You are on page 1of 3

BICOL UNIVERSITY

COLLEGE OF AGRICULTURE AND FORESTRY

BACHELOR OF AGRICULTURAL TECHNOLOGY

NAKAPAGPAPAHAYAG NG SARILING KAISIPAN NA AKMA SA KONTEKSTONG FILIPINO.

Basahin at suriin ang mga sumusunod na resolusyon, petisyon at introduksiyon ng mga kilalang institusyon, samahan at
indibiduwal tungkol sa wika at edukasyon. Gumawa ng sariling pagtalakay at pagsusuri.

A. Resolusyon Upang Ituro sa Filipino ang Tatlong Asignaturang Pangkolehiyo sa Level ng Edukasyong Heneral (O.G.E.) ng
National Commission for Culture and the Arts.

B. Filipino, ang Pambansang Wikang Dapat Ipaglaban

C. Posisyong Papel ng Pambansang Samahan sa Lingguwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) Kaugnay ng Filipino sa
Kolehiyo

D. Petisyon sa Korte Suprema ng Tanggol Wika

MGA SAGOT:

A.)

NATIONAL COMMISION FOR CULTURE AND THE ART(NCCA)

Inalis ng Commission on Higher Education (CHED) ang lahat ng asignaturang Filipino sa antas tersiyarya sa pamamagitan
ng CHED Memorandum (CMO) No. 20, Series of 2013 na may petsang 28 Hunyo 2013 na nagsasaad ng bagong General
Education Curriculum (GEC). Humigit-kumulang 10,000 full-time at 20,000 part-time na guro ng Filipino ang nakatakdang
mawalan ng trabaho o mabawasan ng kita bunsod ng nasabing CMO. Mabubuwag ang maraming Departamento ng
Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa buong bansa dahil wala nang ituturong asignatura ang mga guro ng Filipino sa
antas tersiyarya. Higit pa sa kapakanan ng mga gurong nakatakdang mawalan ng trabaho o mabawasan ng kita, ito ay
labag sa Konstitusyong 1987 gaya ng isinasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 na dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon
at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Sa konteksto ng napipintong Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN) Integration, lumalaki ang pangangailangan na patibayin natin ang ating wikang pambansa upang
mapanatili nating buhay ang sariling identidad, gaya ng ginagawa ng ating mga kasama sa ASEAN, kaagapay ng
inaasahang integrasyong panrehiyon at puspusan lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon kung mananatili
sa antas tersiyarya ang asignaturang Filipino.

KAYA NGAYON, inspirado ng resolusyong pinagtibay ng National Commission for Culture and the Arts-National
Committee on Language and Translation (NCCA-NCLT) noong 23 Mayo 2014 sa Intramuros, Maynila, kami'y nakikiisa sa
pagpapahayag ng kahilingan sa CHED, Kongreso, at Senado na agarang magsagawa ng mga hakbang na kailangan upang
isama sa bagong GEC sa antas tersiyarya ang mandatory na 9 yunit ng asignaturang Filipino para sa lahat ng mag-aaral,
anuman ang kurso.

B.)

Ang Wikang Pambansa ay ang pagkakakilanlan ng isang bansa o lahi. “The square root of 4 is 2” dito na nauwi
ang usapin kung ano ang tatahaking landas ng ating wikang pambansa. Ito ay napakalalim na pinagmulan dahil ito ay
hindi basta-bastang wika o salita. Isang usapin ngayon ang pag-aalis ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng paaralan sa
kolehiyo. Mas magandang tingnan kung ang isang bata ay magaling magsalita ng Wikang Filipino kaysa sa Wikang Ingles.
Ito dapat ang pinagkakaabalahan ng mga aktibistang rehiyonalista ang pagyamanin ang kani-kanilang mga wika, kultura
at kamalayan kasabay ng pagtangkilik sa pagpalaganap ng isang wikang Pambansa. Sa ngayon ay maaari ang
dominanteng hulmahan ay ang Tagalog subalit bukas sa pagpasok ng iba pang mga wika upang ito ay mapagyaman at
mapayabong. Ang adbokasiya na ito ay naglalayon para kilalanin at mas lalo pang pahalagahan ang ating wika di lang
para sa kinabukasan ng bawat isa kundi upang magamit ng mga susunod na henerasyon. Ang wikang Filipino na siyang
pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang ginagamit sa lahat ng sulok ng bansa. Filipino ang wikang pambansang
dapat pang ipaglaban. Nasa atin ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay dahil
tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katotohanan kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa.
Gagamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo magpunta.
C.)

Paninindigan ng PSLLF na gamitin ang wikangFilipino bilang panturo sa kolehiyo at pagkakaroon ng mga
asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo.

