosyolohiya, Kasaysayan)
- Napatunayan na higit na nakauunawa ang mga mag-aaral ng kanilang mga pinag-
aaralan, madali man o malalim na konsepto
- Napatunayan sa isinagawang eksperimento na higit na epektibo ang pagtuturo ng
Agham-Panlipunan gamit ang wikang Filipino sapagkat higit na nagkakaunawaan
ang mga mag-aaral at guro (Tiamson-Rubin, 1993: mula sa Bernales, et al., 2019)
Pamantasang De La Salle- Maynila
- Dr. Emerita S. Quito – pinangunahan nito ang pagsasa-Filipino ng pagtuturo ng
Pilosopiya bunsod na isang pangyayari noong magpunta siya sa Vienna taong
1962.

5
Ateneo De Manila
- Padre Roque Ferriols, S.J – siya ang nanguna sa pagtuturo ng Pilosopiya gamit
ang wikang Filipino sa naturang pamantasan.
- Nakapaglathala din siya ng mga babasahin sa Pilosopiya na nasusulat sa wikang
Filipino.
2. Ilang Mahahalagang Argumento Kung Bakit Dapat Manatili ang Filipino Bilang
Wika ng Edukasyon At Asignatura Sa Kolehiyo at sa Mas Mataas na Antas (San
Juan, 2018)
a. Ang FILIPINO ay DISIPLINA, ASIGNATURA, bukod na LARANGAN NG PAG-
AARAL at hindi simpleng WIKANG PANTURO lamang.
b. Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro ito at
linangin din ito bilang asignatura.
c. Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulum ang sriling wika bilang
asignatura, bukod pa sa pagiging wikang panturo nito.
d. Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino – at may potensyal itong maging
nangungunang wikang global – kaya lalong dapat itong pag-aralan sa Pilipinas.
e. Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21.
f. Hindi PINAUNLAD, hindi NAPAUNLAD at hindi MAPAPAUNLAD ng pagsandig
sa WIKANG DAYUHAN ang EKONOMIYA ng bansa.

Kabanata 2: MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

PANIMULA
ESENSYAL ang kakayahan sa mahusay na komunikasyon para sa lahat ng tao.
Mahalaga ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa. Mahalaga ito maging sa
mga ordinaryong mamamayan at higit itong mahalaga sa mga propesyunal sa pagganap
sa kanilang trabaho. Dahil sa halagang ito ng komunikasyon, kinakailangang maging
mahusay ang bawat isa sa lahat ng pagkakataong siya’y nasasangkot sa mga
komunikatibong sitwasyon (Bernales, et al., 2016).
A. BALIK-ARAL: KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
1. Kahulugan ng KOMUNIKASYON
Panimula
Komunikasyon – isang gawaing kinakaharap araw-araw ng bawat isa

6
-magmula sa pagsilang hanggang sa pananatili sa mundo, nagaganap ang
pakikipagkomunikasyon

ETIMOLOHIYA NG SALITA
Komunikasyon – communis (latin) o common (English) o karaniwan (Filipino)
Ayon sa aklat nina Bernales, et al (2016)., narito ang ilang pagpapakahulugan sa
komunikasyon batay sa mga sumusunod na eksperto:
Louis Allen (1958)
- Ang KOMUNIKASYON ay kabuuang ginagawa ng tao kung nais niyang lumikha ng
unawaan sa isip ng iba na kinasasangkutan ng patuloy na pakikipag-usap, pakikinig
at pag-unawa.
Keith Davis (1967)
- Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa at pag-unawa sa impormasyon
mula sa isang tao patungo sa kanyang kapwa.
Newman at Summer (1977)
- Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng impormasyon, ideya, opinyon, o maging
opinyon ng mga kalahok sa proseso.

Birvenu (1987)
- Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa ng nararamdaman, ugali,
kaalaman, paniniwala at ideya sa pagitan ng mga nabubuhay na nilalang.

Keyton (2011)
- Ang komunikasyon ay isang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kalahok sa
prosesong ito.

2. MGA DAHILAN NG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG TAO


(Adler, et al., 2010: mula kay Bernales, et al., 2019)
a. Pangangailangan upang makilala ang sarili
- komunikasyon – malaking tulong upang mahubog ang pagkatao
b. Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo
bukod pa daan ang komunikasyon upang ganap na makilala ang sarili
ng isang tao, nagsisilbi rin itong daluyan upang matagpuan nito ang mga bagay
na may kaugnayan sa kanyang buhay sa hinaharap.

7
c. Pangangailangang praktikal
- maaaring hindi magawa o maisakatuparan ang iba’t ibang bagay kung
walang komunikasyon gaya lamang ng simpleng paghahanap sa isang lugar na
hindi mo pa napundtahan at iba pa.

B. MGA TIPO, ELEMENTO, AT ANTAS NG KOMUNIKASYON


Panimula
Sa anumang pagkakataon na pag-aaralan ang komunikasyon, mahalagang banggitin
ang mga kaugnay na paksa dito gaya ng tipo, elemento at antas nito. Pahapyaw lamang
ang pagtalakay sa mga ito para sa layuning pagbabalik-aral at pag-uugnay sa mga
sumusunod na paksa.
1. Tipo ng Komunikasyon
a. Pormal at impormal na komunikasyon.

Ang pormalidad at impormalidad ng komunikasyon ay maaaring tayain


batay sa ekspektasyon sa magaganap na proseso at sa kung sino-sino at paano
maisasagawa ang prosesong ito.

Mga salik na dapat isaalang-alang;

1. Uri ng wikang gagamitin ( pormal- pino, matalino at ayon sa rehistro


ang wika ng mga partisipant)
-Direkta o di-maligoy na at seryosong tono na pagpapahayag. (pormal
at impormal)

2. Balangkas ng komunikasyon

Tumutukoy ang balangkas sa pagkakasunuod-sunod ng mga segment


ng komunikasyon.

Pormal – depinido o tiyak ang balangkas


Impormal – may laya

b. Berbal at ‘di-berbal na komunikasyon

Berbal – ginagamitan ng salita ( sa mga rally – mga nakasulat sa banner)

Di-berbal – di ginagamitan ng salita gaya ng senyas, ng pagtaas ng kamao,


pagkakapit-bisig at iba pa.

8
2. Elemento ng Komunikasyon

Mga sangkap o elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon;


a. Sender (Nagpapadala)
b. Mensahe
2 URI NG MENSAHE
1) mensaheng pangnilalaman
2) mensaheng relasyunal o di-berbal
c. Daluyan–

d. Reciever (Tagatanggap).
e. Sagabal
1) Semantikong sagabal
2) Pisyoslohikal na sagabal
3) Pisikal na sagabal
4) Teknolohikal na sagabal
5) Kulturang sagabal
6) Sikolohikal na sagabal .
f. Tugon -
g. Epekto –
h. Konteksto –

3. Antas ng Komunikasyon

a. Intrapersonal na komunikasyon
b. Interpersonal na komunikasyon
c. Pangkatang komunikasyon
d. Pampublikong komunikasyon
e. Pangmadlang komunikasyon

C. ANG KULTURA AT KOMUNIKASYON


KULTURA – tumutukoy sa sining, batas, moral, mga kaugalian at iba pang
masalimuot na kabuuang binubuo ng karunungan, mga paniniwala, sining, batas, moral
mga kaugalian at iba pang mga kakayahan at mga ugaling nakamit ng tao bilang
miyembro ng lipunan.

9
Dalawang Kategorya ng Kultura Batay sa Pagpapadala ng Mensahe ( Edward Hall,
1959)
1. Low-context culture – ginagamit ng direkta ang wika upang ihayag ang ideya,
nararamdaman, saloobin at opinyon ng isang indibidwal na kabilang sa ganitong kultura.
2. High-context-culture – ang pagpapakahulugan sa mga salita ay hindi lamang
nakabatay sa salitang ginagamit ng isang indibidwal. Bagkus, malaki rin ang papel ng
mga di-berbal na palatandaan (clues), pamantayan, kasaysayan ng relasyon, /ugnayan
at ng konteksto ng komunikasyon upang maiwasang masaktan ang damdamin ng kausap
at mapanatili ang relasyon sa kapwa. .
URI NG KULTURA AYON SA MGA IBANG SOSYOLOHISTA AT ANTROPOLOHISTA
1. Indibidwalistikong Kultura
-Amerika, Australia, Canada – maituturing na indibidwalistikong mga bansa
2. Kolektibong Kultura
- Latin Amerika, Asya, Gran Britanya – kolektibismo ang namamayani

Ayon kay Kendra Cherry (2018)


- Itinuturing na mahusay ang isang indibidwal na malakas, self-reliant, mapaggiit at
independent sa isang lipunang indibidwalistiko.
- Taliwas ito sa isang kulturang kolektibo na namamayani ang pagsasakripisyo,
pagiging matulungin at mapagbigay at pagkakaroon ng isip na mahalagang unahin
ang kapwa kaysa sarili.

D. KOMUNIKASYONG PILIPINO
Panimula
Kailan nga ba maituturing na oo ang Oo at hindi ang Hindi kapag ang Pilipino ang
nagsasabi nito?

Mga Salitang May Kaugnayan sa “Pahiwatig” Bilang Pangkagawiang Kultura ng


mga Pilipino
1.Pahaging – isang mensaheng sinasadyang sumala o magmintis, kumbaga
parang isang balang dumaan ng palihis sa tainga at umalingawngaw sa hangin.
2. Padaplis – isang mensaheng lihis dahil sadyang nilalayon lamang na makanti
o masanggi nang bahagya ang kinauukulan, gaya ng isang palaso na sumagi at nag-
iwan lamang ng kaunting galos.

10
3. Parinig – isang malawak na instrumentong berbal para sa pagpapabatid ng
niloloob ng nagsasalita na nakatuon hindi lamang sa kaharap kundi sa sino mang
nakikinig sa paligid.
4. Pasaring – tumutukoy ito sa mga berbal na ‘di tuwirang pahayag ng pula, puna,
paratang at iba pang mensaheng nakakasakit na sadyang iniuukol sa mga nakaririnig na
kunwari ay labas sa usapan.
5. Paramdam – isang mensaheng pinaabot ng tao o sinasabing gumagalang
espiritu, sa pamamagitan ng manipestasyon na nahihinuha sa pakiramdam
6.Papansin – tumutukoy ito sa mga mensaheng humihingi ng atensyon ,
kadalasang ginagawa kapag pakiramdam ng nagmemensahe ay kulang siya sa sapat
na pansin.
7.Paandaran – isang mekanismo ng pagpapahiwatig na karaniwang nakatuon at
umiikot sa isang paksa o tema na hindi mailahad nang tahasan at paulit-ulit na
binabanggit sa sandaling may pagkakataon.

E. ‘DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONG PILIPINO


Panimula
Bukod sa komunikasyong berbal, ang mga Pilipino ay may iba’t ibang paraan din
ng pagpapahayag ng damdamin gamit ang komunikasyong di-berbal tulad ng ibang lahi:
(ang pagbibigay-halimbawa dito ay ayon sa naoobserbahang gawi ng mga Pilipino)
1. kinesika (kinesics) 7. pictics
2. proksemika (proxemics) 8. olfactorics
3. paralinggwistika 9. colorics
4. chronemics 10. Iconics
5. haptics (sense of touch) 11. Oculesics
6. vocalics 12. objectics

Samantala, sa nakagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay naipapakita


gamit ang kilos o galaw ng katawan gaya ng mga sumusunod:
a.. Pagtatampo (tampo) – ito ay damdaming dala ng pagkabigo sa isang bagay
na inaasahan sa isang malapit na tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak,
kasintahan o kaibigan. .

11
b. Pagmumukmok (mukmok) – ito ay komunikasyong naipaparating sa
pamamagitan ng pagsaswalng-kibo. Ito ay bunga ng pagpagkasuya, at pagdaramdam.
Palatandaan nito ang pagsasantabi ng sarili sa sulok, o paglayo sa karamihan.
c. Pagmamaktol (maktol) – akto ng pagpapahayag na ang layunin ay ipakita ang
pagrereklamo, paghihimagsik o pagtutol sa paggawa ng isang bagay na labag sa
kalooban. Ito ay kakikitaan ng pag-ungol, pagbuka-buka ng labi o pagbulong na
kadalasang sinasadyang ipakita sa taong pinatatamaan ng mensahe.
d. Pagdadabog (dabog) - ito ay ‘di-berbal na komunikasyon na likas sa kulturang
Pilipino na ang pinakamalaking element ay paglikha ng ingay gaya ng pagpadyak ng
paa, pagbalibag ng pinto, pagbagsak ng mga bagay at iba pang ingay na intensyonal na
ginagawa ng taong nagdadabog.

F. GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO


1. TSISMISAN
- batay sa etimolohiya nito, galing sa salitang kastila na “chismes” na tumutukoy
sa kaswal na kumbersasyon tungkol sa buhay ng ibang tao na ang impormasyon
ay maaaring totoo o madalas ay hindi.
- Ayon kay Dr. Frank McAndrew (2008) ng Know College, nilinaw niya na ang
tsismis ay hindi palaging negatibo. Ito ay positibo rin. Katunayan, binanggit niyang
hindi talaga maiiwasan ang ganitong gawain sapagkat batay sa mga pag-aaral, ito
ay likas at normal na bahagi ng buhay ng tao.
2. UMPUKAN
- isang gawaing pangkomunikasyon na kinabibilangan ng dalawa o higit pang
kalahok kung saan ang bawat isa ay nagbabahaginan ng impormasyon.
- nagaganap sa umpukan ang kumustahan ng mga Pilipino ukol sa mga buhay-
buhay magmula sa usapin ng kani-kanilang pamilya, trabaho, kaibigan,
kalusugan, pangyayari sa barangay o bayan, usaping politika, hanggang sa
pagpaplano ng mga bagay-bagay.
Isa sa mga kilalang umpukan sa bansa ay ang SALAMYAAN sa Lungsod ng
Marikina
- Ayon sa pag-aaral ni Prop. Jayson Petras (2010), ipinaliwanag nito ang
kasaysayan ng salamyaan bilang bahagi ng kalinangang Marikenyo at
ipinaliwanag ang bisa nito bilang talastasang bayan.
- Ayon sa pag-aaral ni Petras (2010), ang salamyaan ay isang silungan kung saan
ang mga Marikenyo , partikular na ang mga matatanda ay magkakasamang
nagkukwentuhan, nagsasalo-salo at namamahinga.

12
3. TALAKAYAN
- tumutukoy sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga kalahok sa nasabing usapan na
binubuo ng tatlo o higit pang katao.
- kalimitang tinatalakay ang mgaproblema na layuning bigyan-solusyon o kaya ay
mga patakarang nais ipatupad.

