You are on page 1of 24

Aralin 1

Ang Pagtataguyod ng
Wikang Pambansa sa
Mas Mataas na Antas ng
Edukasyon at Lagpas Pa

Kyle Aris Dayvid D. Roño, MA Fil


Wikang Pambansa
• Opisyal na wika.
• Ito ang kasangkapang pambuklod ng mga
pangkat na may iba’t ibang sosyokultural at
linggwistikong background.
• Midyum sa pagtuturo sa mga institusyong
edukasyonal.
• Isang paraan ng komunikasyon sa
pambansang lebel para sa implementasyon
at development ng administrasyong
panggobyerno.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Sulyap sa Kasaysayan ng
Wikang Pambansa

TAGALOG PILIPINO FILIPINO

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Bilang isang mamamayang Pilipino,
paano mo napahahalagahan at
nagagamit ang wikang Filipino?

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Taong 1934, mainit na tinalakay sa
Kumbensyong Konstitusyonal ang pagpili sa
wikang pambansa.
• Nagkaroon ng probisyong pangwika na
nakasaad sa Saligang Batas 1935, Artikulo XIV,
Seksyon 3 na nagsasabing:
“Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa
isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi
itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang
siyang mananatiling opisyal na wika.”

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni
Pangulong Manuel Luis Quezon na ang wikang
Tagalog ang batayan ng Wikang Pambansa
base sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang
Pambansa sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 184.
a) Wika ng sentro ng pamahalaan
b) Wika ng sentro ng edukasyon
c) Wika ng sentro ng kalakalan at;
d) Wika ng nakararami at pinakadakilang
nasusulat na panitikan

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Noong Agosto 13, 1959 , pinalitan ang tawag sa
wikang pambansa. Mula sa Tagalog ay naging
Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran
Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang
Kalihim ng Edukasyon noon.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Nakasaad sa Konstitusyon 1987, Artikulo XIV, Seksyon
6 ang probisyong tungkol sa wika na nagsasabing:
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at
sa iba pang mga wika.”

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Ano-ano ang mga
pagsubok ang kinaharap
ng Filipino, bilang
wika at bilang
asignatura, sa mga
nakaraang taon hanggang
sa kasalukuyan?

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Ano ang kahalagahan ng
wikang Filipino sa
larangan ng edukasyon
sa Pilipinas?

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Ang Wikang Pambansa
at Edukasyon

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


BE Circular No. 71, s. 1939
• Ipinag-utos ng noo’y Kalihim Jorge Bocobo ng
Paturuang Bayan na gamitin ang mga
katutubong dayalekto bilang mga pantulong
na wikang panturo sa primarya simula taong
panuruan 1939-1940.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Executive Order No. 10
• Nagsasaad na ang wikang pambansa ay
ituturo sa lahat ng mataas na paaralang
pampubliko at pribado, kolehiyo at unibersidad
na agad magkakabisa simula taong panuruan
1944-1945.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Kautusang Pangkagawaran
Blg. 52, s. 1987
• Ang Filipino at Ingles ay gagamiting mga
midyum sa pagtuturo. Ituturo din ang dalawang
wika at gagamiting midyum ng pagtuturo sa
lahat ng antas ng edukasyon para matamo
ang bilingguwal na kahusayan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


CHED Memorandum
Order No. 59, s. 1996
• Sa animnapu’t tatlong (63) minimum na
kahingian ng General Education Curriculum
(GEC), siyam (9) na yunit ang inilaan sa Filipino
at siyam (9) din sa Ingles.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


CHED Memorandum
No. 20, s. 2013
• Dahil sa pagbabago ng sistema ng edukasyon,
sa seksyon 3 ng kautusang ito, ang GEC ay
bumaba sa tatlumpu’t anim (36) na yunit at
inalis ang Filipino bilang asignatura.
• Ang GEC ay maaaring ituro sa wikang Ingles at
Filipino.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


CHED Memorandum
No. 57, s. 2017
• Ito ay kautusang pagdaragdag ng
asignaturang Filipino sa lahat ng kurso sa
kolehiyo bilang bahagi ng GEC.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas
at sa iba pang mga wika.”

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Komisyon sa Wikang
Filipino o KWF
• Ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na
may katungkulang magsagawa ng mga
pananaliksik, paglilinang, pagpapalaganap, at
pagpapaunlad ng Filipino at iba pang wika sa
bansa.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Tanggol Wika o Alyansa ng mga
Tagapagtanggol ng Wika
• Isang organisasyon sa Pilipinas na itinatag
noong 2014 sa isang kapulungan ng mahigit 300
propesor, mag-aaral, manunulat at aktibistang
pangkultura sa Pamantasang De La Salle-
Manila, bilang tugon sa pag-aalis ng mga
dating mandatoryong asignaturang wikang
Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa
Pilipinas.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Pambansang Samahan sa
Linggwistika at Literaturang
Filipino o PSLLF
• Isang propesyonal na organisasyong
nagtataguyod ng mahusay na paggamit ng
wikang Filipino, pangunahin sa edukasyon at
pananaliksik.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Ang PSLLF ay isa rin sa mga kasaping-
organisasyong tagapagtatag ng Alyansa ng
mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
(Tanggol Wika) na nanguna sa matagumpay na
pakikibaka para mapanatili ang mga
asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Sa petisyon ng Tanggol Wika, layunin nito ang
mga sumusunod:
1. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang
Filipino sa bagong GEC sa kolehiyo;
2. Kumilos tungo sa pagrerebisa ang CMO 20;
3. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng
iba’t ibang asignatura, at;
4. Isulong ang makabayang edukasyon.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Isa rin ang National Commission for Culture and
Arts of the Philippines (NCCA) o Pambansang
Komisyon Para sa Kultura at mga Sining sa mga
organisasyon na nagtataguyod sa
kahalagahan ng wikang Filipino.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

You might also like