Paninindigan na Filipino ang gamiting wikang panturo sa 12 yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC)
alinsunod sa patakarang bilinggwal sa edukasyon na ipinatupad sa pamamagitan ng Department Order No. 25, Series of
1974 ng Department of Education, Culture, and Sports (DECS). Iminumungkahi rin na palawakin pa ang saklaw ng
Filipinasasyon ng wikang panturo sa kolehiyo alinsunod sa ArtikuloXIV, Seksyon3 ng Konstitusyong1987. Nakahanda ang
PSLLF na tumulong sa CHED sa pagsasanay ng mga guro sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa iba’t

Ibang asignatura sa kolehiyo, at gayun din sapag likha at pagsasalinng mga materyales na panturo. Hinggil naman
sapagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo, sumusuporta sila sa pagkakaroon ng
9 na yunit ng asignaturang Filipino nama’y multi/interdisiplinaring disenyo. Nakahanda rin ang PSLLF natumulong sa
pagdidisenyo ng mga gayong asignatura. Ilan sa mga asignaturang Filipino na maaari ng ituro sa kolehiyo bilang core
course ang mga sumusunod:

1. Wikang Filipino Bilang Wikang Intelektwa lsa Agham Panlipunan

2.Humanidades

3. Agham

4. Teknolohiya; Panitikanat Lipunan; Mga Wika at Kulturang Pilipinas; at Mga Babasahin sa AralingPilipinas (Philippine
Studies).

Pagpapalakas ng wika at panitikang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon at paghahanda rin para sa ASEAN
Integration.

DEPARTMENT ORDER NO. 25, SERIES OF 1974 NG(DEC)

Ang Filipino at English ay dapat gamitin bilang medium of instruction, the use allocated to specific subjects in the
curriculum.

Iminumungkahi ng PSLLP na palawakin ang saklaw ng Filipinasyon

Ito ay alinsunod sa artikulo XIV, seksyon 3 ng konstitusyong 1987

Ang pagtibayin ng mga Pilipino ang sariling wika at panitikan dahil sa patuloy na globalisasyon at napipintong Association
of Southeast Asian Nations Integration.

D.)

( Nobyembre 12, 2018) ng mga tagapagtanggol ng wikang pambansa kaugnay ng desisyon ng Korte
Suprema hinggil sa mga petisyon laban sa mga negatibong implikasyon at legalidad ng CHED Memorandum
20 s2013. Ang CHED Memo 20 ang isang malawakang palisi na nagpapahina sa General Education Curriculum
(GEC) sa pamamagitan ng pagkaltas sa mga ispesipikong mahahalagang asignatura na naisalin sa pagbaba sa
kahingiang 36 units mula 63 units. Ang mga sumusunod:
1. Walang pagpapahalaga sa mga samahan at stakeholders na nagbitbit ng mga petisyon na naninindigan sa
mahahalagang usapin sa sistema ng edukasyon.
a. Wala pang pormal na kopya na nakukuha ang pitong grupo o petitioners sa Korte Suprema hinggil sa
pagkatig at CHED Memo 20 s.13. Isang ulat na Oktubre 9, 2018 pa ito napagtibay ng mga mahistrado

b. Kinonsolida sa isang blanket decision ang petisyon ng pitong mga grupo at kilusan na may malinaw at
komprehensibong argumento't patibay sa kani-kanilang petisyon na dumaan sa malawakang konsultasyon at
masusing pag-aaral
2. Kwestyunableng desisyon sa usaping
a: Prosidyural

Walang Public Hearing/Oral Arguments Bago Naglabas ng Desisyon


Lumipas ang halos apat na taon na maingay at sustenido ang pagkalampag ng stakeholders, mga samahang
pangwika at edukasyon hinggil sa paghiling na magsagawa ang Korte Suprema ng kinakailangang public
hearings o paglatag ng mga argumento ng mga petisyuner. Hindi ito malabis na kahilingan at bahagi ito ng
demokratikong proseso at o due process. Nagagawa ito sa mga legal petition na hinarap ng Korte Suprema at
sa mga petisyong relatibong di kasimbigat gaya ng usaping malaganap na pagbabago sa batayang edukasyon
at sa GEC
Nagkaso ang TANGGOL WIKA atbp. noong (Abril 15, 2015) na nakatala bilang G.R. No. 217451.
( Abril 21, 2015), naglatag ng detalye ng batayan ang Korte Suprema sa TRO nito laban sa pag-alis ng Wika at
Panitikan sa GEC.
Ipinahayag din ang ambag ng Panitikan at Philippine Government and Constitution sa pagpapalaganap ng
nasyunalismo.
Pagbawi sa mga naunang tagumpay at pagpapalakas ng kilusan sa pagtatanggol sa wika, panitikan at mga
usaping pambayan (kasama ang pagpapatupad ng K to 12) Sa iba't ibang antas,
nagkakaisa ang mga samahan at kilusan sa wikang pambansa/Filipino na nagsasalimbayan ang usapin at
ugnayan ng development/economic orientation ng bansa, sistema at usaping wika.
Sa proseso ng pagkatuto sa sapat at tumpak na kaisahan, patuloy ang pagsasabuhay ng mga kaisahang babawi
sa mga tagumpay ng legal na pakikitunggali at magpapatunay sa lakas ng mass movement. (Nobyembre 12)
ang black ribbon wearing-black cloth hanging sa kani-kanilang departamento at paaralan/unibersidad.
Magkatuwang ang malawak na protesta/people's outrage ang dramatikong paghahain ng Motion for
Reconsideration sa Korte Suprema.

You might also like