Mga Halimbawa ng Pormal na Talakayan


a. PANEL DISCUSSION
- isang pormat na ginagamit sa isang pulong , o kumbersasyon.
- maaari itong birtwal o personal na talakayan tungkol sa isang paksang
pinagkasunduan
b. SIMPOSYUM -
- isang uri ng pormal na akademikong pagtitipon kung saan ang mga
kalahok ay pawang eksperto sa kani-kanilang larangan.
c. LECTURE-FORUM
- isang anyo ng forum na isinasagawa upang magbigay ng lecture sa isang
espisipikong paksa.
4. PAGBABAHAY-BAHAY
- Kalimitan itong ginagawa sa mga sitwasyong nangangailangan ng impormasyon
ang isang indibidwal o organisasyon ukol sa kalagayan o sitwasyon ng komunidad
gamit ang pagtatanong-tanong bilang metodo.
5. PULONG-BAYAN
- isinasagawa ng publiko at mga kinauukulan
- SA KULTURANG Pilipino, ang pulong-bayan ay isang pangkomunikasyong
Pilipino na isinasagawa kung may nais ipabatid ang mga kinauukulan tungkol sa
kasalukuyang kalagayan ng komunidad.
- ito ay isang pagtitipon ng isang grupo ng mga mamamayan sa itinakdang
oras at lunan upang pag-usapan nang masinsinan at pagdesisyonan kung
maaari ang mga isyu, problema, kabahalaan, programa at iba pang usaping
pangpamayan na madalas isinasagawa kapag may mga programang nais
isakatuparan o problemang nais lutasin (San Juan, et al., 2019)

13
6. MGA EKSPRESYONG LOKAL
Ayon sa paglalarawang ginawa nina San Juan, et al. (2018) - ang mga
ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa
bugso ng damdamin gaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot,
dismaya, tuwa o galak. May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o
pagpapalam sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas.
Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo
at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya.
Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa
pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi
ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang
taong hindi bihasa sa lenggwahe. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang
wika.
Mga halimbawa:
Susmaryosep! Ano ba ‘yan! Manigas ka!
Ina ko po! Bahala na. Hay naku!
a. Mga paliwanag sa mga ekspresyong lokal batay sa kontekstong
Pilipino (San Juan, et al., 2019)
“Susmaryosep!” – (pinaikling Hesus, Maria at Hosep)
Ang ekspresyong ito ay malimit na marinig sa mga nakatatanda (lola,
nanay, tiyahin) na kanilang nasasambit kapag sila ay nagulat o nag-aalala.

Sa kasaysayan, may kaugnayan ito saKatolisismong dala ng mga Espanyol


sa Pilipinas

Sa pamamagitan ng ekspresyong ito, malalaman na ang mga Pilipino ay


humihingi ng tulong sa Diyos (Hesus) gayundin sa Kanyang mga magulang
(Maria at Hosep)

“Bahala na ( mula sa Bathala na)


- Nagpapahiwatig ng katapangan sa panig ng nagsasalita
May pagka-negatibo ngunti mararamdaman ang positibong kung susuriin
ang lalim nito dahil hindi ito sasabihin ng isang Pilipino kung wala itong
paano o kahandaan
- Sa ekpresyong ito, mararamdaman din na ipinapaubaya sa Diyos kung
anuman ang magiging resulta ng pangyayari

14
- Nangangahulugan din ito ng pagtanggap sa limitasyon ng tao sa bawat
bagay at binubuksan ang ideyang sa buhay ang Diyos lang ang tunay
nakakaalam

b. Ilang ekspresyong lokal mula sa ibang wika sa Pilipinas (San Juan,


et al. ,2018)
Timog Katagalugan
“Ewan ko!” (Ginagamit kung walang masabing tiyak na sagot o umiiwas
magsabi ng salitang maaaring makapanakit)
“Tanga!” ( depende sa pagkakasabi na maaaring pag-uyam o pagbibiro)
Kabikulan
“Diyos mabalos!” (Diyos na ang bahalang magbabalik sa iyong kabutihang
loob)
“Inda ko saimo!” ( nagpapahayag ng pagkadismaya)
“Alla!” (pagkagulat, pagkamangha)
Bisaya
“Ay ambot!” ( ewan ko sa ‘yo)
“Samok ka!” (naguguluhan sa isang tao)
“Ay tsada!” ( pagkalugod sa isang bagay)
Batanes (pagbati ng mga Ivatan)
“Capian ka pa nu Dios!” ( pagpalain ka ng Diyos)
“ Dios mamajes!” (Diyos na ang magbabalik sa ‘yo)
“Dios maapu!” (katumbas ng D’yos ko!)

Ang mga ganitong ekspresyong lokal ng mga Pilipino ay hindi nawawala.


Katunayan, nagkakaroon din ng ebolusyon o pag-unlad ang mga ito bunga ng pagiging
dinamiko at malikhain ng wika. Ang mga ekpresyong Diyos ko day at Juice ko Lord na
mula sa D’yos ko po! ay ilan sa mga patunay nito.
Sa kasalukuyan, karaniwan na ring maririnig sa mga kabataan lalo na sa mga
milenyal ang mga ekpresyong gaya ng mga sumusunod: Charot; echos; charing; E di
wow!; Ikaw na!; na kung saan bawat isa ay may sariling kahulugan, paraan ng pagbigkas,
gamit at konteksto sa lipunan kung saan sila umiiral (San Juan, et al., 2019).

15
c. Mga Naiambag ng Ekspresyong Lokal (local expression) sa Pag-unlad
ng mga Pilipino sa Larangan ng Pakikipagkomunikasyon
1) Naging dinamiko ang wikang Filipino.
- ang pagbabago ng wika ay isa sa mga katangian ng wikang buhay. At sa
patuloy na pagdagdag ng mga salita o pagbibigay ng bagong kahulugan
nito, ay lalong lumalago ang wikang Filipino.
2) Pagyaman ng bokabularyo Filipino.
- ang mga nabubuong ekspresyon ay nakatutulong sa malawak na
pagpipilian ng mga tao sa salitang nais nilang magamit sa
pakikipagpahayagan.
3) Nagaganap ang modernisasyon ng wikang Filipino.
- sa kasalukuyan, patuloy ang pag-unlad ng wikang Filipino dahil may mga
bagong sibol na mga ekspresyon na nagmumula sa mga milenyal o
kabataang Pilipino.

16
Mga Sanggunian:
Almario, Virgilio S. (2014). Madalas itanong hinggil sa wikang pambansa. Manila:
Komisyon sa Wikang Filipino

Angeles, Feliciana A., Pablo, Milagros C., at Maranan, Marilou M. (2005). Sining ng
Pakikipagtalastasan:Pantersyarya. Manila: booklore Publishing Corp.

Aguilar, J.L., et. al (2017). Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino.Quezon City:


Rex Bookstore.

Austero, Cecilia S. et al. (2007). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Pasig City.


UNLAD Publishing House.

Batnag, Aurora A & Petras, Jayson D. (2009). Teksbuk sa pagsasalin. Quezon


City:C&E Publishing, Inc.

Bernales, Rolando A. et al. (2016). Komunikasyon sa makabagong panahon: Batayan


at sanayang-aklat sa Filipino I, Antas Tersyarya .Malabon:Mutya Publishing
House, Inc.

Bernales, R. A. Pascual, M.E.A, & Ravina, E.A. (2016). Komunikasyon sa makabagong


panahon: Filipino alinsunod sa K-12 kurikulum ng batayang edukasyon. Malabon:
Muya Publishing House, Inc.

Constantino, Pamela C., ed (2005). Filipino at pagpaplanong pangwika: Ikalawang


Sourcebook ng SANGFIL. Sanggunian sa Filipino, UP Sentro ng Wikang Filipino,
at National Commission for Culture and the Arts.

De Castro, I.& Taruc, Z. R (2010). Kritikal na pagbasa at akademikong pagsulat tungo


sa pananaliksik. Manila: UST Publishing House.

Maggay, M. B. (2002). Pahiwatig: Kagawiang pangkomunikasyon ng Filipino. Lungsod


ng Quezon:Ateneo De Manila University Press.

San Juan, D. M. et al. (2018).TALASTASAN. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa


Filipino. Valenzuela City:Mutya Publishing House, Inc.

San Juan, D. M.,et al. (2019). Sangandaan: Filipino sa iba’t ibang disiplina. Malabon:
Mutya Publishing House Inc.

Tauro, Janet C. Ipinagbubuntis ng wika ng telebisyon ang wikang Filipino.(Malay XVI


(2). Marso2002. https://Delvalle.bphc.org/mod/wiki/view.php?paeid=106

17
Mga Babasahin/Panoorin
MgaPosisyongPapelngIba’tIbangUnibersidadKaugnayngFilipinosaKolehiyo
PosisyongPapelngPambansangSamahansaLinggwistikaatLiteraturangFilipino(PSLLF)Kaugnayn
gFilipinosaKolehiyo
ResolusyonngNationalCommitteeonLanguageandTranslationKaugnayngFilipinosaKolehiyo
ResolusyonngNationalCommissionforCultureandtheArtsKaugnayngFilipinosaKolehiyo
“SaMadalingSalita:KasaysayanatPag-unladngWikangPambansa” ni R. Rodriguez
PetisyonsaKorteSupremangTanggolWika
“SpeakinEnglishZone” ni J. C. Malabanan
Introduksyon ng “Mulatorepatungongpalengke:neoliberaleducationinthePhilippines” nina B.
Lumbera, R. Guillermo, at A. Alamon,
“Filipino,angpambansangwikangdapatpangipaglaban”
ni A. Contreras
“12ReasonstoSaveTheNationalLanguage” at “DebunkingPHLanguageMyths” ni D.M. San Juan
“MadalasItanongsaWikangPambansa” ni V. Almario
“ISANGSARILINGWIKANGPAMBANSA:MGABABASAHINSAKASAYSAYANNGFILIPINO” antolohiya ng
KW F

“SulongWikangFilipino:EdukasyongPilipino,ParaKanino?” ni D. Neri

WEBSITE:
https://www.academia.edu/36977098/SILABUS_NG_BAGONG_ASIGNATURANG_FILIPINO_S
A_KOLEHIYO_Pamagat_ng_Kurso_Kontekstwalisadong_Komunikasyon_sa_Filipino_KONKO
MFIL
https://ched.gov.ph/wp-content/uploads/2017/09/Press-Statement-Statement-of-the-
Commission-on-Higher-Education-on-Filipino-and-the-revised-General-Education-Curriculum-
CMO-No.-20-s.-2013.pd
https://www.scribd.com/document/364588935/Training-Application-Form-Modified-GE
https://www.coursehero.com/file/p1csuoi1/Panghuli-sa-panahon-ng-patuloy-na-globalisasyon-
at-ng-napipintong-Association/
https://www.scribd.com/document/394952001/Constitutionality-of-K12
https://news.abs-cbn.com/news/multimedia/photo/11/26/18/erasing-filipino-in-college-education
https://news.abs-cbn.com/news/11/10/18/supreme-court-declares-k-12-program-constitutional
https://www.docsity.com/en/filipino-sa-ibat-ibang-larangan/4980207/
https://www.coursehero.com/file/49970035/Kakayahang-Komunikatibopptx
https://www.scribd.com/doc/294489931/KagamitangPampagtuturo
https://kwf.gov.ph/madalas-itanong-hinggil-sa-wikang-pambansa/

18
Kabanata III: PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

LUNSARAN
Isang linggo bago tatalakayin ang paksa, pangkatin ang mga mag-aaral.
Gumawa ng Video ukol sa kahalagahan ng kanilang kurso sa lipunan at bayan. Ang mga
impormasyon ay manggagaling sa bawat kasapi ng pangkat. Panonoorin sa klase at talakayin
ang mga naging tugon. Paano sumagot ang bawat kasapi? Saan galing ang impormasyon na
kanilang ibinahagi? Ano ang buod ng mga tugon ng mga mag-aaral? Pagkatapos ng mga
pagsusuri at pagbubuod na ibinigay ng mga mag-aaral, lalagumin ng guro ang mga
impormasyong ibinahagi.

PANIMULA
Bahagi ng ating araw-araw na pamumuhay ang makisalamuha sa kapwa at ito ay
nagaganap sa pamamagitan ng pakikipagkomunikasyon. Hindi tayo maaaring mabuhay na
mag-isa kailangan natin ang isa’t isa upang tayo ay umiral. Ang komunikasyon ay galling sa
salitang Latin na “communis” nangunguhulugang para sa lahat, berbal man o di-berbal.
Tayong mga Pilipino ay namumuhay sa lipunan na aktibo ang komunikasyon kaya’t tayo
ay kinikilala sa buong mundo sa katangiang ito. Maraming beses nang napatunayan na madali
tayong magkaroon ng kaibigan kahit minsan pa lamang tayong pumunta sa isang lugar at ito ay
natalakay na sa mga naunang kabanata.
Sa ating pakikipagkomunikasyon, napakahalagang makuha at maunawaan natin ang
mensaheng nais ipaabot ng ating kausap nang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Maraming tao ang hindi nagkakasundo dahil sa maling pagpoproseso ng impormasyon na
ibinahagi o tinanggap kaya’t mahalaga na malawak an gating kaalaman sa paglalahad at ang
tamang pag-unawa nang maiwasan ang pagtatalo.
Napakalaki ng maitutulong ng kabanatang ito sa ating paglinang sa kasanayang
makakuha ng angkop ng impormasyong maaari nating ibahagi at ang tamang paraan ng
pagpoproseso nito,

A. Ang Panaliksik at Komunikasyon


Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na
humahantong sa kaalaman. Di-lamang itinutumbas sa tesis, disertasyon, papel pantermino o
artikulo sa journal. Isang batayang gawain hindi lamang sa loob ng akademya at laboratoryo,
kundi pati sa labas nito, maging sa pang-araw-araw na pamumuhay (Salazar, 2016)
Pagsasaliksik - minimithi ang ”pagtatamo ng karunungan” na batay sa masusing “pagsusuri ng
ebidensya” at tungo sa “higit na matatag na direksyon sa pananaw at pamumuhay ng
tao”.(Almario, 2016a. p.2)
Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empiriko, at
kritikal na pag- imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan

19
ng mga natural na penomenon. Idinagdag nina Atienza (1996) at Lartec (2011), ang
pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag-
aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at
lipunan. Parehong kaisipan din ang ipinahayag ni Sauco (1998) na ang pananaliksik ay isang
pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at
wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga
pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at pagkatapos ay sinusulat at iniuulat.
Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa
nalalaman. Ipinahayag naman ni Sevilla (1998), na ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap
ng teorya. Bilang kongklusyon, ang pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong proseso
ng pangangalap, pagsusuri, pag- aayos, pag- oorganisa, at pagpapakahulugan ng mga datos
tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon, at pagpapatunay sa imbensyong
nagawa ng tao.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napagalaman na.
Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala
(teorya) o mga pamamaraan (sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng
mga napapansin o obserbasyon. Ang isang pananaliksik ay mag iba’t-ibang katangain, ito ay
ang pagiging:
Sistematiko
Empirical
Mapanuri
Obhetibo, lohikal at walang pagkiling orihinal na akda
Akyureyt na imbestigasyon
Matiyaga at hindi minamadali
Nangangailan ng tapang
Maingat napagtata at pag-uulat
Ito ay nagagamit sa pakikipag-komunikasyon at ito’y isang hakbang upang ang bawat tao ay
magkaintindihan at mapalawak pa ang kaalaman. Nakakatulong rin ito upang matukoy at
malaman ang pamamaraan ng pagbasa at pananaliksik sa komunikasyon.

B.Pagpili ng Batis o Hanguan ng Imposmasyon


PRIMARYANG BATIS Ang pangunahing pinagmumulan ay may direktang kaugnayan dito. Ito
rin ay naglalaman ng nang imporamasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag- usapan sa
kasaysayan. Nagpoprodyus sa panahon kung kailan nagaganap ang pangyayari o saglit
lamang pagkatapos nito. Halimbawa: Dyaryo, mga letrato, mga liham, mapa, likhang sining
(ginagawa sa panahon ng pagkaganap ng pangyayari).

20
SEKONDARYANG BATIS Nagpoprodyus sa matagal na panahon pagkatapos ng pangyayari.
Karaniwang gumagamit ng pangunahing batis bilang sanggunian. Ang ganitong uri ng
mapagkukunan ay isinulat para sa isang malawak na madla at isasama ang mga kahulugan ng
disiplina tiyak na mga tuntunin, kasaysayan na may kaugnayan sa paksa, makabuluhang mga
teorya at prinsipyo, at mga buod ng mga pangunahing pagaaral o mga kaganapan na may
kaugnayan sa paksa. Halimbawa: Dyaryo, mga libro, dyornal, pananaliksik at iba pa.

IBA’T IBANG PARAAN SA PAGHANGO NG BATIS NG IMPORMASYON


1.Pagtatala
-Ang ibig sabihin ng pagtatala ay ang pag-iisa-isa ng mahahalagang impormasyong kinalap o
kinuha sa iba’t ibang sanggunian katulad ng aklat, diyaryo, magasin at iba pa. Maaari din na
ang impormasyon ay kinalap sa pamamagitan ng panayam o pagtatanong sa mga taong may
sapat na kaalaman sa paksa.
2.Paggamit ng internet
-Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga
kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon
katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng
kable(wireless) na kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa
ng publiko.
3. Debrief
-Matapos ang pagkuha ng mga impormasyon ay maaaring umpisahan na ang pagkakaroon ng
diskusyon hinggil sa mga impormasyon na nakalap. Maaaring makatulong sa pag-uusap na ito
ang paggamit ng mg graphic organizer upang Makita ang mga impormasyon na magkakaugnay
at mga impormasyon na dapat nang hindi isama.
4.Mga Koneksiyon
-Magiging malinaw ang pananaliksik kung malalaman ang koneksiyon nito sa buhay. Sa
ganitong paraan ay maaaring makatulong ito upang mas maunawaan ang mga impormasyon at
aral na makukuha habang nagsasaliksik sa particular na paksa.

Hanguang Elektroniko o Internet


Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng
mga informasyon o datos. Sa isang pindot lamang ng daliri ay may mayamang inpormasyon ka
nang makukuha. Ang teknolohiyang ito ay bunga ng kumbinasyon ng serbisyong postal,
telepono, at silad-aklatan. Sa internet ay maaari ka ring magpadala ng liham-elektroniko o e-
mail sa alin mang panig ng mundo.

Samakatwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala ng impormasyon sa pamamagitan ng


koreo na aabutin ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-aklatan sa malalayong lugar o

21
kaya’y pangangalap ng mga datos gamit ang telepono. Kung ang internet ay maaaring
pagkunan ng impormasyon o datos, nangangahulugan lamang na malaking tulong ito sa
pananaliksik.

May ilan lamang katanungan sa kawastuhan ng paggamit nito, gaya lamang ng mga
sumusunod:
• Gaano kahalaga ang informasyong manggagaling sa internet?
• Ano-ano ang sukatan ng kahalagahan nito?

Narito ang mga ilang payo hinggil sa bagay na ito:

Anong uri ng website ang iyong tinitingnan?

a.Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula sa
institusyon ng edukasyon o akademiko.

Halimbawa: http://www.university_of_makati.edu

b. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sa


komersyo o bisnes.

Halimbawa: www.knightsofcolumbus.org
www.yahoo.com
a.Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalahaan.

Halimbawa: www.makaticity.gov
www.tourism.gov

Sino ang may akda?

- Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang impormasyon sa internet nang sa
gayo’y masuri kung ang impormasyon ay wasto at kumpleto. Kadalasan kasi ay kalakip ng

22
impormasyong isinulat ng may-akda ang kanilang mga kredensyal at kwalifikasyon. Kung
gayon, maaaring iverifay ang mga impormasyon hinggil sa kanilang pagkatao. Kung wala ito,
mahirap paniwalaan ang kanilang akda.

Ano ang layunin?

Alamin ang layunin ng may akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website. Nais bang
magbahagi ng informasyon o magbenta lamang ng produkto? Alalahaning napakaluwag ng
pagpasok ng mga informasyon sa internet. Samaktwid, maaari rin itong magamit sa
pagpapakalat ng maling propaganda at mga pansariling interes.

Paano inilahad ang impormasyon?


Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung may bias at
prejudice ang teksto.

Makatotohanan ba ang teksto?


Alamin kung ofisyal o dokyumented ang teksto. Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay
maayos o kung wasto ang baybay at gramatika. Subukan din kung ang website ay maaaring
ihalintulad o iugnay sa ibang website nang sa gayo’y maikumpara ito sa ibang nang matimbang
kung ang tekstong laman nito ay wasto o hindi.

Ang informasyon ba ay napapanahon?


Mainam kung ang informasyon ay napapanahon. Marapat na nakalagay ang petsa ng
pinakahuling revisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o hindi.
Gamitin ang mga payo o tips na nailahad sa pag-eevalweyt ng mga informasyon o datos.
Mahalaga ito upang maging akyureyt ang pagsulat ng pananaliksik

C.Pagbabasa at Pananaliksik ng Imposmasyon


Ang komunikasyon sa pagbasa at pananaliksik ay nakakatulong upang ito’y mas lalo pang
maintindihan. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga salita
(Anderson, 1998). Ayon naman kay Huffman (1998) ang pagbasa ay parang pagtatanong na
nakalimbag mula sa teksto at pagbabasa na may pangunawa na nagiging dahilan upang ang
mga tanong ay masagot. Samantala ang pananaliksik naman ay isang proseso sa pagkuha ng
mga impormasyon upang sa ganoon ay mas lalong maintindihan ang bawat bagay.

23
MGA LAYUNIN SA PAGBASA:
1) Nagbabasa upang maaliw.
2) Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito.
3) Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
4) Mapaglakbay ang diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating.
5) Mapag-aralan ang mga kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba sa
kulturang kinagisnan.

Mayroon ring mga hakbang sa pagbasa na dapat tandaan ayon kay William S. Gray na siyang
kilala bilang isang ama ng pagbasa. Ito ay ang Pagkilala, Pag-unawa, Reaksyon at
Assimilasyon at Integrasyon.

Pagbasa
Ang pagbasa ay mayroong apat (4) na teorya. Ito ay ang:
1) Bottom-up
Ang teoryang bottom-up ay isang tradisyunal na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist
na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran at sa paglinang ng komprehension sa pagbasa.
2) Top-down
Ang teoryang ito ay nabuo bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayang
maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa
tungo sa teksto.

3) Interaktib
Bunga ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito,
ang top-down ay maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan
pa lamang.
4) Iskema.
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa.
Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima.
Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang
ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.

24
Pagpapaunlad ng Pagbasa
Ito’y isang uri ng pagbasa na kung saan ang materyales ay preperado at naglalayong umunlad
ang kakayahan ng mambabasa. Ang talasalitaan at ang mga kaayusan ng pangungusap ay
kontrolado at sumusunod sa takdang criterion para sa pagkasunod-sunod.
Iskiming
Ang mambabasa ay kailangang hanapin o tukuyin kung ang aklat o ang materyales ay isinulat
ng isang dalubhasa na sa tiyak at dapat makita kung ito ba ay naglalaman ng impormasyon.
Overviewing
Ang mambabasa ay dapat tukuyin kung ano ang layunin at saklaw.
Survey
Ang mambabasa ay kailangan na kunin ang kabuuhan ng ideya ng materyales.
Iskaning
Ito ay isang pamamaraan na kung saan ang mambabasa ay kailangan hanapin ang mga
impormasyon na kanyang gusting malaman.
Previewing
Ito ay nagbibigay ng kabuuan na paglalarawan.
Kaswal
Ito ay isang uri ng pagbasa na kung saan ang mambabasa ay maingat na tinitingnan ang bawat
salita na ibinibigay.
Pagtatala
Ang mambabasa ay tinatala ang mga salitang sa tingin niya hindi niya
maintindihan o napakahirap na salita.
Re-reading o Muling Pagbasa
Ito ay isang paraan na kung saan ang mambabasa ay inuulit ang pagbasa upang sa ganoo’y ito
ay mas lalong maintindihan.

D.Pagsusuri ng Batis o Hanguan ng Imposmasyon

Para sa maraming tao, itinuturing natin ang kasalukuyang panahon bilang panahon ng
impormasyon o information age. Dahil sa mabilis na pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon
– mula sa mga pahayagan, magasin, libro, radyo, telebisyon, kompyuter at sa internet. Ngunit
paano tayo nakasisiguro na ang lahat ng impormasyong ating nakukuha ay kapaki-pakinabang,
wasto at mapagkakatiwalaan?

25
Ang pagkukumpara ay ang proseso ng pagsusuri ng dalawa o mas madaming tao, bagay o
ideya upang makita ang mga pagkakapareho at pagkakaiba nila. Subalit, madalas ginagamit
ang salitang pagkukumpara upang ipakita ang pagkakapareho samantalang ang pag-iiba para
ipakita ang pagkakaiba.
Ang katotohanan o fact ay isang klase ng impormasyon na walang kaduda-duda at maaring
mapatunayan na totoo. Ang mga ito ay bihirang nag-iiba sa magkakaibang pinanggagalingan ng
impormasyon.
Halimbawa:
“Mayaman sa protina ang karne” ito ay isang katotohanan na maaring mapatunayan. Maari
mong tanungin ang iyong nutritionist o kaya’y magbasa ng mga libro ukol sa nutrisyon.

Ang mga facts o katotohanan ay isang klase ng impormasyon na mahalaga sa iyo sa


pagpaplano, paggawa ng mga desisyon, at iba pang mahahalagang mga gawain. Paano mo
mapapatunayan na ang isang klase ng impormasyon ay isang fact at may katotohanan? Kung
hindi nagbabago ang mga impormasyon kahit magkakaiba ang pinanggalingan nito, siguradong
katotohanan ito. Halimbawa, maraming tao ang nagsasabi na malamig ang klima sa Baguio,
Tagaytay at Malaybalay kung ikukumpara sa ibang bahagi ng Pilipinas, kung kaya’t maaari
nating sabihing katotohanan ito. Ngunit hindi sapat ang mga pahayag na ito. Upang
mapatunayan mo na talagang malamig sa mga lugar na nabanggit, maari kang magtanong sa
mga eksperto kagaya ng PAGASA. Maari ka ring magpunta sa mga lugar na ito upang
malaman kung ito ay totoo o hindi.
Ang mga opinyon ay pahayag na base sa mga saloobin at pagpapalagay. Maaaring mag-iba
ang mga ito sa pinagmumulan ng impormasyon at hindi ito maaring mapatunayan.
Heto ang ilang mga halimbawa ng opinyon:
♦ Pumupunta lamang sa Pilipinas ang mga dayuhan para magnakaw ng ating
natural resources.
♦ Magnanakaw lahat ang mga politiko.
♦ Mas ligtas maglakbay sa bus kaysa sa barko.

Lahat ng ito ay opinyon dahil hindi naman sila napatunayan na totoo at hindi naniniwala ang
lahat ng tao na ito ay totoo. Dapat matuto kang kumilala ng katotohanan at opinyon dahil kung
hindi, madali kang malilinlang sa mga maling impormasyon.
Halimbawa:
Kung mayroon kang kaibigan na nagsabing hindi bagay sa iyo ang t-shirt o damit na suot mo,
maari mong isipin na ang sinabi niya ay isang katotohanan at hindi na isuot ang damit na iyon.
Ngunit dapat mong isipin na isang opinyon ang kanyang sinabi at hindi katotohanan. Maaring
may kaibigan kang nagsabi na bagay sa iyo ang damit na yon. Iba-iba ang opinyon ng mga tao
sa isang bagay. Hindi ibig sabihin nito na ang iba ay totoo at ang iba ay mali. Hindi

26
mapapatunayan na totoo ang mga opinyon, ngunit hindi ibig sabihin na ito ay mali. Kung
tutuusin, mas mahirap ngang makilala kung ang opinyon ay totoo. Maraming napapaaway na
mga tao dahil sa magkaibiang opinyon sa mga bagay-bagay. Upang maiwasan ito, dapat
subukan mong irespeto ang opinyon ng ibang tao, huwag isipin na tama ito o mali sa halip
tingnan ito bilang personal na pagkiling o paniniwala tungkol sa mga bagay at impormasyon.
Ang bayas o pagkiling ay isang inklinasyon o pagkagusto na pumipigil sa isang pinagmumulan
ng impormasyon na maging wasto.
Halimbawa:
Hindi ka dapat maniwala sa lahat ng sinasabi ng salesman tungkol sa produkto dahil mukha
naman talagang bayas siya dito. Kailangan niyang magsabi ng mga kanais-nais na bagay
tungkol sa produkto na ito upang ganahan kang bumili sa kanya. Minsan, ang isang
pinanggagalingan ng impormasyon ay talagang tutok sa pagprotekta ng isang opinyon na
nawawala na ang kanyang abilidad sa pagtingin ng katotohanan.
Ang taong iyon ay sinasabing may bayas. Maari itong mangyari sa isang tindero na nais
makabenta, sa isang politiko na nais manalo sa darating na eleksiyon, sa isang pahayagan na
nais magkaroon ng maraming mambabasa, isang magulang na nais lamang protektahan ang
kanyang mga anak, atbp.
Kahit sino ay maaaring maging bayas kapag mayroon itong motibo o layunin na nasasaisip.
Mahalaga na may kaalaman ka sa bayas o pagkiling sa isang impormasyon upang hindi ka
madaling malilinlang sa mga nakukuha mong balita. Ngunit madali bang matuklasan ang mga
pagkiling lalo na kapag wala ka masyadong alam sa pinanggalingan ng impormasyon? Ang
kahit anong impormasyon na walang sapat na katotohanan ay maaaring may bayas.

TATLONG YUGTO NG PANANALIKSIK SA SILID-AKLATAN

Yugto 1: Panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat, bibliografi, indeks at


hanguang elektroniko o internet.
Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at
artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.
Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer printouts, at iba
pang sanggunian.
Ang tatlong yugtong ito ay dapat sundin kung gusto ng isang mananaliksik na maging
sistematiko ang kanyang pananaliksik. Talakayin natin ang unang yugto – ang panimulang
paghahanap.

Maliban sa mga aklat na nasa loob ng silid-aklatan, makabubuting sumangguni rin sa mga
magazin, dyaryo, at iba pang babasahin.

27
Kaugnay ng paghahanap ng mga kard katalog, kailangang batid ng isang mananaliksik kung
anong uri ng kard katalog ang kanyang kailangan at hahanapin. Dahil nga sa kalawakan ng
koleksyon ng mga libro, sadyang inihanda ang isang tanging lugar sa aklatan na dapat na
unang lapitan ng mga mananaliksik . Sa ngayon, ang kard atalog ay hindi na lamang mga
kabinet na nakaayos ng alfabetikal kundi nakaprograma na rin ito sa mga kompyuter (kung ang
aklatan ay moderno na).
Tinukoy nina Bernales, et al. (2001) ang mga sumusunod na uri at gamit ng kard katalog sa
aklat nilang Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina.
1.Kard ng Paksa (Subject Card)
-ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lamang sa mananaliksik ay ang kanyang paksang
tatalakayin. Nangunguna sa entri ng kard na ito ang mismong paksa bago pa ang ibang
informasyon tulad ng awtor at pamagat ng libro.

2.Kard ng Awtor (Author Card)


-ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na awtoridad
sa kanyang paksa. Nangunguna sa entri ng kard na ito ang pangalan ng awtor bago pa ang
ibang entris.

3.Kard ng Pamagat (Title Card)


-ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o awtor na gusto nilang
saliksikin, kung kaya parang naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga librong familyar sa
kanila.

Sa ikalawang yugto, pagsusuri ng mga nakuhang impormasyon o datos ang dapat


isagawa. Gamitin ang mga kasanayang browsing, skimming, at scanning sa mga aklat at
artikulong posibleng magamit sa pagsulat ng pananaliksik. Alamin kung ito’y may kaugnayan sa
paksang tinalakay at makatutulong sa isinasagawang pananaliksik.

Sa bahaging ito, ang mga napiling informasyon o datos ay kailangang salain upang malaman
kung magagamit ito, gayundin ang dapat gawin sa mga sangguniang hindi makatutulong sa
pananaliksik. Gamitin ang mga sumusunod na gabay na tanong sa pagsusuri ng mga nakalap
na sanggunian.

1. Ano ang kaugnayan nito sa paksa?


- Isinasagawa ang pananaliksik upang tugunan ang isang paghahanap o pangangailangan.
Tiyaking ang mga informasyon sa mga sanggunian ay

28
tumatalakay sa paksa ng pananaliksik. Magagamit mo ba ang aklat ukol sa sayaw na pinamana
ng mga dayuhan halimbawa sa paksang katutubong sayaw?
2. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda at tagapaglathala?
- Hindi mo nanaising pagdudahan ang iyong gawa, hindi ba? Kung gayon makabubuti kung
ang sumulat ng mga sanggunian ay mapagkakatiwalaan o mga awtoridad sa paksa. Tingnan
kung may sapat na kaalaman at karanasan ang mga akda sa kanyang paksang sinusulat.
Pakaisipin mo: Gaano kahalaga ang informasyong makukuha ukol sa pag-awit mula sa akdang
isinulat ng isang mananayaw?
3. Makatotohanan ba ito?
- Ang pagiging makatotohanan ay hindi lamang nasusukat sa may-akda. Ang totoo noon
ay maaaring kasinungalingan na ngayon. Hangga’t maaari ay iwasan ang mga sangguniang
limang taong mahigit na sa tagal, maliban kung ang sanggunian ay isang hanguang primarya.
- Kaugnay nito, iwasang gumamit ng sanggunian mula sa tabloyd, digest at review. Bakit?
Sapagkat ang mga nakalathala rito ay malamang na hindi siyentifiko ang pagkakasulat o
lumaktaw sa masinop na pangangalap at pagtitiyak ng datos. Piliting gumamit ng mga
sangguniang magagamit bilang mabigat at malakas na evidensya.

E.Pagbubuod at Pag-uugnay ng Imposmasyon


Ang pagbubuod ng impormasyon ay isang paraan ng papapaikli ng anomang teksto o
babasahin. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at atutuhang impormasyong nakuha sa tekstong
binasa. Ito ay hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling akda. Wala kang
isasamang sarili mong opinyon o palagay tungkol sa paksa.
Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto. Kailangang panatilihin ang mga binanggit
nakatotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-akda (The Silent Learner, 2017).
Ito ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. Kung maikling kuwento ang
binubuod o nilalagom, kailanganang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat
padampot-dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi.
Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag. Kung ang teksto naman ay isang ekspositori,
maaaring ilahad ang mga dahilan at katuwirang ginamit upang maayos at mabisa ang
paglalahad (The Silent Learner, 2017).

Halimbawa: Buod ng Rama at Sita

Nakatira ang mag-asawang Rama at Sita kasama si Lakshamanan sa gubat noong ipinatapon
sila mula sa kaharian ng Ayodha. At kaya hindi maiwasan ang mga higanteng tulad ni
Surpnaka, ang kapatid ni Ravana na hari ng mga higante at demonyo, na nagpanggap bilang
babae at tinukso si Rama. Ngunit hindi siya nagtagumpay at nahagip pa ni Lakshamanan ang
kanyang tenga at ilong. Nagsinungaling si Surpnaka kay Ravana tungkol sa nangyari sa kanya

29
upang makapaghiganti kay Rama at ito ay sa pamamagitan ng pagbihag kay Sita ni Ravana
upang gawing asawa. Pinatawag niya si Maritsa, na may galing na mabago ang sarili sa kahit
anong anyo at hugis, upang maging parte ng patibong upang mabihag si Sita. Nagpanggap na
isang gintong usa si Maritsa at nasilaw naman sa patibong si Sita. Biglang tumakbo ang gintong
usa at hinabol naman ito Rama ngunit sina Sita at Lakshamanan ay naghintay lang dahil ang
bilin sa kanya ay bantayin si Sita. Nangamba si Sita ng tumagal ng hindi pa bumabalik si Rama
kaya pinilit niya si Lakshamanan na hanapin si Rama. Ngunit hindi siya pumayag kaya nagalit
pinaratangan ni Sita si Lakshamanan na sakim at gusto niya lang mamatay ang kanyang
kapatid upang siya ang maging hari. Nasaktan si Lakshamanan sa narinig niya kaya hinanap
niya si Rama at iniwan si Sita. Biglang lumabas si Ravana at nagpanggap bilang isang
matandang paring Brahmin ngunit hindi siya nakapagpigil kay Sita at inalok siya na limang
libong alipin at gagawing reyna ng Lanka kaya biglang natakot at tinulak niya si Ravana.
Bumalik sa anyong higante at isinakay si Sita karwahe na may mga kabayong malalapad ang
pakpak. Nasundan naman sila ng isang agila ngunit pinagtataga lang ito ni Ravana. Bumagsak
ang duguang agila sa lupa at nakita nila ito kung saan sinabi ng agila ang nangyari. Humingi ng
tulong si Rama sa hari ng mga unggoy at naghanda upang salakayin ang Lanka. Nagkaroon ng
labanan kung saan maraming kawal na unggoy ang namatay ngunit mas maraming higante ang
bumagsak na pugot ang ulo. Matagal na naglaban naman sina Rama at Ravana hanggang sa
mapatay ni Rama ang hari ng mga higante. Umiiyak na tumakbo si Sita at niyakap ng mahigpit
si Rama at muli silang nagsama ng maligaya.

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBUBUOD

Ayon naman kay Javier (2017), may iba't-ibang paraan ng pagbubuod upang magugnay ng
impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. Ito ay ang Hawig at Lagom o Sinopsis.
Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang
Griyego na “parapahrasis”, na ibig sabihi'y "dagdag o ibang paraan ng
pagpapahayag."
Ang Lagom o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng mga pangunahing punto,
kadalasan ng piksyon. Karaniwang di lalampas ito sa dalawang pahina.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BUOD


Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at
pinakamahalagang kaisipan ng talata.
Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.

30
Gumamit ng sariling pananalita.
Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.
KATANGIAN NG PAGBUBUOD
Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto na kaugnay sa paksa.
Hindi inuulit ang mga salita ng may akda at gumagamit tayo ng sarili
nating mga salita.
Ito ay pinaikling teksto.

Ang pag-uugnay ng impormasyon naman ay ginagawa upang mas maintindihan ang tekstong
nais ipahayag. Dito maaari tayong maglagay ng sarili nating opinyon. Maari tayong magsadula
dito para mas malawakang maintindihan ang impormasyon na ikinakalap.
Ang pag-uugnay ng iba’t-ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-
uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang pang-ugnay
naito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig.
1) Pang-angkop - ito ay ang katagang nag- uugnay sa panuring at
salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang
pinaggagamitan.
Halimbawa: mapagmahal na harimabuting kapatid
2) Pang-ukol - ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa
iba pang salita sa pangungusap.
Halimbawa: sa ayonsa/kay Ng hinggil sa/kay Kay/kina ukol sa/kay Alinsunod sa/kay para sa/kay
Laban sa/kay tungkol sa/kay
3) Pangatnig sa mga kataga/salita na nag- uugnay ng dalawang salita,
parirala, o sugnay.
4) Pagbibigay sanhi/bunga
Halimbawa: Pumasa siya sa naganap na pagsusulit sa LET dahil sa
kanyang pagpupursiging mag-aral.
5) Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pagkontra o
pagtutol.
Halimbawa: ngunit, subalit, sapagkat.
F.Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon

31
Nilalayon ng pagsulat na makapaglahad ng impormasyon, magbahagi ng katotohanan at
kaalaman na mula o hango sa isang tiyak na sangguanian. Kahit sino ay maaaring magsulat
ngunit kailangan munang alamin kung ano-ano ang mga dapat malaman bago makapagsulat ng
isang akda.

Pamantayan sa pagsusuri sa halaga o kaugnayan ng mga ideya sa Babasahing Teksto


1.Lohikal bang nakaayos ang mga ideya?
2.May kailangang idagdag o alisin sa mga impormasyon o sapat na ang mga ito?
3.Nakapupukaw ban g atensiyon ng mambabasa?
4.May mga detalye bang walang kaugnayan?
5.Malinaw bang naiintindihan ang mga ideya?
6.Mapagtitibay ban g mga detalyeng inilahad ang paglalahat o generalization?
7.Kapaki-pakinabang ba ang mga ideya sa mga mambabasa?
8.Ano ang kahinaan ng mga puntong inilahad at paano mo ito mapagtitibay?
9.Katanggap-tanggap ba ang mga salitang ginamit?
10.Sapat nab a ang mga impormasyon o detalyeng isinulat?
11.May mga nagsasalungatan bang mga ideya?

Pagbibigay-Interpretasyon Sa Mapa, Tsart, Grap At Talahanayan


Ang isang mahusay na mambabasa kailangang nakapagbibigay ng wastong interpretasyon ng
mga mapa, tsart, graph at talahanayan. Paano ito magagawa? Narito ang ilang mga mungkahi.

1.Pansinin ang mga leyenda. Malaki ang maitutulong ng mga ito sa pagbibigay ng waston
interpretasyon.
2.Pansinin din ang iskeyl na ginagamit. Sa pamamagitan nito, malalaman mo kung ano ang
tumbasang ginagamit para sa isang particular na sukat.
3.Pag-aralang mabuti ang bawat bahagi bawat bahagi ay madalas na kinapapalooban ng mga
datos na kaiba o kaya’y kaugnay sa iba. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa bawat bahagi,
makilala ang kaibahan o ugnayan ng mga bahagi nito.

A. Tsart – Ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng


hanay batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon.

32
B.Mapa – ang mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay nagtuturo
sa mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay direksyon.

C.Piktograp – Larawan ang ginagamit upang kumatawan sa mga datos, impormasyon o


produkto. Mahalaga na maging magkakasinlaki ang mga larawan. Ang kalahati o hinating
larawan, kalahati rin ang bilang nito (50%), ang mga datos na 55-90% ay pinakakahulugang
buong larawan.
D.Guhit na Grap o Layn Grap – Binubuo ng iba’t-ibang anyo ng linya. Ito ay ginagamit sa
pagsukat ng pagbabago o pag-unlad. Ang patayo at ibabang linya ay may kaukulang
pagtutumbas. Gamit ang linya at tuldok tinutukoy ang interbal, bilis, bagal o tagal ng mga bagay
(salik) na nakatala sa bawat gilid.
E.Bar Grap – Nagpapakita ng paghahambing ng mga datos gamit ang bar sa halip na tuldok at
linya upang tukuyin ang kantidad. Parisukat ang anyo ng grap, maaring patayo o pahiga ang
mga datos na sinisimbolo ng bar.
F.Bilog na Graph o Pie Graph – Itoý sumusukat at naghahambing ng mga datos o impormasyon
sa pamamagitan ng paghahati-hati nito.
Pangkabanatang Gawain
Pumili ng isa sa mga paksa sa ibaba. Magsaliksik ng tatlong babasahin ukol sa napiling paksa.
Gawing gabay sa paghahanap ang Pamantayan sa pagsusuri sa halaga o kaugnayan ng mga
ideya sa Babasahing Teksto.
1.Kahalagahan ng Aking Kurso sa Lipunan
2.Bakit Nakamamatay ang Novel Corona Virus Disease?
3.Kilalanin ang Lalawigan ng Pampanga

Gamitin ang format sa ibaba sa paglalahad ng mga nakalap na mga babasahin.


A.Nilalaman ng Teksto
B.May-akda
C.Pamagat ng Sanggunian
D.Taon ng Pagkakalimbag
E.Palimbagan at Pook ng Palimbagan

33
MGA SANGGUNIAN
Aguilar, Jennifor L. 2017. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Manila: Jenher
Publishing House.
Atienza, Monico m. at Constantino, Ernesto A. 1996. Mga Piling Diskurso ng Wika at Lipunan.
Diliman, Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.
Cemena, Joseph E. 2019. Mga Gawing Komunikasyon ng mga Pilipino Lecture Series.
De Guzman, Jayson P. 2011. Salamyaan Lecture Series. Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
Dela Cruz, Rodolfo S. 2020. Taga Marikina ka. River City Gazette, Vol. 11, No.1, Marikina City.
Florendo, Imao C. 2002. Salamyaan sa Ilog. Walang Tagapaglathala. Marikina City.
Maggay, Melba P. 2002. Pahiwatig, Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino. Lungsod
Quezon: Ateneo de Manila University Press.
Pertierra, Raul. 2010. The New Media, Society and Politics in the Philippines. Fres Media Asia:
Berlin Press, Germany.
Salazar, Zeus A. 1996. Pantayong Pananaw sa Wika at Kulturang Pilipino Lecture Series.
https://www.youtube.com/watch?u=WSsEaBA06-0

34
Kabanata IV: MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL

Mungkahing Gawain: Repleksyong Papel


Panuto: Manood o magbasa ng mga balita patungkol sa mga napapanahong isyu
at gawan ito ng repleksyong papel. Nakapaloob sa gagawin ang mga suhestiyon
kung paano masusulosyunan ang mga isyung kinahaharap ng bansa sa
kasalukuyan.
Aralin 1: Pangkalahatang Tanaw sa mga Isyung ng Bayan :Pagkilala sa Isyu
I. Positibong naidulot ng k-12
 linangin “ang malalim na pag-unawa ng mga mag-aaral…” sa mga:
a. Isyu
b. Hamong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pampulitika, karapatang pantao,
pang-edukasyon, at pananagutang pansibiko.

Sa ganitong diwa:
 ang yunit na ito ang masaklaw na balik aral sa mga suliraning lokal at nasyonal ng
mga mamamayang Pilipino (noon at sa kasalukuyan).
Sa simpleng salita:
 layunin ng araling ito na palawakin pa ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga
suliraning lokal at nasyonal upang maging makabuluhan at malaman ang kanilang
pakikipagtalastasan sa wikang sarili, sa iba’t ibang konteksto at paraan.
Sa pangkalahatan:
 ang malalim na pag-unawa sa mga sanhi at bunga, at mga puno’t dulo ng mga
suliraning lokal at nasyonal na magbibigay ng “laman” sa mga tatalakayin sa iba’t ibang
paraan ng pakikipagtalastasan.

Kailan nga ba nagiging isyung panlipunan ang isang isyu?


• Isang pampublikong usapin ang isyung panlipunan.
• Nakaaapekto ito hindi lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi mismo
ng nasabing lipunan.

• Karaniwan, ang mga isyung panlipunan ay sumasalamin sa mga suliraning kinakaharap


ng lipunan.

35
• Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pag-unawa sa mga
istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan.

• Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang panlipunan at kultura
sa pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan.
• Walang maituturing na iisang depenisyon ang suliraning panlipunan, subalit lubusang
mauunawaan ito gamit ang Sociological Imagination.

Ayon kay C. Wright Mills (1959) ang Sociological Imagination ay isang


kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang
lipunang kanyang ginagalawan kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito, masusuri natin
ang koneksiyon at interaksiyon ng mga isyung personal at isyung panlipunan.
Gamit ang kasanayan sa Sociological Imagination, bilang bahagi ng lipunang
iyong ginagalawan, mahalagang maunawaan mo na ang mga personal na isyung
nararanasan mo ay may kaugnayan sa isyu at hamong panlipunan. Hindi rin maikakaila
na mayroon kang mahalagang papel na gagampanan sa pagtugon sa mga isyu at
hamong kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan

Halimbawa:
1. Ang problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa usaping Pantrapiko lalo na sa
Kamaynilaan at mga karatig lugar.
- Sa simula, maaaring isisi sa tao ang pagiging huli niya sa pagpasok sa paaralan, subalit
kung susuriin ang isyung ito, masasabing ang palagiang pagpasok ng huli ay bunga ng
malawakang suliraning pantrapiko.
Kung gagamitin ang Sociological Imagination, maiuugnay ng hindi lamang
personal na isyu ang dapat harapin kundi isang isyung panlipunan na
nakaaapekto sa isang indibidwal.

DAPAT TANDAAN:

• Pampublikong bagay

• Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan

• Ito ay nakaaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan

• Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung


panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay.

36
Ano ba ang kaibahan ng Isyung Personal at Isyung Panlipunan?
• Isyung personal - sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa
kanya - ang solusyon ng isang isyung personal ay nasa kamay ng indibidwal - maituturing
ito na pribadong bagay na dapat solusyunan sa pribadong paraan.

Halimbawa:
- Ang mga hamon at isyung pangkapaligiran o ang makalat na bakuran ay isang
halimbawa ng isyung personal, kung ang isang barangay o bayan ay magiging
makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura ito ay
maituturing na isyung panlipunan o ito ay may masamang epekto sa kalusugan at
ekonomiya ng isang lugar kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos na
sistema ng pagtatapon ng basura.

- Kung sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang maaring


maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaaring ituring ito bilang isang
isyung personal, subalit kung sa isang lipunan mayroong 50 milyong tao at 15
milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na isyung panlipunan,
maaaring maging kongklusyon na may kakulangan sa lipunan o istruktura nito na
nagdudulot ng kawalan ng trabaho ng maraming mamamayan dito

Mayroon din namang ilang pangyayari na maituturing na isyung panlipunan


subalit makikita ang epekto sa personal na buhay ng isang tao.

Halimbawa:
DIGMAAN. ito ay maituturing na isyung panlipunan subalit hindi maikakaila ang epekto
nito maging sa personal na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng kaguluhan at
karanasan.

PANDEMYA. Hindi maikakaila ang epekto ng pandemya sa kasalukuyang panahon hindi


lamang sa buong mundo kundi pati na rin sa bawat indibidwal.

37
Aralin 2: Kalagayan ng buong Mundo sa gitna ng Pandemyang Covid-19

I.Panimula:

Ang Tunay na kalagayan ng sistemang pangkalusugan ng Pilipinas


http://suliraningpangkalusugan.blogspot.com

1. Ano ang Kalusugan?


- Ang kalusugan ay ang pagkawala ng sakit o karamdaman.
- Ang isang taong walang sakit ay mayroong mabuting kalusugan.
“Ngunit hindi ito sapat na kahulugan ng kalusugan.”
Ayon sa World Health Organization o WHO:
- Ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla ang isip, katawan, at pakikitungo
sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan, o iba pang karamdaman.
2. Mga Suliraning kinahaharap ng Sangay ng Kalusugan.
- Sobrang dami ng pagpasok ng pasyente.
- kakulangan ng pasilidad at kagamitan gaya ng kwarto, Hospital Bed, gamot at kakulangan
sa mga tauhan.
- hindi sapat ang dumadating na pondo para sa gamot dahil sa sobrang dami ng pasyente.
3. Mga link sa mga isyu ng pambansang Kalusugan
Ø https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/05/07/1915733/mga-isyu-sa-pambansang-kalusugan

Ø https://www.pressreader.com/philippines/balita/20170208/281711204389072

Ø https://news.abs-cbn.com/list/tag/kalusugan

II. Hamon ng Covid-19:


1. Mga dapat Tandaan:
a. Epidemya - Isang epidemya (mula sa Griyego ἐπί epi "sa o sa itaas" at δῆμος demo "mga tao")
ay ang mabilis na pagkalat ng nakahahawang sakit sa isang malaking bilang ng mga tao sa isang
ibinigay na populasyon sa loob ng isang maikling panahon, karaniwan ay dalawang linggo o mas
kaunti. Maaaring limitado ang isang epidemya sa isang lokasyon; gayunpaman, kung kumalat ito
sa ibang mga bansa o kontinente at nakakaapekto sa isang malaking bilang ng mga tao, maaaring
ito ay tinatawag na pandemic. https://mimirbook.com/tl/1d69dcf9bb2
b.Pandemya - Ang pandemya (mula sa Griyego παν pan lahat + δήμος demos tao) ay isang
epidemya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan ng mga populasyon sa isang

38
malawak na rehiyon; halimbawa, isang lupalop, o kahit pandaigdigan.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandemya

c. Covid-19
Ø Ang pandemya ng COVID-19 ay isang patuloy na pandemya ng sakit ng koronabirus 2019
dulot ng SARS-CoV-2. Unang naiulat ang birus sa Wuhan, Hubei, Tsina, noong Disyembre
2019. https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandemya_ng_COVID-19
Ø Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong
coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng
hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit,
lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman.
Mga tagubilin upang malaban ang Covid-19:

 Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay


 Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
 Takpan ang iyong ubo at bahing
 Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may
lagnat o ubo
 Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit
 Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit
tawagan mo muna ang health facility
 Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad
https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-
ang-iba-laban-sa-covid-19

d. Pagsubok ng Covid-19
 Hindi lahat ng may sakit ay maaaring masuri sa oras na ito.
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx

Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba mula sa mga iba’t ibang bansa.

 India – Sudhanshu Kumar


“In our country quarantine is being implemented without delay. All visas have been
cancelled except diplomatic and absolute essential. All college, schools, gyms, cinema,
religious places, tourist places, zoos, etc. have been closed. Every time you call on mobile
the caller tune has been changed to information on Covid-19 with advice on what to do. All
functions and meetings have been cancelled.”

 Philippines – Ryan Gamboa

39
“President Rodrigo Duterte declared a National State of Calamity in the Philippines for a
period of 6 months. Luzon, the island where our capitol, Metro Manila is located, will be
on lockdown until April 12, 2020. Military personnel will move in to critical areas to
impose order and discipline.”
 United Kingdom – Paul Temple
“On the evening of March 23rd the Prime Minister put the country on lockdown. Only
essential workers, which includes farmers and the food chain, will continue. All shops
other than food and chemist to close. No gatherings allowed, at all. No weddings,
baptisms-just funerals and those are done with family members only.”
 Colombia – Jose Luis Gonzalez Chacon
“In Colombia we are on total shutdown. The central government doesn’t provide much
in terms of feeding to some regions. So the local authorities are taking actions to help
them get all that they need in this situation.”

 Nicaragua – Javier Callejas


“As of March 16, 2020 here in Nicaragua the country is in national alert. The first case
of Covid-19 in the country was reported on March 18th. Just about all countries in the
immediate region have reported cases in their respective countries and are in lockdown
mode.”
 Argentina – Julio Speroni
“Here in Argentina we are under a RED ALERT which started March 16th. All flights from
Europe had been suspended to the very minimum, the only fights allowed in are those
that bring back Argentine Nationals. Those foreigners who still fly in are forced to do a
14 day quarantine on a specific location and are subject to the criminal law if they break
the quarantine.”
 United States – Mark Heckman
“I heard a person say this is like a 9/11 situation in the US. I think we have to accept as
individuals that the virus will most likely affect everyone. And we have to eventually
create our own plan to put ourselves in a position to realize that our healthcare services
cannot adequately treat the patients if everyone were to get it in the next month.”
 Nigeria – Onyaole Patience Koku
“There is a travel ban from countries that have over 1,000 cases. One Nigerian state has
banned church and public gatherings.”

40
 Zimbabwe – Ruramiso Mashumba
“Our main concern is if we lock down how will we sustain our workforce / community?
Farmers are close to harvest and at a place where we have no extra income. I am
planning my wheat crop and need certain services to make this happen.”
 https://globalfarmernetwork.org/2020/03/covid-19-around-the-world-farmer-views/

e. Karagdagang link sa pagtalakay ng Covid-19


 https://www.up.edu.ph/wp-content/uploads/2020/05/Briefer_Epidemic_Wave-Final-Filipino2-1.pdf

 https://www.doh.gov.ph/node/19132

 https://rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-duterte-coronavirus-crisis-messaging

 https://rappler.com/newsbreak/videos-podcasts/259456-beyond-stories-duterte-coronavirus-crisis-messaging

 https://rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-prisoners-release-coronavirus-outbreak

 https://rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-enough-cash-duterte-government-fund-coronavirus-response

 https://accesss.net/wp-content/uploads/2020/04/COVID-19-Tagalog.pdf

Aralin 3: Konsepto ng Bayani


(Kalagayan ng mga Nars, Guro, at OFW sa kasalukuyang Pandemya )

Pagbibigay kahulugan:
 Konsepto - Ito ang sariling pananaw sa isang bagay, halimbawa nito ay ang sarili mong
kaisipan batay sa isang paksa o suliranin na ninanais na bigyang kahulugan.
https://brainly.ph/question/1052129

 Bayani - nagtataglay ng katapangan at kabayanihan.


 Kalagayan - Ang kalagayan o katayuan ay ang kasalukuyang estado, kondisyon, o
sitwasyon ng isang bagay. https://tl.wikipedia.org/wiki/Kalagayan
 Nars - Ang mga nars ay naglilingkod sa isang kritikal na papel sa paghahanda sa
emerhensiya sa lokal, estado, at pambansang antas sa pamamagitan ng
pagpaplano, pag-aaral ng komunidad at mamimili, at direktang pag-aalaga na
ibinigay sa panahon ng kalamidad.
https://www.emergency-live.com/tl/balita/ang-role-of-the-nurse-in-emergency-preparedness

41
 Guro - Ang isang guro (mula sa Sanskrito: गगगग [guru]) o titser ay isang tao na
nagbibigay
ng edukasyon para sa mga mag-aaral. https://tl.wikipedia.org/wiki/Guro
 OFW - Ang Overseas Filipino Workers o OFW ay ang katawagan na ginagamit upang
ilarawan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Madalas, ang mga
pilipino na nagiging OFW ay yaong may layunin na magkaroon ng mas mabuting
oportunidad at mas mataas na sahod o kita. https://brainly.ph/question/522131
I. Konsepto ng bayani sa Pilipinas https://philippineculturaleducation.com.ph/bayani

a. Kilalang bayani
 Jose Rizal
 Andres Bonifacio.
b. Katangian ng bayani
 Ang bayáni ay matapang

 May matinding pag-ibig sa bayan,


 Nagbubuwis ng buhay para dito.
c. Ang konsepto ng bayani
 Sa sinaunang panahon, ang itinuturing na bayani ay mandirigma at pinunò.
 Mahusay na lider o timuáy at magiting sa pagtatanggol ng kaniyang sakop.
 Sa ilang pangkatin sa Mindanao, tinatawag itong bagáni.
 Sa panahon ng himagsikan noong 1896, ang bayani ay hindi na lámang tumutukoy sa
matapang na pinunò. Bagkus itinuturing na bayani sa Katipunan kahit ang karaniwang anak ng
bayan, ANB, na nagmamahal at handang mag-alay ng dugo at pawis para sa bayan.
 Ang bayani ay tumukoy sa lahat ng uri ng tao na nakilahok sa Himagsikang 1896 maging
babae man o lalaki, batà o matanda, ilustrado o mangmang na tumutugon sa pangangailangan
ng bayan gamit man ay tabak o panulat.
 Sa panahon ng kapayapaan, higit na kailangan ang mga bayani na maglilingkod sa bayan,
lalo na sa serbisyo sibil, kahit maliit ang suweldo.
d. Ang konsepto ng bayani ay nagkaroon ng bagong kahulugan
 ito ay ang pagsasakripisyo.

42
II. Pagharap ng mga Nars sa Kasulukuyang Pandemya
a. http://www.dwiz882am.com/index.php/maraming-nurse-sa-bansa-nagta-trabaho-ng-12-hr-shift-vs-covid-19-fnu
 Wala pa ring pagbabago sa kalagayan sa trabaho ng mga health worker para
maprotektahan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
 Maraming nurse ang nagta-trabaho ng 12-hour shift at tumutugon sa mga
pangangailangan ng hanggang sa 12 pasyente.
- Filipino Nurses United (FNU) President Maristela Abenojar
 Bukod sa hindi maayos na kalagayan sa kanilang lugar-paggawa, napipilitan na ring
bumili ng sariling personal protective equipment ang ilan sa mga nurse dahil sa
kakulangan nito ng suplay sa kanilang pinagta-trabahuhan.
 Ilan sa mga ospital ay hindi na pinatatapos ang 14-day quarantine ng kanilang medical
staff at pinababalik agad ang mga ito sa trabaho matapos lamang ang isang linggo.

b. Karagdagang links sa pagtalakay


 https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2020/07/20/2029292/editoryal-huwag-kawawain-ang-nurses

 https://www.tambayankoto.club/2020/03/Pinay-Nurse-na-tinamaan-ng-COVID-19-Nagbahagi-na-kanyang-Aktwal-na-Kalagayan.html

 https://rappler.com/newsbreak/iq/salary-nurses-philippines

 https://www.bomboradyo.com/pinoy-sa-saudi-arabia-nagpositibo-sa-covid-19

 https://rmn.ph/kalagayan-ng-mga-medical-workers-hindi-nagbago-sa-kabila-ng-dalawang-linggong-mecq

II. Pagsipat sa kalagayan ng mga Guro


(DepEd at Ched : New Normal sa larangan ng Edukasyon inilulunsad. Panuruang Taon 2020-2021 posible ba?)

a. Mga Suliraning kinahaharap ng Edukasyon sa panahon ng Pandemya


 Sa gitna ng krisis na dulot ng COVID19, nananatiling walang kasiguraduhan ang kalagayan
ng lahat ng pribadong guro sa buong bansa, mula antas pre-school hanggang kolehiyo.
https://www.change.org/p/commission-on-higher-education-walo-sa-pribado-ayuda-para-sa-mga-guro-at-kawani-sa-pribadong-paaralan-
ibigay

 Isang malaking isyu sa gitna ng coronavirus pandemic ang mga problemang umusbong
tungkol sa edukasyon. Iba't iba ang paraan ng mga eskwelahan at ahensya ng gobyerno sa
pagsagot sa sitwasyon. May mga eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat online, at may iba

43
namang tinapos ang school year. https://rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-problems-burden-students-
coronavirus-pandemic-philippines

 maaaring ma-discriminate ng virtual classes ang malaking hanay ng estudyante lalo na sa


mga mahihirap at liblib na komunidad. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/05/21/2015536/hanggat-
walang-bakuna-sa-covid-19-klase-wag-buksan-mambabatas

b. Karagdagang links sa pagtalakay


 https://kodao.org/kung-paano-pinaghahandaan-ng-ilang-guro-ang-pasukan-sa-panahon-ng-pandemya

 http://radyopilipinas.ph/rp-one/articles/politics/epekto-ng-covid-19-sa-sistema-ng-edukasyon-pag-aaralan-ng-senado

 https://www.untvweb.com/news/deped-gagamit-ng-e-books-bilang-tugon-sa-new-normal-sa-larangan-ng-edukasyon

 https://tpdatscalecoalition.org/wp-content/uploads/2020/06/Teachers-Guide-for-Remote-Learning-FILIPINO-TAGALOG-June-2020.pdf

 https://mb.com.ph/2019/12/11/deped-urged-to-consider-policy-inputs-from-teachers

III. Kalagayan ng mga OFW na apektado ng covid-19 pandemic


 sa panukalang batas (S. No. 801) na isinumite ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. na
naglalayong makapagbigay ng credit assistance program para sa Overseas Filipino Workers
(OFWs) na apektado ng COVID-19 pandemic. https://www.bongrevillajr.ph/post-press-releases/2020/6/24/dole-
supports-sen-revillas-s-no-801-to-ease-plight-of-ofws-affected-by-covid-19-pandemic

 Pagpapauwi sa mga OFW na na-stranded dahil sa pandemya. (Balik Probinsya, Bagong


Pag-asa (BP2) Program) https://www.senate.gov.ph/press_release/2020/0525_go2.asp
 Masikip na pasilidad, paniningil idinaing ng OFWs na naka-quarantine sa barko
https://news.abs-cbn.com/news/04/20/20/masikip-na-pasilidad-paniningil-idinaing-ng-ofws-na-naka-quarantine-sa-barko

 marami sa mga OFW ang natanggal sa trabaho, kinakaltasan o hindi nakakasahod,


puwersahang pinapag-unpaid leave at ipinasok sa iskemang “no work, no pay”.
https://www.altermidya.net/bayaning-gutom-istranded-at-inabandona

Karagdagang links sa pagtalakay


 https://www.facebook.com/OnePHonCignal/videos/232476638017427

 https://www.facebook.com/152811952038019/videos/2565677510373844

 https://kami.com.ph/113225-nag-viral-na-ofw-sa-riyadh-na-tinamaan-ng-covid-19-tutulungan-na-ni-raffy-tulfo.html

 https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/04/22/2008849/editoryal-ayudahan-ang-ofwshttps://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2020/04/22/2008849/editoryal-ayudahan-ang-ofws

 https://news.abs-cbn.com/news/04/22/20/pagpapauwi-sa-mga-probinsiya-sa-stranded-ofws-hinahanapan-pa-ng-paraan-ng-owwa

 https://balita.definitelyfilipino.com/posts/2020/08/dubai-ofw-na-2-buwang-na-intubate-dahil-sa-covid-gumaling-na-p10-m-hospital-bills-sinagot-ng-
employer

 https://pinasbalita.org/ofw-sa-saudi-arabia-na-10-buwan-nang-walang-sahod-at-namumulot-nalang-ng-basura-inihingi-ng-tulong

44
Aralin 4: Korapsyon

1. Ano ang Korapsiyon?


 Integral sa pananatili ng burukrata kapitalismo sa partikular, at imperialismo at
pyudalismo sa pangkalahatan. Kung ang korapsyon ang nagbibigay-substansya sa pambansang
administrasyon, ang akses sa serbisyo publiko ay binabalot ng politikang itinatakda ng
namamayaning paksyon ng naghaharing uri.
2. Ano ang mga halimbawa ng korapsyon?
 Isa sa mga pinag-uusapang korapsyon sa bansa ay noong administrasyon ni GMA. Ayon
sa Ibon Media (2008), anim na malalaking korapsyon sa ilalim ni Gloria Arroyo ay may multi-
bilyong kabawasan sa pondo ng bayan:
1. Fertilizer fund scam,
2. The Jose Pidal bank accounts,

3. The Northrail project,


4. the IMPSA power plant project,
5. the poll automation project and
6. the Macapagal Boulevard project, have collectively cost the Filipino people some P7.3
billion pesos.
3. Dalawang idinadawit ng korapsyon bilang akses ng mamamayan sa dalawang uri ng
mobilidad:
 Una, ang panlipunang mobilidad na naglalayon ng magandang ekonomiyang lagay sa
pamilya at mahal sa buhay.
 Ikalawa, ang pang-araw-araw na mobilidad na nagtataguyod ng gitnang uring panuntunan
sa ordinaryong buhay.
4. Nabawasan ba ang korapsyon sa Pilipinas?
 Ayon sa philstar.com, Bahagyang gumanda ang lagay ng Pilipinas sa 2018 Corruption
Perceptions Index na isinagawa ng global anti-corruption watchdog na Transparency
International.
2017 - 34 CPI
2018 - 36 CPI
5. Ano-ano ba ang mga kasalukuyang kinahaharap na Korapsyon ng Pilipinas?

45
 SAP Program ng Pamahalaan
a. Ano ang SAP?
 Social Amelioration Program
b. Ano ang benepisyo ng SAP?
 Ang mga benepisyaryo ng SAP aid ay makakakuha ng emergency cash subsidy na ₱8,000
kung residente ng NCR at hindi bababa sa ₱5,000 kung residente ng ibang lalawigan. Ayon sa
DSWD, ang emergency subsidy na ito ay ibibigay in cash sa Abril at Mayo.
c. Sino ang mga kasama sa SAP Program?
Ang mga benepisyaryo ng programang ito ay ang mga sumusunod:
 Senior Citizen
 Persons with Disability (PWD)
 Buntis at naglalactate na babae
 Solo parent

 OFWs in Distress
 Indigent Families
 4Ps
 Underprivileged Sector and Homeless Citizens
 Informal Economy Workers (kasambahay, PUV at private vehicle drivers, construction
workers, at iba pang mga daily wage earners)
d. Sino ang mga hindi kabilang sa SAP Program?
 Workers na naka-avail sa DOLE program
 Senior citizens na may SSS pension
 Senior citizens na nakatira kasama ng anak o kapatid na nagbibigay ng tulong financial
 Buntis at naglalactate na babae na may asawa o partner na may continuous income
habang enhanced community quarantine (ECQ)
 Solo parents na may partner na may continuous income habang ECQ
 OFW na ang income ay unaffected ng COVID-19 lockdowns at layoffs
 Asawa ng OFWs na ang income ay unaffected ng COVID-19 lockdowns at layoffs

46
 Puno ng pamilya na walang trabaho pero nakatira kasama ng asawa o anak na may
continuous income habang ECQ
 Informal Economy Worker na nakatira kasama ang asawa na may continuous income na
higit sa ₱5,000
 Applicants na unemployed bago pa man ang ECQ at dependent sa tulong financial ng
pamilya
 Persons With Disability na nakatira kasama ng asawa o kamaganak na may continuous
income habang ECQ
https://coins.ph/blog/covid-19-dswd-social-amelioration-program/

Karagdagang link patungkol sa SAP Program at Relief Goods


https://news.abs-cbn.com/news/06/02/20/dswd-maaaring-masimulan-ang-2nd-tranche-ng-
sap-ngayong-linggo
https://news.abs-cbn.com/video/news/05/15/20/maling-paggamit-ng-sap-cash-aid-may-
katapat-na-parusa-dswd
https://www.gmanetwork.com/news/video/unangbalita/532278/mga-residente-ilang-oras-
na-pumila-para-makakuha-ng-sap/video
https://news.abs-cbn.com/video/news/05/04/20/pamimigay-ng-sap-cash-aid-sa-ilang-
probinsiya-inireklamo
https://dotr.gov.ph/55-dotrnews/1184-magandang-balita-upang-makatulong-sa-pamimigay-
ng-cash-assistance-para-sa-mga-puv-drivers-sa-ilalim-ng-social-amelioration-program-sap-ng-
bayanihan-to-heal-as-one-act.html
https://bandera.inquirer.net/260984/higit-10-22-m-pamilya-tumanggap-ng-ayuda-sa-2nd-
tranche-ng-sap
https://dilg.gov.ph/news/DILG-pinalawig-ang-pagbibigay-ng-SAP-hanggang-Mayo-10-pinuri-
ang-985-na-LGUs-na-nakumpleto-na-ang-pamamahagi/NC-2020-1139
http://pilipinomirror.com/senior-citizens-pwds-huwag-nang-papilahin-para-sa-sap
https://www.researchgate.net/profile/Hya_Bendana/publication/341031748_Advisory_1_M
ga_Programang_Pang-Ayuda_ng_Gobyerno_para_sa_Micro-
Entrepreneurs_Briefer_on_Government_Programs_for_Micro_Entrepreneurs/links/5eb409b

47
992851cbf7fae57af/Advisory-1-Mga-Programang-Pang-Ayuda-ng-Gobyerno-para-sa-Micro-
Entrepreneurs-Briefer-on-Government-Programs-for-Micro-
Entrepreneurs.pdf?origin=publication_detail
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2020/04/01/2004711/digong-may-babala-
sa-mga-mangungupit-sa-cash-relief
https://www.gmanetwork.com/news/video/24oras/530203/relief-goods-door-to-door-na-
inihatid-ng-lokal-na-pamahalaan-sa-ilang-residente/video
https://iorbitnews.com/mga-kasundaluhan-katuwang-sa-pamamahagi-ng-relief-goods-sa-ne
http://caloocancity.gov.ph/programs-and-projects/news/1093-pamamahagi-ng-14-400-
relief-goods-sa-barangay-14
https://pia.gov.ph/news/articles/1038948
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2020/05/30/2017434/marao-sumali-
sa-pamamahagi-ng-relief-goods

https://cpp.ph/statements/huwad-na-pamamahagi-ng-relief-goods-gamit-ng-80th-ibpa-sa-
pwersahang-pagpapasuko-sa-mamamayan

Aralin 5: Kalagayan ng mga manggagawa sa panahon ng Lockdown


( Kontraktwal,magsasaka, tindero/a, tsuper ng dyip at trisikel)

 Ang mga manggagawang Pilipino ay tumutukoy sa mga taong involve sa paggawa o


pagtratrabaho.
 Ang Paggawa ay paggamit ng lakas, talino, at kakayahan ng tao upang makatulong sa
produksyon.
1. May dalawang uri ng paggawa: https://brainly.ph/question/2670667
 Manggagawang Mental - sila ang mga taong ginagamit ang isip sa paggawa.
 Manggagawang Pisikal - sila ang mga taong higit na kailangan ang lakas ng katawan sa
paggawa o pagtratrabaho.
Halimbawa ng manggagawang Pilipino na higit kailangan ang lakas ng katawan sa paggawa ay
ang mga mason, construction workers, mga mag-sasaka.
Halimbawa din ng manggagawang Pilipino ang mga atletang Pinoy na ginagamit ang lakas ng
katawan tulad ng runner, swimmer, o biker.

48
 Ngunit may mga pagkakataong ang isang manggagawang Pilipino ay gumagamit ng pisikal
at isip o mental sa paggawa, tulad ng mga dentista, mga tagapagluto o chief, mga nurse, at mga
driver.
2. Ano ang kalagayan ng mga manggagawa sa kasalukuyan?
Mga link sa pagtalakay:
Kontraktwal - isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkakait ang ugnayang employer-
employee sa pagitan ng isangmanggagawa at ng kapitalista o kompanyang tunay na nakikinabang
sa kaniyanglakas-paggawa.
https://www.pinoyweekly.org/2020/03/paid-quarantine-dapat
http://dspace.cas.upm.edu.ph/xmlui/handle/123456789/371
https://youtu.be/yKA4539_Bqc
https://www.pinoyweekly.org/2019/08/kilusang-welga-sumusulong
https://www.pinoyweekly.org/2020/08/tama-ng-pandemya-sa-kawani

https://www.pinoyweekly.org/2020/04/silang-walang-tahanan-at-istranded-sa-kamaynilaan
https://manilatoday.net/napakong-pangakong-wakasan-ang-endo
Magsasaka- taong nagtatanim at nagpapatubo ng mga pananim at nag-aalaga ng mga hayop at
nabubuhay na mga organismong gagamitin bilang pagkain at bilang hilaw na mga materyales.
http://masipag.org/2020/03/masipag-covid19-statement
https://globalfarmernetwork.org/2020/05/adaptive-agriculture-during-a-global-pandemic
https://www.sudannews.net/news/266150202/6718-magsasaka-magbababoy-sa-pampanga-
tumanggap-ng-ayuda
https://pcoo.gov.ph/media-interview/cabinet-report-sa-teleradyo-covid-19-special-hosted-
by-presidential-communications-operations-office-secretary-martin-andanar-with-
department-of-agriculture-secretary-william-dar-department
https://www.dar.gov.ph/articles/dar-in-the-news/101530
https://pia.gov.ph/press-releases/releases/1038999
Tindero/a:
https://pia.gov.ph/features/articles/1046453
https://www.pinoyweekly.org/2020/03/bayanihan-kontra-covid-19

49
https://pcoo.gov.ph/press-briefing/laging-handa-public-briefing-hosted-by-pcoo-secretary-
artin-andanar-undersecretary-rocky-ignacio-with-cabinet-secretary-karlo-alexei-nograles-
department-of-agriculture-secretary-william-dar-depa
https://youtu.be/nsJb4B_j-04
https://palawan-news.com/talipapa-sa-lungsod-kumita-sa-pagsasara-ng-mga-palengke
http://m.noonaapps.com/newspark/share/media?mId=8039483183683536896&s=sys&suid=
7813194453856671488&lang=en&pn=com.newspark.mobile&inviteCode=10867092
Tsuper:
https://www.pinoyweekly.org/2019/10/tigil-pasada-laban-sa-tuluyang-pagpapatigil-pasada-
ng-gobyerno-sa-mga-jeepney
https://youtu.be/rDm0tWA64to
https://news.abs-cbn.com/video/news/06/17/20/mga-tsuper-namamalimos-jeepney-
groups-muling-umapelang-bumalik-pasada

https://news.abs-cbn.com/news/08/05/20/ilang-tsuper-sa-maynila-nagbebenta-ng-buko-
para-mairaos-ang-tigil-pasada
https://mb.com.ph/2020/05/07/tsuperheroes-provides-free-transportation-for-covid-19-
frontliners
https://www.bignewsnetwork.com/news/264441716/tulong-pinansyal-hatid-ng-pasig-para-
sa-mga-tsuper
https://www.msn.com/en-ph/news/national/lalajeep-ilang-tsuper-ng-jeepney-sa-qc-
magiging-delivery-driver-na/ar-BB15kbWf

50
Kabanata 5: MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON
Panimulang Gawain:

1. Manood ng iba’t ibang uri ng balita sa mga lokal na istasyon sa radio at telebisyon.
Bigyang pansin ang paggamit ng wika at paraan ng pagpapahayag.
2. Manood ng mga bidyo sa youtube tungkol sa mga napapanahong isyu tulad ng
dinaranas na pandemya.

MAIKLING PAGTATALAKAY SA KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON

Nasa puso ng pang-araw-araw na transaksyon ng tao ang komunikasyon.


Napakalaki ng ginagampanan nitong tungkulin upang mapadali ang mga nais makamit
ng mga tao sa isang tiyak na konteksto. Sa katunayan, napakadaling pangatwiranan na
kung wala ito, hindi uusbong ang anumang uri ng sibilisasyon. Hindi yayaman nang gaya
ng sa kasalukuyan ang nalalaman ng tao sa agham, matematika, medisina,
humanidades, arkitektura at iba pa kundi ito dumaan sa mauring pagtalakay at bahagian
na kaalaman at mga natuklasan. Mahirap ding kuruin kung ano ang kahihinatnan ng mga
lipunan at bansa kung walang naganap at nagaganap na komunikasyon sa pagitan ng
mga lider at kinatawan ng nauuna. Sa mga praktikal na antas, upang mapagtibay ang
relasyon, nangangailangan ng patuloy na komunikasyon sa pagitan ng magkakaklase,
magkaibigan, mag-asawa/magkasintahan, magkasama sa trabaho o adbokasiya. Sa
madaling salita, dinodomina ng komunikasyon ang lahat ng uri ng relasyon ng tao-
mapaakademiko, propesyuonal, personal, o sibika.

Upang mas maging sistematiko at lalong mabigyan ng konteksto ang pagtatalakay


sa komunikasyon at iba’t ibang tiyak na sitwasyong pinaggagamitan nito, mahalagang
balikan ang ilang puntos sa pag-aaral nina Eadie at Goret (2013) na lumagom sa iba’t
ibang teorya at pag-aaral ng layunin ng komunikasyon. Ayon sa dalawang eksperto, may
iba’t ibang layunin ang tao sa pakikipag-ugnay, ngunit para sa hangarin ng pagtalakay,
tatlo lamang sa limang layunin ang babanggitin. Pinagsama rin sa isang kategorya ang
komunikasyon bilang tagapagpalaganap ng impormasyon at kultura.

ANTAS NG KOMUNIKASYON

Pangkatang Komunikasyon

Itinuturing na pangkatang komunikasyon ang ugnayan sa pagitan ng tatlo o mas


maaarami pang taong may iisang layunin. Gaya ng iba pang uri ng komunkasyon,
maaaring maganap ang pangkatang komunikasyon sa personal o maging sa iba pang
platform gaya ng group chat sa social media at video conferencing. Bilang mag-aaral,
malimit na maganap ang pangkatang komunikasyon upang tuparin ang mga kahingian
sa iisang asignatura gaya ng kolaboratibong pananaliksik na nangangailangan ng
pagtalakay at pagpapasiya. Isa ring halimbawa nito ang pagpupulong sa barangay o sa

51
munisipyo na naglalayong solusyunan ang isang problema gaya ng trapiko, na
sinisimulan sa pagbibigay ng mungkahi at pagpapatalaga ng mga taong gaganap sa mga
tiyak na gawain.

Pampublikong Komunikasyon

Bilang pinakakinatatakutang uri ng komunikasyon, ang pampublikong


komuniasyon ay mas nakapokus sa tagapagpadala ng mensahe kaysa tumataggap- na
malimit ay higit sa apat. Sa lahat ng uri mh komunikasyon, ito rin ang pinakamalayunin
sapagkat mas madalas itong pormal. Mahirap ding iwasan ang paraang ito ng pakikipag-
ugnay sapagkat ginagamit ito sa buhay-akademiya, buhay-trabaho, at buhay-sibika. Ilan
sa mga halimbawa nito ay ang pagharap sa klase upang bumigkas ng talumpati bilang
performance task, pangangampanya para sa isang panibagong proyekto sa inyong
komunidad gaya ng anti-human trafficking campaign, at marami pang iba. Mainam itong
paraan ng pagpapalaganap ng kaalaman at impormasyon dahil na rin sa bilang ng mga
kalahok nito. Mas marami ang hindi sanay makipag-ugnayan gamit ang modang ito
sapagkat nangangailangan ito ng masusing preperasyon at tiyak na antas ng kahusayan
upang hindi umani ng negatibong puna sa mga tagapakinig.

Pangmadlang Komunikasyon

Ang paggamit ng dyaryo, radyo, telebisyon, video conferencing at social media


ang ilan lang sa mga halimbawa ng pangmadlang komunikasyon. Kagaya ng
pampublikong komunikasyon, layon nitong makipag-ugnayan at maghatid ng mensahe
sa madla. Ang pangunahing hamon sa uring ito ng komunikasyon ay ang kawalan ng
agarang mekanismo para sa tugon o feedback, - dahilan upang mas madaling
magpakalat ng mensahe nang walang oposisyon. Ngunit sa pag-usbong ng social media
gaya ng Facebook, Twitter, blogs at iba pa, nagiging bukas sa lahat ang publikong
komuhnikasyon sapagkat binibigyan nito ng kakayahan at oportunidad ang mga
tumatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagko-comment, pag-repost ng isang
content may kasamang komentaryong maaaring sumasang-ayon o sumasalungat, at
direktang pagtugon sa nagbahagi ng (hal. @KelvinBriones). Bagamat mistulang
mabisang pamamaraan ang pangmadlang komunikasyon upang mabilis na
maipamahagi ang isang mensahe (hal. Pag-oorganisa para saisang malaklihang rally
upang kondenahin ang illegal na pagpapatalsik sa punong mahistrado), kapansin-pansin
din na maaari nitong ikompormiso ang kahulugan ng mensahe, dahil bagama’t tiyak ang
layunin ng tagapagpadala, hindi naman tiyak ang konteksto ng tumatanggap ng
mensahe- dahilan upang magkaroon ng pagkakaiba-iba ng interpretasyon at tugon.

52
Upang lalong bigyang-linaw ang kalikasan ng bawat antas ng komunikasyon,
maiging talakayin din ang tiyak na halimbawa nito.
Lektyur at Seminar
Dalawa sa pinakaginagamit na termino ng mga organizer ng pagsasanay,
nakatuon ang lektyur at seminar sa maliliit na pagtitipon ng mga kalahok, kadalasang 20
hanggang 70 na naglalayong masinsinang matutuhan ang isang tiyak na paksa. Malimit
itong inoorganisa upang pagtibayin ang propesyonalismo ng mga nakikibahagi, at
nagtatagal mula isang buong maghapon, hanggang pitong araw depende sa layunin ng
pagsasanay. Ilan sa mga halimbawa ng lektyur at seminar ang mga pagsasanay sa
makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa silid aralan, mga mandatory seminars sa mga
bagong luklok na opisyal na barangay, at iba pa.

Ayon kay C.N. Raja at T.P. Rao, isang uri ng estratehiya sa pagtuturo para sa mas
matas na antas ng pagkatuto ang seminar. Ang isang tiyak na paksa ay inaanalisa at
tinatalakay para makabuo ng isang pinal na desisyon o konsepto.

Mga Uri ng Seminar

1. Mini-Seminar–karaniwan ay kakaunti ang bilang ng mga dumadalo at simple


lamang ang paksang tatalakayin. Ito ay karaniwang ginagawa sa loob lamang ng
silid-aralan. Sa pamamagitan ng seminar ay nahuhubog ang kakayahan at
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagtatanong at pag-organisa ng mga
impormasyon. Ito ang nagsasanay sa kanila sa pagdalo sa mas malaking seminar.

2. Medyor Seminar – isinasagawa ito ng mga institusyon o mga kagawaran tungkol


sa isang partikular na paksa. Mga guro, mag-aaral at kawani ang kadalasang
dumadalo sa seminar na ito na maaring maganap isang beses sa isang buwan.
Kaya kailangang pumili ng angkop na paksang tatalakayin sa inihandang tema ng
seminar.

3. Nasyunal Seminar – Isinasagawa ito sa antas na pambansa. Isang dalubhasa


ang karaniwang inaanyayahan na magbahagi ng kanyang kaalamansa seminar
na ito.

4. Internasyunal Seminar – Mga internasyunal na ahensya o organisasyon ang


nagsasagawa ng seminar na ito. Karaniwan ay mas malawak ang pagtalakay sa
tema nito gaya na lamang ng globalisasyonat pagpapatupad ng mga polisiya at
iba pa.

53
Workshop

Ang pagsasagawa ng worshop ay isa sa pinakamabisang paraan ng pagbabahagi


ng kaalaman at kasanayan sa ibang tao. Para ito maisakatuparan, binibigyan ng
pagkakataon ang isang tao na isagawa ang mga nais niyang matutuhan ngunit kailangan
ng maayos na pagplano at pagtanggap ng mga responsibilidad. Ayon kay Mariame Kaba,
ang pagsasagawa nga mga sumusunod na hakbang ay ang susi sa isang mabisang
gawain:

1. Pagpili – sa unang hakbang na ito ay dapat isaisip kung ano ang tiyak na layunin
na nais makamit o adhikain ng isasagawang workshop. Ang layunin sa
isasagawang workshop ay may malaking epekto sa kabuuan ng gawain.
Nararapat din na isaalang-alang ang nais na matutuhan ng mga taong dumalo.

2. Pagpaplano – ikalawang hakbang ang pagbuo sa talaan ng mga gagawin.


Kailangang isaalang-alang ang sumusunod na aspeto bilang bahagi ng
pagpaplano:
 Petsa, oras at haba ng gagawing workshop
 Lugar kung saan isasagawa
 Mga kinakailangang kagamitan
 Inaasahang bilang ng mga dadalo
 Paglalatag ng kakailanganing badyet
 Transportasyon
Maari namang makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya o organisasyon na
maaring makatutulong sa gawaing ito. Ipaalam agad sa kanila at mas mainam
kung idadaan sa liham ang mga napagkasunduan.

3. Pagpapatupad –ang hakbang na ito ay tumutukoy sa pagsasagawa ng mga


nakaplanong gawain para sa workshop. Mas mainam kung may nakahandang
listahan ng mga gagawin upang mas organisado at walang makalimutang Gawain.
Sa oras na nagsimula na ito. Bago magsimula ang workshop ay mas mabuting
mag-isip ng mga posibleng kakaharaping suliranin upang makapaghanda na ng
mga solusyon.

Forum, Simposyum o Komperensya

Ayon kay Dr. Cathy Key sa kaniyang The Keynote Guide to Planning a Successful
Conference, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod upang maging matagumpay ang
gagawing simposyum o komperensya:

 Bumuo ng layunin na kayang makamit sa gagawing komperensya –


Upang mabuo ito, maaring magsagawa ng sarbey sa pangkat ng mga

54
inaasahang dadalo sa gagawing komperensya para malaman ang kanilang
inaasahan sa gawain. Upang mapadali at apabilis ang pangangalap ng mga
datos ay maaring gumawa ang organisasyon ng opisyal website.

 Magtalaga ng mga taong mangunguna sa mga gawain at lumikha ng


komite – ang lahat ng kabilang sa organisasyon ay makibahagi sa
ikatatagumpay ng gawain. Mas magiging madali ang gawain kung naibabahagi
ito sa lahat nang maayos at upang magkaroon ng pananagutan ang bawat isa.
Makabubuti na gumawa ng talaan na naglalaman ng numero ng telepono,
email, mga miyembro ng pangkat upang mas madali ang komunikasyon sa
bawat isa. Mas mainam na lahat ng miyembro ay may kopya ng talaan upang
maging mabilis ang ugnayan.

 Paglalatag ng kinakailangang badyet – upang makatipid sa gugugulin,


kailangang pag-aralan itong mabuti. Kung sakaling hindi kayanin ang
nakalaang badyet, dapat na maghanap alternatibo. Siguraduhin na wasto ang
kompyutasyon ng mga gastusin.

 Gumawa ng plano ng mga dapat gawin na nakasaad kung sino at kailan


dapat tapusin –makatutulong ang paggawa ng sistemakong plano ng mga
dapat gawin upang hindi malihis sa mga inaasahang makamit. Kailangang
nakasulat din ang mhahalagang petsa kung kalian dapat maisakatuparan ang
bawat gawain. Dapat din na mahigpit itong sinusunod nang maisawasan ang
pagkabinbin ng mga gawain. Ito ay makatutulong upang mabigyan ng ideya
ang bawat isa kung ano ang tatakbuhin ng isasagawang programma.

 Bumuo ng daloy ng programa –kailangang maayos ang pagkakasunud-


sunod ng bawat gawain sa pagbuo ng daloy ng programa.

 Siguraduhing ang lahat ay tumutulong at sumusuporta sa takdang


gawain –magkaroon ng bukas at malayang kominukasyon sa bawat miyembro
upang masiguro na ang lahat ay kumikilos at gumagawa batay sa mga
iniaatang na gawain sa kanila. Kung sakaling hindi kayanin ng isa ang iniatang
sa kanya ay maaring magtakda ng taong papalit o tutulong sa gawain upang
hindi maapektuhan ang oras ng paghahanda.

 Magsagawa ng pulong matapos ang kumperensya at likumin ang


kanilang mga komento –ginagawa ito upang makita ang kalakasan at
kahinaan ng idinaos na kumperensya. Makakatulong ang mga komentong
malilikom at ang mga bagay na natutuhanpara sa susunod na gawain sa
hinaharap.
55
 Maghatid ng pasasalamat sa lahat ng mga nagging bahagi ng
isinagawang gawain –ipahayag ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng
naging bahagi ng kumperensya. Bigyan ng pagkilala ang mga taong nag-
ambag sa ikatatagumpay ng gawain.

Roundtable at Small Group Discussion


Mainam na balangkas ang roundtable at small group discussion, na kalimitang
kinasasangkutan ng tatlo hanggang 12 kalahok, upang makapagbahagi ng kaalaman
tungo sa paglutas ng isang isyu o suliranin. Mainamn din itong venue upang
makapagmungkahi ng solusyon para mapabuti ang pagsasagawa ng isang bagay
(disenyo, proyekto, at iba pa). Upang maghing maayos ang pangangasiwa ng nasabing
Gawain, iminumungkahi ang sumusunod na mga padron:
 paglalahad ng layunin ng talakayan,
 pagpapakilala ng mga kalahok (pangalan at organisayson),
 pagtalakay sa paksa
 pagbibigay ng opinion, puna at mungkahi ng mga kalahok,
 paglalagom ng mga napag-usapan at napahkasunduan,
 pagtukoy ng susunod na mga hakbang.

Pulong/Miting

Mahalaga sa kahit anong organisasyon o samahan ang pagsasagawa ng pulong


upang talakayin ang mahahalagang agenda nito. Isinasagawa ang pulong para sa lubos
na ikauunlad ng alin mang samahan. Ayon sa University of California San Diego Sixth
College, may dalawang uri ng pulong: Una, ang Executive or Committee meeting na kung
saan ang mga kalahok ay ang mga namumuno at namamahala. Ang ikalawang uri naman
ay ang General body meetingna kung saan ang lahat ng miyembro ng samahan ay
kasama sa pulong.

Mga Elementong dapat isaalang-alang sa paghahanda ng pulong:

1. Agenda – ito ang nagsisilbing gabay at balangkas ng pulong. Upang maging


maayos ang daloy ng talakayan ay mainam na may ideya ang bawat kalahok
tungkol sa agenda.

2. Oras at lugar–dapat isaalang-alang ang oras ng mga kalahok sa pagtatakda ng


oras ng pulong. Mahalaga ito upang matiyak na makakadalo sa oras na itinalaga
at makakarating sa lugar na pagdarausan ng pulong ang lahat ng kalahok. Dapat
ding simulant at tapusin ang pulong sa oras na itinakda.

56
3. Kalihim – katuwang siya ng tagapangulo sa paghahanda ng agenda at sa
pamamahagi ng mga liham imbitasyon sa mga kalahok at tagapag-ulat.
Sisiguraduhin nya na ang planong oras sa bawat paksa ay masusunod. Siya ang
naghahanda ng katitikan ng naunang pulong at gagawa ng katitikanpara sa
isasagawang pulong.

4. Tagapag-ulat–maghahatid siya ng mga kinakailangang datos na tatalakayin sa


pulong.

5. Tagapangulo –kailangan ang nagpaplano ng pulong at paghahanda ng agenda.


Siya ang nagsisilbing tagapamagitan at tagapagtaguyod ng ideya.

6. Kalahok – mahalaga ang pakikibahagi ng bawat kalahok sa pulong na isasagawa.


Ang kanilang mga ideya at opinion ay maaring makatulong kaya tiyaking ang lahat
ng kalahok ay may kaugnayan sa inaasahang layunin at paksang tatalakayin.

7. Kagamitan – mahalagang nakahanda ang lahat ng gagamitin sa pulong tulad ng


visual aids, projector, laptop at iba pa, sapagkat ang kakulangan sa paghahanda
ng mga kagamitan any maaring magdulot ng pagkaantala.

Programa sa Radyo at Telebisyon

Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang midya sa kasalukuyan


dahil na rin sa dami ng taong naaabot nito. Nabuo rin ang paglawak ng lipunan at
industriya dahil sa mabilis na pagbabagong dulot ng telebisyon sa komunikasyon. Ayon
kay Saussure (1910), “language never exists apart from the social fact, for it’s a
semiological phenomenon.” Ang bawat patalastas at artista sa telebisyon ay may sari-
sariling wikang ipinahihiwatig kaya naman alam agad ng manonood ang produkto pag
nakita nila ang artista.

Pangunahing wikang ginagamit sa telebisyon ay Filipino. Ginagamit ito ng mga


lokal nachannel sa Pilipinas gaya ng teleserye, balita at mga pantanghaling palabas.
Dahil sa pagdami ng mga programa sa telebisyon sa tinututukan ng mga mga manonood,
lahat ng mga mamamayan ay nakauunawa at nakapagsasalita na ng wikang Filipino.

Mga Uri ng Palabas o Programa sa Telebisyon

1. Balita – tumutukoy sa mga pangyayari sa mga nakalipas na oras o araw sa loob


at labas ng bansa. May mga kasalukuyang pangyayari rin.

Mga Paalala sa Pagsulat/Paggawa ng Balita

a. Pagkakuha ng mga tala ay isulat agad ang balita.

57
b. Bigyang halaga ang mahahalagang punto.
c. Maging tiyak sa mga panglan, petsa, lugar at mga pangyayari.
d. Iwasan ang pagbibigay ng juru-kuro.
e. Banggitin ang awtoridad o kinauukulang pinagkunan ng impormasyon tungkol sa
balita.
f. Ilahad ng pantay at patas ang mga panyayari.
g. Isulat ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunud-sunod.

2. Dokumentaryo – mga programang naghahatid ng gawaing pantulong sa


sumasailalim sa reyalidad ng buhay at tumatalakay sa kultura ng isang lipunan.

3. Drama at Komedya – mga palabas na nagpapakita ng matinding damdamin at


magaang pangyayari na nagbibigay-aral sa mga manonood.

4. Variety Show – programang binubuo ng iba’t ibang pagtatanghal na may musika,


komedya, palitang-kuro at iba pa na pinangungunahan ng host.

Noong taong 1894 ay nangibabaw ang pangalan ng radyo sa kasaysayan nang


mabuo ang unang wirelss na telegrap ng isang Italyanong imbentor na si Guglielmo
Marconi. Ipinakilala ang KDKA noong 1920 na unang lisensyadong istasyon sa
bansang Pennsylvania. Noong 1924 naman ay nagsimula ang programa sa radyo sa
Pilipinas nang itatag ang istasyon ng AM na KZKZ ni Henry Herman Sr. sa Maynila.
Ang radyo ay ginamit na tagapaghatid ng balita at libangan ng mga tao. Sa paglipas
ng panahon ay itinuring na pinakadinamikong daluyan ng impormasyon at midyum ng
komunikasyon ang radyo sa bansa.

Mga Uri ng Programa sa Radyo

1. AM (amplitude modulation) – mga programa na naghahatid ng balita at


tumatalakay sa mga seryosong paksa sa lipunan.

2. PM (frequency modulation) - mga programang kinaaliwan ng mga tagapakinig


dahil sa mga musikang pinatutugtog at mga programang nakaaantig ng
damdamin.

Video Conferencing
Bilang epekto ng globalisasyon, naging mas progresibo ang teknolohiya na
nagbunga ng iba’t ibang paraan upang makipag-ugnayan. Isa na rito ang video
conferencing, o ang interaksyon sa pagitang ng dalawa o higit pang tao na nasa
magkaibang lokasyon, sa pamamagitan ng pagtatawagan na magkasamang video.
Nangangailangan ito ng Internet connection at computer, o ‘di kaya’y tablet o smartphone.
Epektibong midyum ito lalo na para sa mga kompanyang may mga satellite sa ibang

58
bansa o rehiyon. Ginagamit ito ng mga kompanya o maging ng mga kinatawan ng mga
bansa upang magdaos ng mga pagpupulong para makatipid sa pamasahe, oras at iba
pang pinagkukunan. Nagging daluyan rin ng mga pagsasanay ang modang ito ng
komunikasyon, particular sa mga open universities. Pinapadali nito ang dating mas
mahirap na proseso ng pagkamit ng digri o sertipiko sa mga programa. Malimit din itong
ginagamit ng mga pamilyang may kamag-anak sa ibang bansa, lalo na ng mga pamilyang
OFW na tinatayang 23 milyon na noong 2017 (Philippine Statistics Authority).
Komunikasyon sa Social Media
Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay ang parami nang paraming
naiimbentong platform upang makipag-ugnayan. Ilan sa mga ito ay Facebook, Twitter,
Instagram, Youtube, at iba pa na ginagamit ng mga tao upang makapagdala ng mensahe
sa isa’t isa, magpaskil ng mga larawan, magpahayag ng mga larawan, magpahayag ng
mga sentimiyento, opinion o kuro, at magbenta at bumili ng mga produkto at iba’t iba pa.
Sa nakalipas na mga taon, patuloy ring pinalalawig ng management ng mga nasabing
online platforms ang usability ng kanilang mga application. Nagagamit na rin ang mga ito
upang tukuyin ang lokasyon ng mga kainan at tindahan.
Parami rin nang parami ang mga taong gumagamit ng mga nasabing social media
sites “A profile of Internet users in the Philippines.” Sa katunayan ayon sa Rappler, sa
taong 2015, tinatayang 47 milyong Pilipino ang aktibo sa Facebook pa lamang. Ayon sa
prehong ulat, itinuturing na pundamental na pangangailangan ng mga Pilipino ang
pagiging online. Ilan sa mga kapansin-pansing pamamaraan ng paggamit sa Facebook
ay propaganda o pagpapalaganap ng kaisipan tungkol sa isang paksa gaya ng
pagpapabango sa pangalan ng isang kandidato, pagsusulong ng interes ng nakararami
sa pamamagitan ng adbokasiya, pakikipagkaibigan, pagbuo ng mga grupo upang mas
mapabilis ang palitan ng impormasyon, panliligaw, pagbebenta ng produkto, at iba pa.

Social Media Platforms

Social Networking

Ito ay ginagamit ng mga websites para magkaroon ng impormal na komunikasyon


ang mga tao na may parehong interes sa loob ng isang grupo o networks.

Facebook – noong 2004 ay inilunsad ito ng grupo ni Mark Zuckerberg bilang isang
eksklusibong site para sa mga mag-aaral sa Harvard. Ito ang itinuring na pinakasikat at
pinakaginagamit sa lahat ng social media sites dahil sa simpleng pamamaraan ay
nahahanap at nakakausap ang mga taong nasa ibang lugar sa pamamagitan lamang ng
pag-add sa kanilang account.

Google+ - noong 1996 at itinatag ito nina Larry Page at Sergey Brin bilang hanguan ng
pangkalahatang kaalaman. Sa pamamagitan ng search engine nggoogle ay ginagamit

59
ito para humanap ng mga impormasyon at datos. Ginagamit ito sa paghahanap ng aklat,
balita, larawan, mapa at iba pa.

LinkedIn –Inilunsad ito ni Jeff Weiner noong 2009 upang gamitin sa paghahanap ng
impormasyon sa isang kumpanya at nais na trabaho.

Microblogging

Ang mga maiikling impormasyon at bagong datos sa isang social media site ay
inilalagay dito. Ang mga gumagamit ay maaring magsubscibe at magbigay ng pribado at
pampublikong mensahe. Nauso rin dito ang paggamit ng mga hashtags na naglalaman
ng iba-ibang paksa.

Twitter – ito ay itinatag nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone at Evan Williams bilang
isang instrumento ng komunikasyon sa mga tao sa pamamagitan ng pagfollow sa
kanilang account at paggamit ng hashtags na may kasamang opinion o kuru-kuro na
makikita ng ibang tao kapag hinanap nila ito sa search engine ng naturang social media
site.

Tumblr – ginagamit ito upang maglagay ng mga larawan, mensahe, bidyo, mga sipi sa
libro at audio na inilalagay sa kanilang blog na tumatalakay ng paksang nais nila. Ito ay
itinatag ni David Karp noong 2007 na nagmamay-ari ng Oath Inc.

Blogging (Paggamit ng mga Websites)

Ang mga sariling opinyon, artikulo at kwento tungkol sa nais na paksa ng mga
manunulat sa internet o blogger ay inilalagay dito.

Wordpress – ang WordPress Foundation ay binuo noong 2013. Ginagamit ito ngayon
upang lumikha ng bagong blog, website o aplikasyon na magagamit sa pagsulat ng
sariling paksa.

Blogger – lumilikha rin ito ng mga website at blog na katulad ng wordpress na malayang
nagagamit ng sinoman dahil hindi kailangan ng anomang code sap ag-install. Ito ay
sinimulang buuin ng Pyra Labs at pagmamay-ari ng Google noong 1999.

Pagbabahagi ng Larawan

Instagram – ito ay binuo nina Kevin Systrom, Mike Krieger at ng Facebook na ginagamit
ngayon sa pagbabahagi ng mga larawan at bidyo na makikita ng sinoman kung
nakapubliko ang account. Sa pamamagitan ng direktang mensahe ay maari na ring
makipag-usap sa ibang tao.

Flicker – maari ring magbahagi ng mga larawan at bidyo tulad ng Instagram. Ito ay binuo
nina Stewart Butterfield at Caterina Fake noong 2004.

60
Snapchat – ito ay ginagamit sa pagbabahagi ng larawan ng tao na nilalagyan ng filter
upang mabago ang panlabas na itsura ng tao. Ito ay binuo nina Evan Spiegel, Bobby
Murphy at Reggie Brown noong 2011.

Pinterest – ginagamit ito upang magbahagi ng mga larawan na may paksa upang
tumulong sa mga taong magbabasa nito. Halimbawa ng mga nilalaman nito ang mga tips
sa buhay, resipi, inspirasyon ng tao at iba pang ideya.

Pagbabahagi ng Bidyo

Youtube – may account man o wala ay maaring magbahagi ng mga bidyo na makikita
sa publiko. Kadalasang mga trailer ng mga papalabas na pelikula at kanta ang
mapapanood dito. Itinatag ito nina Jawed Karin, Chad Hurley at Steve Chen noong 2005.

Vimeo – ginagamit upang magbahagi ng bidyo partikular na ng mga maikling pelikulang


ipinagbibili ng vimeo at itinatag nina Jake Lodwick at Zach Klein noong 2004.
Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat
Ang ano man sa mga nabanggit na sitwasyong pangkomunikasyin ay
napapabilang sa dalawang kategorya: maliit at malaking pangkat. Ano mang tiyak na
sitwasyon ang kinasasangkutan, mainam na sagutin ang sumusunod na mga katanungan
upang magabayan at matiyak ang mabisang pakikipag-ugnay sa kapuwa.
1. Ano ang layunin ng komunikasyon?

Nagiging malayunin ang pakikipag-ugnayan kung natitiyak sa simula pa lamang


ang inaasahang outcome. Sa kaso ng mga worksyap at mga pagpupulong, mahalagang
malinaw ang tunguhin upang maging handa ang mga kalahok at upang maging handa
ang mga kalahok at upang maging mahusay ang paggamit sa oras, kagamitan at iba
pang resources.
2. Paano ang daloy ng impormasyon?

Maigi ring isaalang-alang ang daluyan ng komunikasyon. May mga sensitibong


mensahe na nagtatakda ng personal na iteraksyon. Mas nagiging mas mabili at matipid
naman ang pagpapalaganap ng mga hindi gaanong sensitibong mensahe kung ang
gagamiting daluyan ay gaya ng social media o malakihang kongreso o kompetensiya.
Kaugnay rin nito, mahalagang tukuyin kung sa paanong paraan ihahayag ang
impormasyon sa kausap-galit, pasigaw, malumanay, mabilis, pasulat, pasalita, at iba pa.
3. Sino at ilan ang mga kalahok?

Sa pagsasagawa ng mga komperensiya, maging video conference o malakihan,


Maging tukuyin ang kahandaan at antas ng mga kaalaman ng mga kalahok upang
matiyak na ang mensaheng ipararating ay malinaw na matatanggap. Gayon din ang kaso
sa pakikipag-usap sa mg akaibigan o kakilala, halimbawa na lamang ay kung

61
kasalukuyang may dinaramdam o pinagdaraanan ang kausap, maiging mas maging
maingat sa mga salitang gagamitin.

4. Gaano katagal ang dapat ilaang oras sa pakikipag-usap?

Mainam na tukuyin kung gaano kahaba o kaikli ang oras na ilalaan sa isang tiyak
na situwasyong pangkomunikasyon, lalo na kung pormal ang ugnayan. Isang halimbawa
nito ay ang mga lecture, lalo na kung ang mga kalahok ay mga teenager na pawang may
mas maikling attention span.
5. Nangangailangan ba ng materyales o kagamitan upang matiyak ang
epektibong komunikasyon?

Sa maraming pagkakataon gaya sa mga worksyap at seminar, gumagamit ang


mga tagapagsalita ng mga handout upang lalong mapagtibay ang pag-unawa sa
tinatalakay na paksa. Maigi ring itanong kung kailangan ba ng karagdagang kagamitan o
materyales gaya ng overhead projector, vide, flipchart, at iba pa upang lalong tumimo
ang diwa ng paksang tinatalakay.

62

You might also like